Kahit na si Dongfang Zhu ay hindi masyadong nasaktan pagkatapos siyang sipain dahil sa mayroong pagpipigil si Dongfang Qian, ang kasalukuyang Dongfang Zhu ay natuliro pa rin. Hindi niya ito maintindihan.
Hindi niya maintindihan kung bakit siya tinatrato nang ganoon ng kaniyang ama!
Gayunpaman, siya ay natuliro sa sumunod na sandali.
Habang siya ay tuliro, nawalan ng dugo ang nagulat niyang mukha.
Ito ay dahil isang 'di malilimutang eksena ang nangyari sa harap ng kaniyang mga mata.
Nakita niya...
Pong!
Kasabay ng isang malakas na tunog, si Clan Leader Dongfang Qian ng Dongfang Clan ay lumuhod, nakaluhod sa harap ni Duan Ling Tian pagkatapos ni Second Elder Qiu Zhi ng Qiu Clan.
Siya ay parang isang taga-sunod na nakayuko sa kaniyang amo!
"Aking... Aking panginoon... Pasensiya na sa katarantaduhan ng aking anak, paki-usap ay patawarin mo siya!!"