Masasabi ng isang tao na maganda ang swerte ni Duan Ling Tian.
Sakto lamang na ang elder na binanggit ni Liu Yun ay wala sa trabaho ngayon.
Matapos manghikayat ni Liu Yun, ang senior ng clan na iyon ni Liu Yun, isang 'di gaano katandang lalaki, ay agad itong pumayag, pumayag siyang dalhin si Duan Ling Tian sa Prison Hall upang makita si Gan Ru Yan.
"Salamat, Elder Liu Yu." Noong nakita niyang mabilis na pumayag ang 'di gaano katandang lalaki, agad na nagpasalamat si Duan Ling Tian.
Ngayon lamang, sa pagpapakilala ni Liu Yun, natutunan niya na rin na ang 'di gaano katandang lalaki na ito ay kilala bilang Liu Yu. Kahit na mukha siyang 'di gaano katandang lalaki, ka-edad na nito ang great-great-great-great grandfather ni Liu Yun. Talagang matanda na siya.
Bilang pinakamagaling na bata sa kasalukuyang Liu Clan, mataas ang tingin ni Liu Yu kay Liu Yun.