"Wen Yan, sigurado ka ba na nasa tama kang pag-iisip?" rinig ang malamig na tinig ni Duan Ling Tian sa tahimik na Fire Remuneration Palace ngayon.
Sa panahong iyon, ang lahat ng nasa Fire Remuneration Palace ay naramdaman ang amoy ng pulbura mula kay Duan Ling Tian at Wen Yan.
Ang amoy ng pulbura ay tumindi at maaaring sumabog anumang oras!
Sa mga tingin ni Duan Ling Tian na nakatuon sa kaniya na tila isa siyang mangmang, bukod sa kaniyang mga sinabi, hindi mapigilan ni Wen Yan ang kaniyang katawan na hindi manginig sa galit. Nagsimula nang mahalata sa kaniyang mukha at kaniyang mga mata ang galit. Ang galit na mula sa kaniyang puso ay nagsimulang tumaas at umabot sa kaniyang sukdulan!
Ngayon, matapos malaman na ang tao sa kaniyang harapan ay si Duan Ling Tian, ang unang pumasok sa kaniyang isipan ay ang pahirapan ito hanggang sa hilingin niya na mas mabuti na patayin nalang siya at gumapang umalis sa Fire Remuneration Palace.