Sigurados si Duan Ling Tian na ang mga ito ay na sa Imminent Saint Stage dahil ang kanilang aura ay katulad sa aura ng Vice Sect Leaders ng Moon Illumination Sect.
Ngayon na tumaas na ang cultivation ni Duan Ling Tian sa Paramount Saint Rudiment Stage, ang kaniyang pag-unawa ay naging mas matalas at masigasig.
Nakasisiguro siya na ang limang mga kalalakihan na ito ay sinusundan na sila simula pa lang nang lisanin nila ang Situ Clan.
'Huwag mong sabihin sa akin na sila ang lima sa labing walo ng Shadow Guards mula sa Situ Clan?' Nang maalala ni Duan Ling Tian ang ilan sa mga bagay na narinig niya habang nasa Situ Clan siya, espekulasiyon niya sa kaniyang isip.
Noong panahon na siya'y na sa Situ Clan pa, medyo narinig niya ang ilang sikreto ng angkan ng mga disipulo ng Situ Clan. Isa dito ay ang labing walo na Shadow Guards ng Situ Clan.
Sinasabing ang labing walong Shadow Guards ng Situ Clan ay karamihang na sa Imminent Saint Stage.