"Paano ito nangyari?!" Ang ngiti sa mukha ni Huang Cheng ay matagal nang nawala at ito ay napalitan ng isang madilim na ekspresyon. Hindi niya malaman kung bakit naging ganito ang resulta kahit na ilang oras niyang pag-isipan ito.
Sa lakas na mayroon siya, imposibleng hindi niya nadatnan ang mga pagkilos ni Feng Fan.
Halata kanina na ang atake ni Feng Fan ay tatama kay Duan Ling Tian.
Subalit, sa kritikal na sandali, umiwas ang atake ni Feng Fan nang bigla itong napunta sa gilid ni Duan Ling Tian. Tila ba sinadya niyang ihayag ang kaniyang sarili sa harap ni Duan Ling Tian pang mapatay siya.
Sa segundong ito, isang ideya ang lumitaw sa kaniyang isipan. Maaari bang nais nang mamatay ni Feng Fan?
Subalit, nagbago ang pagdaloy ng kaniyang pag-iisip, at pakiramdam niya na hindi ito posible.
Si Feng Fan ay isang powerhouse na Earth Ranking, at mayroong siyang magandang kinabukasan para sa kaniya. Paano siya makakaramdam ng pagkalugmok?