Sa mga hindi umalis ay sina Luo Ping at Zhang San, ang dalawang Vice Sect Leader.
Pagkatapos, naroon sina Lu Bai, Chen Shao Shuai, ang Gold Thug, at si Xiong Quan, at isa pang 'di gaano katandang lalaki na may kulay pilak na kasuotan.
"Li Si, hindi ka ba aalis?" Tumingin si Zhang San sa 'di gaano katandang lalaki na may kulay pilak na kasuotan at nagtanong sa gulat.
Dagdag sa pagiging dating kaibigan, si Li Si ay isa ring lubos na kahanga-hangang grade one alchemist. Kalalabas lamang niya mula sa isang tagong cultivation. Siya ay nagtungo sa Ling Tian Sect sa sandaling siya ay lumabas dahil inakit siya ng reputasyon ng sect.
Malamang, bahagi ng dahilan na sumali si Li Si sa Ling Tian Sect ay dahil din sa naroon siya.
Gayunpaman, sa palagay ni Zhang San, si Li Si ay 'di tulad ng ibang grade one alchemist at grade one weapon craftsment. Hindi siya nakatanggap ng anumang mga pabor mula sa Ling Tian Sect, kaya makatwiran lang kung siya ay aalis.