Muling nagsalita si Duan Ling Tian. Tinakot nito ang lahat ng naroroon, bukod kay Chai Bai at kaniyang disipulo.
Ano ba ang ginagawa ng Duan Ling Tian na ito?!
Bukod kay Huang Daniu na mukhang malalim ang iniisip at si Nangong Chen na mukha pa rin nakahiwalay, ang walo pang diispulo mula sa Five Element, kasama si Nangong Yi, ay nakaramdam ng takot pababa mula sa kanilang mga ulo.
Malinaw na nabigla silang lahat dahil sa mga sinabi ni Duan Ling Tian.
Kahit si Nangong Yi, ang matuwid na direktang disipulo ng Sect Leader ng Five Element Sect ay walang lakas ng loob na galitin si Cha Bai, ang Peak Master ng Fire Peak.
"Duan Ling Tian, mapupunta ka sa impyerno!" Matapos galitin ng ilang beses ni Duan Ling Tian, si Cha Bai na galit na galot na ay mayroong seryosong ekspresyon. Ang kaniyang mga mata ay nakakatakot sa lamig na para bang lalamunin niya ang isang tao.