"Dong Ming, kinukwestyon mo ba ako?" Bumagsak ang mukha ni Dong Ming nang marinig si Elder Hu.
"Hindi iyon ang ipanararating ko… Nais ko lang kayong palalahanan si Elder Hu na kung hindi dahil sa akin, imposible para sa inyong makapasok sa Sword Monarch's Treasure." Muling nagsalita si Dong Ming.
Ang kanyang mga salota ay naglalahad ng iisang kahulugan: Kung hindi dahil sa pagtataglay ko ng susi sa Sword Monarch's Treasure, at kung hindi kita isinama, magiging napakaimposible para sa iyo na magkaroon ng hati sa Sword Monarch's Treasure.
Mas naging madilim ang ekspresyon ni Elder Hu dahil sa mga sinabi ni Dong Ming.
Sa sandaling iyon, nais niyang mag-apoy sa galit.
Ngunit nang ang kanyang paningin ay hindi sinasadyang madaanan ang dalawang taong nasa lupa na kalmadong nakatingin sa kaniya at Dong Ming, wala siyang magawa kung hindi pigilan ang kanyang galit.
Huminga siya nang malalim at hindi direktang ipinakita ang pagpapanggap kay Dong Ming.