Itinaas ni Duan Ling Tian ang kanyang ulo at tumingin sa nagmamay-ari ng napakalakas na Spiritual Force.
Ito ay isang matandang lalaki na nasa berdeng pananamit, ang kanyang katawan at mukha ay payat, ngunit ang kanyang mga mata ay punong puno ng sigla at kumikislap na may halong liwanag.
Sa kasalukuyan, ang tingin ng matandang lalaki ay nakatutok kay Duan Ling Tian ay ang kanyang mga kilay ay nakakunot.
"Guild Master." Samantala, ang magandag babae ay pumasok sa likod ni Duan Ling Tian ay magalang na sinabi. "Gusto kang makita ng bisitang ito."
"Makita ako?" Ang ang matandang lalaki na nakadamit ng berde ay kumunot ang kilay, at sinabi sa hindi masayang ekspresyon at mababang boses, "Unang araw mo ba sa Weapons Craftsmen Guild? Diba sinabi ko kailan lang na huwag magdala ng kung sino-sinong tao dito?"
Ang magandang babae ay mapait na ngumiti, at hindi siya nasorpresa sa reaksyon ng matandang lalaki.