Nandilim ang muhka ni Zha Mu ng marinig niya ang banta ng Ambassador ng Sun Ascent Kingdom. Madali niyang ibinalik ang kamay upang sunggaban ang kanyang tagiliran na para bang isang suntok ng kidlat, kung saan maaari niyang ilabas ang nakalupkop niyang Spirit Saber.
Ngunit siya ba ay aabot sa oras?
"Hmph!" Nang sandaling inilabas ni Zha Mu ang kanyang kamay, ang manggas ni Xiao Yu ay muling pinahaba at mabilis itong umiwas, bago nailabas ni Zha Mu ang kanyang sandata, parang isang anino na sumunod kay Zha Mu upang basagin ang kanyang katawan na para bang alam na ito ay kanyang gagawin.
"Ah!!" Ang matinis na sigaw na kasabay ng pag iyak ni Zha Mu ang pumigil sa mga buto niyang nasisira, at siya ay nahulog sa lupa sa nakalulumong estado.
Matapos niyang mahulog sa lupa, ang malubhang kirot ay naging dahilan upang si Zha Mu ay gumulong sa paligid habang ang malamig na pawis ay dumaloy mula sa kanyang katawan.
Xiao Yu, nagwagi!