Kahit na sinabi ni Ye Xiao Bei na wala nang kailangang gawin si Duan Ling Tian para sa Jade Magnolia Trading Company, ngunit katulad nga ng madalas na kasabihan, nabubulag ng mga regalo ang mata.
Sa sandaling kuhain niya ang pera ng Jade Magnolia Trading Company at naging kanilang Honored Elder, pagkatapos ay base sa kanyang katangian, siguruadong hindi na siya pagbabantayan kapag nakatagpong muli ang Jade Magnolia Trading Company sa susunod.
Kaya, pinili ni Duan Ling Tian na tumanggi.
Alam niya kanina sa kanyang puso na sa sandaling tumango siya sa imbitasyon ni Ye Xiao Bei, walang dudang magdadala siya ng isang responsibilidad.
Ayaw niyang magdala ng ganoong responsibilidad para lamang sa pera.
At saka pansamantalang hindi siya kulang sa pero. Kahit na siya ay kulang sa pera, marami siyang iba pang paraan upang kumita ng pera.