Matapos lumabas ng Divine Might Marquis Estate, tumingin si Duan Ling Tian kay Zhang Qian at Zhao Gang. "Mayroon na ba kayong mga asawa?"
Tumango silang dalawa, at isang ngiti ng sigla at kasiyahan ang lumitaw sa kanilang mga mukha, dahil halatang naisip nila ang kanilang mga maybahay.
Nalaman ni Duan Ling Tian mula sa kanila na ang kanilang mga pamilya ay nakatira sa loob ng Divine Might Marquis Estate.
Matapos iuwi ang dalawa, ipinatawag ni Duan Ling Tian ang kaniyang tagapamahala, si Jing Ru. "Jing Ru, sabihin mo sa dalawang tagapagsilbing babae na maglinis ng dalawang kwarto para sa kanila."
"Opo, Young Master." Matapos umalis ni Jing Ru, tumingin si Duan Ling Tian kay Zhang Qian at Zhao Gang ng mayroong seryosong ekspresyon. "Bukod sa akin, kayong dalawa, at mga taong nakatira rito, kahit na ang Divine Might Marquis ay hindi dapat malaman ang lokasyon ng bahay na ito… Naiintindihan niyo?"