Itinaas ni Duan Ling Tian ang kaniyang ulo upang tingnan ang kalangitan sa gabi, at ang malawak, at puno ng bituing kalangitan ang umaninag sa kaniyang mga mata.
"Ang hanay ng mga bituin na ito ay marahil maraming planeta, tama? Ayon sa alaala ng Rebirth Martial Emperor, ang Cloud Continent ay malawak at walang hangganan…. At sa dulo ng bawat direksyon ng kalupaan ay isang malawak na karagatan, kung saan ang laki ng karagatan ay walang hanggan."
"Ang Rebirth Martial Emperor ay minsang naglayag sa dagat, ninais na hanapin ang dulo nito, ngunit sa huli ay napansin niyang ang walang hanggang katagatan ay tila walang dulo, nag-alala siyang baka mawala siya at hindi na nagpatuloy pa…" Isang bahagi ng alaala ng Rebirth Martial Emperor ang dumaan sa isip ni Duan Ling Tian.
Sa madaling salita, ang Rebirth Martial Emperor ay hindi na naglakbay pa nang mas malalim sa malawak na mundong ito.