"Mabuti… napakabuti, maghintay ka lamang." Kahit na ang nangungunang binata ay galit na galit at walang ibang gusto kung hindi pabagsakin ang limang bagong istudyante sa harap niya, hindi pa rin siya nangahas na gumawa ng kilos sa loob ng cafeteria.
Ang cafeteria na ito ay negosyo ng Vice Dean ng Paladin Academy, at ang mga tagasilbi sa loob ng cafeteria ay ang mga mata at tenga ng Vice Dean. Ibig sabihin, kung aatakihin niya ang sinuman sa loob ng cafeteria, kahit na suwertehin siyang hindi mamatay, haharap pa rin siya sa isang matinding kaparusahan! maari pa siyang maalis sa Paladin Academy!
Sa Paladin Academy, halos hindi ipinapakita ng Dean ang kaniyang mukha. Kahit na sa mga istudyanteng Grade 6, kaunti pa lamang ang nakakita ng personal sa Dean, at madalas ang dalawang Vice Deans ang namamahala.. Ang mga Vice Deans ang mayroong buong awtoridad!