"Sobrang busog!"
Dumighay si Duan Ling Tian at hinayaan ang sarili na sundan ang bigat at humiga bago pagkrusin ang kaniyang mga binti, at tumingin sa kalangitan ng gabi.
Isang linya ng nakasisilaw at nagniningning na mga bituin ang lumitaw sa langit.
"Luo Cheng, naubos ko na ang tatlong piraso ng karne, ngunit hindi mo pa nauubos ang isa. Matuto ka sakin; ganito dapat ang isang lalaki." Sermon ni Meng Quan.
Tumawa si Xiao Yu at sinabi, "Meng Quan, ang ginagawa mo ay paglagok nang hindi ninanamnam ang kahit ano."
"Ikaw! Hindi mo ba nakita na mas mabilis kumain sa akin si Duan Ling Tian?" sabi ni Meng Quan.
"Meng Quan, hinihila mo pa talaga ang pangalan ko sa putikan kasama mo," hindi mapigilan ni Duan Ling Tian ang sarili na mantukso.