Ang mga Lord dynasties ay iba sa mga bansa lamang. Mas mataas sila sa mga pamilya, clans at nakukuha nila ang mga kalapit na kayamanan, at sila ay mga divine entities.
Ang pinuno sa Great Gan Lord Dynasty - Great Gan Sacred Emperor - ay minsan nang natalo ang milyong nilalang at naging dahilan upang mag kulay mula ang ang kalangitan. Maging ang mga two-star at three-star forces ay napagyayanig ng Lord Dynasty.
Ayon sa batas ng lord dynasty, walang ibang lord dynasty ang maaaring mabuo sa kanilang teritoryo.
Ang Ten Thousand Sacred Clan ay kontrol ng Great Gan Lord Dynasty.
Ang misyon na ito… tila hindi ang clan ang bumuo nito. Sa halip, mula ito sa Great Gan Lord Dynasty. Alam ni Zhao Feng kung ano ang ibig sabihin nito. Ang Tianfeng Great Island Zone ay may mga pwersa mula sa Great Gan Lord Dynasty - ang Duke Palace.
Ang Duke Palace ay pagmmay-ari ng isang duke na kamag-anak ng Great Gan imperials, at sila ang may kontrol sa lugar sa palibot ng Tianfeng Great Island Zone. Ang mga resources sa lugar na ito ay kaya ng talunin ang mayroon ang Tianlu Island Zone at Azure Green Island Zone.
"Narito na ba ang lahat? Magtatawag na ako ng pangalan." Isang makapangyarihang aura ang dumaloy mula sa namumunong elder na nakaputing roba.
Ang elder na nakaputing roba ay hindi pamilyar kung saan sila mahusay. Noong binanggit niya ang pangalang "Zhao Feng," bahagya siyang natigilan.
"Mahusay ako sa pagpapa-amo ng halimaw," naglakad si Zhao Feng at bahagyang hinaplos ang balahibo ng munting pusang magnanakaw at sumagot sa simpleng tono.
Mayroong kakaibang ekspresyon ang elder na nakaputing roba. Ang batang ito na True Mystic Rank ay walang tanda nang respeto o sindak sa Great Origin Core Realm Sovereign Lord.
Sa kabilang banda, isang kalamigan ang nakita sa mata ng Senior Brother Guang.
Zhao Feng, ito ng iyong huling misyon. Tinago ni Senior Martial Brother Guang ang kanyang emosyon habang nagsimula siyang maglakad palapit kay Wan Rong na katabi ni Zhao Feng.
Gusto niya ang maganda at tahimik na babaeng ito. Noon, bahagya niya nang nakuha ang tiwala nito. Gayunpaman napansin niya na malapit si Zhao Feng at Senior Martial Sister Wan Rong; mas madalas ngumiti si Wan Rong sa harap ni Zhao Feng.
Tarantadong 'to, hahayaan kiyang magyabang nang ilang araw… hindi na nasisiyahan si Senior Martial Brother Guang.
Hindi nagtagal at nagtungo na ang grupo sa limitless ocean ship at nilisan na ang Tianfeng Great Island Zone.
Lumingon si Zhao Feng sa kulay lilang bula na nakapalinot sa great ialand zone habanag papasok siya sa limitless ocean. Nakikita niya ang balangkas ng ilog at bundok.
Ang island zone ay nangangailangan na lima hanggang sampung beses na mas malaki sa normal na island zone bago matawag na "great island zone," kailangan rin na maayos ang kapaligiran.
Napagtanto rin ni Zhao Feng na kapag mas malapit ka sa continent zone, mas makapal at mas marami ang Heaven Earth Yuan Qi. Maging ang presyur mula sa hangin ay bahagyang mas malakas. Ibig sabihin nito ay kung may kakayahan ka na sirain ang siyudad sa Cang Ocean, isang nayon lamang ang kaya nilang sirain sa continent zone.
Mabilis ang limitless ocean ship; malapit na ito sa bilis ng ghost ship. Halatang mas lamang ang Great Gan Lord Dynasty sa Cang Ocean.
Makalipas ang tatlong araw, ang barko ay pumasok na sa island zone na katulad ng Azure Flower Continent na mayroong kaunting Yuan Qi.
"Ito ang Empty Zone. Lahat kayo… maghanda na kayong lumaban!" Sumigaw ang Elder na nakaputing roba.
Minulat ni Zhao Feng ang kanyang mata at tumigil sa pag cultivate.
Sa mga nakaraang araw, ang kanyang cultivation ay umabot na sa True Mystic Rank, at malapit na siyang maka aabot sa True Lord Rank. Masaya si Zhao Feng sa kanyang progreso.
Whoosh!
Ang barko ay dumaan sa harang na nagdulot upang magtalsikan ang kisap.
Ang island zone ay lubhang katulad ng Azure Flower Continent. Bumuntong-hininga si Zhao Feng.
Ayon sa kanyang kaalaman, ang Empty Zone ang hangganan ng Tianfeng Great Island Zone. Lubhang magulo ang island zone na ito, at walang may pakialam sa lugar na ito. Higit sa lahat, ang kontrol ng Great Gan Lord Dynasty sa limitless ocean ay hindi kasing lakas noon. Halimabawa, walang magagawa ang Great Gan Lord Dynasty sa Cang Ocean.
Makalipas ang dalawang oras, may isang palasyo ang lumitaw.
"Patayin ang lahat sa palasyo at anumang True Spirit Realms na tatakas," utos ng elder na nakaputing roba.
Sa sandaling nasabi niya ng kanyang uto malakas na pagsabog ang kanilang narinig.
Boom~~~~!
Isang Eart-grade axe ang nagmula sa hangin ang tumama sa palasyo. Sa isang sandali lamang, ang palasyo ay naging isang patag na lupa. Ang syudad kung nasaan ang palasyo ay natamaan din ng shockwave, at nagsimulang mag hiyawan ang mga tao.
Lahat ng Origin Core Realm at True Lord Rank experts sa capital ay gumanti nang atake habang namumula ang mga mata. Upang makabuo ng dysnasty, ibig sabihin ay hindi sila mahina.
Gayunpaman, ang kasalukuyang grupo na umaatake sa kanila ay pinamumunuan ng Origin Core Realm Sovereign Lords, at ang mga Sovereign Lords ay kumpleto ng earth-grade weapons. Higit pa rito, ang kalakasan ng mga cultivators na nasa peak two-star ay madaling natalo ang mga pinanganak sa maliit na islang ito kahit na parehas lamang sila ng cultivation.
Ang labanan ay nagsimula. Sa una, kayang makaganti ng atake ang lord dynasty, ngunit sa huli, natalo pa rin sila.
"Ang lord dynasty sa Azure Flower Country ay marahil ganito rin kadaling natalo," bulong ni Zhao Feng.
Responsable siya para sa mga True Spirit Realms na tumatakas.
"Lahat kayo ay mga palaka na nasa ibabaw ng balon pero naglakas-loob kayong nakawin ang lugar na ito sa Great Gan Lord Dynasty!?"
Lubhang malakas ang battle power ng Elder na naka puting roba, at pinatay niya ang dalawang Origin Core Realm. Sa sandaling ito, may ilang mga Origin Core Realm na inaatake siya, ngunit lahat sila ay npapaatras niya. Habang nakikipaglaban, ang elder na nakaputing roba ay nag-utos na habulin ang mga taong tumatakas.
Ang grupo ni Zhao Feng, Senior Martial Sister Wan Rong at mga True Spirit Realms ang responsable sa pagpatay sa mga mahihinang tao.
Sa proyekayon ng ilang eksperto, ilan sa mga native imperials ang nakapagtago sa ligtas na lugar.
Si Zhao Feng ang isa s mga responsable sa paghabol sa mga tumatakas na imperials. Ang mga imperials aybkung hindi nakikipaglaban at namamatay ay lumuluhod at nagmamakaawang buhayin sila.
Hindi pinapatay ni Zhao Feng ang mga sumusuko. Sa katotohanan, qalang tama o mali. Nasa magkabilang panig lamang sila.
Ang isang bundok ay hindi maaring magkatoon ng salawang tigre, at ang Great Gan Lord Dynasty ay hindi kayang hayaan na may lord dynasty na lumitaw sa kanyang teritoryo.
Sa isang sandali:
"Mag-ingat kayo! Ambush!"
Lumingon si Zhao Feng sa canyon at bigla siyang nakarinig ng mga iyakan mula sa miyembro ng ng kalapit na clan.
"Argh! Arghhhhh!"
Isang Origin Core Realm at ilang mga True Spirit Realm ang namatay.
Sino iyon? Nanliit ang mata ni Zhao Feng kasabay ng kanyqng pagtayo sa likod ng Yinming Bird.
"Zhao Feng, sarili mo lamang ang maaari mong sisihin dahil nakatayo ka lamang diyan. Ngayon ang araw na mamamatay ka," isang garalgal na boses ang narinig kasabay ng isang maliit at nakamaskarang elder ang lumabas. Mayroon pa ring dugo ang kanyang Eart-grade dagger.
Maliban dito, mayroon pang karagdagang pitong makapangyarihan auras. Ang pinaka mahina sa kanila ay lat-stage Origin Core Realm. Ang grupong ito ah naka itim na roba at maskara.
"Dalawang Sovereign Lords at anim na Sovereigns. Mukhang mataas ang tingin sa akin ng Yin family," pang-aasar ni Zhao Feng. Hindi nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng kahit maraming tao ang nasa kanyang harapan.
Ang senaryong ito ay naging dahilan upang maghinala at mag ingat ang maliit na elder.
"Bata, nagpapanggap ka pa rin na malakas kahit na malapit ka nang mamatay?" Isang malamig na boses mula sa babae ang nagsalita. Ito ay mula sa payat na babaeng naka itim na roba, at maitim na apoy ang nakapalibot sa kanya. Nacultivte niya ang ilang bihirang elements of Death and Soul, at ang kanyang tingin ay nakatuon sa Yinming Bird.
Halatang lahat ito ay planado.
Mukhang may mga espiya mula sa grupo upang makapag ambush ang Yin family nang ganoon katiyak, naisip ni Zhao Feng, ngunit alam niya na kung sino ang espiya.
Hindi maghihinala ang clan kung mamamatay si Zhao Feng sa misyon. Maaaring sabihin nila na ang mga katutubo ang may gawa.
"Upang masigurado na ang maiksi lamang ang gabi, patayin na siya!" Ang maliit na Great Origin Core Realm ay hinawakan ang kanyang Earth-Grade dagger at naglaho sa dilim.
Shu~~
Ang cold Intent ay tumama sa dantian ni Zhao Feng. Mahusay ang maliit na elder sa pagpatay.
Gayunpaman, ang kanyang pigura aynagad na nanigas noong ang Earth-grade dagger ay mapalapit kay Zhao Feng.
Shua!
Isang misteryosong dark dagger ang tumama sa ulo ng elder.
"Paano…?" Nanigas ang maliit na elder kasabay nang pagtulo ng kanyang dugo sa sahig. Ang pumatay sa kanya ay mahusay din sa pagpatay. Ngunit, higit na mas mahusay ito kaysa sa kanya.
Miao miao!
Isang silver-gray na pusa ang lumitaw sa tabi ng maliit na elder at naging isang dark silver light sa bilis.
Shu! Shu! Shu!
Isang madugong butas ang lumitaw sa bawat dibdib ng malapit na Origin Core Realm experts.
Sa huli, tanging ang payat na babae na lamang ng natira. Ang mata ng babaeng ito ay puno ng takot, at ang kanyang likod ay malamig na pinagpapawisan. Halatang nagulat siya sa munting pusang magnanakaw.
Aatake na sana si Zhao Feng noong narinig niya bigla ang tunog nang paglipad.
"Young Master Zhao Feng, magtiis ka pa nang kaunti! Narito kami upang iligtas ka~~~~!"
Ilang mga Origin Core Realm auras ang nagsimulang lumapit. Ang pinuno ay isang elder na naka kulay abong roba na nakaabot sa Great Origin Core Realm. May hawak siyang Earht-grade na espadang na tumama patungo sa payat na babae.
Iiwas pa lamang ang babae, ngunit umatake si Zhao Feng gamit ang palad. Ang kanyang palad ay tila may mahika kasabay nang paglitaw ng misty illusion.
Boom! Bam!
Ang babae ay hindi nakagalaw noong nagsama ang atake ni Zhao Feng at ng elder na nakakulay abong roba na pumatay sa kanya.
Whoosh! Whoosh! Whoosh!
Ang elder at ilang mga Origin Core Realm ang lumitaw.
"Zhao Feng, mabuti na lamang at maayos ka." Huminga nang malalim ang elder kasbay nang pagpunas niya ng pawis sa kanyang noo.
Ang mga taong ito ay elders mula s Zhao Family. Nakatanggap sila ng impormasyon at dumating sila upang iligtas si Zhao Feng.
"Elders at Uncles, tamang-tama ang dating niyo," abagal na saad ni Zhao Feng.
Miao miao!
Ang munging magnanakaw na kuing ay naupo sa kanyang balikat na mayroong pangahhamak na ekspresyon.
Hindi mapigilan ng elder at mga kasamahan niya na pagpawisan, at may naiilang silang ekspresyon. Kung hindi dahil sa munting pusang magnanakaw, maaring bangkay na lamang ni Zhao Feng ang nadatnan nila.
"Ito ang Senior Thieving Cat, na natagpuan ko ilang buwan na ang nakalilipas," saad ni Zhao Feng.
"Pagbati sa Senior Thieving Cat."
Ang elder at ang mga kasamahan nito ay may taimtim na ekspresyon. Ang pusang ito ay madaling pinatay ang mga eksperto mula sa Yin family, kabilang na ang Great Origin Core Realm Sovereign Lord.
May kaaya-ayang ekspresyon ang munting pusang magnanakaw habang umaakto itong Senior. Nagulat ang mga elders mula sa Zhao family.
"Zhao Feng, hindi ko inaasahan na makakatagpo ka nang ganoong swerte. Sa tulong ng Senior Thieving Cat, hindi na kami mag-aalala sa kaligtasan mo," saad ng elder.
Matapos ang ilang sandali, biglang nabaligtad ang kanyang mga salita; "Zhao Feng, dumating ako upang kausapin ka tungkol sa isang bagay. Sana ay handa ka na."
"Oh? Ano iyon?"
"Ehem ehem… tungkol ito sa kasal niyo ni Lady Shui'er."