"Emperor Intent!"
Walang kibong nakatayo si Zhao Feng habang hina-hampas ng hangin ang kanyang buhok sa iba't ibang direksyon.
Ang mga ulap sa kanyang itaas ay tumawag ng isang kidlat na bumaba sa earth, at ang kaniyang Purple Soul Sea ay naging puro at buo. Ang kaniyang mental energy ay tila bang nagsamang Heaven at Earth at ang mga batas nito ay mas naging malinaw.
Ito ang peak Void God Realm, ang lebel ng kaluluwa. Dito, narating na ng kaluluwa ang kabuuan. Kung ang kaluluwa ng normal King ay bato, ang kaluluwa naman ng Emperor ay kristal. Lahat nang bilang ng kaluluwa ay walang masyadong pinagkaiba ngunit may malaking diperensya ay sa kalidad nito.
Sa puntong ito, ang pag dating ng bagong Emperor Intent ay ang naging sanhi ng pagkakaroon ng pagkawala ng malawakang pagdidilim ng langit sa Sky Sacred Qin Palace.
"Emperor Intent…!" Ang saya at respeto kay Zhao Feng ay bakas sa mga mata ng Palace Master at Li Xueyi.
Ibig sabihin lamang nito ay wala silang balak makipaglaban sa pagiging Emperor. Sa loob ng sampung taon, si Zhao Feng ang magiging emperor ng Cang Ocean.
Makalipas ang ilang daang taon, may bago ng emperor ang Cang Ocean at kailangang walang kaalam tungkol dahil ang pagsisilang sa bagong emperor ay maaring magdulot ng pagbabago kahit saan.
"Sa aking palagay, hindi ko siya kayang pigilan…" at sa wakas ay naging kalmado ay mukha ng Emperor of Death.
"Emperor of Death… sinong nakakaalam kung sinong mamatay at sa kaninong kamay ito mawawalan ng buhay?!" puno ng kumpyansa at giyera ang mga mata ni Zhao Feng.
Pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita, itinaas niya ang kanyang kamay sa langit na may nag-aalab na ambon ng kumikinang ng ginto.
Hu~~
Isang nag-aalab na Wind Lightning ang para bang sumakop sa kalangitan na tumama patungo sa Emperor of Death.
Ang Emperor of Death ay nagngangalit habang ang Death Forcefield naman ay nagsimula nang umikot ng umikot at sanhi nabuo ang wave of Death na naging sanhi nang pagkabura sa anumang madaanan nito.
Bam! Boom~~~~
Ang mga malalapit na bundok ay tila ba naglaho sa hangin.
Peng!
Ang nagliliyab na Wind Lightning Claw ay nagsimula ng manghina bunga nang pag-atake ng wave of Death. May natitira nalamang itong apatnapung porsyento ng kanyang lakas sa habang papalapit sa Emperor of Death.
Inilabas ng Emperor of Death ang kanyang Intent at isang sticky dark dimension of Death ang biglang lumitaw.
Crack!
Ang Imperial Power ni Zhao Feng ay biglang nilamon.
"Ito ang Domain of Death, na maaaring tawaging small Little World!" Sigaw ng Demigod.
Naramdaman ni Zhao Feng ang pwersa ng walang kapantay na Little World. Ito ay mas higit na malakas kaysa sa normal na spatial domains.
"Scarlet Destruction Exploding Fist!"
Si Zhao Feng ay nasa isang ganap na bagong antas na at ang kanyang tatlong domain ay nakasalansan sasa Emperor of Death's Little World.
Ang pagkakaroon ng Emperor Intent ay hinahayaan ang Zhao Feng's Scarlet Destruction Wind na maging mas malakas at maari rin nitong pahintulutan ang tatlong spatial dimensions na mas maging panlupa.
Ang tatlong domains ay sumisimbolo ng kanyang soul, bloodline, at techinique na kung pinagsama sa golden punch at pakawalan sa gitna ng storm of ice and illusions.
Ta!
Ang batang Demigod ay nagniningning ng gintong liwanag na kalaunan ay naging buddha at ginamit nya ang kanyang Heaven Sealing Eighteen Palms upang kitilin ang Emperor of Death.
Ang pinagsamang pwersa ng dalawa ay umabot sa isang bagong lebel na kayang itulak pabalik ang mga normal Emperors.
Boom! Boom! Bam!
Itinuro ng Emperor of Death ang kanyang daliri at isang ipo-ipo ang namumuo mula sa kapangyarihan ng Little World of Death. Ito ay tulad ng kalaliman ng kayang balutin ang anumang kapangyarihan. Ang mga atake ng batang Demigod at ni Zhao Feng ay tila ba nanahimik na para bang mga batong lumulubog sa karagatan.
Isang kakaibang tunog ng Shuuu~~~! Simpleng itinuro lamang ng Emperor of Death ang kanyang daliri na nagdulot ng bahagyang pagyanig ng kalawakan. Ang kanya namang Little World of Death ay kumulog sa direksyon ni Zhao Feng at ng batang Demigod. Napipigilan ng pwersa sina Zhao Feng at ang batang Demigod at nabalutan ng lamig ang kanilang katawan.
"Hindi ito maganda!"
Ang dalawa ay sininok nang makaramdam ng takot mula sa humihigop na pwersa ng Little World of Death. Ang lahat ng lifeforce at essences ay nahigop at nawala. Naramdaman nina Zhao Feng at ang batang Demigod na tila sila ay unti-unting namamatay.
"Arghhh!" Karamihan sa mga miyembro ng Sky Sacred Qin Palace ay nasa loob ng protective array ay naging tambakan ng mga puting buto.
Lightning Wings Flying Technique!
Kinuha ni Zhao Feng ang batang Demigod, at sa isang kisapmata, mabilisang lumayo ng ilang daang metro mula rito. Kung hindi lamang dating Emperor Intent si Zhao Feng, marahil hindi ito makaklipad ng ganon kabilis at kalayo habang bitbit ang batang Demigod.
"At sa tingin mo ay saan ka pupunta?" Ang Emperor of Death ay tila naging shadow of Death habang lumalapit siya sa dalawa.
Whoosh! Whoosh!
Sa kisap lamang ng mga mata, ang tatlo ay umalis na sa inland at narating ang lugar sa labas.
Ang nakikita ng mga yaong nasa Sky Sacred Qin Palace a tanging dalawang kislap lamang ng liwanag sa kalangitan at bigla nalamang nawawala. Tanging ang Palace Master ang may kakayahan upang gamitin ang Divine Sense upang makita ang nangyayaring labanan sa walang hanggang karagatan.
Isang pares ng mga pakpak ang nabuo sa likuran ni Zhao Feng. Ang pares ng pakpak na ito ay para bang nanggaling sa ancient bird of Lightning na kung saan maaaring makita ang balangkas ng buto mula rito.
Shua!
Ang scarlet-red-colored lightning ay sina Zhao Feng at ang batang Demigod.
"Ang Emperor of Death ay ganito kabilis?" Nawari ni Zhao Feng na nakakahabol na sa kanila ang Emperor of Death.
Kailangan nilang malaman na higit na mas mabilis si Zhao Feng kaysa sa sa mga Void God Realm Emperors dahil nadadagdagan ang kanyang Intent na umintindi ng core essence ng Wings of Wind and Lightning.
"Master, hindi natin kayang talunin ang Emperor of Death sa ngayon," sabi ng batang Demigod.
Nagningning ang mga mata ni Zhao Feng ngunit hindi rin sumalungat. Simula't sapul, madaling nasugpo ng Emperor of Death ang buong Sky Sacred Qin Palace. Lahat ng kanyang aspeto ay nakarating sa mga limitasyon ng isang Emperor.
Kahit papaano, hindi pa rin naiisip ni Zhao Feng kung paano labanan ang Emperor of Death's Immortal Death Body. Isa lamang ito sa katotohanan na ang Emperor of Death ay hindi matatalo. Sumatutal, si Zhao Feng at ang batang Demigod ay hindi kayang labanan ang Emperor of Death's Death Forcefield o ang kanyang Little World.
Masyadong malakas ang Emperor of Death, siguradong matatalo ako kung nagpatuloy pa ang laban na ito.
Nagdesisyon si Zhao Feng at ang kanyang pakpak ay pumagaspas pa ng mas mabilis.
Shua!
Sa ilalim ng utos ni Zhao Feng, pumasok ang batang Demigod sa ancient metal ring at ang sumunod na nangyari ay nakakabigla.
"Lightning Wings Spatial Flash!"
Ang mga pakpak sa likod ni Zhao Feng ay labis na lumiwanag nang maabot na niya ang kanyang kapasidad, at tila ba'y nagkipagkaisa sa kalawakan.
Whoosh!
Ang kaya lamang maramdaman ng Emperor of Death ay ang mahinag mga kidlat at walang bakas o senyales ni Zhao Feng sa loob ng ilang libong milya.
"Lightning Wings Spatial Flash? Iyon ang pinakamataas na level ng Wind Lightning Inheritance…." Ang Emperor of Death ay nabigla ng bahagya.
Ang teknik na ginamit ni Zhao Feng ay ang pinakamataas na lebel ng Wings of Wind and Lightning ang Lightning Wings Spatial Flash. Ang teknik na ito ay pinagsamang Lightning Wings Flying Technique at Lightning Wings Wind Flash upang mailabas ang matinding bilis sa paglipad.
Sa kisap ng mga mata, namataan si Zhao Feng libong milya na ang layo. Sapat na ang kanyang upang maiwan ang ibang mga Emperors sa kanyang aking bilis.
Ang Wind Lightning Emperor hindi binansagang pinaka mabilis na Emperor para lamang sa wala. Mula noon, nagagawa na niyang makatakas kahit pa sa Sacred Lords.
"Ang aking bilis ay sa walang hanggang karagatan ay sampung beses pang mas bumilas kaysa sa inlad. Hindi pa rin sapat ang ilang libong milya," hindi pa rin kuntento si Zhao Feng.
Ibig sabihin lamang nito ay hanggang libong milya lamang ang kanyang bilis kung siya ay nasa inland. Kung saan ang Wind Lightning Emperor ay mas madaling makakalipad ng mas higit pa sa ilang libong milya kahit na nasa inland.
Tulad ng inaasahan, ang bilis na ito ay hindi sapat upang matalo ang Emperor of Death.
"Death Instant Shadow!"
Naging itim na bahid ng liwag ang Emperor of Death nang ginamit din niya ang makapangyarihang spatial technique.
Nang papalapit ang Emperor of Death:
"Lightning Wings Spatial Flash!"
Ang mga pakpak sa likod ni Zhao Feng ay muling naglabas ng nakakasilaw na liwanag na nawala sa hangin. Sa kasalukuyan, siya ay naglalakbay ng mas malayo kaysa dati.
Matapos taglayin ang Emperor Intent, naunawaan na ngayon ni Zhao Feng ang Space at nakarating sa panibagong antas, kaya magagamit na niya ang Lightning Wings Spatial Flash kung kailan niya man nanaisin. Labis na bilis at intent na nagmula sa Glory of the Fastest Emperor.
Kalahati ng kanyang oras ay ginugol niya sa paggawa ng tsaa para mamaya, mas lalong naging pamilyar si Zhao Feng sa Lightning Wings Spatial Flash at nagagawa niyang mabawasan ang dami ng enerhiya na ginamit niya habang nagiging mas mabilis. Sa kalaunan, kaya na ni Zhao Feng lumipad ng pito hanggang walong libong milya.
Siyempre, may pagkakaiba pa rin sa kanya at sa Wind Lightning Emperor, ngunit dahil sa Lightning Wings Spatial Flash ni Zhao Feng, naging isa sya sa mga pinakamabilis na tao na nasa mababang antas sa Sacred Lord.
Makalipas ang isang oras, ang distansya ni Zhao Feng sa Emperor of Death ay mas lalong lumaki.
"Lightning Wings Spatial Flash… ang pinakamataas na lebel ng paglipad na mas mabilis pa sa ng siya ay naging Emperor noon," nagsalubong ang mga kilay ng Emperor of Death, siya ay nawawalan na ng pag-asa. Narinig na niya ang Wind Lightning Emperor noon – ang Emperor ay minsan nang nakatakas sa Sacred Lords.
Kalaunan, nawala si Zhao Feng sa radar ng Emperor of Death's Divine Sense, at kaya lamang niyang sundan si Zhao Feng sa nititirang aurang naiwan nito.
Sa kabutihang-palad sa kanya, hindi na muling nilikha ni Zhao Feng ang aura ng Lightning Wings Spatial Flash, kaya hindi siya makakagawa ng mga paglilinlang.
Ang Lightning Wings Spatial Flash ay nagpapalawak ng maraming Wind Lightning at lumikha ng malaking gulo sa lugar. Nakaramdam din si Zhao Feng ng kawalan ng pag-asa. Kailangan niyang mapalaki ang kanilang distansya kung gusto niyang gawin muli ang kanyang Lightning Wings Wind Flash upang malinlang ang Emperor of Death.
Ang problema ay ang bilis ni Zhao Feng ay hindi sapat. Mas mabilis pa lamang siya kaysa sa Emperor of Death at ang Emperor of Death ay may malaking halaga ng True Yuan, na nagpapahintulot sa kanya na gamitin ang Death Instant Shadow nang maraming beses.
Sa ibabaw ang walang hanggang karagatan, ang dalawa ay nagpamalas ng aking bilis at aura na kapag nadadaanan nila ang mga experts ay nakakaramdam sila ng lamig na kung saan ay hindi sila makakahinga.
Lima o anim na araw ang nakalipas, sa wakas ay nagawa nang makatakas ni Zhao Feng mula sa Emperor of Death pumasok sa bagong island zone.
Whoosh!
Isang arko ng liwanag ang bumagsak mula sa langit na tila isang bulalakaw at bumagsak sa isla na kapareho ng Azure Flower Continent.
Hu~~
Napabuntong hininga si Zhao Feng. Ang kanyang mukha ay naging puti na at siya ay bahagyang nanginginig. Mabilis siyang umupo at inilabas ang prutas na galing sa Ancient Dream Realm at kanya itong kinain.