Mula sa pagkakataong iyon, nakayapak na rin nang buo si Zhao Feng sa Void God Realm.
Kung hindi niya itinago nang sadya ang kanyang aura, ang kanyang Intent at True Yuan ay patuloy na makikihalubilo sa Heaven at Earth. Tila ba nakikiisa siya sa kalangitan at kalupaan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga Void God Realm Kings ay nababalot palagi ng Magnificent Power, at kung bakit ang bawat kilos nila ay naglalaman ng hindi masukat na kapangyarihan.
"Binabati kita, Master!" Pagbati ng batang Demigod at ng Skeletal Division Leader, kahit na komplikado ang kanilang nararamdaman.
Nakaramdam ng paggalang ang Skeletal Division Leader at kakaunting paghanga. Nasaksihan niya kung paano lumago si Zhao Feng sa bawat hakbang. Ang mga Void God Realm King ay mga alamat lamang sa Azure Flower Continent. Kahit ang Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch ay nahawakan lamang nang bahagya ang Void God Realm. Nangangahulugan ito na ang cultivation ni Zhao Feng ay hindi mapapantayan sa buong Azure Flower Continent, at hindi pa ito ang kanyang buong lakas.
Nagulantang ang batang Demigod sa paglago ni Zhao Feng, at mas lalo siyang nabahala at nakaramdam ng presyon.
"Munting Kun Yun, ang iyong cultivation ay hindi naman nalalayo sa Void God Realm," ang tingin ni Zhao Feng ay napunta sa batang Demigod.
Ang "paggaling" ng batang Demigod ay nakaasa nang malubha sa mga resources. Kung hindi dahil sa katotohanang limitado ang kanyang resources, naging isang King na sana ang batang Demigod nang mas mabilis pa kay Zhao Feng.
Ang tingin ni Zhao Feng ay nagbigay ng panggigipit sa batang Demigod. Sa pagkakataong iyon, ang kaluluwa at True Yuan ni Zhao Feng ay parehong mas malakas na sa batang Demigod. Ang tanging pagkakaiba lamang nila ay nasa Intent; pagkatapos ng lahat, ang batang Demigod ay isang Demigod sa kanyang nakaraang buhay. Kahit hindi pa siya lubusang gumagaling, ang kanyang Intent ay kaya nang gapiin agad ang mga Void God Realm Emperors.
Sa loob ng kubyerta ng kapitan, ipinikit ni Zhao Feng ang kanyang mga mata habang nililipon niya ang kanyang pundasyon, samantalang bumalik na ang batang Demigod sa ancient metal ring nang bahagyang nalulungkot. Hindi naman mahirap para sa kanya na malaman na tumaas ang antas ni Zhao Feng dahil sa resources. Dahil limitado ang kanyang resources, kailangan niya pa ng kalahating taon para tumaas ang antas.
Mula sa kanyang pakiramdam at pagkabahala, nilimitahan ni Zhao Feng ang cultivation ng batang Demigod para magkapantay lamang sila. Sa ganoong paraan niya lamang makokontrol at magagamit nang buo ang batang ito.
Sa mga sumunod na araw, narepina na ni Zhao Feng ang kanyang pundasyon. Kahit tumaas ang kanyang antas dahil may tulong mula sa labas, ang kanyang kaluluwa at Intent ay nasa lebel naman na talaga ng Void God Realm mula simula.
Matapos maabot ang Void God Realm, ang lakas ni Zhao Feng ay hindi naman nabago nang higit. Pagkatapos ng lahat, nasa dami lang naman ng True Yuan ang problema. Ni hindi nga lumakas ang kanyang True Yuan nang higit.
Ang lahat ng iyon ay inaasahan na talaga ni Zhao Feng dahil mas malakas na ang kanyang pundasyon. Naniniwala si Zhao Feng na hindi siya mapapantayan ng kahit sinong mas mahina sa isang Emperor, at gamit ang kanyang eye-bloodline, kaya niya nang hamunin ang isang Emperor. Kung muli niyang makikita ang Yin Yang Lord, hindi na matatakot si Zhao Feng na kalabanin ito nang malapitan.
Sampung araw ang makalipas, nagsimula nang higupin ni Zhao Feng ang God Tribulation Lightning at inuunawa na niya ang Wind Lightning Inheritance. Ang dalawang bagay na ito ay higit na makakaapekto sa kanyang lakas. Hindi kailanman tumigil si Zhao Feng sa paghigop ng God Tribulation Lightning kung mayroon man siyang oras na pwedeng aksayahin.
Sa loob ng dimensyon ng kanyang kaliwang mata, ang ulo ay lumulutang na sa ere katabi ng hangganan ng kulay lilang Soul Sea. Ginamit niya ang kanyang ispiritwal na bersyon ng Lightning Absorption Divine Technique para mahigop ang kapangyarihan ng ulo.
Boom!
Nayanig ng kidlat ang kanyang kaluluwa at nagbuga ito ng aura ng walang hanggang buhay.
Sa ngayon, ang kaluluwa ni Zhao Feng ay napakatatag laban sa God Tribulation Lightning, at agad itong malilinis pagkatapos nitong higupin ang lahat ng kapangyarihan. Mas naging malakas ang kaluluwa at Intent ni Zhao Feng nang higupin niya ang God Tribulation Lightning, isang bagay na hindi niya inaasahan.
Lumipas ang oras. Nakahigop na si Zhao Feng ng isang maliit na bahagi ng lightning bawat ilang araw habang inaasikaso ang kanyang Ten Thousand Divine Thoughts Technique. Ang paghigop sa God Tribulation Lightning at ang pagrepina sa kanyang kaluluwa ay isang bagay na dapat niyang gawin.
Ang ibang mga iniisip ni Zhao Feng ay nakatuon sa Wind Lightning Inheritance at kung paano gamitin ang Wings of Wind and Lightning.
Sa isang kisapmata, apat na buwan na ang nakalipas.
Sa loob ng kubyerta ng kapitan, ang aura na nabubuga ni Zhao Feng ay lalong nagiging nakakatakot.
Sa kanyang kulay lilang Soul Sea, nakahigop si Zhao Feng ng 80 na bahagi ng God Tribulation Lightning, 20 beses na mas marami kaysa sa kung ano ang mayroon siya sa Pirate Sacred Land.
"Mayroong kabuuang 78 na bahagi ang God Tribulation Lightning."
78 na bahagi ng God Tribulation Lightning ang sumilay sa lilang Soul Sea ni Zhao Feng. Walang hugis ang God Tribulation Lightning, tanging aura lamang ng walang hanggang buhay. Kung titingnan ito nang malapit, agad na makikita ang walong ancient at kakaibang mga simbolo ng lightning na nakalat sa buong lilang Soul Sea. Ang bawat isa ay nagbibigay ng lilang liwanag, at magkaugnay sa iba.
Weng~~
Pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang Ten Thousand Divine Thoughts Technique, at ang 78 na bahagi ng God Tribulation Lightning ay kumislap habang patuloy nitong nirerepina ang kanyang kaluluwa. Sa parehong pagkakataon, pinagsama niya ang Intent ng God Tribulation Lightning sa kanyang dantian.
Ang Crystal Core ngayon ay may mahinang aura ng God Tribulation Lightning – isang bagay na sinasakop ang lahat sa mundo.
Nang hindi napapansn, ang kabihasaan at pag-unawa ni Zhao Feng sa Scarlet Destruction Wind Lightning ay halos umabot na ng 100%. Ang Scarlet Destruction Wind Lightning ay tila mga nasusunog na ulap ng kidlat, at nagbibigay ito ng mapusyaw na ginintuang kislap sa ibabaw.
Ang Golden Destruction Wind Lightning ay sumunod naman sa Scarlet Destruction Wind Lightning, pero ang kapangyarihan ko sa Wind Lightning ay lagpas na sa aking imahinasyon ng Wind Lightning Emperor, bulong ni Zhao Feng sa kanyang puso.
Ang pagsasama ng Ancient Dream Realm aura at ang God Tribulation Lightning sa kanyang technique ay lalong pinalakas ang kapangyarihan ng kanyang Wind Lightning ng higit pa sa kahit sinong nag-aaral ng Dao of Lightning.
"Master," biglaang nagsalita ang batang Demigod.
Hmm? Binuksan ni Zhao Feng ang kanyang mga mata at tiningnan ang batang Demigod.
"Mayroong iilang mga pwersa ng pirata ang nasa malapit at gusto kong nakawin ang kanilang kayamanan," wika ng batang Demigod.
Sinuri ni Zhao Feng ang lugar gamit ang kanyang Divine Sense at napag-alamang mayroon ngang mga pwersa ng pirata. Ang bawat isa sa kanila ay may isang Half-Step King bilang tagabantay.
"Master, tatapusin ko naman agad ang laban at hindi ko aantalain ang paglalakbay," pagmamakaawa ng batang Demigod, at alam rin naman ni Zhao Feng na kailangan ng batang Demigod ng mga resources para sa kanyang cultivation.
"Sige lang," ikinumpas ni Zhao Feng ang kanyang kamay at hindi siya pinigilan. Hindi naman niya binibigyan ng resources ang batang Demigod kamakailan, pero hindi naman niya dapat itong pigilan na kumuha ng sarili niya, hindi ba?
Whoosh!
Hindi bumagal ang bilis ng ghost ship; lumipad lamang ito nang tuluyan. Ang naiibang bagay lang ay sapagkat umalis ng ghost ship ang batang Demigod.
Nakasaksi si Zhao Feng ng isang pulutong ng pagpatay sumunod na oras. Hindi makalaban ang mga pwersa ng pirata sa batang Demigod.
Boom!
Ang apat na taong gulang na bata ay nagpadala ng isang suntok na siyang sumira sa barko ng pirata. Sa oras na makagawa ang isang tao ng tsaa, nakasira na ng ilang barko ang batang Demigod nang mag-isa lamang siya.
"Kahit hindi ganoon kataas ang antas ng mga resources na ito, mas mabuti na ito kaysa sa wala," pag-aayos ng batang Demigod ng kanyang mga pabuya.
Whoosh!
Naging isang guhit agad siya ng isang ginintuang liwanag na sumunod sa ghost ship. Hindi siya nag-aksaya ng kahit anong oras para maantala ang paglalakbay.
Hindi naman talaga nilimitahan ni Zhao Feng ang mga kilos nito, sinabihan niya lamang ang batang Demigod na huwag lumayo sa kanya ng higit pa sa sampung libong milya.
Kailangan rin ni Zhao Feng ng mga resources. Ang kanyang resources na pwedeng gamitin matapos maging isang King ay limitado na. Ang mga Void God Realm Kings ay may mga lifespans na umaabot ng ilang daang taon, at bawat maliit na paglago ay nangangailangan ng malaking bahagi ng resources.
Ngayong araw, pumasok si Zhao Feng sa Ancient Dream Realm. Katulad noong nakaraan, pumasok siya sa kagubatan; ang kanyang layunin naman ngayon ay ang mga Spiritual Fruits sa puno.
Kakaunti na lamang ang mga prutas ngayon, at marami ng pinsala ang higanteng ahas sa kanyang katawan. Hindi naman mahirap hulaan na maraming mga Yao Beasts ang gumagala sa Ancient Dream Realm.
Binuksan ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye at sinuri ang kapaligrian. Gaya ng inaasahan, nakita ni Zhao Feng ang Yao Bird. Mayroong mga galos ito, at hindi pa rin ito tuluyang magaling.
"Kung magpapatuloy ito, magiging kakaunti na lamang ang mga matitirang Spiritual Fruits," magkasalubong ang kilay ni Zhao Feng habang nag-iisip.
Hindi naman ganoon kahirap para sa kanya na patayin ang dalawang Yao Beasts, pero dalawa sa tatlong bahagi ng mga prutas ay hindi pa hinog. Ang iilan ay sangsampu pa lamang na pula. Ang prutas na kinain niya noong huli ay 70% na hinog at hindi pa sukdulan ang epekto nito.
May naisip si Zhao Feng.
"Sige, kayong dalawa na lang ang pipiliin ko," sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang higanteng ahas at ibon.
Nanlamig bigla ang mga puso ng dalawang Yao Beasts.
Ang unang tutudlain ni Zhao Feng ay ang ancient bird sapagkat napakaliksi nito at nakakakita ito sa malayo. Nag-aalala si Zhao Feng na baka sugurin siya ng ibong ito habang kinakalaban niya ang ahas.
Ceng!
Tahimik na tumalon si Zhao Feng sa mga puno, at nakatuon ang kanyang kaliwang mata sa ibon. Ang puso ng Yao Bird ay nanginig ng makaramdam ito peligro. Agad niyang naramdaman ang muhi ni Zhao Feng at sumugod sabay tili.
"Scarlet Destruction Eye Flame!" Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nagningning sa iskarlet at mapusyaw na ginto.
Whoosh!
Bago dumating ang ibon, isang bola ng transparent na iskarlet Wind Lightning ang siyang nakahuli rito. Naglalaman pa naman ang Scarlet Destruction Eye Flame ng esensya ng Scarlet Destruction Wind Lightning ganoon rin ang Intent ng God Tribulation Lightning.
Ang mga bituin ay sumilay sa mga mata ng Yao Bird. Sa isang atake lamang ng eye-bloodline flame, agad nang napinsala ang kaluluwa at katawan ng Yao Bird. May mga sunog na galos pang naiwan sa pakpak nito.
"Dark Heart Seal!" Gamit ang pagkakataon na ito, ginamit ni Zhao Feng ang ipinagbabawal na technique habang nasasaktan ang ibon. Nanlaban ito sa ere pero tumigil na rin ito at saka lumapag sa tabi ni Zhao Feng nang masunurin.
"Tagumpay!" Ngumiti nang mahina si Zhao Feng, at saka inihatid ang ibon patungo sa higanteng ahas na nasa puno.
Siiii!!
Nang makitang magkatambal si Zhao Feng at ang ibon, hindi mapigilang magpakita ng mukhang nababahala ang ahas.
"Sugod!" Inutusan ni Zhao Feng ang ibon na labanan ang ahas habang umaatras siya pabalik at ginamit niya ang kanyang Mental Energy Spike para saktan ang kaluluwa ng ahas, saka kontrolin ito ng Dark Heart Seal.
Katulad niyon, ang dalawang Yao Beasts na namumuno sa kagubatan ay naalipin ni Zhao Feng. Inutusan ni Zhao Feng ang ibon at ahas na protektahan ang punong ito at huwag hayaang may makalapit na mga nabubuhay na nilalang rito.
"28 na prutas," binilang ni Zhao Feng ang lahat at napag-alamang kakaunti na lang pala.
Halos dalawa sa tatlong bahagi nito ay hindi pa hinog, at pito o wala pa lamang ang kalahating pula.
Kinuha ni Zhao Feng ang dalawang 80-90% na hinog, at nagsagawa ng soul-search sa ibon. Gusto niyang maintindihan lalo ang Ancient Dream Realm sa tulong ng ibon na ito.