"Marami kang nalalaman. Ang Heaven's Legacy Race ang lumikha sa atin, ngunit sa kasamaang palad, madaming makapangyarihang lahi ang nagsama-sama at sinalakay nila ang Heaven's Legacy Race, sinira ang maraming kaalaman maging ang kasaysayan," ang eleganteng babae ay tila naaalala ang nakaraan.
At sa pagkakataong iyon, tiningnan nya ang batang Demigod. Ang batang ito ay kakaiba.
Ang batang Demigod ay kinikilatis din ang babae. Wala siyang tunay na buhay, ngunit kaya niyang ipakita ang damdamin at ekspresyon ng isang tao. Lahat ng ito ay nilikha ng kanilang panginoon, ang Heaven's Legacy Race, ikatlo sa Ten Thousand Ancient Races.
"Ang pusa ang nagdala sayo patungo rito, tama?" Bumaba ang tingin ng babae sa maliit na pusa.
Sandaling tumigil ang batang Demigod, at maging si Zhao Feng na nakahiga sa kabaong ay nagbigay ng isang kakaibang tingin.
Miao!
Mayabang na dumekwatro ang munting pusang magnanakaw.
Ngumiti ang eleganteng babae, "Ang uri ng ganitong pusa ay may malabong impresiyon sa aking memorya."
Nang marinig ito, napahinto si Zhao Feng, ngunit sa kasamaang palad ito ay isang malabong impresiyon lamang kaya't hindi siya makakakuha ng impormasyon mula rito.
Miao miao!
Umubo ang munting pusang magnanakaw na para bang hindi nasisiyahan at iwinagayway ang kanyang kamay, sumisimbolo na siya lang ang nag-iisa sa mundo. Kung iisipin nga naman ang hindi kapani-paniwalang abilidad at katusuhang taglay ng munting pusang magnanakaw, hindi maikakaila ng batang Demigod na mahirap makahanap ng pusang katulad nito.
Mabagal na dumaan ang oras habang si Zhao Feng ay nakababad sa ice-blue na tubig. Hindi kapani-paniwalang ang katawan niya ay parang magnet na mabilis na sinisipsip ang blue blood. Sa loob ng kalahating araw, ganap nang nasipsip ng katawan ni Zhao Feng ang blue blood.
"Mas mabilis ito sa aking inakala. Ang antigong bloodline sa kanyang katawan ay hindi pangkaraniwan," nagulat ang eleganteng babae.
Unti-unting binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata, at nararamdaman niyang dumadaloy sa kaniyang katawan ang blue blood.
Weng~~
Isang hanay ng makikinang na kaliskis ng ice-blue dragon ang bumalot sa kaniyang katawan. Pino at magaganda ang mga ito.
Nakaramdam ng nangingibabaw ng Ice power sa kaniyang katawan si Zhao Feng. Tila ba bawat kilos at galaw niya ay kayang lumikha ng sukdulang lamig na may kaparehong epekto sa isang Ice Domain.
"Ito pala ang kapangyaruhan ng Ten Thousand Ancient Races bloodline," galak na galak si Zhao Feng. Tila ba walang hanggan ang taglay niyang kapangyarihan ng yelo, at ang kaniyang katawan ay mas lumakas pa.
Ang napakahusay na prodigy na si Goddess Bing Wei mula sa Azure Flower Continent, na mayroon ding Ice bloodline, ay walang-wala kung ikukumpara rito.
"Subukan natin ito," dahan-dahang bumangon at huminga ng malalim si Zhao Feng habang nangingibabaw ang lamig na nagsisimulang kumalat sa hangin.
Si!
Nakaramdam ng nakapanggiginaw na lamig sa kanilang diwa ang batang Demigod at ang munting pusang magnanakaw.
Sa ilalim ng pag-uutos ni Zhao Feng, ang batang Demigod at ang munting pusang magnanakaw ay nagpakawala ng mga atake.
Pa!
Ang golden fist ng batang Demigod na naglalaman ng pitumpung porsyente ng kaniyang lakas ay dumapo kay Zhao Feng.
Peng!
Bahagyang nayanig ang katawan ni Zhao Feng, ngunit walang marka ang bumakas sa kaniyang makinis at magagandang kaliskis. Napakalakas na pwersa ang nilalaman ng kamao ng Demigod at pinanginig nito ang puso't diwa ni Zhao Feng, ngunit hindi ito sapat upang magbigay pinsala kay Zhao Feng.
"Napakalakas na depensa! Ang kamay ko…!" Nagsimulang kumalat ang yelo sa kamao ng batang Demigod at inatake ang kaniyang katawan.
Ano mang klase ng atake na malalapit kay Zhao Feng ay mababalot ng yelo.
Miao miao!
Inatake ng munting pusang magnanakaw si Zhao Feng gamit ang Shadow Kill Imperial Dagger.
Ding!
Nag-iwan ito ng maliit na hiwa sa balikat ni Zhao Feng, at isang nakapanghihinang sensasyon ang unti-unting bumalot dito. Ang Shadow Kill Imperial Dagger ay may abilidad na ipagsawalang-bahala ang pisikal na depensa sapagka't ang atake nito ay nasa gitna ng physical realm at realm of shadows.
Gayunpaman, ang Mystic Ice Scaled Race bloodline ni Zhao Feng ay may malakas na depensa at mabilis na paggaling. Sa kabilang banda, ang munting pusang magnanakaw ay nanginginig na sa lamig, at kaagad itong umatras ng sampung metro.
Ang kapangyarihan ng bloodline na ito ay nagtataglay ng parehong opensa at depensa sa parehong oras. Ang pagyeyelong epekto nito ay matatagpuan kahit saan, at mas malakas pa ito sa Heaven Sun Battle Race ni Wen Luoan," tumango si Zhao Feng sa kasiyahan.
Ang Heaven Sun Battle Race ni Wen Luoan ay nasa ika-siyamnapu't walong ranggo samantalang anv Mystic Ice Scaled Race ni Zhao Feng ay nasa ikaw-walupu't siyam na ranggo.
Ngumiti ang elegante ang babae at sinabi, "Pagbati, perpekto ang pagpapalakas ng bloodline." Sumilay ang inggit sa mga mata ng batang Demigod.
Bagama't siya ay napaka galing sa pagpapalakas ng katawan, wala naman siyang bloodline ng Ten Thousand Ancient Races. Kung mayroon lamang siyang mas malakas na bloodline katulad noon na may mabilis na pagpapagaling, may kakayahan siyang sirain ang God Tribulation noon. Gayunpaman, ang bloodline ay isang bagay na nakukuha sa pamamagitan lamang ng swerte.
"Napakaswerte ni Zhao Feng, madali niyang natagpuan ang magandang kapalaran," nakaramdam ng selos ang batang Demigod. Ngayon na naisip niya ang tungkol dito, malaking tulong ang munting pusang magnanakaw kay Zhao Feng.
"Marahil ay hindi na ako makabalik dito sa hinaharap," huminga ng malalim si Zhao Feng. Ang Pirate Emperor's Inheritance ay bukas lamang sa loob ng kalahating buwan, at marahil ay hindi na siya makabalik dito. Gayunpaman, nagamit na ni Zhao Feng ang higit sa kalahati ng kaniyang Primal Crystal Stones sa bloodline na ito, at hindi na niya kayang makapagdagdag ng isa pang Ten Thousand Ancient Races bloodline.
"Mayroon ka bang mga bone-strengthening na bloodline? Hindi nito kailangang magmula sa Ten Thousand Ancient Races," tanong ni Zhao Feng. Nabasa na niya ang listahan, at ang presyo ng mga Ten Thousan Ancient Races bloodline ay karaniwang dose-dosena, kung hindi man ay ilang daang mas mamahalin.
"Mayroong dalawang daan at apatnapu't siyam na uri," muli na namang hinila ng babae ang screen. Tinignan ito nI Zhao Feng, at ang mga presyo ay mas mura.
"Kinakailangan ko ng malaking halaga upang mapalakas ang ghost-corpses katulad ng isang ito," iwinagayway ni Zhao Feng at pinalabas ang isang cursed ghost-corpse.
"Hayaan mo munang suriin ko ito," ang eleganteng babae ay napaka tuwiran, at ang multi-armed machine ay nagsimulang suriin ito.
"Nahanap na ang pundasyon ng Ancient Race bloodline at ang bone-strengthening body…." boses mula sa mutli-armed machine.
Nagulat si Zhao Feng at ang babae sa resulta. Normal lamang ang bone-strengthening body pagka't lahat ng cursed ghost-corpses ay mayroon nito, ngunit hindi ang pundasyon ng Ancient Race bloodline.
"Kung mayroon silang pundasyon ng Ancient Race bloodline, ang presyo ay magiging isa sa lima o maaari pang maging isa sa sampu ng orihinal," saad ng eleganteng babae. Nagsimulang tumingin sa screen si Zhao Feng.
Kailangan niya ng isang daan ng katulad nila, at humingi siya ng opinyon mula sa eleganteng babae.
"Iminumungkahi ko na gumamit ng Ten Thousand Withering Ghost Bone. Kaya nitong pangalagaan ang kapangyarihan ng poot at maaari pang pagalingin ang mga nasirang parte," saad ng eleganteng babae.
Tinignan ito ni Zhao Feng at nakita niyang hindi gaanong kalakasan ang depensa at opensa ng Ten Thousand Withering Ghost Bone na bloodline, ngunit matapos itong gamitin, papalakasin nito ng doble ang buto ng mga ghost-corpses. Ang mga ghost-corpses ay hindi kasing lakas ni Zhao Feng, kaya kahit hindi sila gumamit ng Ten Thousan Ancient Races na bloodline, malaki ang dagdag na lakas.
Dalubhasa ang Ten Thousand Withering Ghost Bone na bloodline sa lifeforce nito. Kahit pa basagin ang kanilang buto, kaya nilang magpagaling.
"Hindi kinakailangang ng Ghost Corpse Cursed Array na ang ghost-corpses mismo ang pumatay sa mga kalaban, ginagamit lamang nito ang kapangyarihan ng array," saad ni Zhao Feng kasabay ng pagtango.
Dagdag pa rito, ang Ten Thousand Withering Ghost Bone na bloodline ay higit na mas mura. Ang cursed ghost-corpses ay sinipsip ang aura at laman mula sa Ancient Dream Realm, na nagbibigay sakanila ng pundasyon ng Ancient Race bloodline. Nangangahulugang ang presyo ay isa sa pito lamang ng orihinal. Sa kabuuan, ang presyo para sa pagpapalakas ng isang daang cursed ghost-corpses ay wala pa sa isa sa apat ng kay Zhao Feng.
"Ang isang daang ghost-corpses ay kinakailangan ng pitong araw," saad ng eleganteng babae.
Tumango si Zhao Feng at iniwan ang skeletal Division Leader kasama ang cursed ghost-corpses.
Ang skeletal Division Leader ay mayroong ding Ten Thousand Withering Ghost Bone bloodline, na lubhang makabubuti para rito.
Nagsimula nang maglakad si Zhao Feng sa antigong mettalic na siyudad.
"Tatlongpung porsyento na lamamg ng aking yaman ang mayroon ako…." Pakiramdam ni Zhao Feng ay napakahirap niya. Nalikom niya ang malaking halagang iyon galing sa Purple Saint Ruins, Demigod Forgotten Garden, at habang nasa labanan para sa Pirate Emperor, ngunit nagastos na niya ang pitumpung porsyento ng mga ito sa siyudad lamang na ito.
Alam nang batang Demigod ang sitwasyon ni Zhao Feng kaya't hindi na siya nanghingi ng labis-labis. Mabuti nang hindi na gumawa si Zhao Feng ng kung anko-ano upang makapaghigpit sa kanyang progreso.
Makalipas ang tatlong araw, pumunta si Zhao Feng sa Divine Techniques Palace. Ang Divine Techniques Palace ay nagbibigay ng sikretong techniques at sagot sa cultivation.
May mga sikretong techniques na hinigitan kahit ang Wind Lightning Inheritance at ang Golden Kun Sacred Body na binebenta rito, ngunit ang presyo ay hindi kasing mura nang paglilipat ng isang Ten Thousand Ancient Races bloodline.
"Bisita mula sa malayo, may iba pa bang kinakailangan sa kakayahang gusto mo?" Sa puting ilaw ay may nabuong nakangiting matandang pantas. Nagpakita siya ng kakaibang ekspresyon nang bumaba ang kaniyang tingin sa munting pusang magnanakaw, ngunit agad itong nawala.
"Gusto kong palakasin ang aking mga technique," tuwirang saad ni Zhao Feng.
Mayroon siyang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique, ang Golden Kun Sacred Body, at ang Wind Lightning Inheritance. Ang nais ni Zhao Feng ay gamitin itong batayan at pagsamahin ang mga ito.
"Ipakita mo sa akin," matamlay na ngumiti ang matandang pantas. Alam ni Zhao Feng na ang matanda ay isa lamang imahe ng automaton at hindi kayang magcultivate.
Ibinigay ni Zhao Feng ang impormasyon sa Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique, ang Golden Kun Sacred Body, at ang Wind Lightning Inheritance sa matanda.
"En, mayroon akong kaparehong impormasyong ukol sa tatlong technique na ito sa aking information bank. Sa lahat ng ito, mayroon akong orihinal na kopya ng Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique at ang Golden Kun Sacred Body," mayabang na ngumiti ang matanda, at ang batang Demigod ay napatigil.
"Kaya kong palakasin ang Golden Kun Sacred Body upang maging Golden Kun Sacred Lightning Body, kung saan mapapababa ang kinakailangang body-strengthening talent at mas angkop para sa iyong pagcultivate," sandaling napahinto ang matanda, at hindi mapigilang matuwa ni Zhao Feng habang ang batang Demigod ay napanganga.
Nagpatuloy sa pagsasalita ang matandang pantas, "Kaya ko din pagsamahin ang Wind Lightning Inheritance at ang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique upang mabuo ang Five-Elemental Wind Lightning Technique, kung saan mapapataas ang kapansin-pansing kapangyarihan at mawawala ang kinakailangan para sa isang Lightning Spiritual Body."
Five-Elemental Wind Lightning Technique!
Mas lalong nagalak si Zhao Feng.
Ang Five-Elemental Wind Lightning Technique ay kombinasyon ng Wind Lightning Inheritance at ang Five-Elemental Ten Thousan Lightning Technique, inaalis ang kahinaan nila pareho. Tiyak na ang presyo para rito ay mataas.
"Bilang ang Wind Lightning Inheritance ay dumagdag sa aking information bank, bibigyan kita ng apatnapung porsyentong diskwento."
"Pagsamahin mo ang mga ito," pinagngalit ni Zhao Feng ang kaniyang mga ngipin at halos ubusin ang natitirang yaman na mayroon siya.
Makalipas ang tatlong araw, nagbigay ng dalawang aklat ng ilaw ang matandang pantas kay Zhao Feng.
Weng~~
Nagsama ang dalawang libro sa isip ni Zhao Feng.
"Golden Kun Sacred Lightning Body: upang macultivate ang kataas-taasang Sacred Lightning Body gamitin ang kidlat. Kayang abutin ang Heaven Divine Realm kapag nacultivate sa ito sa pinakamataas na antas."
"Five-Elemental Wind Lightning Technique: gamit ang Hangin at Kidlat bilang pundasyon para makontrol ang limang elemento - ang Metal of Wind Lightning, ang Wood of Wind Lightning, ang Water of Eind Lightning, ang Fire of Wind Lightning, at ang Earth of Wind Lightning…."