Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 698 - Cold Moon King

Chapter 698 - Cold Moon King

Hindi inasahan ni Zhao Feng na ang makinis na babaeng naka-abong kapa ay magiging isa sa tatlong mga major Pirate King – ang Cold Moon King.

Ang Eighteen Corners Pirate Sacred Land ay mayroong kabuuang labing-walong mga Pirate King, ang lahat ay mga Void God Realm King, kasama sa labing-walong ito, ay ang tatlong pinakamataas: ang Giant Shark King, ang Dark Dragon King, at ang Cold Moon King. Ang bawat isa ay nakalampas na sa Peak-tier King at mayroong tiyansa na makalampas sa susunod na level ng Void God Realm.

Ang mga Peak-tier King ay mayroong battle-power na walang katulad laban sa kahit na sinong mas mababa sa isang Emperor, at kaya rin nilang humamon ng isang Emperor, ang mukha ni Zhao Feng ay naging seryoso. Ang puwersa na ibinibigay ng Cold Moon King sa kaniya ay mas malakas ng sampung beses kaysa sa mga normal na King.

Hu~~

Mayroong maalamat na mga barko na kulay pilak-at putting barko na nasa kaniyang kaliwa't kanang panig, na parehang mga King ang nagbabantay dito.

May kabuuang tatlong Void God Realm Kings. Isa sa kanila ay isang normal na King, isa ay isang Domain-level King, at ang Cold Moon King na nasa Peak-tier King. Kagaya ng puwersa, kasama ng kanilang mga barko, ay sapat na para umubos ng normal na mga two-star sect.

"Bata, dapat kang makaramdam ng karangalan dahil kinilala ng Cold Moon King ang iyong talento,"'Di kuntentong sabi ng isang 'di katandaang lalaki na may mahabang balbas na nasa kabilang panig ng mga barko.

Ang Cold Moon King ang pinakamagandang babae sa Pirate Sacred Land na mayroong kasikatang umaabot pa sa Ten Thousand Abyssal Islands Zone dahil sa pagiging icy beauty. Gayon pa man, kumpara sa kaniyang perpektong katawan at mukha, ang kaniyang pangalan pagdating sa pagpatay ay nagdudulot sa halos mga eksperto upang mawala ang kanilang katapangan.

"Hehe, panibago na namang grupo na pupuwersa sa akin para sumali? Ganito ba ang lahat ng nga pirata?" Malamig ang mga ngiti ni Zhao Feng. Nitong umaga, ang Lord Dark Snake ay nais ding puwersahin si Zhao Feng na sumali sa puwersa ng Dark Dragon King kung hindi ay nanakawin nila ang barko niya.

"Master, ang Peak-tier King ay isang taong kaya nating talunin kung hahayaan mo lang akong pagsamahin ang Demigod Intent," Malalamig na mga pawis ang lumabas sa batang Demigod nang balaan niya ito.

Sila'y dumanas na sa napakahaba at delikadong proseso upang pumatay ng isang Domain-level King, at suwerte ang tumulong sa kanila.

Ang Sky Locking Bow ay isang pangmalayuang armas, ngunit ang Cold Moon King ay kilala sa pangmalapitang labanan, at ang kanilang panig ay mas maraming tao. Sa oras na sila'y umatake ng sabay-sabay, si Zhao Feng at ang iba pa ay hindi magagawang makalaban sa kahit na anong paraan.

"Bata, nililigawan mo ang kamatayan. Binastos mo ang Dark Dragon King at ang Giant Shark King ng sabay-sabay. Tanging ang pagsali sa Moon King ang iyong pagpipilian," Mapagmataas sa sabi ng lalaking may gintong buhok. Siya ay isang Domain-level King, at nararamdaman ni Zhao Feng na ang lalaking ito ay mayroong Pirate King Token na nasa kaniya. Malinaw na siya'y isa sa Eighteen Corners Pirate King .

Bahagyang itinaas ng Cold Moon King ang kaniyang kamay at pinigilan ang lalaking may gintong buhok. Ang kaniyang mga mata ay parang mga buwan nang magbigay siya ng isang magandang ngiti.

"Sir, ang aura ng Pirate King Token ay pinagsama na sa iyong barko, at ngayon, siya'y parte na ng Pirate Sacred Land at hindi na maaaring makaalis ng Eighteen Corners Sacred Land. Ang parteng ito ay plano ng Pirate Emperor. Walang sinuman ang makakayang makatakas mula dito," Presko ang naging boses ng Cold Moon King, at ang kaniayang kulay pilak na kapa ay wumagayway sa himpapawid at saka nagbigay ng malamig at nakamamatay na aura. Kahit na ang normal na mga King ay hindi magawang makatingin sa kaniya.

Nang marinig niya ito, ang ekspresiyon ni Zhao Feng ay nagbago. Nang sumama ang aura ng Pirate King Token sa kaniyang ghost ship, siya ay nawalan ng kontrol dito. Ngayon ang ghost ship ay hindi na maaaring umalis sa Eighteen Corners Canyon?

"Kung nagawang patayin ni Sir ang Lord Dark Snake, ibig sabihin ikaw ay malakas. Kung sasali ka sa aking panig, ang paghahati-hati ng mga Pirate King Token ay magbabago. Pagkatapos ng giyera para sa Pirate Emperor, ang iyong barko ay hindi na malilimitahan," Bahagyang sabi ng Cold Moon King, at saka kumunot ang mga kilay ni Zhao Feng nang magsimula siyang mag-isip. Wala na siyang ibang nababagay na barko para sa kaniya maliban sa ghost ship. Ang madilim na barkong pandigmang nakuha niya ay napakalaki at mahirap na kontrolin. Maliban pa dito, ito'y masiyadong nakakaakit ng pansin.

"Ako, ang Cold Moon King, ay alam ang mga pagkakaiba sa pagitan ng parusa at gantimpala. Kung magawa kong makuha ang trono ng Pirate Emperor, magagawa na nating pumasok sa Pirate Emperor Sacred Island, at ang hatian dito ay mapapasainyo," Malamig ang mukha ng Cold Moon King, ngunit siya'y nagbigay ng nakakaakit na alok.

Zhao Feng and the child Demigod exchanged glances. It seemed that joining the Cold Moon King was their best choice at this point. Zhao Feng had already offended the Giant Shark King and the Dark Dragon King, and the ghost ship was now unable to leave the Eighteen Corners Sacred Land. The only one he hadn't offended, the Cold Moon King, had come and given him an offer.

Sina Zhao Feng at ang batang Demigod ay nagpalitan ng tinginan. Tila ang pagsali sa Cold Moon King ang pinakamagandang pagpipilian nila sa puntong ito. Nabastos na niya ang Giant Shark King at ang Dark Dragon King, at ang ghost ship ay hindi na maaaring umalis sa Eighteen Corners Sacred Land. Ang tanging hindi niya nalang nababastos, ay ang Cold Moon King, na pumunta para bigyan siya ng kasunduan.

"Kailangan mo munang tuparin ang isang kinakailangang bagay kung gusto mong sumali," Biglang sabi ni Zhao Feng.

"Ano ito?" Hindi na nagulat ang Cold Moon King. Para sa isang taong kasing lakas ni Zhao Feng, at ngayong isa na siyang Pirate King, kahit na sino sa tatlong major na mga pirata ay gugustuhin siya sa kanilang panig. Sa puntong ito, ang Dark King ay paniguradong paniguradong walang laban dahil ang relasiyon niya sa Dark Snake King ay kakaiba, ngunit mayroon pa ring tiyansa kasama ang Giant Shark King. Ang Cold Moon King at gagawin ang lahat para makuntento si Zhao Feng sa kaniyang kinakailangan.

"Tanging ang pagtalo sa akin ang magbibigay sa iyo ng karapatan para ako'y sumali sa iyo," Sabi ni Zhao Feng, at ang Cold Moon King at ang iba pa ay nagulat. Hindi nila inakalang magiging ganito ang kinakailangan ni Zhao Feng, at hindi naiwasang mag-isip ng batang Demigod. Paniguradong mayroon na namang sariling plano.

"Sige, kung manalo ka, susuportahan kita sa pagkuha ng trono ng Pirate Emperor, ngunit kapag natalo ka, sasali ka sa amin," Sabi ng Cold Moon King. Naintindihan niya ang lakas ng mga ekspertong kagaya ni Zhao Feng. Kung magagawa niyang matalo ito, siya'y mas magiging tapat at mas madaling makaharap dahil ang mga ganitong klase ng mga eksperto ay nagbibilang at gumagawa ng paraan. Gayon pa man, hindi niya napagtanto na ginawa ito ni Zhao Feng upang isipin niya ito.

Sa himpapawid sa taas ng karagatan, walang tao sa loob ng dose-dosenang milya, at saka hinarap ni Zhao Feng ang Cold Moon King.

"Zhe zhe, masiyadong mataas ang tingin ng batang iyan sa kaniyang sarili. Hindi pa nga siya isang King at ang kapal na ng mukha niyang hamunin ang Cold Moon King?" Mapaglarong sabi ng 'di katandaang lalaki, at pang-iinsulto naman ang lumabas sa mukha ng Domain-level King na may gintong buhok.

"Wings of Wind at Lightning!" Isang pares ng scarlet-colored na mga pak-pak ang nagsimulang mabuo sa likod ni Zhao Feng nang magsama ang kidlat at hangin. Nagbigay ito ng Nakapipinsala at magulong aura.

Shua!

Isang afterimage ang naiwan.

"Napakabilis!" Hindi naiwasang mapasigaw ang mga tauhan ng Cold Moon King, at ang mga ekspresiyon ng lalaking may gintong buhok at ng lalaking may balbas ay nagsimulang maging seryoso.

Lightning Wings Wind Flash!

Ang bilis ni Zhao Feng ay nagbago ng malaki nang pumagaspas ang kaniyang Wings of Wind and Lightning, na nagdulot upang mas maging magulo ans scarlet-colored wind. Ang mukha ng Cold Moon King ay naging ice-cold na niyebe sa lamig, ngunit ang malalaman na mga dibdib, mahabang mga binti, at balingkinitang puwit ay bumuo ng isang perpektong katawan. Inaamin ni Zhao Feng na ang Cold Moon King ang pinaka perpektong babae sa lahat ng nakita niya, at kaniyang prangka at magiting na pag-uugali ay panibagong klase ng panghahalina.

Habang hinaharap ang bilis ni Zhao Feng, ang perpektong katawan ng Cold Moon King ay naging tensiyonado.

Whoosh~~~~~ Boom!

Ang Scarlet Destruction Wind Lightning Wings ay tumawag ng isang nakapipinsalang ipo-ipo na pumunta patungo sa Cold Moon King at binalutan ang lahat ng nasa loob ng daan-daang metro. Ang Cold Moon King ay hindi umiwas. Sa halip siya ay naglabas ng isang payat na crescent sword.

"Unique Cold Moon!"

Ang crescent sword ay humiwa sa himpapawid at saka naglabas ng mga sword-beam na parang liwanag ng buwan nang balutin nito ang lahat ng nakatayo sa kanilang daanan. Ang espada ay kasing bilis ng kidlat, at ito'y naging isang lugar na world of frost.

Hu!

Ang ipo-ipo na nakapalibot kay Zhao Feng ay mabilis na nasira, at ang Wings of Wind and Lightning sa kaniyang likod ay napunit sa 'di mabilang na pagsabog ng liwanag ng buwan. Ang kaniyang katawan ay nanigas nang bumuo ang liwanag ng buwan ng isang frosty spatial domain.

"Natalo ako?"

Naramdaman ni Zhao Feng ang kaniyang buong katawan na napapalibutan ng limitless sword-light, at ng crescent-shaped sword na nasa loob lamang ng labing-limang sentrimentrong layo mula sa kaniyang lalamunan. Ang isang malamig na espada ay tila tumagos diretso sa kaniyang Soul Sea.

"Natalo ka"

Ngumiti ang Cold Moon King nang inalis niya ang crescent sword, at si Zhao Feng ay nanatiling walang emosiyon nang inisip niya ngayon ang espada ng Cold Moon King, na pinagsama ang kaniyang spatial domain sa kaniyang atake.

Ang espadang iyan ay sapat na para humati ng mga normal na King sa dalawa, at nakikita niya na mayroong espesiyalisasyon sa parehong mga espada at patalim ang Cold Moon King. Tanging kapag ginamit ang dalawa ang makakapagpalabas ng kaniyang tunay na lakas. Sa ganiyang kalagayan, siya ay may posibilidad na hamunin ang isang Emperor.

Siyempre, si Zhao Feng ay hindi pa ginagamit ang lahat ng mayroon siya. Hindi pa niya ginagamit ang kaniyang Lightning Wings Flying Technique o ang kaniyang eye-bloodline.

Kung gayon, ito pala ang Peak-tier King. Kung wala ang kaniyang eye-bloodline, paniguradong hindi nila ako kaparehas, nagulat si Zhao Feng. Kahit na siya ay mabilis, ang Cold Moon King ay mabilis din. Kung wala ang kaniyang eye-bloodline, paniguradong wala siyang kalamangan laban sa Cold Moon King. Ito'y isa ngang Peak-tier King, kung tutuusin, ang isang Peak-tier King, at ang kaniyang lakas ay sobrang lapit na sa pagiging totoong Emperor.

"Napakalakas mo nga. Simula ngayon ay sasamahan na kita at tutulungan kita upang makuha ang trono ng Pirate Emperor," Tumango si Zhao Feng dahil sa pagsang-ayon. Hinahangaan niyang talaga ang lakas ng Cold Moon King.

"Maligayang pagdating! Hindi ko tatratuhin ng masama ang aking mga tauhan," Isang kakaibang ngiti na punong-puno na papuri ang lumitaw sa mukha ng Cold Moon King. Gusto niya ang mga taong kagaya ni Zhao Feng -ang mga taong kalmado at naniniwala sa kanilang lakas. Kahit siya'y natalo, si Zhao Feng ay hindi nawalan ng pag-asa ng dahil dito.

"Bata, maligayang pagdating!" Parehong ngumiti ang lalaking may gintong buhok at ang 'di katandaang lalaki at saka tinapik ang kaniyang balikat.

Pinangunahan ni Zhao Feng ang batang Demigod at saka pumasok sa dakilang bulwagan ng barko ng Cold Moon King.

Sa loob ng dakilang bulwagan, ang Cold Moon King ay umupo sa kaniyang trono. Ang kaniyang payat na mga binti ay mahaba at kasing puti ng jade.

Sa ibaba niya ay mayroong lalaking may gintong buhok, isang lalaking may mahabang balbas, at si Zhao Feng.

Kahit na hindi isang Void God Realm King si Zhao Feng, nagawa niyang patayin ang Lord Dark Snake, at siya'y naging isang Pirate King, kaya ang iba ay hindi siya minaliit. Nang dahil sa lahat ng ito, ang kaniyang estado ay kagaya na ng sa ibang mga King.

Bumati sa Zhao Feng sa ibang mga miyembro ng middle-upper echelon ng puwersa ng Cold Moon King.

"Ang labanan para sa Pirate Emperor ay nagsimula na. Maraming mga Pirate King na walang pinapanigan ang walang gingawa, ngunit ang mga puwersa ng Giant Shark King at ang Dark Dragon King ay lumabas na…." Ang Cold Moon King ay nagsimula nang magsalita.

Alam ni Zhao Feng na sinasabihan siya ng Cold Moon King ng mga sitwasiyon sa loob ng Eighteen Corners Pirate Sacred Land.

Ang bawat tatlong major Pirate King ay mayroong sariling mga puwersa, at mayroon ding mga Pirate King na walang pinapanigan.

Sa katotohanan, si Zhao Feng ay hindi talaga interesado Pirate Emperor's Inheritance dahil tanging ang mga tunay na pirata lamang ang makakuha nito. Gayon pa man, gusto niyang pataasin ang kaniyang lakas mula sa totoong labanan, at gusto rin niyang palakasin ang kapangyarihan g Ghost Corpse Cursed Array.

Ang lahat ng mga Pirate King ay sanay na sa mga labanan at nakapatay na ng maraming tao. Sa ganitong kalaban, siya'y makakakita ng nakakatakot na mga kalaban. Ang Cold Moon King ay nagsimulang paikliin ang buong kasaysayan at mga patakaran ng pakikipaglaban para sa Pirate Emperor, at ang ekspresiyon ni Zhao Feng ay nagsimula na ding magbago. Bigla niyang napagtanto na madami beses na niyang minaliit ang Pirate Emperor's Inheritance.