"Gusto mo bang sumama sa amin papunta sa continent zone?"
Tumingin si Duanmu Qing kay Zhao Feng na may seryosong ekspresyon.
Sobrang tahimik ng dimensyon habang naghihintay ng desisyon sina Duanmu Qing at ang Purple Saint Partial Spirit mula kay Zhao Feng.
Medyo namumula ang mukha ni Zhao Yufei. Tumingin siya sa lapag at kinagat ang kaniyang mga labi. Halatang siya'y nine-nerbyos.
Sa oras na iyon, naghihintay na lamang sila kay Zhao Feng. May mga emosyong lumitaw sa mukha ni Zhao Feng bago siya huminga nang malalim.
"Zhao Feng, bababa ang pagkakalagay mo sa peligro mula sa Emperor of Death kung sasama ka sa amin."
Sabi ni Duanmu Qing.
Alam ng lahat ng naroroon ang Pursuit of Death.
Nagpadala sa kaniya ng isang pribadong liham ang Purple Saint Partial Spirit, "Zhao Feng, alam kong iniisip mo pa rin ang iyong 'fiancée,' pero walang tsansang buhay pa rin siya. Bata pa lang ay magkaibigan na kayo ni Zhao Yufei, at magandang magkasama ang inyong mga bloodlines. Magiging maganda kayong magkasintahan, at hindi kayo mapapantayan."
Sinubukang hikayatin ng Purple Saint Partial Spirit si Zhao Feng. Hindi lamang ito tungkol sa hinaharap ng kaniyang disipulo, pero maaring maapektuhan tin nito ang muling pagbabalik ng Duanmu Family.
Hu~~
Huminga nang malalim si Zhao Feng at sabay na umiling, "Hindi ako pupunta sa continent zones bago ko makumpirma kung buhay pa talaga si Qinxin. Kapag nagawa ko na iyon ay tsaka ko lamang susundin ang puso ko."
Nanginig ang katawan ni Zhao Yufei at nagsimula siyang umiyak matapos marinig ang sinabi ni Zhao Feng.
Mahabang bunton hininga ang pinakawalan ni Duanmu Qing, at parehas sila ng Purple Saint Partial Spirit na hindi na nagsalita pa.
Sinunod ni Zhao Feng ang puso niya. Wala siyang pinagsisisihan. May kinalaman ito sa kasalukuyang estado ng puso niya – kung hindi niya ito susundin ay baka maapektuhan nito ang kanyang cultivation sa hinaharap.
.
Alam niyang kapag sinundan niya si Duanmu Qing na bababa ang pagkakalagay niya sa peligro, pero hindi niya nakalimutan ang pangako niya at ang mukha ng babaeng iyon. Ang tahimik at eleganteng anyong nakaputi na para bang isang dyosang galing sa isang litrato.
Naisip rin ni Zhao Feng na ang tsansa ni Liu Qinxin na buhay pa ay malapit sa wala.
Shua!
Lahat sila ay nakabalik sa Emperor's palace.
"Zhao Feng, aaalis na kami matapos ang ilang buwan gamit ang Spiritual Zone Teleportation Array. Sa oras na iyon, maaari kang makapunta sa Floating Spiritual Zone gamit ang array."
Sabi sa kaniya ni Duanmu Qing.
Yumuko si Zhao Feng at sabay na umalis as palasyo.
"Kapatid na Feng, hindi na ako magiging abala pa kung pinili mo talaga siya. Aalis na ako."
Namumutla si Zhao Yufei pero desidido rin ang kanyang ekspresyon.
"Yufei…!"
Sigaw ni Zhao Feng. Para bang gustong gumawa ni Yufei ng malinaw na hangganan sa kanilang dalawa.
Shua!
Biglang nawala si Zhao Yufei, at nakikita ni Zhao Feng ang balangkas ng isang maliit na mundo.
Nagbuntong-hininga na lamang siya at umalis.
Sa loob ng small world ng Purple Saint Ruins:
"Yufei, 'wag ka masyadong malungkot. Babalik rin siya sa tabi mo."
Sabi ng Purple Saint Partial Spirit.
Hindi pa natutuyo ang luha sa mukha ni Zhai Yufei, at kinagat niya ang labi niya.
Paano kung buhay pa siya…?"
Naramdaman ni Zhao Yufei na para bang nasaksak siya ng libo-libong sandata sa puso. Ang ibig sabihin ba ng desisyon ni Zhao Feng na ang nakatakdang ipakasal sa kanya ang una niyang prayoridad? Nag-aalala siya nang sobra na baka buhay pa si Liu Qinxin.
"Kalma ka lang."
Pag-aalo ng Purple Saint Partial Spirit, "Malamang ay patay na si Liu Qinxin. Sinusundan lang ni Zhao Feng ang puso niya, kung hindi, hindi niya ito malalampasan. Hindi mo naiintindihan ang mga lalaki. 'Wag mo na siyang intindihin masyado."
"Sana nga."
Nagsimulang tumawa si Zhao Yufei. Para ba siyang isang bulaklak na bumubukadkad matapos ang ulan, pero nagdadasal pa rin siya sa loob-loob niya na, "Sana, sana lang talaga ay hindi na bumalik si Liu Qinxin."
Kung hindi buhay si Liu Qinxin ay wala ng makakakuha ng posisyon niya sa puso ni Zhao Feng.
Sa pinaka-Spiritual peak, bumalik na si Zhao Feng sa lugar niya at nagsimulang kumalma. Mula noong ginamit niya ang mga luha ng sirena ay nagsimulang maging transparent tulad ng isang kristal ang estado ng kanyang puso.
"May ilan pang buwan bago ako makaalis ng True Martial Sacred Land, Kailangan kong gamitin ang oras na iyon para magpalakas at mag grind down ang Intent of Death."
Alam ni Zhao Feng kung gaano ka-importante ito. Lalapit lamang nang lalapit ang Pursuit of Death.
Hindi na siya kayang matakot ng mga normal Kings ngayon, pero malamang ay personal na pupunta ang Emperor of Death.
Hinati ni Zhao Feng ang isip niya sa tatlo.
Ang isa doon ay nakatuon sa pagpapahina ng Intent of Death, ang isa ay nag-co-comprehend ng Scarlet Destruction Wind Lightning gamit ang Dragon Flame Wine at ng Lightning Cloud Wine.
Ang pangatlo naman ay nakatuon sa pag-comprehend ng Wings of Wind and Lightning. Sa Demigod Forgotten Garden, matagumpay na na-comprehend ni Zhao Feng ang Lightning Wings Flying Technique at nakapagbukas ng isa pang daan papunta sa ibang kalsada.
"Sikat ang Wind Lightning Emperor sa bilis niya. Sobrang importante ng Wings of Wind and Lightning."
Alam iyon ni Zhao Feng.
Nakapangalan sa Wind Lightning Emperor ang pinakamabilis na Emperor, at matagumpay siyang nakatakas kahit sa Purple Night Sacred Lord dati.
"Kung kaya kong ma-comprehend ang intent mula sa Wind Lightning Emperor at makaabot sa sukdulang speed, wala nang magagawa ang Emperor of Death kapag nahanap niya ako."
Hindi na makapaghintay si Zhao Feng dito.
Tanging ang speed lamang ang skill sa mundo ang walang kahinaan. Ganoon rin ito sa Kings at Emperors.
Mas nakatuon ang Wind Lightning Emperor sa sobrang bilis at malakas na opensa. Dahil din dito kung bakit ginamit ni Zhao Feng ang isa sa mga isip niya sa pag-comprehend ng Wings of Wind and Lightning.
Nakatuon sa iba-ibang direksyon ang tatlong isip niya.
Ang pag-grind ng Intent of Death ay makakapagpababa ng peligro.
Magpapalakas sa kaniya ang pag-comprehend ng Scarlet Destruction Wind Lightning.
At tataas naman ang tsansa niyang makatakas gamit ang Wings of Wind and Lightning.
"Pagpapababa ng peligro… pagpapalakas…paggawa ng ruta ng tatakasan…"
Malinis ang isipan ni Zhao Feng habang iniintindi niya ito.
Makokonsiderang perpekto ang planong ito. Dahil na-cultivate niya na ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique, si Zhao Feng lamang ang may kayang ituon sa tatlong bagay ang kanyang isip nang sabay-sabay.
Lumipas ang oras. Isang buwan ang nakalipas, mas humina na ang Intent of Death sa kaluluwa ni Zhao Feng.
Mayroon pa rin itong epekto kahit hindi ganoon ito kalakas.
Unti-unti ring umaangat ang comprehension niya sa Wings of Wind and Lightning. Matapos ang lahat, ginamit pa rin ni Zhao Feng ang Illusion God Wine at na-comprehend niya na rin ang King Intent at Eye Intent.
Ang battle tactics at ang mga secret techniques na napapaloob sa Wings of Wind and Lightning ay nagbukas ng bagong pinto kay Zhao Feng.
Mas lalong nalinang ang Lightning Wings Flying Technique niya.
Kaya na niyang buuin ang Wings of Wind and Lightning para makaiwas. Maliban pa roon ay na-comprehend niya na rin ang kaunting secret techniques na nilalaman nito, tulad ng Lightning Wings Wind Flash at ang Wind Lightning Wings Slash.
Lightning Wings Wind Flash – gamit ang Wings of Wind and Lightning para pabilisin ang tulin ng gumagamit nito.
Sa normal na sitwasyon, kayang pataasin nito ng sampung beses ang bilis ng isang tao. Ang bilis ng isang King ay maituturing na ngang sobrang nakakatakot, bukod pa roon ang pagpapabilis pa lang ay mahirap na, pero kaya pa rin nitong pabilisin pa ang gumagamit ng ilang beses pa, at maaari pang sobra pa sa sampung beses.
Na-cultivate na ng Wind Lightning Emperor ang Lightning Wings Wind Flash nang todo, at dahil doon ay kaya niyang magpabilis pa nang 16 na beses. Sa bilis na iyon, hindi pa rin makakahabol ang ilang Sacred Lords sa kanya..
Siyempre, ang dami ring enerhiya na nagagamit ng bilis na ito, kaya magagamit lamang ito nang sandalian.
Magagamit ang skill na ito para sa mabilis na pag-ikot ng kidlat na pakpak at para mahiwa ang kalaban na nagreresulta sa kritikal na pinsala.
Maraming Void God Realm na eksperto na ang namatay dahil dito noong nakaraang sampung libong taon.
May lumitaw na scarlet-colored Wind Lightning sa palad ni Zhao Feng na naglalaman ng aura of Destruction and flames.
Ang higher-ranked gold-and-dark-gold-colored Wind Lightning ay naglalaman ng special intent mula sa Wind Lightning Emperor na nagpapababa ng enerhiyang ginagamit para tuluyang magamit ang Scarlet Destruction Wind Lightning at ginagawa rin nitong mas matatag ito.
Ag lakas ng Scarlet Destruction Wind Lightning ay sobrang magulo. Ang Lighting at Fire ay parehas na sobrang lakas na kapangyarihan, at mayroon din itong lakas ng Wind.
"Ang Scarlet Destruction Wind Lightning ay masyadong magulo at mahirap kontrolin. Madaling kong masusugatan ang sarili ko sa mga susunod na yugto."
Bulong ni Zaho Feng.
Nasugatan na rin ang Emperor dito nang maraming beses dahil sa pag-cultivate ng abilidad na ito, kasama na rin ang peligro sa buhay niya.
Pero dahil sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, nakikita niya ang bawat pagbabago dito. Mapapansin niya agad ang pagtatambang ng iba-ibang elemento bago pa ito mangyari.
Sa nakalipas na buwan, ginamit niya na rin ang Dragon Flame Wine at ang Lightning Cloud Wine. Ang dalawang wine na ito ay parehas na nasa lebel ng Illusion God Wine at may elemento ang dalawang ito ng Fire at Lightning.
Pero masyadong naghahari ang enerhiyang dala ng dalawang wine na ito.
Kahit pa nakaabot na sa King ang state of existence ni Zhao Feng at sobrang lakas na ng depensa niya ay masisira pa rin ng wines ang katawan niya.
Nilalaman ng Dragon Flame Wine ang flaming aura ng mga tagapagmana ng Ancient Flaming Dragons.
Naramdaman ni Zhao Feng na parang nagliliyab ang buong katawan niya nang ininom niya ang wine na ito, at muntik pa siyang maging abo, pero buti na lang ay mayroon siyang Water and Ice bloodlines na tumulong sa kaniyang makaligtas.
Masyadong nakakagulat ang epekto ng dalawang wines na ito, at sobrang laki ng itinataas ng dami ng Scarlet Destruction True Yuan sa katawan ni Zhao Feng.
Kumalat ang potensyal ng Dragon Flame Wine, Lightning Cloud Wine, at ng Demigod's blood sa katawan niya.
Kalahating buwan pa ang nakalipas at nagsimula nang masipsip ni Zhao Feng ang dalawang kapangyarihan, at naka-akyat nanaman siya ng isa pang lebel sa comprehension ng Scarlet Destruction Wind Lightning.
Naka-akyat na rin ang cultivation niya sa panggitnang yugto ng Great Origin Core Realm at lalo pa itong tumataas.
"Na-comprehend ko na ang halos kalahati ng Scarlet Destruction Wind Lightning. Talaga nga namang nararapat ang dalawang wine na ito sa lebel ng Illusion God Wine."
Sobrang natuwa si Zhao Feng. Lahat ng iyon ay dahil lamang sa ilang lagok niya ng dalawang wine.
Naniniwala siya na kung uminom pa siya ng kaunti pa ay lalo pang lalakas ang Scarlet Destruction Wind Lightning niya.
Sa araw na iyon ay ginamit ni Zhao Feng ang Ancient Dream Realm aura para linangin ang origin Scarlet Destruction Wind Lightning, na siyang ginawang mas matatag ito. Mabilis na naresolba ang labanan ng dalawang elemento. Matagal na natakot ang Wind Lightning Emperor dito.
Tumango si Zhao Feng.
Ang problema sa pagtatambal ng mga elemento ay madali niyang naresolbahan, at ngayon ay kaya na niyang makipaghalo sa ibang pangpatay na sandata.
Weng~~
May maitim na ulo ang lumitaw sa harap ni Zhao Feng at naglabas ito ng forbidden aura.
Tumalon ang puso ng batang Demigod at ng munting pusang magnanakaw sa loob ng ancient metal ring.
"Ang ulong sumailalim ng God Tribulation."
Ekspektasyon at tuwa ang tumambad sa mga mata ni Zhao Feng.
Ang lakas ng God Tribulation ay nilalabanan ang lahat ng pinanggagalingan ng lakas ng lahat ng cultivators sa mundo.