Gamit ang bloodline-body ng Spiritual Race, madaling natiis ni Zhao Yufei ang atake ni Nan Gongsheng.
"Kahit pa ang Profound Spatial Slash ay hindi kinayang masaktan siya?"
Medyo naloko si Nan Gongsheng sa pangyayaring iyon.
Kahit pa si Wen Luoan ay masasaktan kung natamaan siya nang harap-harapan ng Profound Spatial Slash.
Kaya lamang, may ranggo ang mga bloodlines ng Ten Thousand Ancient Races. Mala-halimaw na ang tingin kay Wen Luoan dahil ang bloodline niya ay nasa nangungunang 100, pero nasa nangungunang 20 ang Spiritual Race.
Matapos harangan ang atakeng iyon:
Weng~
Naglabas ng lilang ilaw na naging daan-daan hanggang libong malalakas na sinag ito.
Ang katakot-takot na aura ng Ten Thousand Ancient Races ay para bang sinusunog ang Heaven Earth Yuan Qi habang umaasinta ang lilang liwanag sa kalangitan.
Sa oras na iyon, ang bloodlines ng mga disipulo at kahit pa ang mga Kings ay nagsimulang manginig.
Maliban sa dalawang Emperors, ang True Yuan at bloodline ng iba ay natigil. Nahirapan din silang huminga.
Kahit pa ang dalawang Emperors ay may naramdamang presyon sa kanilang mga bloodlines.
Shua!
Nagbago ang anyo ni Nan Gongsheng na naging isang pilak na anyo at biglang nawala. Hindi niya ginustong makipaglaban nang harap-harapan, kaya't iniwasan niya ang ilang unang sunod-sunod na atake mula kay Zhao Yufei. Kaya lamang ay nagsimula nang kumulo ang dugo niya mula sa ganting-salaka nito..
"Ang bilis, opensa, at depensa niya ay perpekto…."
Huminga nang malalim si Nan Gongsheng.
Nakaramdam siya ng sobrang takot. Kahit pa mayroon siyang Spatial Spiritual Body at Heaven Spiritual Body, hindi pa rin iyon Ten Thousand Ancient Races bloodline.
Ang Ten Thousand Ancient Races ay nasa tuktok ng bloodlines mula pa ng mga makalumang panahon, at tinataguriamg perpekto ang mga nasa nangungunang 20.
Ginawa ni Nan Gongsheng ang lahat ng kaya niya, pati na rin ang paglabas ng kaniyang Qiankun Sword, pero ang kaya niya lamang gawin ay patigilin si Zhao Yufei nang sandali lamang – hindi niya kayang talunin ito.
Ang hindi kapani-paniwala pa doon ay walang hanggan ang True Yuan ni Zhao Yufei. Sa totoo lang ay mas lalo pang nalinang ang lakas niya habang tumutuloy ang laban.
Ang bilis ng paghilom ng karamihan sa mga bloodlines sa Ten Thousand Ancient Races ay sobrang lakas, at ang kay Zhao Yufei naman ay hinayaan niyang maging estadong likidong kristal. Sa madaling salita, habang ang True Yuan ng iba ay kinailangang mailagay sa dantian para mabuo ang Crystal Core, ang buong katawan niya ay naging "dantian" na kayang mag-imbak ng lakas.
Base sa dami ng enerhiya, lahat ng Spiritual Race ay kayang mag-imbak ng sampung beses hanggang 100 na beses kaysa sa karamihang nasa kaparehas na cultivation. Kaya, halos walang kapantay ang Spiritual Race sa mahabang labanan.
"Ang Spiritual Race bloodline ay talaga ngang malakas. Kung hindi dahil sa naging King na si Sheng'er ay natalo na agad siya."
Nagsimulang pagpawisan si Emperor Mi Kong.
Hindi kailanman maaabot ang nangungunang 20 ng Ten Thousand Ancient Races.
Habang lumilipas ang oras ay hindi pa rin napagdedesisyunan ang laban.
Kahit pa hindi matalo ni Nan Gongsheng si Zhao Yufei, isa pa rin siyang King na mayroong spatial secret technique, kaya wala siyang problemang protektahan ang sarili niya.
Araw at gabi ang inabot ng laban ng dalawa.
Hindi namula ang mukha ni Zhao Yufei, at hindi rin bumilis ang tibok ng puso niya. Parang normal pa rin siya hanggang ngayon. Sa kabila ng lahat, nagsimulang mamawis si Nan Gongsheng, at minsan ay kinakailangan niyang gamitin ang Qiankun Sword para patigilin ang kalaban.
Sabay nito, sa sikretong bulwagan ng Emperor's Palace:
"Yufei… ito ang tunay mong lakas?"
Bulong ng isang boses.
Miao!
Pinagmasdan ng munting pusang magnanakaw at ng batang Demigod ang lalaking kakagising lang.
Hu~~
Para bang panaginip ang lila niyang buhok dahil sa pagka-perpekto nito.
Umupo si Zhao Feng at saka binuksan ang kaniyang mga mata. Naging kulay lila na ang kaniyang kaliwang mata, at naglabas ito ng marangal at eleganteng aura.
Nanginig ang dibdib ng batang Demigod nang tumingin ito sa kaliwang mata ni Zhao Feng.
Anong klaseng eye bloodline ito, at ang anong kaugnayan nito sa Eight Great God Eyes!?
Hindi sinubukang tumingin ng batang Demigod sa mata ni Zhao Feng muli. Sumigaw siya sa loob-loob niya na isa siyang muling nabuhay na Demigod.
Siyempre, beginninh bloodline lamang ng isang Demigod ang mayroon siya kasama na rin ang kaunting mga alaala. Ang kaalaman at lakas niya ay hindi maikukumpara sa peak Demigod Kun Yun.
Hindi man lang tinignan ni Zhao Feng ang bata. Kundi, tumagos ang tingin niya sa mga gusali at pinanood ang laban sa True King Stage.
Ang huling bahagi lamang ang nakita ni Zhao Feng sa laban nina Zhao Yufei at Nan Gongsheng.
"Mayroong Little Heaven and Earth si Yufei bilang kalasag, naka-halo rin ang Purple Saint Partial Spirit doon."
"Sa tulong ng Spiritual Race bloodline, hindi siya matatalo ng kahit sinong nasa ilalim ng Emperor-level."
Nagawa pag-aralan ni Zhao Feng ang battle-power ni Zhao Yufei nang may sobrang katumpakan.
Kasabay nito ay naramdaman ni Zhao Yufei na lumamig ang kaniyang balat. Para bang natanggalan siya ng damit at nakita ang lahat-lahat sa kaniya. Kaya lamang ay may pamilyar na pakiramdam sa tinging iyon.
"Hmm?"
May naramdaman sina Emperor Mi Kong at si Emperor Duanmu.
Ang inspeksyon ng God's Spiritual Eye ay mas malalim pa kaysa sa normal na Divine Sense, at agad na binalik ni Zhao Feng ang kaniyang tingin nang maramdaman ito ng dalawang Emperors.
Lumapag ang tingin niya sa batang Demigod.
"Hehe, ang bilis mo lumaki."
Siniyasat ni Zhao Feng ang bata na may ngiti.
Imbis na tawagin itong "mag-cultivate sa umpisa muli" ay para pa itong "pagbawi."
Sobrang lakas ng blood essence ng Demigod, at si binigyan na rin ito ni Zhao Feng ng kaunting Immortal Springs Wine, kaunting Origin Lifeforce, at iba pang kayamanan.
Nababalot ng malabong ukit ng ginto ang balat ng batang Demigod.
"Hindi ko naintindihan na dalubhasa si Demigod Kun Yun sa body-strengthening."
Nagulat si Zhao Feng sa nakita ng kaniyang God's Spiritual Eye.
Sa ngayon, ang pisikal na lakas ni Demigod Kun Yun ay mas malakas pa sa Skeletal Division Leader.
"Master…"
Kinilabutan ang batang Demigod nang tinignan siya ni Zhao Feng. Para bang nakita ang lahat ng sikreto niya.
"Dark Heart Seed!"
Ang katakot-takot na eye-bloodline power ay lumitaw sa isang alon ng lila galing sa kaliwang mata ni Zhao Feng na siyang nagpatigil sa kamalayan ng batang Demigod.
Napakalakas na eye-bloodline power.
Napasigaw ang batang Demigod habang ang kaluluwa niya at ang malay niya ay natigil.
Sobrang mapangimbabaw ng pwersang ito na ang kaya niya lamang gawin ay panoorin si Zhao Feng na lagyan siya ng isang Dark Heart Seed.
Minsan nang ginamit ni Zhao Feng ang Dark Heart Seed sa batang Demigod bago siya natulog, pero ngayon, mas malakas na ang God's Spiritual Eye niya. Ginamit niya na rin ang mas lumakas na bersyon ng Dark Heart Seed.
Ngayon ay nakahalo na rin ang Dark Heart Seed na ito sa Eye Intent ni Zhao Feng.
Tama iyon – Eye Intent.
Matapos ng pagbabago ng God's Spiritual Eye niya, nagawa ang kaluluwa at bloodline niya ng Eye Intent.
Ang Eye Intent niya ay kaparehas ng King Intent, pero mas kakaiba ito.
Eye Intent? Kaunting Soul-based eye-bloodlines lamang ang mayroon nito, at sila rin ang mga nakaabot sa Void God Realm.
Nanlamig ang dibdib ng batang Demigod.
Walang pagdududa na ilang beses pang mas lumakas ang Dark Heart Seed.
Ang Eye Intent ay galing sa Emperor of Death sa kaluluwa ni Zhao Feng na hindi pa nawawala, pero naniniwala si Zhao Feng na, ngayon, mas mabilis niya pang maigigiling ang Eye Intent niya.
Siya lamang ang nakakaalam kung gaano kalaki ang pagbabago ng God's Spiritual Eye.
"Ang ebolusyon noong nakaraan ay maliit lamang kumpara sa ngayon."
Ang lilang buhok ni Zhao Feng ay sabay na umiihip sa hangin, at may malakas na alon ng kumpiyansa at pagmamataas ang lumabas sa kaniya.
Noong nakaraan lang ay sa Water at Ice lamang nakakapagpalit ang God's Spiritual Eye. Ang pundasyon ng pagbabago ay hindi masyadong malaki.
Ngayon, nabuo na ang Soul Sea sa dimensyon ng kaliwa niyang mata.
Ang pagkakatugma ng kaluluwa ni Zhao Feng at ng God's Spiritual Eye ay tumaas na matapos nitong maghalo.
Ang malawak na Soul Sea ay nasa isang libong yarda na, at sa gitna ng lilang mga ulap ay ang lawa. May umikot-ikot rin na Azure wind at scarlet-purple lightning clouds sa hangin.
"Ang pagbabago sa God's Spiritual Eye ngayon ay sa kaluluwa."
Unti-unting tumayo si Zhao Feng at nagsimulang maglakad.
Ang kasalukuyang soul-energy niya ay ilang beses na malakas sa normal Kings. Pinaikot niya ang kaniyang Ten Thousand Divine Thoughts Technique habang tinatago niya ang kaniyang soul-power.
One Thought into a Hundred!
Kinayang baguhin ni Zhao Feng ang isang thought sa 100 o 200 ngayon, at sobra siyang natuwa.
Kakaabot pa lamang ni Emperor Duanmu sa One Thought into a Thousand level, habang si Zhao Feng naman ay kaunting cultivate lamang ay maabot niya na ang One Thought into Five-Hundred.
Sunod agad noon, nagsimulang mag-grind down ng aura of Death sa kaniyang Soul Sea si Zhao Feng.
Ang markang naiwan sa kaniya ng Eye of Death ay nagsimulang humina.
"Ang bilis niya ay tumaas pa nang ilang beses."
Sobrang natuwa ni Zhao Feng. Basta natanggal na niya ang Death mark ay magagawa niya nang maiwallglit ang Emperor of Death.
Isang oras ang makalipas, matapos ang paglinang ng Ten Thousand Divine Thoughts Technique at ang paghalo ng ilang Ancient Dream Realm aura, lumaki pa nang lumaki ang kulay lilang Soul Sea ni Zhao Feng at natago nito ang kaniyang aura.
Sa oras na iyon, ang paglalaban ni Zhao Yufei at Nan Gongsheng ay natapos na.
"Emperor Mi Kong, paano kung tawagin natin itong tabla na laban?"
Tanong ni Emperor Duanmu nang may ngiti.
"Sige."
Nawalan na ng pag-asa si Emperor Mi Kong.
Boom! Boom!
Tumagos sa Heaven and Earth ang dalawang Emperor at hininto ang laban.
"Ang spatial secret techniques na iyon ay sobrang lalim. Tawagin na natin itong tabla na laban."
Ngumiti si Zhao Yufei.
May cultivation ng isang King si Nan Gongsheng at mayroon din siyang mystic spatial techniques. Sobra rin siyang delikado.
"Naiinggit ako sa Spiritual Race bloodline ni Junior Martial Sister Zhao's. Kaya ko lamang magtagal nang hindi natatalo."
Naglabas ng hininga si Nan Gongsheng.
Sobrang perpekto ng Spiritual Race bloodline. Naramdaman niyang wala na siyang pag-asa.
Mas bata pa ang Zhao Yufei na ito, pero siguradong makakahabol din siya sa kaniya sa hinaharap.
Matapos ang lahat, ang kabihasaan ng Spiritual Race ay hindi mapantayan base sa bilis ng cultivation. Habang ang mental energy nila ay sapat na, kakayanin nilang taasan ang ranggo nila nang walang hanggan.
"Maganda ang ginawa mo, Yufei. Kinalaban mo si Nan Gongsheng sa lebel na ito nang hindi ginagamit ang lakas ng Little Heaven and Earth."
Pagpupuri ng Purple Saint Partial Spirit.
Sa laban na ito, nalinang na ni Zhao Yufei ang kaniyang lakas.
Maiisip na, matapos ang laban na ito, ang ngalan at Spiritual Race bloodline ni Zhao Yufei ay tutunog sa True Martial Sacred Land.
Sa parehas na araw na iyon, bumalik na si Zhao Yufei at Duanmu Qing sa Emperor's Palace.
"Gising ka na nga, kapatid na Zhao Feng."
Tumingin si Zhao Yufei sa lilang buhok ni Zhao Feng nang may tuwa.
Ang kaunting sense of Soul power na galing kay Zhao Feng ay ginulat si Duanmu Qing. Kahit siya – isang Emperor – ay hindi makita ang tunay na lakas ni Zhao Feng.
Matapos makita ito, tumuro si Duanmu Qing kay Zhao Yufei.
"Kapatid na Zhao Yufei, siguro kailangan rin natin maglaban."
Pagngiti ni Zhao Yufei.