Sa wakas ay nakumpleto na ni Zhao Feng ang lahat ng mga libro sa Hidden Book Room.
Ang mga nilalaman ng mga libro ay malinaw na malinaw sa kaniyang isipan.
Si Zhao Feng ay tunay na interesado sa mga librong ito, at binasa niya ang mga ito mula sa umpisa hanggang sa dulo.
Marahang isinara ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata. Naramdaman niya na ang mga nilalaman ng mga libro ay naglalaman ng matamlay na katiting ng mental energy power.
Ang lahat ng kaalaman ay nagsanib bilang isa.
Nang biglang, isang matamlay na liwanag ang nagsimulang masunog mula sa bawat libro.
Hmm?
Lumagpas ng isang tibok ang puso ni Zhao Feng.
Mayroon siyang pakiramdam na hindi lamang basta-basta ang mga librong ito, at pinag-iisipan niya kung ano ang mangyayari kung tapusin niya ang lahat ng ito.
Voom! Voom!
Ang lahat ng mga libro sa silid ay biglang kumislap at nagsimulang masunog.
"Ito ang…?"
Biglang dumepensa si Zhao Feng. Hindi siya naglakas-loob na gumawa ng basta-bastang pagkilos. Kung tutuusin, ito ang Demigod Forgotten Garden, at walang masusukat sa pamamagitan ng mga normal na basehan.
Makalipas ang ilang paghinga, nang matapos na ang pagsunog ng mga libro, sumanib sila sa isang matamlay na transparent na liwanag na konekto sa kaalaman sa isipan ni Zhao Feng.
Shua!
Ang matamlay na liwanag ay sumanib sa kaalaman sa isipan ni Zhao Feng.
"Junior, ako ang Demigod Kun Yun. Napakasuwerte mo – napasa mo ang pagsusulit ng isang Demigod."
Isang boses ang maririnig sa isipan ni Zhao Feng.
Isang matamlay na katiting ng liwanag na nagmumula sa isang divine aura ang pumuwersa sa kamalayan ni Zhao Feng.
"Demigod Kun Yun?"
Sinuri ni Zhao Feng ang transparent na liwanag.
Kung ito ay isang normal na henyong kaharap ang "kayamanan", maaaring sila ay mapupuno na ng kagalakan at pagkataranta. Kung tutuusin, ang katiting na liwanag na ito ay maaaring isang klase ng mental energy inheritance na iniwan ng Demigod.
Subalit, si Zhao Feng ay hindi na isang baguhan ngayon, at nagkaroon na siya ng interaksyon sa Purple Saint Partial Spirit noon.
Ang Purple Night Sacred Lord ay isang Mystic Light Realm Sacred Lord noon, kung saan ang may-ari ng Demigod Forgotten Garden ay half-step na sa Heavenly Divine Realm.
"Ikaw ba ang may-ari ng Demigod Forgotten Garden?"
Tanong ni Zhao Feng.
"Kalokohan! Maglalakas-loob kang kuwestiyunin ang aking pagkakakilanlan? Ako ay isang partial spirit consciousness ng Demigod Kun Yun."
Ang boses ng matamlay na liwanag ay parang bahagyang nagngangalit, at isang nakakasindak na mental energy pressure ay bumaba. Tila ba ang Heaven and Earth ay mababasag na.
Malamang ay naihi na ang mga normal na tao at yumukod na sila, subalit si Zhao Feng ay nanatiling walang emosyon at kumilos na para bang siya ay nababalisa.
"Junior, makinig ka sa aking payo at maaari mong matanggap ang inheritance ng isang Demigod. Kahit ang Demigod Forgotten Garden ay maaari mong manahin."
Sambit ng boses sa isang mapagmataas na tono.
Demigod's inheritance? Manahin ang buong Demigod Forgotten Garden?
Nang marinig ni Zhao Feng ito, hindi mapigilan ng puso niyang bumilis.
"Junior, nais mo bang maging isang disciple ko?"
Subalit, nang marinig ni Zhao Feng nag lahat ng mga pangakong iyon siya ay humagikhik nang malamig, "Isang walang kuwentang Partial Thought ay naglalakas-loob na tawagin ang sarili niyang isang Demigod?"
Nang marinig ito ng matamlay na liwanag, hindi niya mapigilang manginig.
"Junior, kung hindi ka naniniwala sa akin, kaya kong basagin ang kaluluwa mo sa loob lamang isang pag-iisip."
Humagikhik ang matamlay na liwanag, at ang imahe ng Heaven and Earth na nababasag ay lumitaw sa soul-dimension.
"Hehe, isa ka lang namang walang kuwentang Partial Thought na nagpapanggap na mayroong kapangyarihan ng isang Demigod. Para kang nagpapanggap na isang tigre, subalit nakikita ka lamang ng iba bilang isang aso."
Pang-iinsulto ni Zhao Feng. Kalmado siya nang makita niya ang imahe sa kaniyang soul-dimension. 99% ng ibang mga henyong nasa ibaba ng level ng isang king ay maloloko, subalit si Zhao Feng ay sanay sa Dao of the Soul mismo, kaya't hindi siya maloloko nito.
Nakaabot na siya sa isang mataas na mastery at pag-intindi sa Dao of the Soul. Nahulaan ni Zhao Feng na ito ay isang Partial Thought sa oras na nakita niya ang matamlay na liwanag.
Ang mga Partial Thoughts at Partial Spirits ay magkaiba.
Ang Purple Saint Partial Spirit ay isang hindi kumpletong kaluluwa, na mayroong labis na mas maraming kaalaman kaysa sa isang Partial Thought. Ang isang Partial Thought ay natitirang kaisipan na naglalaman ng kaunting kaalaman ng may-ari nito noong nabubuhay pa sila.
Kaya naman, si Zhao Feng ay hindi takot sa katiting na Demigod Partial Thought na ito.
"Junior, sinasalubong mo ang kamatayan…!"
Ang Demigod Partial Thought ay umatungal sa galit.
"Hmph, ang aking Martial Ancestor ay isang Mystic Light Realm Sacred Lord. Sa tingin mo ay kaya mo akong lokohin gamit lamang ito?"
Malamig na humagikhik si Zhao Feng, at ang kaniyang God's Spiritual Eye ay nagpakawala ng isang nakakasindak na aura na sumira ng imaheng ginawa ng Demigod Partial Thought.
"Junior, tumigil ka na, panalo ka na…"
Ang matamlay na liwanag ay parang mas naging madilim kaharap ang aura mula sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng. Ito ay parang isang kandilang mauubos na.
Ang Demigod Partial Thought ay sumumpa sa loob-loob nito. Ang taong ito ay sanay sa Dao of the Soul at mayroong napakalakas na eye-bloodline power. Ang eye-bloodline mismo ay hindi basta-basta. Dagdag pa rito, sinabi ni Zhao Feng na ang kaniyang Martial Ancestor ay isang Mystic Light Realm Sacred Lord. Na nagdulot upang maging nakakatakot din ito.
Tumawa nang malamig si Zhao Feng at binawi ang aura mula sa kaniyang God's Spiritual Eye.
Kung hindi para sa katotohanan na ang espesyalisasayon niya ay mental energy at mayroon siyang God's Spiritual Eye, maaaring siya ay naloko na ng Demigod Partial Thought.
Buti na lamang, nanatiling kalmado si Zhao Feng at natuklasan ang plano nito.
"Ano ang ibig sabihin ng nagtatagong Demigod Partial Thought dito? Gaano karami ang alam mo tungkol sa Demigod Forgotten Garden?"
Pagkuwestiyon ni Zhao Feng.
Galit ang Demigod Partial Thought, subalit wala itong magawa kundi sumagot.
"Ang kaluluwa ng Demigod ay nasira ng God Tribulation noon. Mayroon na lamang kaunting Demigod Partial Thoughts na nagkalat sa Demigod Forgotten Garden, at isa ako sa kanila…"
Hindi naglakas-loob ang Demigod Partial Thought na magtago ng kahti ano. Ang batang ito ay kalmado at mayroon siyang Mystic Light Realm elder sa likuran niya. Kung magsisinungaling ito rito, hindi kalaunan ay matutuklasan din ito.
Naintindihan ni Zhao Feng kung ano ang nangyari kanina at pagkatapos.
Nang mamatay ang Demigod, iilang mga Partial Thoughts lamang ang nanatili, at ang Demigod Partial Thought na ito ay nailagay sa Hidden Book Room dahil ang Demigod ay madalas na nananatili rito noon, kaya't ang mga alaala ng Partial Thought ay dito nabuhay.
Matapos basahin ang lahat ng mga libro, ang parte ng Demigod Partial Thought ay nagising.
Hindi mapigilang madismaya ni Zhao Feng matapos maintindihan ang lahat. Ang Demigod Partial Thought na ito ay parang walang masiyadong halaga, at wala itong kontrol sa Demigod Forgotten Garden.
"Junior, huwag mo akong maliitin. Bilang isang Demigod Partial Thought, mas alam ko ang Demigod Forgotten Garden kaysa sa iba. Ang pinakamahalagang bagay ay, mayroon akong kaunting pagkakataon na mabuhay bilang isang Demigod."
Mabilis na sinabi ng Demigod Partial Thought. Ngayon, napakahina nito, at ito ay nag-aalala na papatayin siya ni Zhao Feng kung wala itong halaga.
"Magbalik bilang isang Demigod?"
Si Zhao Feng ay bahagyang nasurpresa nang marinig niya ito. Kung tutuusin, ito ay isa lamang Partial Thought. Kahit ang Purple Saint Partial Spirit ay hindi makakagawa ng bagay na ganito kahit na gamitin nito ang kaniyang buong kapangyarihan.
"Magagawa ko nang magamit ang Rebirth from Blood kung makukuha ko ang dugo ng Demigod."
Sambit ng Demigod Partial Thought sa isang superior na boses.
Rebirth from Blood?
Narinig na ni Zhao Feng ang alamat na ito, at ang mga libro ng Hidden Book Room ay mayroon ding tungkol dito. Base sa teorya, ang isang patak ng dugo ng Demigod at ang Demigod Partial Thought ay tiyak na kayang magbigay ng muling pagkabuhay, subalit ang tsansa nito na makaabot sa peak strength muli ay napakaliit.
"Hehe, talagang alam mo ang balita tungkol sa dugo ng Demigod? Subalit kahit na makuha ko ito, gagamitin ko lang ito sa sarili ko."
Humagikhik si Zhao Feng. Mukhang naintindihan na ng Demigod Partial Thought ang ilan sa kaniyang mga alaala.
"Sinasayang mo ito! Sa oras na muli akong nabuhay, magigising ko ang mga abilidad ng Demigod, kabilang na ang mga inheritances at mga alaala!"
Galti na sinabi ng Demigod Partial Thought.
Hindi ito itinanggi ni Zhao Feng. Nanahimik lamang siya. Nang walang duda, kung ang isang Demigod ay muling mabubuhay, ang halaga nito ay mas hihigit pa kaysa sa isang patak ng dugo ng Demigod.
Sa madaling salita, ito ay kapantay ng pagsubok na muling buhayin ang Demigod, subalit ang ganitong plano ay mapanganib.
Hindi tiyak si Zhao Feng sa kung ano ang pipiliin niya, at wala man lamang sa kaniya ang dugo ng Demigod ngayon.
"Manatili ka lamang dito."
Muntikan nang umalis ang kamalayan ni Zhao Feng.
"Sandali!"
Sumigaw ang Demigod Partial Thought, "Ako ay isa lamang Partial Thought. Nakakahanga na para sa akin na magtipon-tipon, kung wala kang agarang gagawin, maaari akong mabuhay pa ng ilang araw."
Ang matamlay na liwanag sa isipan ni Zhao Feng ay napakadilim na parang maglalaho ito sa kahit anong oras.
Nag-isip si Zhao Feng sa ilang sandali at maingat na gumamit ng ilang tubig mula sa lawa sa dimensyon ng kaniyang kaliwang mata upang balutin ang Demigod Partial Thought.
Ang eye-bloodline power ni Zhao Feng ay Water related, at mayroon itong abilidad na makapagpagaling.
Sa pamamagitan ng tulong ng tubig, nanatili ang matamlay na liwanag. Sunod ay naglabas si Zhao Feng ng isang kundol na kulay malalim na berde.
"Green Spiritual Gourd!"
Labis na nagagalak ang Demigod Partial Thought at sumisid deretso sa Green Spiritual Gourd.
Ang Green Spiritual Gourd ay mas nababagay na tirhan ng Demigod Partial Thought, at sa isang tiyak na hangganan, kaya itong pagalingin ng gourd.
Sa mga alamat, ang ilang mga Kings at Emperors ay nagtatago sa Green Spiritual Gourd, at libu-libong taong nakaraan, nagnakaw sila ng mga katawan at nabuhay muli.
Hindi ito dahil ang Demigod Partial Thought ay hindi maaaring manatili sa isipan ni Zhao Feng, subalit sa tuwing pinapadaloy ni Zhao Feng ang kaniyang eye-bloodline power o kapag inaatake siya ng Soul techniques, ang Demigod Partial Thought ay mapipinsala.
"Mayroon din akong mermaid tears, Soul Gathering Spirit Grass, at iba pang Soul items."
Sambit ni Zhao Feng.
"Mermaid tears? Soul Gathering Spirit Grass? Dali, ibigay mo ito sa akin. Maaari kong mabuo ang aking estado at maaari pa akong maging isang Partial Spirit."
Hindi mapakali ang Demigod Partial Thought.
"Hindi totoo ang mga libreng pakain. Hindi mo nga ako tinulungan kanina, kaya't bakit kita tutulungan? Maliban na lamang…"
Sambit ni Zhao Feng.
"…maliban na lamang kung hahayaan mong ako ang maging master mo."
Hindi namula ang mukha ni Zhao Feng, o kaya'y hindi rin tumaas ang pagtibok ng kaniyang puso.
"Ikaw, maging master ko? Imposible!"
Umatungal ang Demigod Partial Thought mula sa Green Spiritual Gourd.
"Kung ganoon manatili ka na lang diyan habangbuhay. Kahit na makuha ko ang dugo ng Demigod, wala ka pa ring tsansang mabuhay muli."
Walang emosyong sinabi ni Zhao Feng at siya ay tumayo, paalis na sa Hidden Book Room.
Bago pa man siya tumapak palabas sa silid:
"Tao, panalo ka…"
Maririnig ang Demigod Partial Thought na tila ba itinitiim nito ang kaniyang mga ngipin nang banggitin niya ito sa isang desperadong tono.
Tumango si Zhao Feng sa pagkakuntento bago maglagay ng isang maliit na patak ng mermaid tear sa Green Spiritual Gourd.
Gutom na hinigop ng Demigod Partial Thought ang enerhiya mula sa mermaid tear, at ang aura nito ay biglang lumakas.
"Master, gaano kalaki ang tiwala mo sa sarili mo na makukuha mo ang dugo ng Demigod?"
Tinanong ng Demigod Partial Thought matapos sumipsip ng isang patak.
"Mahirap sabihin dahil ang dugo ng Demigod ay nakapasok nasa sentrong libingan ng Messy Graveyard."
Hindi tiyak si Zhao Feng.
"Sentrong libingan? Ibig mong sabihin… ang libingan ng Demigod?"
Ang Demigod Partial Thought ay natulala.