Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 660 - Nightmare Dimension

Chapter 660 - Nightmare Dimension

Habang pinipigilan ni meng Xi ang lahat, si Zhao Feng ay sumuko na sa pakikipaglaban para sa dugo ng Demigod at umatras na.

Ang kaniyang Eye of Heaven ay mayroong mas malaking kalamangan kung mas malayo siya.

"Gayunman, magagamit ko lang ang Eye of Heaven sa pinakakritikal na sandali para magkaroon ng pinakamalakas na epekto."

Si Zhao Feng ay mas lumayo pa sa Heart Healing Palace.

Ang munting pusang magnanakaw ay nasa Heart Healing Palace, at si Zhao Feng ay kayang makita ang nakikita nito, na ang ibig sabihin ay nakikita pa rin niya ang nangyayari sa Heart Healing Palace.

Sa haba ng oras ng paggawa ng tsaa, ang tunog ng paglipad ay umalingawngaw, pati na ang paglitaw ng isang pamilyar ng King intent.

"Nan Gongsheng!"

Nakita ni Zhao Feng ang isang nagmamalaking youth sa hangin sa malayo. Ito ay walang dudang si Nan Gongsheng at ang direksyong pupuntahan niya ay patungo sa Heart Healing Palace.

"Magkakaroon na ng palabas ngayon."

Si Zhao Feng ay masaya.

Si Nan Gongsheng ay may isang anceint sword sa kaniyang kamay na binbago ang kulay ng langit sa puntahan niya.

Qiankun Sword!

Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay nagbago, at ang Ice Imperial Spear na sumama sa kaniyang bloodline ay nayanig.

Si Nan Gongsheng ay tinanggap ng Qiankun Sword, kaya maaari na niyang gamtin ang inheritance sacred weapon. Ang kaniyang cultivation ay halos maikukumpara na sa isang King.

Si Nan Gongshen ay gumugol ng mahabang panahon sa pagkuha ng pagkilala ng Qiankun Sword, at kung hindi ay sinira na ng nangungunang henyong ito ang lahat.

Si Nan Gongsheng ay dumaan sa hangin at tumingin kay Zhao Feng, ngunit wala itong sinabi at nagpatuloy na sa Heart Healing Palace.

Makalipas ang isang sandali, ilan pang mga pamilyar na anyo ang lumitaw.

"Junior Martial Brother Zhao!"

Ang mga bagong dating ay sila Chen Yilin, Jiang Fan, at mga kasama nito.

"Lahat kayo at papunta sa Heart Healing Palace, tama? Ang kompetisyon doon ay labis na mahigpit..."

Binuod ni Zhao Feng ang nangyayari, at pumunta sa kabilang direksyon pagkasabi nito.

SI Chen Yilin ay nagsimulang mag-isip. Ang Zhao Feng ay dumating sa Heart Healing Palace bago sila, ngunit ngayon ay umatras na siya.

Hindi nila maintindihan ang mga kilos ni Zhao Feng.

Ang lakas ni Zhao Feng ay nasa ilalim lang ng Nan Gongsheng at Meng Xi.

Pumunta si Zhao Feng sa kaniyang sariling landas sa isang direksyon. Mukhang isinuko na nito ang dugo ng Demigod, ngunit ang totoo, ang kaniyang atensyon ay nasa Heart Healing Palace pa rin.

"Maghahanap muna ko ng tahimik na lugar."

Tinignan ni Zhao Feng ang impormasyon sa kaniyang isip at ginamit ang Eye of Heaven para mabilis na mahanap ang pakay.

"Hidden Book Room."

Alam ni Zhao Feng na may isang Hidden Book Room sa Demigod Forgotten Garden.

Ang Hidden Book Room ay ang book room ng Demigod, at marami itong mga aklat, ngunit walang mga technique o skill sa loob.

Ang dahilan kung bakit namatay ang Demigod ay dahil sa God Tribulations, at wala siyang sapat na oras para maghanda ng isang tunay at kumpletong inheritance.

Gayunman, ang dahilan kung bakit pinili ni Zhao Feng ang Hidden Book Room ay dahil sa tahimik ito at malayo.

Kasabay nito, gusto niya ring magmanan. Ang ilag tao sa True Martial Sacred land ay gustong tumuon sa mga hindi kilalang lugar ng Demigod Forgotten Garden, iniisip na may mga lugar na may hindi malamang kayamanan.

Ang Hidden Book Room ay isa sa mga lugar na iyon.

Bilang book room ng isang Demigod, walang kayamanan ang lumitaw rito – ang isang ito ay kahinala-hinala na.

Nang papunta na si Zhao Feng sa Hidden Book Room, ang sitwasyon sa Heart Healing Palace ay nagbago.

"Ang dugo ng Demigod ay akin!"

Si Nan Gongsheng ay bumaba mula sa langit at pumasok sa Heart Healing Palace. Isa pang Magnificent Power ang dumating sa ibabaw ng ilog.

Shua!

Sa isang iglap, si Nan Gongsheng ay lumitaw sa harapan ng dugo ng Demigod.

"Nan Gongsheng!"

Ang ekspresyo ni Meng Xi ay nagbago. Ang dugo ng Demigod ay labis na malapit sa kaniyang palad.

Hu~ Roar~~~

Ang beast King ay sumigaw at nagbigay ng isang ragasa ng nakakasindak na purple flaming lightning papunta kay Nan Gongsheng.

Ito ang atake ng isang King. Kung hindi lang dahil nasa Demigod Forgotten Garden sila, ang lugar sa paligid ay nagulo na.

"Hmph!"

Isang Magnificent Power at isang pilak na alon ng liwanag ang lumitaw sa katawan ni Nan Gongsheng.

Boom!

Ang atake mula sa beast King ay tila nalipat sa kalawakan.

Miao!

Isang munting pusa sa gilid sa kung saan ang may kakaibang ekspresyon.

"Spatial laws! Tulad ng inaasahan sa may-ari ng Heavenly Spiritual Body at isang Spatial Spiritual Body."

Si Zhao Feng ay nakakaramdam din ng katulad sa munting pusang magnanakaw.

Bam!

Ang pagtatana ng dalawang kapangyarihan ay nagdahilan para mayanig ang hangin.

"Hindi ito maganda...!"

Ang mga henyo sa paligid ay hindi makatayo nang maayos.

Ang mga shockwave mula sa pagtatama ng mga King ay kayang masira ang kalahating milya ng Demigod Forgotten Garden.

Ang jade stone footpath sa ilalim ay nagsimulang magkabitak.

Gayunman, wala sa loob ng Demigod Forgotten Garden ang simple.

Weng~

Sa ilalim ng kakaibang pagdaloy ng lakas, ang mga nasirang gusali at daan ay nagsimulang kusang maayos ang kanilang sarili. Ito ay dahil ang dimensyon ng Demigod Forgotten Garden ay ginawa ng Demigod, at ang Demigod intent ang diyos dito.

"Demigod... Heavenly Divine Realm... anong uri ng lebel ito?"

Hindi maiwasan ni Zhao Feng na asahan ito. Ang may-ari ng kaniyang kaliwang mata ay siguradong isang Diyos mula sa sinaunang panahon, kaya dapat nasa Heavenly Divine Realm na sila.

"Tara!"

Sigaw ni Nan Gongsheng, at isang butas ng isang pilak na liwanag sa paligid nito ang lumitaw sa kaniyang palad.

Hu~

Isang mystic spatial pulling force ang nanatili sa dugo ng Demigod.

Halatang si Nan Gongsheng ay gumagamit ng isang spatial secret technique para subukang kunin ang dugo ng Demigod.

Boom! Weng~~

Ang dugo ng Demigod ay may sariling kamalayan, at naglabas ito ng isang divine power na sinubukang pigilan ang paghila mula sa spatial hole.

"Tulad ng aking inaasahan."

Si Zhao Feng ay hindi nagulat.

Ang humihilang puwersa ni nan Gongsheng ay nanggaling sa kaniyang spatial talent, at mas malapit ito sa malapitang labanan. Mas malakas ito sa Spatial Movement ni Zhao Feng. Higit pa rito, halos naabot na ni Zhao Feng ang Void God Realm, kaya kahti na ang dugo ng Demigod ay lumaban, papunta pa rin ito sa kaniya.

"Huwag mo nang tangkain pa!"

Ginamit ni Meng Xi ang lilang sungay at inutusan ang beast King para atakihin si Nan Gongsheng.

Kailangan niya ng nasa 50% ng kaniyang lakas para makontrol ang beast King.

"Nightmare Dimension!"

Ang buhok ni Meng Xi ay magulong gumalaw.

Sa sandaling ito, lahat sa loob ng ilang dosenang yarda ay nabalot ng isang malabong liwanag. Pagkatapos, sa isang kisapmata, ang mga tao sa paligid ay napunta sa isang kakaibang dimensyon.

Ang dimensyong ito ay nakaayos pa ring tila isang ilog sa Heart Healing Palace, ngunit ang aura ng lugar dito at nagbago. Tila isa itong dimensyong nilamon.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Ang buhok ni Meng Xi ay humaba at bumalot kay Nen Gongsheng.

"Ito na naman ang Nightmare Dimension!"

Nagngalit ang ngipin ni Nan Gongfan.

Ang Nightmare Dimension ay hindi gaanong nakaapekto sa iba, ngunit ang lakas ni Meng Xi ay labis na tumaas.

"May antas na 230 sa Ten Thousand Ancient Races – ang Nightmare Race. Ang pagkakaroon ng isang kakaibang Soul bloodline, kayang, maisama ng isang tao ang Nightmare Dimesion sa katotohanan."

Bulong ng nag-iinit na youth sa kaniyang sarili.

Para maapektuhan ang realidad ng ilusyon…. mula rito, makikita kung gaanong nakakasindak ang bloodline na ito.

"Ang ultimate illusion ay realidad. Ang kaniyang bloodline ay kayang mahawakan ang isang direksyon."

Si Zhao Feng ay nagulat.

Ang kaniyang Eye of Illusion ay hinila ang kamalayan ng kalaban sa isang ilusyon na ginawa niya, habang si Meng Xi ay hinila ang ilusyong Nightmare Dimension sa realidad.

Sa sitwasyong ito, lahat ng imposible ay naging posible.

Halimbawa, sa totoongmundo, ang buhok ni Meng Xi ay kasinghaba lang ng isang karaniwang tao, ngunit sa Nightmare Dimension, ang kaniyang buhok ay ilang beses na mas mahaba. Tila nagkaroon siya ng kakayahan ng isang panaginip.

Syempre, ang epekto ng Nightmare Dimension sa realidad ay limitado.

Malapit sa ilog, ang lakas ni Meng Xi ay labis na tumaas, at ang malabong liwanag sa paligid ay iba sa iba pang parte ng Heart Healing Palace.

Sa sandaling ito, si Nan Gongsheng ay nasa depensa, at ang spatial hole sa harapan ng kaniyang kamay ay nawala.

"Mystic Spatial Split!"

Kumaway si Nan Gongsheng, at isang matalim na pilak na liwanag na naglalabas ng forbidden aura ang lumitaw sa hangin.

"Nightmare Body!"

Ang katawan ni Meng Xi ay nabalot ng malabong liwanag ang nagsimulang gumalaw.

Whoosh!

Ang Mystic Spatial Split, na kayang pumatay agad ng half-step King, at hindi napinsala si Meng Xi. Ang kaniyang depensa ay napigilan ang 30% ng atake, at ang kaniyang imahinasyon sa Nightmare Dimension ay kayang maapektuhan ang realidad.

Walang nakakaalam kung mabubuhay pa sila kung mapatay sila sa kanilang panaginip. Ang Nightmare Dimension ni MEng Xi ay kayang mataasan ang epektong ito nang ilang beses at gawin itong totoo.

"Tulad ng inaasahan sa Ten Thousand Ancient Races bloodline. Tunay na malahalimaw ito. Kung kaya kong matutunan ang Nightmare Dimension ito, tila paglikha ito ng panlinlang."

Si Zhao Feng ay nagu;at, ngunit alam niyang magiging labis na mahirap kopyahin ang kakayahang ito. Wala siyang intensyong gawin ito, sa ngayon.

"Qiankun Sword!"

Si Nan Gongsheng ay naglabas ng inheritance sacred weapon.

Sa isang hiwa ng Qiankun Sword, ang langit at lupa ay mukhang umikot at yumanig. Kahit ang Nightmare Dimension ay nayanig ay humina.

"Nakuha ni Nan Gongsheng ang QIankun Sword. Kahit na kaunti lang nito ang kaya niyang gamitin, sapat na ito para mawalan ng kaayusan ang aking Nightmare Dimension at mapataas ang lakas na kailangan para mapanatili ito."

Nayanig ang puso ni Meng Xi.

Si Nan Gongsheng ay talagang karapat-dapat maging karibal niya.

Boom! Bam! Bam!

Si Meng Xi at Nan Gongsheng ay nagsalpukan. Ang kanilang mga kapangyarihan ay parehong napunta sa pisikal at mental energy dimension, at sa Nightmare Dimension.

Ang mga natitirang henyo ay umatras na nang isang daang yarda palayo.

Si Chen Yilin, Jiang Fan, at mga kasama nila ay kakarating lang at walang magawa kung hindi patunugin ang kanilang dila.

"Siguro ay magandang ideya ang pag-alis ni Zhao Feng."

Bulong ni Chen Yilin.

Maliban na lang kung ang lakas ni Nan Gongsheng at Meng Xi, walang iba ang nangahas na lumapit.

Ang salpukan ng dalawang henyo ay naging tabla. Ang tagumpay ay hindi masasabi sa loob ng maiksing oras.

Gayunman, kasabay nito, ang kapangyarihan mula sa dugo ng Demigod ay mabagal na humihina.

"Laban. Kung ang dalawang ito ay nasa peak state, wala akong gaanong pagkakataon."

Isang ngiti ng panghahamak ang lumtiaw sa mukha ng nag-iinit na youth na nakatayo sa bubong.

Makalipas ang isang oras, may isang maliit na book room na gawa sa kawayan ang nasa patyo."

Nang hukabang si Zhao Feng sa patyo, biglang bumuhos ang mahinang ulan.

"Kakaiba."

Tila narinig ni Zhao Feng ang tunog ng kinakantang tula, na nakipag-ugnayan sa mahinang ulan sa labas.

Gayunman, hindi umulan kahit saan sa labas ng patyo.

Hinulaan ni Zhao Feng na ito ay ang intent ng may-ari ng Demigod Forgotten Garden – tahimik na binabasa ang isang aklat sa ulan ng tagsibol.

Ito ang book room ng Demigod.

Si Zhao Feng ay magalang na humakbang sa Hidden Book Room.