Matapos alipinin ang sampung ancient crocodiles, magagawa na ni Zhao Feng na dominahin ang baybayin ng Purple Smoke Lake kasama ang mga kawani nito ng mag-isa.
At sa sandaling ito, ang mga kalapit na mga henyo, kabilang na ang dalawang Great Origin Core Realms, ay maingat kay Zhao Feng.
Ang kanyang bawat aksyon at kilusan ay mahigpit na nakatuon.
Matapos magpahinga ng ilang sandali, inutusan ni Zhao Feng ang sampung ancient crocodiles na dahan-dahang lumangoy patungo sa gitna.
Hindi siya naglakas-loob na pumunta sa malayo.
Mayroong napakaraming mga halimaw sa Purple Smoke Loke. Ang iba ay uri ng mga isda na aabot sa bilang na libo at libu-libo. Kung ang isa ay nabitag nila, kahit na ang half-step Void God Realms ay kinakailangang umatras.
Ang pagkain ng mga ancient crocodiles ay nasa tuktok lamang sa paligid ng baybayin ng Purple Smoke Lake.
At sa mga sandaling ito:
Whoosh! Whoosh! Whoosh!
Isang grupo na hindi mabilang na mga isda ang lumitaw sa tubig nang mas maaga. Ang pinakamahina sa kanila ay naabot na ang True Lord Rank, at halos mayroong sampung Origin Core Realm auras.
Nadama ng mga isda ang auras ng mga buwaya at hindi naglakas-loob na lumapit.
"Humayo."
Naka upo si Zhao Feng sa buwaya at inutusan ang iba pang mga buwaya na lumapit sa grupo ng mga isda.
Whoosh! Whoosh! Whoosh! Whoosh!
Ang grupo ng mga isda ay agad na nagkagulo.
Kung wala sila sa halos ilang daang, mahihirapan sila sindakin ang sampung ancient crocodiles.
"Ten Thousand Divine Thoughts Technique – One Thought into Ten."
Ang isip ni Zhao Feng ay agad na nahati sa sampu, na kung saan ginamit niya sa lahat ang Dark Heart Seal sa mga isda.
Sapagka't sila'y nagkakagulo at natatakot, madali silang naalipin ng Dark Heart Seal.
Sa isang paghinga lamang, naalipin ni Zhao Feng ang labing-walong isda gamit ang kanyang Dark Heart Seal.
Lahat ng mga isda ay hindi bababa True Lord Rank, ngunit ang Dark Heart Seal at Ten Thousand Divine Thoughts Technique na ginamit ni Zhao Feng ay nananatiling kontrolado parin niya.
Whoosh~~
Ang mga alipin na isda ay lumangoy patungo sa ancient crocodiles na may buong paggalang.
"Nagawa niyang kontrolin ang napakaraming isda gamit ang isang pag-iisip lamang?"
Hindi makapaniwala ang female beast tamer. Ang kanyang mga mata ay puno ng pagkamangha.
Siya ay nagsanay din sa mental energy, kaya alam niya na ang karunungan ni Zhao Feng ay umabot na sa napakataas na antas.
Ang paghati ng pag-iisip sa sampu o dalawampu na magkakaiba at paggamit ng soul technique sa parehong oras sa bawat indibidwal na pag-iisip… para sa kaniya, ito ay isang grandmaster na.
Gayon pa man, ang pagka-alipin ng labing walong isda ay ang first wave. ni Zhao Feng.
Ang second wave naman ay muling hinati ni Zhao Feng kanyang pag-iisip upang alipinin sampu hanggang dalawampung mga isda.
Ang third wave… fourth wave… fifth wave.
Pagkatapos ng pang-limang waves, si Zhao Feng ay mayroon nang daan-daang isda at sampung Origin Core Realm na lider ng mga isda.
Hindi makapaniwala ang female beast tamer.
"Gaano kalakas ang kanyang kaluluwa? Kahit na siya ay mayroong eye-bloodline na kayang magbawas ng dami ng enerhiya na ginugol, hindi ito maaaring gamitin nang walang katapusan ... "
Ang female beast tamer, ay hindi naniniwala sa nakita ng kanyang mga mata.
Sinuri niya ang kaluluwa ni Zhao Feng na hindi bababa sa late-stage Great Origin Core Realm o mas malakas pa, at mayroon siyang Soul-based eye-bloodline na nakakapagpataas ng kanyang kahusayan bukod pa roon.
Ngayon ay mayroon na si Zhao Feng na sampung ancient crocodiles sa paligid at daan-daang mga isda.
"En, kumpleto ang unang hakbang. "
Tumango si Zhao Feng. Ang bilang ng kanyang hukbo ay sapat na para pamunuan ang baybayin ng Purple Smoke Lake.
Pagkatapos magpahing ng ilang oras upang mabawi ang nabawas niyang enerhiya, nagpadala si Zhao Feng ng ilang mga kautusan na bumaba.
Whoosh! Whoosh! Whoosh! Whoosh!
Ang mga isda ay nagsimulang gumalaw patungo sa labas na gilid ng Purple Smoke Lake.
Sa pamamagitan ng utos ni Zhao Feng, ang mga isda ay bumuo ng grupo ay nagsimulang magtipon ng mga resources sa paligid ng Purple Smoke Lake.
"Ang Purple Smoke Lake ay mayroong maraming kakaibang mahahalagang mga resources. Ang kahusayan ng isang tao ay napakababa at hindi uubra nang mag-isa lamang, at napakaraming mga banta sa lawa."
Si Zhao Feng ay hindi gumawa ng anumang bagay sa kanyang sarili lamang, binigay niya lamang ang lahat sa kanyang mga kawani.
Ang mga buwaya ay mas pamilyar sa kapaligiran dito, at sila ay talagang matalino.
Ang daan-daang mga isda ang nangunguna sa pagkuha ng mga resources habang ang mga ancient crocodiles ang nagsilbing kanilang guwardiya, at ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang responsable sa paghahanap ng mga resources sa lawa.
"Purple Scaled Grass!"
Lumiwanag ang mga mata ni Zhao Feng nang makita niya ang mga bakas ng Purple Scaled Grass.
Ang Purple Scaled Grass ay isang resources na gawa ng Purple Smoke Lake, at ito ay may kakaibang kapangyarihan. Isa sa mga dahilan kung bakit nagpunta ang mga henyo dito ay dahil sa Purple Scaled Grass.
"Hindi na masama."
Kumuha ng ilang tangkay ng Purple Scaled Grass si Zhao Feng at kinumpirmang ito ay tunay.
Sa ilalim ng kanyang puwersa, naniniwala siyang makakahanap pa siya nang marami.
Upang subukan ang epekto ng Purple Scaled Grass, nagdisisyon siyang kumain ng isa.
Isang malamig na aura ang agas na pumasok sa kanyang laman at dugo, na nagsimulang masunog.
Isang maputlang apoy na lila ang nagsimulang pumalibot sa katawan ni Zhao Feng. Makikita na siya ay medyo nasasaktan at nahihirapan.
Ang normal na Origin Core Realm cultivator ay kinakailangan ng hindi bababa sa kalahating buwan bago tuluyang masipsip ang enerhiya ng isang Purple Scaled Grass.
Gayon pa man, ang state of existence ni Zhao Feng ay hindi simple pagkatapos palakasin ng Ancient Dream Realm aura. Ang kanyang bilis sa pagsipsip ay hindi maiisip sa lohikal lamang.
"Ang Purple Scaled Grass ay tunay ngang may epekto sa aking katawan at state of existence, ngunit ang epekto sa akin ay hindi masyadong malakas."
Malinaw na naramdaman ito ni Zhao Feng dahil ang kanyang state of existence at katawan ay naabot na ang limitasiyon ng Great Origin Core Realm at nagsara sa Void God Realm.
Kahit na ang katawan at existence ng half-step Void God Realm ay hindi kasing lakas gaya ng kay Zhao Feng.
Siyempre, gusto ni Zhao Feng ang Purple Scaled Grass para sa kanyang defensive Water bloodline.
Ang isang bagay na maaaring makapagbigay ng kakaibang bloodline sa buong kalawakan. Ito ang pinakamahalagang aspeto ng Purple Scaled Grass.
Sa paglipas ng mga oras, ang hukbo na kontrolado ni Zhao Feng ay kinolekta ang mga resources, na nagbibigay ng malaking importansiya sa Purple Scaled Grass.
Sa kanilang pagtipon ng mga resources, hindi maiiwasan na mabawasan siya ng mga ilan sa kanyang hukbo, ngunit dinadagdagan niya naman ito ng mas marami pa. Makalipas ang kalahating araw, ang bilang ng mga isda sa ilalim ng kontrol ni Zhao Feng ay lalong mas dumami. Ang bilang ay umabot na ng higit sa dalawang daan.
Habang ang pakay ng Dark Heart Seal ay alipin pa nito, susundin nila ito ng walang pagaalinlangan, ibig sabihin lamang na ang enerhiya na ginamit upang kontrolin ang mga ito ay magiging maliit na lamang.
"Purple Scaled Grass… Black Water Insect Grass… Water Precious Stone… Guwu Shell…."
Kakaibang mga kayamanan at resources ang ipinadala kay Zhao Feng. Dagdag pa dito, pumunta lamang dito si Zhao Feng para sa mga kayaman at mga resources na magagamit para sa Origin Core Realm o sa pagkawala sa labas ng mundo. Sa gitna ng mga ito, ang kanyang pangunahing pokus ay ang Purple Scaled Grass.
Ang ibang mg aresources at kayamanan ay ay pangunahing ginagamit para sa alinman na tulong sa labas, paggawa ng tableta, paghahanda ng sandata, o panlunas, samantalang ang Purple Scaled Grass ay may direktang nakakapagpataas ng lakas.
Inilagay niya ang pinakamahalaga sa ganitong uri ng resources.
Ang kahusayan ng dalawang daang mga isda ay labis na napakalakas, at ang bilang ng Purple Scaled Grass sa kamay ni Zhao Feng ay patuloy na dumadami.
"Labing-walo… labinsiyam… dalawampu.... "
Patuloy ang pagtaas ng Purple Scaled Grass ni Zhao Feng sa pag-utos sa kanyang mga kawani sa paligid, na kung ang iba ay aabot ng halos dalawang araw bago makakita ng isa o dalawa habang kaharap ang maraming mga halimaw sa pagpapatuloy.
Sa bawat oras, si Zhao Feng ay kumakain ng ilang kumpol ng Purple Scaled Grass. At sa bilang ng kanyang mga kinakain ay mas dumadami, ang katawan ni Zhao Feng ay lalong naging malakas, lalo na pagdating sa depensa.
Nang kumain siya ng sampung pirasong Purple Scaled Grass, naramdaman ni Zhao Feng na ang kaniyang bloodline ay sumailalim sa isang kakaibang pagbabago. May tila isang dark purple Water aura sa loob ng kanyang laman.
_Hmm?_
Sinubukang kontrolin ni Zhao Feng ang aura na nasa kanyang katawan.
Weng~~
Isang patong ng markang maitim na lila ang lumitaw sa balat ni ZHao Feng, na sa lalong madaling panahon ay naging mga kaliskis.
"Tagumapay!"
Si Zhao Feng ay labis na natuwa. Dahil ngayon ay mayroon na siyang bloodline power sa kayang katawan.
Nararamdaman ni Zhao Feng na ang kanyang kaliskis na pang depensa ay malakas, katulad ng kaliskis na nasa katawan ng mga ancient crocodiles.
Ang lahat ng mga ancient crocodiles ay na sa Small Origin Core Realm lamang, ngunit ang kanilang depensa ay maaaring hadlangan ang atake na mula sa Great Origin Core Realm.
Kadalasan sa mga bloodline powers ay naka base sa kung gaano kalakas ang katawan ng isa. Ang state of existence at katawan ni Zhao Feng ay parehong nakakuha ng maraming Ancient Dream Realm aura, kaya't ang lakas ng kanyang bagong defensive bloodline ay lubhang napakalakas.
"Nadagdagan ang aking pangkalahatang dipensa nang halos 30% dahil sa defensive bloodline na ito."
Nagulat ang puso ni Zhao Feng, at ito ay simula pa lamang. Kumakain pa rin ito ng maraming Purple Scaled Grass upang madagdagan ang konsentrasyon ng kanyang bloodline.
Kasabay nito, sandaling pumunta si Zhao Feng sa Ancient Dream Realm upang sipsipin ang aura at linisin ang bloodline nito.
"Dalawamput-walo… tatlumpu... tatlumpu't lima…."
Ang maliit na hukbo ni Zhao Feng ay patuloy parin sa pagrami, at ang kanilang kahusayan ay patuloy rin sa pagtaas.
Ang lahat ng mga halimaw ay matatalino sa isang tiyak na antas, nag padala ng isang imahe ng Purple Scaled Grass si Zhao Feng sa isip ng mga lider at inutusan silang mag pokus sa mga espesyal na mga damo.
Sa ikalawang araw, ang bilang ng piraso ng Purple Scaled Grass na nasa kanyang kamay ay umabot na ng apatnapu.
Mabilis niyang natatanggap ang mga Purple Scaled Grass kaysa sa pagkain niya nito.
At sa mga sandaling ito, ang kanyang bagong bloodline power ay nagbago narin. Kinakailangan niya lamang ng isang pag-iisip upang bumuo ng dark purple Water markings sa kanyang katawan, at ang kaliskis ay mas lalong kumapal.
"Ang aking depensa ngayon ay mas malakas na kaysa noon, ngunit ang defensive bloodline na ito ay hindi naaapektohan ang aking Water bloodline's defensive barrier."
Naramdaman ni Zhao Feng sa kanyang katawan, lalo na pagdating sa depensa, na naging mas malakas.
Ang lahat ng ito ay nakarating sa mga mata ng iba pang mga henyo ng Sacred Land.
Isang araw at kalahati ang lumipas simula ng pagbubukas ng Demigod Forgotten Garden.
Mayroong dalawampu o tatlumpung mga henyo na kasalukuyang nasa paligid ng Purple Smoke Lake, at sila ay naiinggit sa pag-aani ni Zhao Feng.
Gayon pa man, ang hukbo ni Zhao Feng ay palaki nang palaki. Sapat na ito upang ang iba pang mga henyo ay matakot sa kanya.
"Dalawampung ancient crocodiles at apat na daang isda .... "
Ang female beast tamer ay tumingin kay Zhao Feng na parang hindi siya tumitingin sa isang tao.
Sa ibang sulok ng lawa:
"Isang maliit na Small Origin Core Realm's ang kumukuha ng higit sa 90% ng Purple Scaled Grass. "
"Ang kanyang hukbo ay nakakuha na ng higit sa kalahati ng lahat ng resources at mga kayamanan dito. Hindi man lang kami makitang mga buto para nguyain."
Lima o anim na mga henyo ang nagtipon. Sila ay tumingin sa hukbo ng mga nilalang sa tubig na may galit at kawalang-habas.
Dalawa sa kanila ay naabot na ang Great Origin Core Realm. Isa sa kanila ay isang lalaki na may tuyong pagkalanta na mukha at ang iba naman ay kabataan na cultivated ang Sword Dao.
Ang lalaking may pagkalanta ang mukha na dalubhasa sa Dao of Ghost Corpses ay may hukbo na may daan-daang kalansay. Sa mga ito, walo sa kanila ay naabot na ang Origin Core Realm, at ang golden skeleton naman ay Sovereign Lord Rank.