Alam ni Zhao Feng na ang pagpunta ni Duanmu Qing sa Purple Saint Ruins ay magandang balita para kay Zhao Yufei.
Matapos mag-isip ng ilang sandali, napagtanto niyang, matapos niyang mapasok ang Sacred Land, ang kailangan niya lamang ay ang tahimik na pagcucultivate. Wala ng iba pang mga kailangan.
Ang tanging bagay na kailangan niyang gawin ay ang ingatan ang mga tao sa Blue Lightning Sea Sky Ship, ngunit hindi na niya kailangan ng Emperor para gawin ito.
"Gaano katagal kaya mawawala si Master?"
Tanong ni Zhao Feng.
"Siguro ay nasa isang buwan o dalawa, o kaya nama'y kalahating taon. Hindi mahirap na pigilan ang mga problemang kinakaharap ng Purple Saint Ruins, ngunit mahihirapan naman na bumuti ang kalagayan ng dimensiyon. Oras din ang kailangan ng inheritance para maging kumpleto."
Sagot ni Duanmu Qing.
Bago siya umalis, si Duanmu Qing ay nagpadala sa isipan ni Zhao Feng ng impormasiyon tungkol sa Demigod Forgotten Garden.
Kahit na nagbubukas ang Demigod Forgotten Garden sa loob lamang ng limang daang mga taon, ang kasaysayan ng Sacred Land ay napakahaba.
Ang dalawang three-star clans at ang karamihan sa mga two-star sects ay pinag-aralan ang ibang paraan ang kasaysayan nito, kaya halos alam nila ang mga sitwasiyon sa loob nito.
"Ang kinakailangan para makapasok sa Demigod Forgotten Garden ay dapat nasa limapung taong gulang ka pababa. Maraming mga pinagbabawal sa Demigod Forgotten Garden, at ang mga dimensiyon dito ay ibang-iba mula sa labas ng mundo…."
Pagpapa-ikli ni Zhao Feng.
Mayroon pang dalawa hanggang tatlong buwan bago magbukas ang Demigod Forgotten Garden.
Sa kasalukuyan, napagdesiyunan ni Zhao Feng na magpokus sa kaniyang cultivation, kaya nawalan siya ng oras para basahin ang buong detalye.
"Una, ay kailangan kong ingatan ang lahat ng nakasakay sa Blue Lightning Sea Sky Ship
Bumangon si Zhao Feng at saka umalis.
Bilang isang Core disciple ng three-star clan, si Zhao Feng ay madaling makakalakad sa buong Sacred Land ng dahil sa kaniyang estado.
Gayon pa man, siya ay matinding nag-iingat dahil ang aura of Death sa ilalim ng kaniyang kaluluwa ay napakalapit pa rin.
Marami sa mga four Death Spirit Lords at tatlompu't anim na mga Death Guarda ang nasa True Martial Sacred Land.
Matapos umalis, kinuha ni Zhao Feng ang kaniyang Core Disciple Token at saka nagpadala ng mensahe sa Golden Mountain Sect.
Matapos ang isang oras, ang matandang si Li mula sa Golden Mountain Sect ay nakatanggao ng sulat.
Sa kaunting piraso ng mental energy, boses ni Zhao Feng ay tumunog nang bumukas ang sulat, "Mandang si Li, kailangan ko ang tuling mo sa isang bagay…."
Nagulat ang matandang si Li. Ang tanging nakakagawa ng paglalagay ng kanilang mental energy sa isang sulat ay ang mga nasa Void God Realm lamang? Samakatuwid, ang boses na ito ay mabilasan lamang.
Ng dahil sa Ten Thousand Divine Thoughts Technique, ang mental energy thoughts ni Zhao Feng ay maaari ng mahati sa marami.
Kung ang mental energy niya ay nakadikit sa isang sulat at ito'y ipapadala sa malayo, maaari niya itong ikonekta sa kaniyang kaluluwa. Ito lamang ang basic method ng Ten Thousand Divine Thoughts Technique.
Gamit ang sulat na ito, ai Zhao Feng at ang matandang si Li ay hindi na mahihirapan sa iba pang paraan sa pakikipag-komunikasiyon.
"Munting kaibigang Zhao, hindi mo na kailangang mag-alala. Sasabihin ko ito sa upper echelon of the sect upang mabigyan ng posisyon ang iyong mga kaibigan. Hindi naman ito malaking problema."
Sabi ng matandang si Li.
Sa araw ring iyon, amg King naka asul na roba ay gustong isakay ang lahat sa Blue Lightning Sea Sky Ship.
Sa pangalawang araw, sina Li Yunya, Loulan Zhishui, at ang iba pa ay sumakay sa Blue Lightning Sea Sky Ship at naging mga outer members ng Golden Mountain Sect.
Sa wakas ay nakaramdam din ng kaginhawaan si Zhao Feng.
Hindi ang True Martial Sacred Land ang kaniyang huling hantungan, kakailanganin niya pa rin ang barko matapos pumunta sa Floating Dream Sacred Land.
Matapos niyang pakaingatan ang mga nakasakay sa Blue Lightning Sea Sky Ship, si Zhao Feng ay mag-isang pumasok dito.
Mayroon siyang tatlong kasalukuyang paraan na tatahakin.
Isa ang Wind Lightning Emperor's Inheritance.
Halos makabisado na niya ang purple color level, kaya sinusubukan niyang icultivate ang scarlet-colored Wind Lightning.
Ang pangalawa ay ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique.
Ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique ay mas malaki pa sa Wind Lightning Emperor's Inheritance, at makakaya rin nitong alisin ang intent of Death sa loob ng kaniyang kaluluwa.
Ang pangatlong paraan ay ang Death Dark Eye.
Sa tatlong iyon, ang pinakamahalaga kay Zhoa Feng ay ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique. Ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique ay pinalalakas ang kaluluwa ni Zhao Feng at hinahayaan siya nitong gamitin ito ng mabuti.
Gayon pa man, matapos maabot ni Zhao Feng ang One Thought into Ten na level, ang paggaling niya ay unti-unting tumataas.
Isang himala na naabot pa ni Zhao Feng ang One Thought into Ten na level sa loob ng mabilis na panahon. Ang rate of cultivation niya ay nakalampas na sa bilis ng mga eksperto mula sa pamilya Duanmu.
Sa pangalawang araw,si Zhao Feng ay nagsimula ng aralin ang Dark Eye Secret Manual.
Naguluhan siya ng husto nang mabasa niya ang mga nilalaman nito.
Ang Dark Eye Secret Manuak ay naglalaman ng mga teyorya at mga teknik ng Emperor of Death at, kahit na wala itong masiyadong imposmasiyon tungkol sa Death Dark Eye, mayroon pa rin itong mga impormasiyon tungkol sa pagsuporta at pagkontrol ng mga eye-bloodline techniques.
"Ang lahat ng mga teknik na ito ay nakapokus sa Death at sa Soul. Ang Emperor of Death ay napakamatalino; hindi siya masiyadong nagsulat tungkol sa offensive eye-bloodline techniques o mga impormasiyon sa core.
Ginugol ni Zhao Feng ang buong araw at gabi niya para suriin ang mga nilalaman nito.
Alam ng lahat na ang mental energy ni Zhao Feng ay napaka-makapangyarihan; mayroon siyang abilidad na kabisaduhin ang lahat ng makita niya. Magaling din siya pagdating sa comprehension at learning ability.
Ang Dark Eye Secret Manual ay hinayaang maintindihan ni Zhao Feng ang tungkol sa Death at Soul techniques.
At ang mas nakakagulat pa na ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique at ang Dark Eye Secret Manual ay kinukompleto nito ang isa't isa.
Ang dalawa ay parehong itinuturing ang paggana ng mga kaluluwa,at naintindihan na ni Zhao Feng ang Dark Eye Incomplete Page noon, kaya magawa niyang maintindihan ang Dark Eye Secret Manual.
Lumipas ang kalahating buwan sa isang kurap lamang ng mata. Ang kamalayan ni Zhao Feng ay kumpleto nang nalaman ang Dark Eye Secret Manual nang mapag-aralan niya ang mga teyorya sa likod nito.
Dahil karamihan sa mga skills na naitala sa Dark Eye Secret Manual ay tungkol sa element of Death, hindi ito mapag-aralan ni Zhao Feng, ngunit naaral naman niya ang basic Soul Techniques.
Sa loob ng kalahating buwan na iyon, naimbento ni Zhao Feng ang ibang mga eye-bloodline techniques. Ang karamihan ay nakapokus sa Soul-based, at dahil aila ay nakapokus sa Dark Eye Secret Manual, karamihan sa mga teknik na ito ay mga supporting skills.
"Soul Chains!"
Isang bugso ng mental energy eye-bloodline power ang lumitaw sa kaliwang mata ni Zhao Feng.
Sa sumunod na sandali, ang skeletal Division Leader sa Ten Thousand Ghost Pearl ay biglang nahirapang gumalaw.
Isang malinaw na kulay lilang kadenang kidlat ang bumalot sa katawan ng skeletal Division Leader.
Sa katotohanan, ang tiyak na katotohanan ay ang kaluluwa ng skeletal Division Leader. Ang malinaw na kulay lilang kadenang kidlat ay nabubuo lamang sa loob ng soul-dimension, at ito'y humaharang sa kaluluwa ng mga kalaban.
"50% lamang ng lakas ko ang aking nagamit at hindi mo na kayang lumaban pa."
Kinuha pabalik ni Zhao Feng ang kaniyang eye-bloodline power ng may sama ng loob.
Ang skeletan Sivision Leader ay nahirapan sa paghinga bago muli siyang makawala.
Maliban sa mga Soul Chains, nakaunawa rin si Zhao Feng ng dose-dosenang mga Soul-based techniques, ang iba ay mahina at ang iba naman ay malakas.
"Dark Heart Seal, Mental Energy Spike, Eye of Nightmares, Soul Searching Eye, Demonic Eye…."
Mga teknik, mga teyorya, at mga intents ang lumitaw aa isip ni Zhao Feng.
Kahit na ang ibang mga skills ay kabilang sa element of Death, kayang gamitin ito ni Zhao Feng sa iba pang mga elemento.
Kung tutuusin, ang kaniyang eye-bloodline powers niya ay nagbabago, na nagbibigay sa kaniya ng malaking kalamangan mula sa ibang mga eye-bloodlines.
Sa lahat ng mga teknik, ang Dark Heart Seal ang pinakanaunawaan ni Zhao Feng. Ito ang progreso ng Dark Heart Seed.
Sa nakaraan, ang Dark Heart Seed ay maaaring isama sa kaluluwa ng kalaban at takutin ang buhay ng kalaban para ito'y alilain.
Gayon pa man, ang kapangyarihan Dark Heart Seed ay limitado lamang; maaari nitong kontrolin ang pag-iisip ng biktima.
Kung wala silang pakialam sa kanilang buhay, mawawalan ng saysay ang Dark Heart Seed. Kung ang target ay gustong umatake pabalik, maaari nilang magawa ito parehas, kaya malaki ang panganib.
"Ang Dark Heart Seed ay tinatatakan ang soul-power sa kailaliman ng kaluluwa ng kalaban at maaaring mabago ang pag-iisip nito. Ang mga natatakan ng Dark Heart Seal y susunid sa kanilang mastee kahit ano man ang mangyari."
Alam ni Zhao Feng kung gaano nakakatakot ang skill na ito.
Ang Dark Heart Seal ay isang enslaving seal. Sa oras na matatakan ka nito, ang biktima ay susunod sa kaniyang master na para talagang tunay na alila.
Halimbawa, kahit na nakontrol ni Zhao Feng ans skeletal Division Leader, mayroon pa rin itong malisyosong pag-iisip, ngunit kapag ito'y natatakan ng Dark Heart Seal, ng skeletal Division Leader ay susunod kay Zhao Feng hanggang sa huli.
Ang Dark Heart Seal ay kinokonsiderang ipinagbabawal na enslaving technique.
Siyempre, ang skill na ito ay may limitasiyon din.
Una, ang tagumpay nito ay nakadipende sa pagkakaiba ng soul-strength.
Sa ilalim ng normal na mga sitwasiyo , kung ang target ay lumaban pabalik at hindi nagtagumpay ang skill, ang kaluluwa ng target ay paniguradong mawawasak.
Siyempre, ang tagumpay nito ay may kaugnay sa pagkontrol. Gamit ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique at ang God's Spiritual Eye, at ang pagkontrol ni Zhao Feng ay napakawasto.
Inisip din ni Zhao Feng na siguro ay maaari din niyang makontrol ang mga alipin sa oras na hatiin niya ang kaniyang pag-iisip.
Maliban sa katotohanang ang tagumpay nito ay hindi gaaning mataas, ang Dark Heaet Seal ay gumagamit din ng maraming enerhiya, na dumidepende rin sa pagkakaiba ng soul-strength.
"dark Heart Seal."
Sa kaunting kapangyarihan ng malamig na eye-bloodline ang lumabas mula sa katawan ni Zhao Feng.
Shua!
Isang True Spirit Realm na ibon nasa himpapawid na milya-milya ang layo ang biglang nanigas.
Matapos ang isa o dalawang paghinga.
Whoosh!
Ang True Spirit Realm na ibon ay lumipad at lumapag sa balikat ni Zhao Feng.
"En, ang pag-iisip nito ay sobrang kontrolado. Kahit na nasa Ascended Realm ako, susundin niya ang ipag-uutos ko."
Tumango si Zhao Feng.
Ito ang pansampung beses na sinubukan niya ang Dark Heart Seal.
Maliban sa pagpalpak niya sa unang subok, ang ibang siyam na beses ay naging matagumpay.
Ang pagkontrol ni Zhao Feng ay napakawasto, at natutunan din niya ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique, ibig sabihin ang paggamit niya ng soul-power ay umabot na sa panibagong level.
Sinubukan din ni Zhao Feng na kumontrol ng mga halimaw sa malapit gamit ang sampung iba't ibang mga pag-iisip. Ang bawat mga halimaw ay halos mula sa Ascended Realm.
Matapos ang ilang hingahan, walo sa sampung mga halimaw mula sa Ascended Realm ay naging alila ni Zhao Feng.
Ang dalawang pumalpak ay dahil sa dami ng ginagawa ni Zhao Feng.
Kung kaya ng icultivate ni Zhao Feng ang Dark Heart Seal at ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique sa mas mataas na level, ang tagumpay niya ay mas tataas din.
Sa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl, nakita ng skeletal Division Leader ang mga bagong Soul techniques ni Zhao Feng at siya ay napuno ng takot. Ang lahat ng matatakan ng Dark Heart Seal ay magiging alila ni Zhao Feng.