Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 596 - Death Squad

Chapter 596 - Death Squad

Nakakulong sina Zhao Feng, Loulan Zhishui, at ang iba pa nilang mga kasama sa loob ng isang bulwagan sa Blue Lightning Sea Sky Ship.

Sobrang putla ni Loulan Zhishui, at ouno naman ng takot ang mga mandaragat. Hindi nila alam kung ano ang naghihintay sa kanila.

Walang umasa sa kanilang may ku-kwestiyon sa kanilang eksperto galing sa two-star sect.

"Hindi kami mga espiya ng kahit anong sect! Pakawalan niyo kami!"

Sigaw ng ilang mandaragat.

"Tumahimik kayo. Papatayin ko ang sunod na magsasalita."

Tumunog ang malamig na boses ng maitim na elder. Nasa late-stage Great Origin Core Realm na ang cultivation niya, at higit na mas malakas siya sa Sovereign na naka-shit o kay Lord Hu So.

Tumahimik ang lahat ng mandaragat sa loob ng bulwagan.

"Para bang walang pakialam ang ang two-star sect sa pagkakakilala sa atin."

Kumunot ang noo ni Zhao Feng. Hindi sila pinatay ng sect, pero wala rin silang pakialam pagkakakilanlan nila, kaya ano ang iniisip nila?

"May isa pang posibilidad…."

Tumunog ang boses ng Skeletal Division Leader sa Dark Heart Seed.

Isa pang posibilidad?

Naisip ni Zhao Feng na hindi maganda ang sitwasyon nila. Mary kaunting alam ang Skeletal Division Leader dahil buhay na siya sa panahon ng Scarlet Moon Demonic Religion, na siyang isang parte ng labanan ng dalawang two-star sects.

Sa oras na iyon:

"Pasok."

Sumigaw mula sa labas ang maitim na elder. Nakita ni Zhao Feng na may iba pang prendang pinapapasok sa barko.

Ang may pinakamababang cultivation sa kanila ay nasa late-stage True Lord Rank, pero karamihan sa kanila ay binubuo ng peak True Lord Ranks at ng ilang half-step Origin Core Realms.

Makalipas ang kalahating oras para makagawa ng tsaa, mga 50 or 60 na tao na ang mga taong nakakalat sa barko.

"Parang loko ang Six Ring Palace. Kinukuha nila tayo – mga inosente – para maging parte ng kanila death squads."

"Aye, ilang daang taon nang naglalaban ang Six Ring Palace at Nine Despair Hall kaya natulak nito ang isla para mapuno ng kasiraan at kagutuman. Malas lang talaga tayo."

Tumunog ang kawalan ng pag-asa at kalungkutan sa loob ng barko.

Death squads?

Nanginig ang dibdib nila Zhao Feng at ng mga kasama niya matapos marinig ito.

Naintidahan na rin nila ang dahilan kung bakit walang pakialam ang two-star sects sa pagkakakilanlan nila; mauuwi lang sila bilang kampay ng kanyon.

"Hindii…! Ayokong maging kumpay ng kanyon."

Umungol ang mga nasa loob ng barko. Maraming clans ng mga eksperto doon.

Bumalot ang takot sa kamatayan sa loob ng barko.

Sa mga prenda, may tatlong Sovereigns ; dalawang lalaki at isang babae, na hindi magawang hindi maging kalmado.

Ang dalawang lalaki at babae ay binubuo ng isang batang mapag-isa, isang elder na may isang kamay, at isang babaeng naka-dilaw.

Sa kanilang tatlo, ang batang mapag-isa ang may pinakamataas na cultivation. Naabot na niya ang late-stage Small Origin Core Realm.

Parehas namang nasa middle-stage Small Origin Core Realm ang matandang may isang kamay at ang babaeng naka-dilaw.

"Li Yunya? Hindi ba ikaw ang once-in-a-thousand-years na henyo na galing sa Six Ring Palace na siyang naparusahan dahil sa hindi pag-sunod ng mga batas? Bakit nandito ka…?"

Tumingin ang babaeng naka-dilaw sa mapag-isang batang nagngangalang Li Yunya.

"Lahat tayo'y mamatay na. Anong punto ng pakikipag-away sa sect na ito?"

Namanhid bigla ang mukha ni Li Yunya.

"Gamit ang talento ni Li, bakit ka madaliang susuko lang? Kahit pa nasa death squad kami at gagawing kumpay ang ng kanyon, mayroon pa ring isa sa isang libong tiyansa na makatakas tayo."

Kuminang ang mata ng matandang may isang kamay.

"Tama iyon. Makakaligtas tayo kung magsasama-sama tayo."

Nagsimulang mapuno ng enerhiya ang barko.

Naging mamumuno ang tatlong Sovereigns ng mga prenda, at dahil sa kasikatan ni Li Yunya, mataas ang tingin ng iba sa kaniya.

Sa taas ng walang hanggang karagatan:

Sou! Sou! Sou!

Ilang barko pa ang lumapit sa namumunong grupo ng Six Ring Palace. Puno ng mga preso ang barkong mga ito, at may isa o dalawang Sovereigns ang bawat barkong ito.

Sa gitna nito ay ang Blue Lightning Sea Sky Ship na siyang puno rin ng mga prenda. Sa mga barkong iyon, ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay isa sa pinakamalalakas.

"Arghhh!"

May mga sigawang narinig mula sa kabila.

Ilan sa mga prenda ang nakatakbo ng ilang milya bago sila napana ng mga eksperto ng Six Ring Palace.

"Hmph, kung may iba pang sumubok na tumakbo, papatayin ko ang lahat ng nasa barko."

Tumunog ang isang boses na para bang galing sa kailaliman ng impyerno. Lahat ng prenda sa loob ngbarko ay nagsitahimikan. Ang Heaven Earth Yuan Qi sa loob ay para bang tumigil.

"Ang aura na iyon…."

Nakaramdam ng presyon si Zhao Feng sa kaluluwa niya, at hindi rin siya makapag-isip ng maayos.

"'Wag ka nang mag-alala, mayroon ditong half-step Void God Realm dito."

Magaang nagbuntong-hininga si li Yunya.

Half-step void God Realm.

Huminga ng malamig ang lahat ng mga prenda, at nanginig rin ang dibdib ni Zhao Feng. Hinulaan niya na ang half-step Void God Realm ay makakapatay na ito ng isang normal na kaluluwa ng normal Sovereigns sa isang isip lamang.

Nahati ang ilang mga prenda sa ibang mga barko. Dahil sila ang may-ari ng barko, sina Zhao Feng at ang mga kasama niya ang may responsibilidad na kontrolin ang barko.

Pumasok sa control room sina Zhao Feng, Loulan Zhishui, at ang iba pa nilang mga kasama.

Nagsimulang mag-usap-usap sina Li Yunya at ang dalawa pang Sovereigns tungkol sa kanilang estratehiya.

"Maganda ang depensa ng barkong ito. Gaano kabilis ang kayang gawin nito?"

Kuminang ang mga mata ni Li Yunya.

"Medyo mas mabilis ito sa normal Sovereigns sa pinakamabilis nitong estado."

Tinago ni Zhao Feng ang katotohanan.

"Pumasok na kayo sa labanan."

Pinanood ng maitim na elder at ng ilang Great Origin Core Realm ang mga prendang barko, at sa likod nila ay ang pinaka-pwersa ng Six Ring Palace.

Ang barko nila Zhao Feng at ang iba pang barko ay ang unang saklaw ng death squads – kampay ng kanyon na dapat na pang-ulong pang-sugod.

Bilang death squad, mapapatay sila kung susubukan nilang tumakas, pero kung susugod sila, pero mayroon pa ring kaunting pag-asang natitira.

"Sabi sa batas ng Six Ring Palace, kung makakaligtas ng tatlong saklaw ay makikilala sila bilang disciples ng sect."

Ngumiti ang maitim na elder.

——

Tatlong beses?

Pumait ang pakiramdam ng mga prenda. Ang death squads ay ang unang saklaw ng kampay ng kanyon. Sobrang baba pa ng tiyansa nila para makatakas.

Siyempre, may pag-asa pa rin sa one-in-a-thousand. Siguradong mamatay sila kung susubukan nilang tumakas.

Sou! Sou! Sou!

Sobra pa sa dosena ang barko ng mga prenda ang pumasok sa kalupaan.

Nagsimula ring pumasok sa harang ang mga barko at bumigat na rin ang air resistance.

Ang pupuntiryahin ng Six Ring Palace ay isang one-star clan na may kaunting dagat-dagatan at ilog.

"Hahaha…. Nandito na ang kampay ng kanyon ng Six Ring Palace. Pumunta na kayong lahat dito."

Malapit sa pasukan ng clan ay isang grupo ng mga tao na galing sa two-star sect – ang Nine Despair Hall.

"Patayin niyo silang lahat! 'Wag niyo sila papakawalan."

Nanood mula sa likod ang maitim na elder.

Sou! Sou! Sou!

Lumipad ang mga eksperto ng Six Ring Palace at pumorma ng kalahating bilog sa likod ng barko ng ma prenda.

Habang nakakaligtas pa ang death squads sa isa o dalawang alon ng mga atake, at sumugod sila sa clan, susunod naman ang mga eksperto ng Six Ring Palace.

"Sugod!"

Ang sobra sa ilang dosena ng mga prenda ay sumugod patungo sa Nine Despair Hall na parang mga mariposa na tumatalon sa apoy.

May pito o walo pang Great Origin Core Realms at sa ilang dosena ng Small Origin Core Realms na galing sa Nine Despair Hall. Maliban pa doon, ay may isa pang kawan na binubuo ng ilang libong half-step Origin Core Realms, True Lord Ranks, True Mystic Ranks, at True Human Ranks.

Kaharap ang hangin ng Kamatayan, humina na ang katawan ng mga prenda.

Boom! Boom! Boom~~~~~

Bumuhos ang maliliwanag na ilaw sa kapaligiran at sa barko ng mga prenda.

Unang atake pa lamang nila ito, at dagdag pa sa kalahati ng mga barko ang nasira, habang ang ilan naman ay sumabog.

"Kill~~~~~~!"

Ilang prenda ang mga tumalon sa barko.

Bam!

Sobra pa ang mga pagsabog na iyon para ilagay sa alanganin ang buhay ng mga normal Sovereigns.

Weng~~

Natirang ligtas ang Blue Lightning Sea Sky Ship ni Zhao Feng matapos ang ilan pang atake dahiil sa defensive array nito.

"Hmm? Mas malakas pa ang depensa ng barkong ito kumpara sa inakala ko."

Hindi mapigilan ni Li Yunya at ng ibang Sovereigns na hindi magulat.

May ilang mataas na kalidad na barko sa ilang barko ng mga prenda, at isa ang barko ni Zhao Feng sa pinakamagaganda.

Sou! Sou! Sou!

Kalahati lamang ang nakatawid na barko na umabot sa pasukan mula sa unang atake.

Kaya lamang ay kasabay rin nito ang malaking numero ng mga eksperto ng Nine Despair Hall na sumugod palabas.

"Argh!"

"Ahhhhh~~~~~!"

Tuluyan ang tunog ng pagsigaw sa ere. Para ba itong katayan. Nasa Nine Despair Hall ang lamang sa lakas at sa dami ng eksperto. Agad silang napatay ng mga death squads.

Boom!

Tuloy na sumabog ang mga limitless ocean ships nang sumugod ang mga ito sa eksperto ng Nine Despair Hall.

"Agghhh!"

Mayroon ding kaunting numero ng kampay ng kanyon sa siyang tumakas at napatay ng Six Ring Place.

Kumalat ang air of Death sa labanan/

"Lahat kayo, hindi tayo pwedeng umupo lang dito. Kahit gaano pa kalakas ang depensa ng barko, masisira din ito."

Inayos ni Li Yunya ang mga prenda para atakihin ang mga eksperto ng Nine Despair Hall.

Boom! Boom!

Nagsimulang manginig ang Blue Lightning Sea Sky Ship sa mga atake.

"Kapitan, malapit nang masira ang defensive array!"

Sigaw ni Loulan Zhishui.

Matapos marinig iyon, lumipad na ang mga prenda sa takot na sumabog ang barko.

May lumabas na asar sa mukha ni Zhao Feng. Kaya pang tumagal ng Blue Lightning Sea Sky Ship ng ilan pang hinga.

Siyempre, hindi niya hahayaang masiraan ang barko niya.

Ilabas ang array!

Tumayo sa taas ng Blue Lightning Sea Sky Ship si Zhao Feng at tumawag ng 30 o 40 na cursed ghost-corpses na bumuo ng itim na usok. Sinakop nito ang ilang daang yardang ikot. Ang ibig sabihin nito ay hihina ang lahat ng mga atake mula sa labas , kaya mas kaunti ang banta nito sa barko.

"Kakaibang ghost-cursed array."

Umilaw ang mga mata ni I Yunya at ng dalawang Sovereigns nang tumingnin sila kay Zhao Feng.

30 o 40 na cursed ghost-corpses ay mas malakas pa rin para pagbantaan ang mga Sovereigns. Matapos ang lahat, lahat sila ay nakasipsip ng blood at essence ng maraming Sovereigns, kasama na ang limitless ocean whales.

"Arghhh!"

Ilang half-step Origin Core Realms, at isa o dalawang Sovereigns galing sa Nine Despair Palace, ay sumugod agad sa array. Humina sila at agad silang napatay ng pinagsama-samang atake ng tatlong Sovereigns.

"Zhe zhe zhe…. Nakakain nanaman tayo ng dalawa pang Sovereigns. Maganda ang lugar na ito para makakuha ng blood essence at lifeforce."

Tumunog ang boses ng Skeletal Division Leader mula sa perlas.

Para maitago ang lakas ni Zhao Feng, kaunti lamang na cursed ghost-corpses ang nilabas niya. Miski ang Skeletal Division Leader ay hindi niya na rin inilabas.

Kaya lamang ay naramdaman ni Li Yunya at ng dalawa pang Sovereigns na lumakas ang array matapos nito lumamon ng patay na Sovereigns.

Boom! Boom!

Sa oras na iyon, ang dalawang two-star sects ay nagsimulang maglaban na.

Si Zhao Feng lamang ang hindi nasiraan ng barko, pero sa ilalim lamang ng 5% sa mga taong nasa barko niya ang nakaligtas.