Ang barko ay doble ng laki ng Blue Lightning Sea Sky Ship, at mayroong halos isang daang pirata.
Higit pa rito ay mayroong tatlong Sovereign.
Isa sa kanila ay isang lalaking nakapilak - ang piratant nagsalita kanina. Sa tabi nito ay isang babaeng nakaitim na belo sa kanyang mukha. Ang kanyang mga mata ay kasingkalma ng tubig.
Gayunman, wala sa kanila ang tunay na pinuno ng Metal Triangle Pirates.
Sa tuktok ng barko ay may nakaupong lalaking may lilang mukha na nakadamit ng gawa sa balat ng hayop na nagbibigay ng pakiramdam ng metal. Isang kinakalawang na metal na tatsulok ang nakasabit sa kanyang leeg.
"Palibutan sila!"
Ang lalaking may lilang mukha ay tumawa.
"Metal Triangle Pirate Captain, ang balyenang ito ay pinatay ko. Dahil nandito ka, makukuha mo na ang lahat maliban sa heart blood essence."
Sabi ng elder na nakadamit. Kung isa-sa-isa ito, hindi siya susuko, ngunit ang kasalukuyang sitwasyon ay mukhang labis na masama para sa kaniya. Ang mga kalaban ay tatlong Sovereign, at ang dalawang youth sa kanyang tabi ay mga dalahin lang.
"Hahaha, Third Elder ng Gan Cloud Pavilion, mukhang hindi ka nag-aalala sa nangyayari. Hindi ito teritoryo ng Gan Cloud Pavilion. Ang karagatan ay nasa paligid ng aking teritoryo.
Umalingawngaw ang tawa ng kapitan ng Metal Triangle Pirate.
"Anong nais mo?"
Naging madilim ang ekspresyon ng elder.
Ang Gan Cloud Pavilion ay isa sa masalakas na puwersa sa paligid; nakaabot na ito sa one-and-a-half stars.
Kahit na ang kapitan ng Meyal Triangle Pirate ay kilala ang elder, mukhang wala siyany pakialam. Ang walang hanggang karagatan ay ang teritoryo ng mga pirata at halimaw.
Hangga't hindi sila mula sa isang two-star sect, hindi sila katatakutan ng Metal Triangle Pirate Captain.
"Hehe, anong nais ko? Ito ang teritoryo ng Metal Triangle Pirates. Ang lahat ay sa akin."
Mababakas ang panloloko sa mukha ng Metal Triangle Pirate Captain.
"Matandang lalaki, kung alam mo kung anong gagawin ay lumayas ka na lang at hindi ka namin papatayin."
Tumawa ang lalaking nakakulay pilak.
"Katawa-tawa!"
Ang ekspresyon ng elder na nakadamit ay naging labis na pangit, at nagsimula itong manginig sa galit. Sa lupa, kung gusto niya ng ulan, magkakaroon nito. Kung gusto niya ng hangin, magkakaroon nito. Lahat ng normal na Small Origin Core Realm Sovereign ay iginagalang siya.
Ang mga pirata ay nagsimulang pumalibot sa kania, at ang iba ay nagsimulang buksan ang balyena.
Ang kapitan ng Metal Triangle Pirate ay malamig na tumingin sa elder, at nagliwanag ang mga mata ng elder. Ang kanyang tingin ay biglang napunta kay Zhao Feng at sa Blue Ligjtning Sea Sky Ship, at nagliwanag ang kanyang mata; may isa pang Sovereign sa barko.
Nang makipag-usap kay Zhao Feng noon, hindi siya gaanong nakinig sa isang hamak na Small Origin Core Realm, ngunit napansin niya ito ngayon.
Dagdag pa rito, ang kaluluwa ni Zhao Feng ay labis ma makapangyarihan, at naramdaman ito ng elder.
Ang katotohanang hindi nasira ang kanilang barko sa katawan ng balyena ng walang hanggang karagatan ay hindi rin normal.
"Maliit na kaibigan at kapwa Sovereign, nakikit naman ninyo ang kasalukuyang sitwasyon. Ang Metal Triangle Pirates ay hindi tinignan ang kahit na sino, at sila ay uhaw sa dugo. Kahit na ibigay natin sa kanila ang balyena ng walang hanggang karagatan, hindi nila kayo hahayaang mabuhay."
Sinabi ng elder gamit ang Spiritual Sense.
Ang tanging magagawa niya lang para makalaban sa mga Metal Triangle Pirate ay ang makuha ang oanig ni Zhao Feng at kasama nito.
"Ungas, kung makikipagtulungam ka sa matandang lalaking ito, huwag mo akong sisihin sa pagdurog sa iyo at pagpapakain ko sayo sa mga isda."
Babala ng kapitan ng Metal Triangle Pirates.
Ang mga mata ng mga pinuno ng mga pirata ay puno ng kasakiman nang tignan ang Blue Lightning Sea Sky Ship. Masasabi nilang mataas ang kalidad ng barkong ito.
Kahit na hindi nila inatake ang elder na nakadamit dahil nag-aalala sila sa lakas nito, hindi nila ipapaubaya ang pagkakataon para nakawan ng mas mahinang kalaban."
"Senior, iniligtas ninyo kami sa balyena. Siguradong hindi kami tatanggi sa pagsama sa inyo."
Hindi na inintindi ni Zhao Feng ang nagbabantang mata ng Metal Triangle Pirates.
"Mabuti."
Bumilis ang tibok ng puso ng elder. Sa tulong ni Zhao Feng at mga kasama nito, ang lakas sa pagitan ng dalawang panig ay magiging pantay, ngunit ang resulta ay masasabi pa rin base sa dalawang Great Origin Core Realm.
"Ipapaubaya ko na sa iyo ang dalawang junior na ito."
Iwinagayway ng elder ang kanyang kamay at itinulak anhg dalawang youth sa barko, at sumugod sa kapitan ng Metal Triangle Pirate nang may makapangyarihang aura.
"Matandang lalaki, mangangahas lang kalabanin ako?"
Ang kapitan ng Metal Triangle Pirates ay dinilaan ang kanyang mga labi at sumugod papunta sa elder nang may nakakakilabot na ekspresyon.
Bam~~ Boom~~~
Ang dalawang Great Origin Core Realm ay nagsalpukan, at nakagawa ng mga alon na umabot sa ilang milya.
Ang nakita lang ng lahat ay dalawang itim na tuldok sa langit.
"Patayin ang lahat ng iba pa."
Ang kapitan ng Metal Triangle Pirates ay tumawa at sinubukang maglagay ng puwersa sa puso ng elder.
Malaki ang tiwala niya sa kanyang mga kasama.
Ibinigay na ng elder ang lahat, at ang momentum ng isang Great Origin Core Realm ay nagdahilan para magbago ang kapaligiran. Gayunman, ang kanyang kalaban ay isa ring Great Origin Core Realm na nakaranas na ng labanan.
Kahit pagkatapos ng ilang sandali, ang eldernay hindi magkaroon ng kalamangan. Hindi niya maiwasang mag-alala para kay Zhao Feng at mga kasa nito.
Gayunman, ang batang kapitan ay nakakagulat na kalmado at hindi nataranta, habang ang mga mandaragat ay kumikilos na tila may kaharap silang napakalakas na kalaban nang buksan ang protective array ng Blue Lightning Sea Sky Ship.
"Zhishui, protektahan ang barko."
Utos ni Zhao Feng.
Ang depensa ng Blue Lightning Sea Sky Ship ay magtatagal ng isang oras hangga't walang Origin Core Realm na aatake rito.
Sa mismong laban, bumagsak ito sa skeletal Division Leader at sa kanyang sarili.
Shua! Shua!
Si Zhao Feng at ang skeletal Division Leader ay nakatayo sa tuktok ng barko.
"Ang youth na iyan ang inyong kapitan?"
Sabi ng magandang babae nang tignan ang kalmadong si Zhao Feng. Si Zhao Feng ay labis na bata ngunit may cultivation na nasa half-step Origin Core Realm. Walang ganito kagaling sa kanilang pinagmulan.
Dagdag pa rito, kahit ang Sovereign ay nakikinig sa kaniya.
"Master, mayroong dalawang Sovereign. Sino ang pipiliin mo?"
Ang mga apoy sa mga mata ng skeletal Division Leader ay tumalon nang ito ay tumawa.
Whoosh! Whoosh!
Sa sandaling ito, ang lalaking nakakulay pilak at babaeng nakaitim na belo ay pinangunahan ang isang grupo ng mga pirata at sumugod.
Nagpadala din sila ng parte ng kanilang puwersa para subukang buksan ang bakyena at pasukin ang katawan nito.
"Ipauubaya ko na ang dalawang ito sa iyo."
Walang emosyong sinabi ni Zhao Feng.
"Ano…?"
Halos mahulog na ang skeletal Division Leader.
Sa dalawang Sovereign, ang isa ay nakaabot na sa middle-stage Small Origin Core Realm, at ang isa ay nasa late-stage Small Origin Core Realm.
Kung wala ang Ghost Corpse Cursed Array, mahihirapan sila kalabanin ang dalawang ito.
"At huwag mong gamitin ang Ghost Corpse Cursed Array."
Dagdag ni Zhao Feng, na nagpainis pa sa skeletal Division Leader.
Simula noong naging alipin siya ni Zhao Feng, tila hindi siya nagkaroon ng madaling gawain. Halos madurog na ito nang ilang beses.
Shua!
Nag-iwan si Zhao Feng ng lilang afterimage nang lumipad papunta sa mga pirata na papunta sa balyena."
"Isa lang itong half-step Origin Core Realm."
Ang dalawang pinunong pirata ay hindi pinansin si Zhao Feng dahil mayroong higit sa sampung taong nasa half-step Origin Core Realm din sa mga pirata.
Sa kanilang paningin, ang skeletal Division Leader ang pinakamalaking panganib.
Ang sitwasyon ay maaapektuhan nang malaki hangga't inaatake nila itom
"Patayin sila!"
Tumalon papunta sa skeletal Division Leader ang dalawang pinunong pirata.
Whoosh! Whoosh!
Ang skeletal Division Leader ay sumama sa Nine Deadly Yin Bone sa katawan nito at gumamit ng secret technique.
Weng~~
Ang katawan nito ay naging dalawa o tatlong yardang mas matangkad at nagsimulang mag-usok, na naging isang uri ng flaming bone giant.
Bam~~~~
Ang flaming bone giant ay itinulak ang palad nito at napalipad ang isang lalaki.
"Napakalakas. Mukhang may aura ng isang makapangyarihang Earth-Grade weapon."
Ang lalaki ay halos dumura na ng dugo nang makapasok ang air of Death and Yin sa kanyang katawan.
Ang ekspresyon ng babaeng may itim na belo ay bahagyang nagbago. Hindi niya inakalang ang kalansay na ito ay napakalakas.
"Sige~~!"
Itinuro niya at isang maputlang puting apoy na nagbibigay ng air of evil and death ang umatake sa skeletal Division Leader.
Higit pa rito:
Whoosh!
Nagpalabas siya ng isang kalansay na naglalabas ng itim na apoy, na umatake rin sa skeletal Division Leader.
"Iaang ghost-corpse na nasa Origin Core Realm!"
Hindi maiwasang sumigaw ng skeletal Division leader, at ang ekspresyon nito ay nagbago. Ito ang unang beses na nakakita ito ng isang Sovereign ghost-corpse.
Halatang ang babaeng may nakaitim na belo ay nagcultivate na sa mga technique na katulad sa skeletal Division Leader.
Ding! Ding! Boom~~~~!
Sa sandaling ito, dalawang pinunong pirata at isang Sovereign ghost-corpse ang umatake skeletal Division Leader.
"Bakit ba ako na lang palagi…?"
Halos sumabog na ang skeletal Division Leader sa galit, ngunit sa kabutihang palad, matapos sumama sa Nine Deadly Yin Bone, ang depensa at lakas ng flaming bone giant ay kapansin-pansing tumaas.
Ding! Dong! Ding!
Ang mga atake mula sa Sovereign gjost-corpse ay nakagawa ng liwanag nang tumama sa skeletal Division Leader ang mga atake nito.
Kasabay nito, ang skeletal Division Leader ay minura ang master nito na tumakas sa labang ito.
"Hehe, kapag mas malakas ka, mas maraming responsibilidad ang nararapat sa iyo."
Si Zhao Feng ay bahagyang nagulat sa kanyang nakita. Hindi lang mas lumakas ant skeletal Division Leader, nagpalabas din ang babaeng nakaitim na belo ng isang Sovereign ghost-corpse.
"Ang battle-power ng kalansay na iyon ay malakas."
Ang pares ng youth sa loob ng barko ay napanganga.
Kahit na mukhang hindi lamang ang skeletal Division Leader, lumalaban ito sa tatlong Sovereign nang sabay.
"Ungas. Ginagamit ng kapitan ang pagkakataong ito para tumakas."
Ang mga kilay ng magandang babae ay nagtama nang makitang tumakas si Zhao Feng sa laban na parang kidlat.
Ang gwapong lalaki sa tabi niya ay nagpakita ng tingin ng paghahamak.