Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 579 - Ang Nakakasindak na Ghost Corpse Cursed Array

Chapter 579 - Ang Nakakasindak na Ghost Corpse Cursed Array

"Ang unang hakbang ay kumpleto na."

Nakahinga na nang maluwag si Zhao Feng at bahagyang masaya.

Siya ay tama. Ang mga normal na atake tulad ng kanyang Purple Destruction Wind Lightning o ang power of Death and Yin ng skeletal Division Leader ay hindi kayang harapin ang madikit na likido, ngunit ang lahat sa mundo ay may kahinaan. Walang bagay na perpekto.

Halimbawa, ang Void Space Eye Slash ni Zhao Feng ay napigilan ng laki ng balyena ng walang hanggang karagatan, at ang asido ay natapatan ng Ice Bloodline ni Zhao Feng. Matapos na mapanatili sa yelo, nawala ang lahat ng epekto ng asido.

"Sa kabutihang palad, ang aking bloodline ay mas naging dalisay sa nakaraang kalahating taon, at ang Ice Imperial Spear ay kaya nang maglabas ng lamig ngayon."

Nakaramdam si Zhao Feng ng swerte. Ang lahat ng ito ay dahil sa aura mula sa Ancient Dream Realm.

Kung ginamit niya kaagad ang kanyang bloodline power pagkaalis niya sa Purple Saint Ruins, mahihirapam siyang mapanatili ang asido sa loob ng isang yelong ilang daang yarda ang laki.

Sii!

Nang lumapit na ang madikit na likido sa suson ng yelo, mawawala ang kakayahan nitong gumalaw.

"Napakalamig…"

Ang gitna ng ice zone ay ang Blue Lightning Sea Sky Ship. Kahit na ang mga materyales ng Blue Lightning Sea Sky Ship ay labid na matibay at may protective array, ang mga tao sa loob nito ay apektado pa rin.

Suminok si Loulan Zhishui at mga kasama nito, at naramdamang tila magyeyelo na ang kanilang dugo.

Dagdag pa rito, kaunting sobra lang ito ng lamig. Masasabing isa lang itong parte ng atake mismo. Mula rito, makikita kung gaano kalakas ang bloodline power at Ice Imperial Spear.

"Master, ang lahat ay nababalot ng yelo…"

Nagmura ant skeletal Division Leader. Kahit na ang katawan nito ay nagsimulang manigas.

Mula sa yelo naging tubig!

Ngumiti si Zhao Feng at ginamit ang kanyang blooline power para mabago ang panloob na suson ng yelo sa tubig.

Weng~~

Ang kapangyarihan ng tubig ay nahigop muli ng kanyang bloodline.

Ang gitna ng yelong nakapaligid sa barko ay nabutas dahil natunaw ang isang parte nito.

"Magandang ideya!"

Kayang mahulaan ng skeletal Division Leader ang susunod na hakbang ni Zhao Feng.

Ngayong ang parte ng yelo ay nawala, nagkaroon sila ng isang suson ng puwang.

"Ang ikalawang hakbang; isaayos ang array."

Ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang bloodline power para mapanatili ang yelo habang ang skeletal Division Leader ay isinaayos ang array.

Shua!

Iwinagayway ng skeletal Division Leader ang itim na bandila at isang daang cursed ghost-corpses ang lumitaw sa ibabaw ng barko.

Isang itim na ulap ang lumitaw sa langit - at lumaganap ang nakakayanig na sumpa. Kahit ang mga nasa half-step Origin Core Realm ay matatakot sa napakaliit na dami nito.

"Isara na ito."

Utos ni Zhao Feng.

Ito ang tunay na anyo ng Ghost Corpse Cursed Array.

Ang pinakamalayong maaabot nito ay nasa lima hanggang anim daang daan.

Hu~~

Kinontrol ng Ghost Corpse Cursed Array at pinalaganap ito sa isang dosenang yarda, sa halip ay masisira nito ang yelo.

"Idirekta ang sumpa."

Nagliwanag ang mga mata ni Zhao Feng nang nagbigay muli ng kautusan.

"Naindihan."

Nagliwanag ang mga mata mi Zhao Feng; alam na ni Zhao Feng kung kakaharapin natin ang balyena.

Hu~~

May mga kulubot na puting kamay ang lumitaw mula sa itim na ulap. Ang mga madugong kulubot na puting mga kamay na ito ay hindi nakikita ng normal na paningin, at labis itong mahirap maramdaman gamit ang Spiritual Sense. Sila ay parang mga multo.

"Ang lamig."

Ang lahat sa barko ay nakaramdam ng lamig sa kanilang mga kaluluwa.

Sige!

Iwinagayway ng skeletal Division Leader ang itim na bandila, at.libo libong kulubot na puting kamay ang sumunggab sa mga laman ng balyena.

Ang kakaiba ay ang power of the curse at base sa dimensyon ng kaluluwa at hindi naapektuhan ang yelo.

Shua! Shua!

Libo libong mga madugong puting kamay ang humawak sa yelo at natupok ang dugo at laman ng balyena.

"Ito pala ang power of the curse."

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay kayang makita ang power of the curse.

Sa mga normal na sitwasyon, ang Ghost Corpse Cursed Array ay gumagamit ng power of the ghost-corpses at kanilang poot. Ito any Ghost Corpse Cursed Power.

Sa kasalukuyan, ito ay isang totoong dalisay na sumpa.

Ang power of the curse ay direktang nakaapekto sa pakay at ito ay invisible.

Noon sa Azure Flower Continent, kapag nakapasok ang isang True Spirit Realm sa Forbiddem Ground ng Hundred Graves at nahawakan ng power of the curse, ang sumpa ay nasa kanila pa rin kahit na sila ay umatras na.

Sa pagakakataong ito, pinadaloy ng skeletal Division Leader ang mas malakas na sumpang ito sa mga laman ng balyena.

Wu~

Sumigaw nang malakas ang balyena at nagsimulang manginig.

Halatang ang balyena ay hindi na naging komportable, ngunit ang "problema" ay tila nanggagaling sa mga laman nito kaya wala itong magawa.

"Matapos atakihin ng power of the curse, ang naapektuhan ay mawawalan ng kanilang lifeforce."

Sinuri ni Zhao Feng kung paano umatake ang power of the curse.

Kung ang mga normal na eksperto ay nahuli sumpa, ang kanilang buhay ay bababa kung hindi sila mamamatay kaagad. Ang ibig sabihin nito ay kimakain ng power of the curse ang lifeforce at pinapaiksi ang buhay ng kalaban.

Hu~~

Ang mga kulubot na puting kamaya ay mas naging madugo matapos makonsumo ang laman at dugo ng balyena..

"Zhe zhe… Kahit ang isang ekspertong Great Origin Core Realm ay hindi makakatagal kapag naging aktibo ang Hundred Corpse Curse sa loob ng kanilang katawan.

Tumawa ang skeletal Division Leader. Ito at si Zhao Feng ay nakatayo sa palapag at hindi nangahas na hawakan ang power of the curse.

Gu~ Gu~

Ang balyena ng walang hanggang karagatan ay sumigaw at magulo ang karagatan. Ang "problema" sa loob ng katawan nito ay nagsimula nang kainin ang mga laman nito.

Ang mas nakakasindak pa ay walang hanggan ang sumpa. Hindi makakatakas ang naimpeksyon.

Ang balyena ay nahihirapan sa sumunod na isang oras, ngunit ang aura nito at pagpigil ay humina.

"Talagang karapat-dapat itong maging isang pangunahing roda sa karagatan. Ang lifeforce nito ay labis na malakas. Ang mga nasa Normal Great Origin Core Realm ay matagal nang namatay kung kumalat sa kanilang katawan ang power of the curse."

Hindi maiwasang magbuntong hininga ni Zhao Feng.

Sa sandaling ito, ang sumpa ay nagdahilan para humina ang balyena.

"Iwasan ang puso."

Sabi ni Zhao Feng.

Sa pamamagitan ng pagsusuri ng kanyang God's Spiritual Eye, nagbigay siya ng mapa ng mga laman ng balyena sa skeletal Division Leader.

Idinerekta ng skeletal Division Leader ang sumpa sa mga mahalagang laman ngunit iniwasan ang puso.

"Ang heart blood essence ay ang pinakamahalagang kayamanan mula sa isang balyena ng walang hanggang karagatan. Ang heart blood essence ay kayang mapataas ang kalagayan ng pag-iral ng isang tao at may kakayahang magbago…"

Nagliwanag ang mga mata ni Zhao Feng. Iniisip pa rin niya ang tungkol sa heart blood essence.

Kailangang malamang ang lakas ng balyenang ito ay nalalagpas na sa isang normal na Great Origin Core Realm, at ang kalagayan ng pag-iral nito ay nasa ilalim ng isang Void God Realm.

Hu~~

Ang power of the curse ay nagpatuloy sa paglamon sa lakas at kaluluwa ng balyena, at nararamdaman ni Zhao Feng na ang katawan ng balyena ay nag-uumpisa nang kumulubot habang nauubos ang buhay nito.

Boom~~ Bam~~~

Ang balyena ay kumakawag sa karagatan at minsang umaahon. Ang problema nito ang nagpabaliw dito.

Makalipas ang kalahating araw, ang balyena ng walang hanggang karagatan ay nahihirapan pa rin, ngunit anh aura nito ay mas mahina kaysa dati.

"Master, ang katawan ng balyena ay labis na malaki. Ang isang normal na Great Origin Core Realm ay dapat namatay na nang ilang beses. Ang pagpatay rito ay siguradong tatagal ng ilang araw."

Sabi ng skeletal Division Leader, at nagtama ang mga kilay ni Zhao Feng.

Takot siyang baka masundan sila ng balyena, ngunit sa kabutihang palad, ang balyena ay nabaliw na at nawalan ng kaalaman sa direksyon.

Sa walang hanggang karagatan:

Sou!

Isang gray na barkong kahugis ng isang pating na rumagasa palayo ng karagatan.

"Balyena ng walang hanggang karagatan!"

"Ang isang ito ay napakalaki. Siguradong hindi ito isang normal na balyena ng walang hanggang karagatan."

Ilang mga anyo ang lumitaw sa barko. Bawat anyo ay may uhaw sa dugong aura, at ang pinuno ay isang mukhang masamang lalaki na nakakulay pilak at nakatingin sa balyena nang walang kasiguraduhan.

"Ang balyenang ito ay nasa sampung milya ang laki. Malamang ay hindi nga natin mapupunan ang mga puwang nito sa ngipin.

Ang mga pirata ay tumingin dito nang may takot at paggalang. Ang aura mula sa halimaw nanito ay sapat na para mayanig ang mga puso ng mga Sovereign.

"Hmm? May mali. Mukhang nagkasakit ang balyena at lumalaban kahit nanghihina na."

Sinuri ito ng pinuno gamit ang kanyang Spiritual Sense at nalamang may isang bagay na nawawala.

Matapos na magsuri nang lang saglit:

"Atras."

Utos ng nakakukay pilak na lalaki. Kahit na may cultivation siya ng isang Origin Core Realm, wala siyang silbi kung ikukumpara sa halimaw na ganitong lebel.

Hindi niya malalapitan ang balyena sa kanyang lakas, at isang galaw lang ng balyena ay maaari na silang mamatay.

Sou~~

Hindi nagtagal ay umalis na ang barko ng pirata mula sa kinaroroonan ng balyena.

Boom~~ Bam!

Ang balyena ng walang hanggang balyena ay nahirapan, ngunit ang aura nito ay bumababa.

Makalipas ang kalahating araw, isang pang grupo ng mga eksperto at negosyante ang dumaan, ngunit umiwas sila sa balyena nang makita ito.

Hindi nagtagal:

Sou~~~~

Isang makapangyarihang aura ang lumitaw sa kalangitan at nakagulo sa Heaven Earth Yuan Qi.

Crack!

Ang ulap ay naisantabi sa harapan ng katangi-tanging puwersang ito.

Ang langit ng walang hanggang karahatan ay naging luntian.

"Great Origin Core Realm!"

Naramdman ito ni Zhao Feng at ng skeletal Division Leader sa loob ng katawan ng balyena.

Makalipas ang ilang hininga:

Shua!

Isang elder ang may kasamang lalaki at babae ang bumaba sa lugar.

"Balyena ng walang hanggang karagatan!"

Ang mga mata ng elder ay nagliwanag nang mas lumakas ang kanyang aura.

"Balyena ng walang hanggang karagatan?"

"Ito pala ang isa sa mga maalamat na halimaw ng karagatan?"

Ang lalaki at babae ay nasa dalawampung taon hanggang tatlumpu. Ang lalaki ay gwapo habang ang babae naman ay maganda.

Kahit na parehas silang mula sa mas batang henerasyon, nakaabot ang dalawa sa True Lord Rank.

"Ito ay isa-sa-isang-libong pagkakataon. Ang kalagayan ng pag-irap ng balyenang ito ay malapit na sa Void God Realm at kahit ang normal na Great Core Realm Sovereign Lord ay hindi nito katapat, ngunit mukhang napinsala ito. Nawalan ito ng lifeforce at naging napakahina…"

Ang mga mata ng elder ay nagliwanag.