Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 564 - Pandarambong

Chapter 564 - Pandarambong

"Hindi kaya iyan ang inheritance ng maalamat na Wind Lightning Emperor?"

Ang lider ng mga pirata na naka-asul ay nakatuon na lamang ang atensyon sa laban ni Zhao Feng.

Nagcultivate siya sa Laws of Water Lightning, kung kaya nauunawaan niya naman ito sa isang antas.Maraming mga alamat sa Cang Ocean na nakapatungkol sa mga nacucultivate ng lightning-related laws, at ang Wind Lightning Emperor ay isa sa mga eksperto na ito.Ilang libong taon na ang nakararaan, ang Wind Lightning Emperor ay naghari dahil sa kanyang bilis.Ang lider ng mga pirata ay alam kung ano ang Wind Lightning Inheritance, at nagsususpetsa siya na ang kabataang nasa harap niya ay nakatanggap ng bahagi nito."Ang bilis ng sutil na ito ay higit pa sa mga normal na Half-Step Origin Core Realm, at gumagamit siya ng 'Purple Destruction' lightning, at kaya niyang labanan sina Hong San at Jiao Si, at ang naunang dalawa na kayang sumalag ng mga Sovereigns. Tanging ang pinakamagagandang inheritance lamang ang nagdudulot nito."Naging mas kampante ang lider ng mga pirat sa kanyang hula, at ang kasakiman ay sumilay sa kanyang puso. Hindi niya makontrol ang tuwang nararamdaman niya.Ito ang inheritance ng isang Emperor.Bukod pa roon, ang Wind LIghtning Emperor ay hindi lamang kahit anong Void God Realm Emperor - mayroon siyang hindi mapantayan na bilis."Purple Destruction – Wind Lightning Whip!"

Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang Wind Lightning Techniques para makakuha ng maliit na oportunidad laban sa dalawa."Pigilan siya!"Ang elder na may tungkod at ang lalaking pangit ay lalong nagulat. Hindi nga nila iniisip na patayin si Zhao Feng, sinusubukan lang nilang pigilan ito."Ang battle-power nang magkasamang ito ay mas malakas nang bahagya kay Lu Tianyi bago siya makarating ng Origin Core Realm."Nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng.Kung hindi siya gagamit ng kahit anong pamatay na mga atake, hindi niya matatapos agad ang dalawang ito.Subalit, hindi naman siya nagmamadali. Kahit naunawaan niya na ang sanglima ng purple-colored lightning, wala naman siyang masyadong karanasan na gamitin ito sa pakikipaglaban.Ang dalawang ito ay perpekto para subukan ang mga bagay-bagay.Ayaw niyang gamitin ang Ice Imperial Spear, Ghost Corpse Cursed Array, o kahit ang Skeletal Division Leader para tapusin sila.Habang nasa laban, patuloy lamang na sinusubukan ni Zhao Feng ang kanyang mga Purple Destruction Lightning Techniques.Qiu!Ang anyo ni Zhao Feng ay gumuhit sa ere at ang aura ng Purple Destruction Lightning ay nalipon lalo.Mas mabilis pa siya kaysa sa dalawang pirata kahit hindi niya pa ginagamit ang kanyang Wings of Wind and Lightning.Habang lumilipas ang oras, ang dalawang kalaban niya ay nagigipit na. Sa parehong pagkakataon, ang dumedepensang bangka ay hindi pa nakakatakas sa panganib, pero nang malipat ng tuon sina Hong San at Jiao Si ay nakatagal naman sila kahit papaano.Subalit, ang matandang nakasuot ng damit na makulay ay nasa peligro na."Tandang Man Huang, kung lalaban ka pa, hindi ka na talaga magtatagal."Ang ekspresyon ng lider ng mga pirata ay madilim. Ang panlalaban ng Sovereign na ito ay ikinagagalit niya at nag-aalala siya na baka makatakas si Zhao Feng.Ang bilis ni Zhao Feng ay higit pa sa kanyang dalawang kalaban, kung kaya, kaya niyang makatakas kailanman niya gustuhin nang walang hirap. Sa kabilang banda, hindi naman madaling patayin ang isang Sovereign sa napakaiksing oras, kahit na sugatan pa ito.Halatang mas nakaaangat talaga si Zhao Feng. Sa loob ng kanyang isip, ang tagpi-tagping mundo ng hangin at kidlat ay sumilay sa iba't ibang anyo.Inuunawa ni Zhao Feng ang purple-colored lightning, at sinusubukan niyang kumuha pa nang kumuha ng mga maliliit na detalye ukol rito."Purple Destruction – Wind Lightning Snake Dance!"

Ang Wind Lightning Whip ni Zhao Feng ay lalong nalipon, at nagsimula na itong kumilos na para bang isang ahad - maliksi at mabilis.Tila ba isang ahas na gawa sa hangin at kidlat ang nabuo nang ikinumpas ni Zhao Feng ang kanyang mga kamay.Pi! Pa! Boom~~

Ang elder na may tungkodn at ang pangit na lalaki ay nabubugbog na.Ang Sovereign level mental energy ni Zhao Feng ay naghuhukay na sa potensyal ng Wind Lightning Inheritance."Tapusin na natin ito."Dumami ang mga atake ni Zhao Feng nang gamitin niya ang intent ng isang Sovereign.Kahit na pinutol na niya ang link sa kanya ng alakdan, ang tatlong sects ay mukhang nakahabol sa kanya.Hindi ito maganda!Malapit sa bangka, ang mukha ng lider ay nagbago na talaga. Sa kanyang paningin, ang kabataang ito ay itinutulak na ang kanyang dalawang pirata sa labanan."Arghhhhh!"Ang eler na may tungok at ang pangit na lalaki ay napahiyaw nang masunog ang kanilang mga katawan.Ang atake ni Zhao Feng ay naglalaman ng Power of Destruction, na kayang limitahan ang abilidad na magpagaling ng isang tao.Sa loob lamang ng maiksing oras, ang dalawang pirata ay lalong napinsalaan at nagsimula na silang tumakas, pero paano nga ba naman nila maikukumpara ang kanilang bilis kay Zhao Feng?"Ahhh!"Napahiyaw ang pangit na lalaki nang isa sa kanyang mga binti ang nahuli ng Wind Lightning Whip at nagsimula na itong pumilipit.Crack!Sinukuan niya na ang is niyang binti at sinunog niya ang kanyang Source of True Spirit para mailigtas ang sarili.Qiu!Ang anyo ni Zhao Feng ay muling gumuhit, at ang kanyang latigo ay lumapag naman sa likod ng elder na may tungkod.Wah!Ang elder na may tungkod ay napadura ng dugo habang naitutulak siya nang 100 yarda."Tulungan niyo ako!"Nagsimula nang tumakbo ang dalawang pirata. Kung hindi, maaaring mawalan sila ng buhay.Hmph!Hindi na sila hinabol pa ni Zhao Feng at lumipad na ito patungo sa kabilang direksyon.Hmm!?Nagulat ang dalawang panig.Hindi man lang tinulungan ni Zhao Feng ang kahit alin sa dalawa matapos saktan ang dalawang pirata."Sutil…! Tumigl ka!"Hindi na napigilan ng lider ng mga pirata ang kanyang sarili at napaungol na ito. Sa pagkakataong iyon, mahirap ang gagawin niyang desisyon.Kapag iniwan niya ang Sovereign elder, ang mga pirata niya ay mamamatay.Bukod pa roon, kapag hinabol niya si Zhao Feng, maaaring makaharap siya ng mga atake mula kay Zhao Feng at sa Sovereign elder nang sabay.Sa lakas na mayroon si Zhao Feng, kapag nakipagtulungan siya sa Sovereign elder, ang sitwasyon ay hindi magiging maganda para sa lider ng mga pirata. Sino ang nakakaalam kung ano pang itinatagong mga techniques mayroon si Zhao Feng? Pagkatapos ng lahat, namana niya ang mga techniques ng Wind Lightning Emperor.Pero, kapag hinayaan niyang umalis si Zhao Feng, mawawala siya ng tsansa na makuha ang Wind Lightning Inheritance."Munting kaibigan, ang mga piratang ito ay pareho nating kalaban. Kung magtutulungan tayo at matatalo natin sila, lubos ko itong ipagpapasalamat…!"Humiyaw rin ang Sovereign elder.Nang marinig ito, nagbago ang mukha ng lider ng mga pirata. Kapag sumama na si Zhao Feng sa kabilang panig, ang sitwasyon ay lalong magiging malala.Sa hindi inaasahan, hindi nakinig si Zhao Feng sa kahit sino man sa kanilang dalawa.Kung iiispin, dapat lamang na kampihan ni Zhao Feng ang Sovereign elder sapagkat pareho silang inaatake ng mga pirata."Kung matutulungan mo kami, papayag ako sa kahit anong gusto mo, at babayaran ka ng Loulan Family para dito..."Isang magaang boses ang nagmula sa bangka.Ang may-ari ng boses ay si Loulan Zhishui.Sa mismong iyon, ang itsura ni Loulan Zhishui ay naging isang napakagandang binibini."Lady Loulan."

Parehong ang magkabilang panig ay natulala. Sa loob ng dagim, ang kanyang ganda ay tila ba nakataba ng puso. Ang kanyang "papayag ako sa kahit anong gusto mo" ay nakakaakit.

Sa kasamaang palad, hindi sila ang kausap niya.Subalit, ang kabataan ay wala pa ring emosyon at tuluyan nang umalis. Ang parehong panig ay nagulat. Wala man lang siyang reaksyon kay Loulan Zhishui."Hmm? Mukhang may mali."May napagtanto ang mga pirata. Hindi naman papunta si Zhao Feng sa direksyon ng Eight Desolate Mountain; papunta siya sa kasalungat.Qiu!Si Zhao Feng ay naging isang guhit ng Wind Lightning na lumapit sa abong bangka - ang bangka ng mga Blue Lightning Pirates."Arghh!"Tanging mga pirata lamang na nasa maagang yugto at huling yugto ng True Lord Rank ang naiwan sa bangka.Bam!Lumapag si Zhao Feng sa may kubyerta nito."Master, ang barkong ito ay napakataas ng kalidad at ang depensa nito ay napakalakas. Kung tamaa ko, ang barko na ito ay kayang pumailalim sa karagatan at kayang magbago ng itsura."Nasisiyahang sabi ng Skeletal Division Leader sa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl.Pinaslang na ni Zhao Feng ang ibang mga pirata nang walang kahirap-hirap."Hehe, basta ba may sapat na Primal Crystal Stones at katulong ang isang tao, kaya nilang makapaglakbay sa walang hanggang karagatan. Ang mga nasa barko ay pwede pang maglaan ng maraming oras sa pagcucultivate."Pagpapaliwanag ng Skeletal Division Leader.Dahil kailangan nila ng iilang mga mandaragat, nag-iwan si Zhao Feng ng ilang mga buhay na pirata.Sa totoo lang, ideya itong lahat ng Skeletal Division Leader, at nasiyahan naman si Zhao Feng rito. Pagkatapos ng lahat, hindi naman madaling lumipad nang kay tagal.Kailangan niyang mahanap ang Sky Saint Qin Palace sa kabilang teritoryo. Kailangan niya nga talaga ng isang barko."Walang hiyang magnanakaw~~~~!"Halos sumabog sa galit ang lider ng mga pirata.Ang pag-aalala na mayroon siya ay hindi masukat. Hindi lamang nakipagkampihan si Zhao Feng sa panig ng elder, kundi ninakaw rin nito ang kanyang barko.Napamura ang mga Blue Lightning Pirates. Bilang mga pirata, hindi nila akalain sila pa ang nadambong.