Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 551 - Pamatay na Atake

Chapter 551 - Pamatay na Atake

"Earth-Grade Inheritance Weapon - Ice Imperial Spear!"

Pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang bloodline at ang anyo ng isang Earth-Grade Spear ay nagpakita sa harap niya.

Ang pagkakataon ngayon ay naiiba sa mga nakaraan; ang anyo ng Earth-Grade Weapon ay patuloy na nalilipon hanggang sa mabuo nito ang tunay na Ice Imperial Spear, hindi lamang anino nito.

Bo~~

Ang hindi mabilang na mga piraso ng Ice Imperial Spear sa bloodline ni Zhao Feng ay agad na nabuo sa isang piraso at lumawig ito hanggang sa palad niya.

Kadalasan, kapag magkahiwalay ang Ice Imperial Spear, ang aura nito ay mahirap maramdaman, pero kasalungat nito ang nagaganap dahil sa kasalukuyang estado nito.

Weng~~

Ang mahiwagang anyo ng Earth-Grade Weapon ay naging isang maitim na asul na crystalline spear.

Ice Imperial Spear. Isang kumpletong Earth-Grade Weapon.

Naramdaman ni Zhao Feng na ang kanyang bloodline ay tumaas sa bagong lebel, at ang kapangyarihan na natutulog sa Ice Imperial Spear ay unti-unti nang nagigising. Lahat ng ito ay dahil sa Earth-Grade Weapon ni Lu Tianyi; pinagliyab nito ang natutulog na Ice Imperial Spear ni Zhao Feng.

"Earth-Grade Weapon… Mayroon ka rin palang isa…."

Naging malamig ang ekspresyon ni Lu Tianyi at nanlamig bigla ang kanyang katawan.

Sa pagkakataong nagpakita ang Ice Imperial Spear, isang malamig af ancient imperial aura ang siyang pinagyelo ang hangin, at kahit ang kanyang Sky Tooth Wolf Moon Blade ay nagsimulang manginig sa pangamba.

"Ice Imperial Spear, iyan ang Earth-Grade Inheritance Weapon!?"

Ang tatlong Void God Realms ay nagsimulang tumitig sa Ice Imperial Spear ni Zhao Feng at hindi nila mapigilang mapabulalas. Alam nila ang kasaysayan ng sandatang ito.

Sa loob ng misteryosong kanyon, ang auras ng dalawang Earth-Grade Weapon ay nagsasagupaan sa ere.

"Intent of the Ice Emperor, atake!"

Naramdaman agad ni Zhao Feng na ang kanyang bloodline power at Source of True Spirit ay agad na nauubos. Ang Ice Imperial Spear ay tila isang walang hanggang kawalan.

Shu~~~~~

Umabante si Zhao Feng, at ang Ice Imperial Spear ay nagbuga ng isang malamig na liwanag nang umasinta ito paharap. Lahat ng nasa paligid nito ay nagyelo at isang na malamig na pakiramdam ang kumalat hanggang sa sampung milya.

Sa pagkakataong iyon, si Lu Tianyi at kahit pa ang Towering Tree Yao ay naninigas na tila ba natatakpan sila ng isang patong ng nyebe.

Shua!

Nagawa naman ni Lu Tianyi na iwagayway ang kanyang Sky Tooth Wolf Moon Blade, na siyang naging dahilan ng sagupaan sa pagitan ng isang iskarlet na lilang lobo at sa nakapapangatog na lamig. Subalit, lahat ng nakatagpo ang Ice Imperial Spear ay naninigas.

Pa!

Ang Wings of Wind and Lightning ay pumagaspas at lumipas si Zhao Feng ng ilang daang yarda para maiwasan ang pagtatama ng dalawang kapangyarihan.

Wah!

Kahit na naiwasan niya ang mismong atake, nauabutan pa rin siya ng shockwave at napadura ng dugo at namutla ang mukha.

"Kahit nagagamit ko ang Ice Imperial Spear, ang True Lord Rank cultivation ko ay masyadong mababa para dito."

Isang alon ng tubig ang pumalibot kay Zhao Feng at saka siya nagsimulang magpagaling.

Sa kabilang banda, ang sitwasyon ni Lu Tianyi ay mas malala. Natanggap niya ang mismong pinsala dahil naroon siya nang magtama ang dalawang Earth-Grade Weapons.

Ang kanyang katawan ay matutumba na at tumutulo na sa kanyang bibig ang dugo, na agad namang nagyelo rin.

"Talo na si Lu Tianyi."

Napabuntong hininga ang golden skeleton. Ang demonic lord naman na napapalibutan ng itim na usok ay napailing rin agad..

Pagkatapos mawalan ng isang braso at mabawasan ang lifeforce dahil sa purple lightning, ang buhay ngayon ni Lu Tianyi ay nasa alanganin na.

"Hindi naman natalo si Tianyi dahil sa lakas, patumpik-tumpik lang talaga siya."

Ang Saint Moon Aunt Goddess ay napailing ang ulo at saka napabuntong hininga. Hindi naman siya nakikipag-ayon sa dalawa, pero wala naman siyang pag-aalala sa mukha.

"Lu Tianyi, natalo ka na."

Pumagaspas ang Wings of Wind and Lightning ni Zhao Feng , at ang Ice Imperial Spear sa kanyang kamay ay nagsimulang maging karagatan - walang dulo at walang hanggan.

"Zhao Feng, ano naman kung natalo mo ako dahil sa biglaang pagsugod?"Nagngitngit ang ngipin ni Lu Tianyi at ginamit niya ang kanyang True Force para itago ang kanyang mga sugat.

Panghahamak ang makikita sa mukha ni Zhao Feng nang marinig ang pagmumura ni Lu Tinanyi. Masyado siyang mapanlibak para magpaliwanag pa.

Natalo si Lu Tianyi dahil sa tatlong rason.

Una sa lahat, inatake siya ni Zhao Feng at ng stone giant nang sabay. Tila ba may kaharap siya na dalawang Sovereigns sa iisang pagkakataon.

Ang ikalawa ay sapagkat minaliit niyan

ang atake ni Zhao Feng. Pinutol na ni Zhao Feng ang kanyang braso sa simula kung kaya nabawasan na talaga ang kanyang battle-strength.

Ang huling rason ay ang Ice Imperial Spear. Kahit na parehong may Earth-Grade Weapons sila, ang Ice Imperial Spear ni Zhao Feng ay mas kakaibang inheritance weapon, kung kaya agad na nagapi ang sandata ni Lu Tianyi.

Lahat ng mga salik na ito ang siyang nakatulong upang matalo si Lu Tianyi.

"Heheh, Lu Tinayi, ang pagkatalo ay nangangahulugang pagkatalo. Ang stone giant ba ay hindi parte ng lakas ni Zhao Feng? Hindi ba ang kontrol ay bahagi ng lakas?"

Isang boses ng babae amg maririnig sa ere. Nagmula ito sa Purple Saint Partial Spirit.

"Ikaw….!"

Hindi makapagsalita si Lu Tianyi, at ang kanyang mukha ay naging maputla at mapula.

Oo nga naman. Ang stone giant ay kinontrol ni Zhao Feng, at iyan ang abilidad ng kanyang bloodline. Ang beast tamer ba ay hindi pwedeng gumamit ng mga halimaw kapag nakikipaglaba?

Sakto lang rin ang Eye of Heaven ni Zhao Feng. Kaya nitong magpakita kahiy saan at kasama rin ito sa lakas niya.

Ang lahat ng iyon ay hindi nakatakas sa mga mata ng Purple Saint Partial Spirit.

Dahil sa mga rason na iyon kung bakit hindi na mapigilan ng Purple Sainy Partial Spifit na makisali at hamakin si Lu Tianyi pagkatapos ng kanyang sinabi.

"Lu Tianyi, hindi ako ang kapantay mo kung maglalaban tayo nang tapatan, pero sa kasamaang palad, isa itong laban sa pagitan ng buhay at kamatayan."

Walang emosyong sabi ni Zhao Feng.

Talaga nga namang nakasisindak ang battle-power ni Lu Tianyi. Kahit siya at ang Skeletal Division Leaser na pinagsama ay hindi ito kakayanin. Bukod pa roon, saglita naman ang oras na kinakaya ng Ice Imperial Spear para magpakita.

Takas!

Ang mukha ni Lu Tianyi ay napuno ng pagkamuhi at disgusto nang maging isa siyang guhit ng gintong liwanag at agad na kumaripas ng distansya.

Kahit na lubha akong sugatan, kailangan ko lamang hanapin si Elder Shui Yun at agad niyang mapapahilom ang aking mga sugat gamit ang kanyang mga skills.

Naisip ni Lu Tianyi.

Hindi niya kayang sumuko. Mas malakas siya nang sobrang layo kaysa sa isang True Lord Rank. Hindi niya matanggap ang kanyang pagkatalo.

"Gusto mong tumakbo?"

Pumagaspas ang Wings of Wind and Lightning ni Zhao Feng sa kanyang likod habang hinahabol niya si Lu Tianyi.

Kung bilis lang naman ang pag-uusapan, mas mabilis siya nang bahagya ka Lu Tianyi, at lubha pa namang sugatan ang huli nabanggit.

Pagkatapos ng lahat, ang kanyang mental energy ay nasa lebel na ng Sovereign at mayroon pa siyang Wings of Wind and Lightning, samantalang si Lu Tianyi naman ay nasa isang kaaawa-awang estado.

Wind Lightning Eys Flame!

__

Azure Eye Piercing Slash!

Ginamit ni Zhao Feng ang dalawa niyang makapangyarihang techniques upang mapatumba si Lu Tianyi sa lupa.

"Tianyi, teka lang!"

Mula sa ilang dosenang milya, pinangunahan ni Elder Shui Yun sina Ye Yanyu at Zhuang Wan'er upang puntahan si Lu Tianyi.

"Huli na ang lahat."

Naitabi na ni Zhao Feng ang Ice Imperial Spear, at nakaluhof na si Lu Tianyi sa lapag. Lubha itong nasaktan at napakahinanng aura niya. Ang kanyang battle-power ay nasa 20-30% na lamang.

Sa ganoong estado, sigurado si Zhao Feng, na kahit wala ang kanyang bloodline at Ice Imperial Spear, mapapatay niya si Lu Tianyi.

"Zhao Feng… Ikaw ang taong mamatay… Ikaw!"

Nagngitngit ang ngipin ni Lu Tianyi at naglabas siya ng isang mapusyaw na golden jade item.

Sa pagkakataong nagpakita ito, isang hindi makitang kaluluwa ang tila mararamdaman, at kahit ang puso ni Zhak Feng ay napatalon.

"Void God Protection!"

Ipinilantik ni Lu Tianyi ang jade slip at isang anyo na nakaginintuang roba ang sumilay sa likod niya. Ang ere ay agad na napuno ng hindi mapantayang aura.

Sa pagkakataong iyon, sina Zhao Feng, Skeletal Division Leader, at kahit pa sina Elder Shui Yun at ang iba pa ay nakaramdam ng presyur sa kanilang mga kaluluwa.

"Void God Protection? May ganyang palang klase ng pakulo na itinatago si Lu Tianyi?"

"Ang anyong iyan na nakaginintuang roba ay ang pinakamalakas na Void God Realm King sa Pure Moon Spiritual Sect - si Martial God Jin Huang!"

Ang mga eksperto na nanonood sa panlabas na mundo ay nagkaroon ng diskusyon, at nagkatinginan ang golden skeleton at demonic lord nang may gulat sa kanilang mga mukha.

Isang ngiti naman ang sumilay sa mukha ng Saint Moon Aunt Goddess.

Kahit na malakas si Lu Tianyi, wala naman siyang gaanong karanasan. Paano namang hindi iyan malalaman ng Saint Moon Aunt Goddess?

Ganoon pa man, pinili niya pa rin si Lu Tianyi bilang pinuno ng ikalawang grupo.

Ang kumpletong Earth-Grade Weapon ang hidden card ni Lu Tianyi samantalang ang Void God Protection naman ang kanyang life-saver.

"Ang Void God Protection na ito ay mas malakas kaysa sa iba at agad nitong mapapatay ang mga nasa Small Origin Core Realm. Bukod pa roon, si Zhao Feng ay may battle-power lang naman ng isang Sovereign, pero hindi naman talaga siya ganoon."

Lalong lumawak ang ngiti ng Saint Moon Aunt Goddess.

Sa mismong pagkakataon na iyon:

"Jade Dragon Protection!"

Mapangkutya ang mukha ni Zhao Feng nang kay lamig nang ilabas niya ang jade dragon.

Sa isang kumpas, isang umuungol nan ancient dragon ang sumilay.

Wu~~~

Isang malalim na ungol mula sa ancient true dragon ang umalingawngaw sa kalangitan. Ang anyo ng isang dragon ay tila pinangingimbabawan ang kalangitan at kalupaan.

Ano!!?

Ang ekspresyon ng mga manonood at ng Saint Moon Aunt Goddess ay nanigas.

"Iyan ay isang Void God Protection na gawa sa blood essence ng isang ancient true dragon."

"Kapag ang isang ancient true dragon ay lumago nang tuluyan, ang kanilang battle-power ay agad na malalagpasan ang mga Void God Realm Kings...:"

Marami mula sa tatlong sects ang maalam sa bagay na ito.

Boom~~~

Ang dalawa pang kapangyarihan ay nagtama, kung kaya nanginig ang buong dimensyon.

Shu~~~~~~

Sa kalahating hininga lamang, nilamon ng dragon ang anyong nakaginintuang roba.

"Hindi ito maganda!"

Ang mukha ni Lu Tianyi ay kakulay na ng abo. Hindi niya akalaing may Void God Protection si Zhao Feng na mas malakas pa sa kanya.

Bam!

Agad na tumakas si Lu Tianyi, pero napalipad siya ng Jade Dragon Protection ng ilang milya. Ang kanyang buhay o kamatayan ay hindi alam ng kahit sino.

"Tianyi!"

Agad na lumipad sa ere si Elder Shui Yun at binalutan ang katawan ni Lu Tianyi ng tubig.

Shua! Shua!

Agad na sumunod sila Ye Yanyu at Zhuang Wan' er sa elder at tumayo sa kanyang kaliwa at kanan habang nakatingin kay Zhao Feng.

"Zhe zhe zhe…."

Isang maitim na usok ang pumalibot sa ere. 38 na ghost-corpses at isang gintong-pilak na kalansay ang nagpakita.

Lumabas na rin sa wakas ang Skeletal Division Leader mula sa Ten Thousan Ghost Pearl.

Hind nito mapigilang mapabuntong hininga. Tinalo lang naman ni Zhao Feng ang buong ikalawang grupo ng tatlong sects.