Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 549 - Ang Pasalubong ni Zhao Feng

Chapter 549 - Ang Pasalubong ni Zhao Feng

Ang grupo ni Lu Tianyi ay may isang Sovereign, tatlong half step Origin Core Realm at sampung peak True Lord Rank.

Ang bilang ngayon ay mas maliit kaysa una.

Mula rito makikitang may epekto na kaaagad ang pag-aayos ni Zhao Feng ngunit ang mga taong ito ay may makapangyarihang aura at mas malakas kaysa sa ibang may parehong cultivation.

"Zhao Feng, lumabas ka at mamatay na!"

Ang mga mata ni Lu Tianyi ay puno ng malamig na killing intent at nanatili kay Zhao Feng kaagad.

Rumagasa ang battle intent sa nga miyembro sa kanyang likuran.

Halatang abg grupong ito ay pinapanguhan ni Lu Tianyi, isang baliw sa laban.

Sa grupo ay may isang magandang babae na may simbolo ng buwan sa kanyang noo at ang kanyang lilang buhoknay hinahangin.

Bawat ngiti niya ay tila napupuno ng mahika.

Misteryoso, kakaiba, katangi-tangi.

Ito ay sib"Zhuang Wan'er" mula sa Moon Demon Palace at nakapasok na sa ikalawang palapag ng Treasured Palace kasama si Zhao Feng noon at nakatanggap ng isang makapangyarihang inheritance.

"Lu Tianyi, maaari nating kitain muna si Elder Shui Yun at magplano simula sa umpisa."

Naglabas si Zhuang Wan'er ng isang jade pendant at inilagay ang kanyang True Spirit dito.

Gayunman, hindi siya pinansin ni Lu Tianyi at umangil kay Zhao Feng nang mga malamig na mata.

Ngayong nakita na niya ang kanyang kalaban, siya ay napuno ng poot.

Kung aalalahanin kung paano nita tinalo si Zhao Feng at ang Towering Tree Yao, siya ay natalo pa rin.

Naalala niya ang sakit ng scorpion na bumara sa kanyang lalamunan.

"Kumalma ka."

Nagsakita si Lu Tianyi sa malalim na tono: "Mayroon akongbkilling card sa kaniya at kahit wala ito ay kaya ko siyang mapatay nang madali."

Pagkatapos sabihin ito, ang kanyang katawan ay nagsimulang maglabas ng Qi matapos na makita ang kaibuturan ng mundo.

Maraming tao sa kaniyag likuran ang dinilaan ang kanilang labi at ang laban ay mukhang nag-umpisa na.

Aa ilalim ng sitwasyong ito ay kahit si Zhao Frng at ang Towering Tree Yao ay nakaramdam ng napakalaking puwersa.

Isang napakalakas na aura…"

Nagulat ang Skeleton Division Leader ng Ten Thousand Ghost Pearl.

Hinulaan niyang ang ikalawang grupo ng three sect ay nakarating na.

"Hehe, paanong hindi ako mabibigyan ng regalo?"

Si Zhao Feng ay nakaupo lang at hindi natatakot.

Pagkatapos niya magsalit ay naglabas ng misteryosong mental energy ang kanyang God's Spiritual Eye sa lupa.

Huang!

Ang lupa sa paanan ni Li Tianyi ay nagsimulang yumanig at isang angil ang nanggaling sa ibaba.

Crack!

Ang lupa sa gitna nt misteryosong kanyon ay sumabog ay isang sinaunang aura ang lumabas.

"Hindi ito maganda!"

Ang grupo ay naging magulo at hindi makahinha dahil sa puwersa.

Kahit ang taong kasinglakas ni Lu Tianyi ay nakaramdam ng bigat sa kanilang katawan.

"Mag-ingat ang lahat, siguradong may isang Sovereign level beast na nagtatago rito…"

Si Zhuang Wan'er ay sumigaw at biglang lumipad pataas.

Wu~~~

Isang angil ang umalingawngaw mula sa bitak.

Boom~

Isang nakakasindak na puwersang humihihip ang nanggaling sa bitak.

"Hindiiiiii!"

"Arghh---"

Ang grupo ay nagsimulang mataranta.

Bam! Bam! Bam!

Sa isang kisapmata, kalahati ng grupo ang nahila pababa sa lupa.

Wah! Wah!

Tanging ilang mga tao lang ang nakatiis sa paghigop ngunit dumura silang lahat ng dugo.

Bukod kay Lu Tianyi, ang iba pa ay labis na napinsala.

Si Zhuang Wan'er lang ang hindi kasinglabis ng pinsala ng iba ngunit dumura rin ng dugo.

"Iyan ay… iyan ay!!!"

Ang mga puso ng lahat ay nayanig nang tignan ang bitak.

Wu~~

Isant higanteng batong sampung yarda ang laki ang lumabas mula sa butas at ang katawan nito ay gawa sa yellow brown na bato.

Ang stone giant ay mukhang galing sa sinaunang uri at ang cultivation nito ay nakaabot na sa lebel ng Sovereign. Ang puwersa lang mula rito ay nakapagdahilan na para mawala ang kalahati ng kanilang grupo.

"Hehe, natuwa ba kayo sa aking pasalubong?"

Si Zhao Feng ay may maliit na ngiti sa kanyang mukha.

Bakit hindi siya maghahanda gayong alam niyang darating sila rito?

Ang panlabas na mundo ay maaaring makita ang normal na mga kilos ngunit ang stone giant na ito ay hindi nila naramdaman.

Nakaranas ng malaking pinsala ang grupo ni Lu Tianyi dahil hindi sila naghanda.

Sa itaas ng mga bundok sa panlabas na mundo.

Ang ekspresyon ng tatling Void God Realm King ay kapansin-pansing nagbago.

Ang ikalawang grupong ito ay ang punto ng pagbabago ngunit ang laban ay hindi pa nagsisimula at ang grupo ni Lu Tianyi ay nawalan ng kalahati ng mga miyembro nito.

Bukod pa kay Lu Tianyi at Zhuang Wan'er, ang lahat ay labis na napindala at hindi na makalaban sa kanilang peak.

"Pumatay!"

Mahinang sinabi ni Zhao Feng nang sumama sa Wood Spirit Essence Soul para makontrol ang stone giant at sumugod sa grupo ni Lu Tianyi.

Roar!

Ang stone giant na ito ay nagbibigay nf humihilang puwersa nang tumama ang mga kamao nito kina Lu Tianyi.

Bam! Boom!

Bago pa dumating ang atake, isa o dalawang tao ang nadurog ng kapangyarigan at namatay.

"Lumayas kayo!"

Sumigaw si Lu Tianyi at nagpadala ng dagat ng gintong liwanag na tumama sa loob ng sampung milya.

Ding Ding Ding ------

Ang stone giant ay nilamon ny hindi mabilang na liwanag ngunit ang katawan nito ay nagniningning kung saan ito natamaan.

Kahit si Zhao Feng at ang Towering Tree Yao na nasa malayo ay inatake.

Ang hindi mabilang na gintong liwanag ay labid na matulis at mukhang kayang lamunin any lahat ng madaanan nito.

Bo~~

Isang alon ng tubig ang lumutaw sa paligid ni Zhao Frng at pinigilan ang gintong liwanag habang ang Towering Tree Yao ay napuno ng mga marka at butas.

Ito ay ant natitirang atakenkay Lu Tianyi.

"Anf depensa ng stone giant ay labis na malakas at mukhang may bloodline na katulad ng kay Shi Chengtian ngunit mas dalisay lang."

Si Zhao Feng ay nagbuntong hininga.

Si Lu Tianyinay tunaybna karapat-dapat na maging isa sa mga top genius ng three sect.

Jiang----Boom!

Si Lu Tianyi at ang stone giant ay nagsalpukan at nagpadala ng ragasa ng pagkasira sa loob ng higit sa isang dosenang milya.

"Arghhhh!"

Maraming sigaw ang maririnig mula sa grupo.

Sinadya ni Zhao Feng na ituon any stone giant sa iba at sa loob ng isang hininga o dalawa, tanging si Lu Tianyi at Zhuang Wan'er ang buhay pa.

Ang iba ay namatay na.

Ang sitwasyong ito ay labis na nakakatakot para sa three sects.

"Zhuang Wan'er, kitain mo muna si Elder Shui Yun. Ibabalik ko ang binigay mong tulong sa akin noon."

Itinulak ni Lu Tianyi si Zhuang Wan'er sa layong isang milya o dalawa.

Nang makitang ang iba ay namatay, ang mga mata ni Lu Tianyi ay naging oula at ginamit ang kanyang bloodline power, na nagdahilan para rumagasa ang kanyang lakas at mitulak ang stone giant.

"Si Lu Tianyi ay nakakatakot. Ang normal na Sovereign sa Azure Flower Continent ay siguradong hindi makakatanggap ng ilang atake mula sa kaniya."

Hindi maiwasan ni Zhao Feng na patunugin ang kanyang dila.

Noon ay hindi siya nakipaglaban kay Lu Tianyi ngunit ginamit ang munting pusang magnanakaw para mahagis ang scorpion sa katawan ni Lu Tianyi.

Sa sandaling ito, ang battle power ni Lu Tianyi ay tumaas at kahit ang stone giant na may sinaunang bloodlinr

"Sa kasamaang palad, ang stone giant na ito ay mapakatagal nany natutulog at kahit na ang depensa nito ay malakas, yanging 70% lang ng kapangyarihan nito ang maaaring magamit."

Idinerekta ni Zhao Feng si Lu Tianyi palayo sa butas. Sa kabutihang palad ay naayos na ang butas at nalagpasan ang laban ng mga Sovereign.

"Master, palabasin na ninyo ako. Kaya ko nang pabagsakin ang ungas na ito."

Sabi ng Skeleton Division Leader.

Sa nakaraang panahon, ang bilang ng mga cursed ghist corpses ay umabot sa taltumpu't walo ay ang lakas ng Ghost Corpse Cursed Array ay tumaas na sa bagong lebel.

"Hindi naman kailangang magmadali."

Umiling si Zhao Fenf at ngumiti.

Pagkatapos sumama sa Wood Spirit Essence Soul, kaunti lamang sa kanyang lakas ant nagamit sa pagkontrol sa higante.

Ang stone giant na ito ang pinakamalakas na may buhay sa misteryosong kanyon at mas malakas pa kaysa sa Towering Tree Yao at sa ancient scorpion.

Naramdaman ni Zhao Feng na nandito ito ngunit hinsi nangahas na hawakan ito.

Para mapigilan ang ikalawang beses na panganib mula sa three sects, gumugol ng sandali si Zhao Feng para makontrol ang stone giant.

Masasabing bukod sa Purple Saint Partial Spirit, walang ikatlong tao ang nakakaalam nito.

Peng--- Booom! Bang!

Si Lu Tianyinat ang stone giant ay naglaban at ang nanalo ay hindi nalaman sa loob ng maiksing panahon.

Sa kapangyarihan ay si Lu Tianyi ang may kalamangan ngunit ang depensa ng stone giant at napakalakas at kayang tumanggap ng mga atake ng isang normal na Sovereign nang harapan.

"Si Lu Tianyi ay labis na nagmamadali."

"Hindi namin siya masisisi. Sinong nakakaalam na naghanda si Zhao Feng ng isang stone giant?"

Ang mga nanonood na eksperto ay nagbuntong hininga.

Kungbpinagdesisyunan ni Lu Tianyi na kitain muna si Elder Shui Yin, ang sitwasyon ay hindi magiging ganito kasama ngunit bilang isang henyo, hindi magpapatalo kaagad si Lu Tianyi.

Dagdag pa rito, ang taong kinagagalitan niya ay nasa kanyang harapan na.

Sa loob ng misteryisong kanyon, ang laban ay nasa sukdulam na at kahit na ang stone giant ay natatalo na, nagpatuloy pa rin ito sa pag-atake kay Lu Tianyi gamit ang suction force.

Nagsimulang pawisan si Lu Yianyinsa noo.

Ang kanyang battle power ay nagningas dahil sa paggamit ng bloodline power at hindi kayang magtagal.

"Earth grade weapon, Sky Tooth Wolf Moon Blade!"

Isang malamig na liwanag ang lumitaw sa mga mata ni Lu Tianyi na may ulo bg isang umaangil na lobo habang lumitaw ang hawakan sa kanyang kamay.

Ito ay isang kumpletong Earth grade weapon.

Sa sandaling lumitaw ito ay naramdaman ni Zhao Feng ang Ice Imperial Spear sa kanyang loob na magbigay ng kasiyahan at ang ilan sa mga limitadong kapangyarihan nito ay tila nabuksan.

"Kumpletong Earth grade weapon? Ito ba ang iyong barang pampatay?"

Naramdaman ni Zhao Feng nagbigay ng labis na lamig at galak sa kanyang mga mata ang Ice Imperial Spear. Hindi niya inisip na sinLu Tianyi ay magkakaroon ng kumpletong Eart grade weapon na nagising ang ilang misteryosong kapangyarihan sa Ice Imperial Spear.

Kahit ang kanyang bloodline ay nagningas.