Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 533 - Pagbabalik sa Purple Saint Ruins (1)

Chapter 533 - Pagbabalik sa Purple Saint Ruins (1)

Binabalaan ako ni Zhao Feng, na kahit wala pa ang Dark Heart Seed, marami siyang paraan para patayin ako.

Naramdaman ng Skeletal Division Leader na tila mapalad siya.

Mayroon pala Jade Protection Dragon si Zhao Feng pero ni kailanman ay hindi niya ito ginamit. Kitang-kita naman na gagamitin niya lamang ito kapag sobrang kritikal na ng pagkakataon.

Bago pa ito, inisip ng Skeletal Division Leader na tumakas. Ngayong alam na nito na may ganito lalang klaseng pakulo si Zhao Feng, hinding-hindi siya pagtataksilan ng Skeletal Division Leader kahit wala pa ang Dark Heart Seed.

Napakalakas ng kapangyarihan ng Jade Dragon Protection. Agad-agad nitong mapapatay ang mga Sovereigns, samantalang ang mga normal na Void God Protections ay kaya lamang na pinsalaan ang mga Sovereigns nang malubha.

"En."

Natuwa na si Zhao Feng at ang tingin niua ay naalis na mula sa Skeletal Division Leader.

Hinanda niya na talaga ang Jade Dragon Prtection para kalabanin ang Mystic Ice Queen, pero ang paggamit dito nang madalian ay agad na makakawaglit ng potensyal nito.

Ginamit niya na ito sa huli para makakuha muna siya ng karanasan kung paano makipaglaban sa isang Sovereign. Bukod pa roon, pinagulantang nito ang Skeletal Division Leader; habang lumilipas ang oras at nanunumbalik na ang tunay na lakas nito, gustong mag-iwan ni Zhao Feng ng kanyang anino ng kalupitan sa puso ng Skeletal Division Leader.

Sa parehong pagkakataon:

"Takbo~~~~!"

Humiyaw ang Three Eyed Saint at agad na umalis.

"Master, ako na ang bahala."

Nagkusa ang Skeletal Division Leader upang ipakita ang kanyang katapatan.

Itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo.

Shua!

Tanging mga labing-imahe lamang ang naiwan habang naglaho naman ang Skeletal Division Leader.

Sa susunod na pagkakataon, isang anyong ginto at pilak ang mabilis na kumaripas sa ulap at papalapit na sa Three Eyed Saint.

Pagkatapos ng lahat, nanumbalik na ang 60-70% ng kanyang lakas at ang battle-power niya ay higit pa sa isang normal na Half-Step Origin Core Realm. Kung hindi niya gamit ang Wings of Wind and Lightning, baka hindi natalo ni Zhao Feng ang Skeletal Division Leader.

"Dark Soul Death Claw!"

Humiwa ang Skeletal Division Leader, at isang pansipit na singlaki ng palasyo ang umalingawngaw sa ere.

"Hindi ito maganda, isang atake sa kaluluwa."

Nakaramdam ang Three Eyed Saint ng isang aura ng kamatayan na bumabalot sa kanya. Ang mga normal na atake ay nakatuon lamang sa mental energy, pero ang soul attacks ay mas higit pa roon.

Shuu~~~

Ang Divine Light of Destruction ng Three Eyed Saint ay nakagawa ng butas sa pansipit, pero ang natitira nitong kapangyarihan ay tumagos sa kanyang katawan.

"Arghhh!"

Napahiyaw ang Three Eyed Saint habang ang kanyang mukha ay nagiging maputla, nagigung lila at nagiging berde.

Lubhang nasaktan ng Dark Soul Death Claw ang kanyang kaluluwa at nakakuha ito ng maraming lifeforce sa kanya.

Ang dalawa ay hindi man lang naging malapit pagdating sa lebel. Hindi man lang nagtagal ng ilang atake ang Three Eyed Saint at napatay na ito ng Skeletal Division Leader.

Agad namang tinulungan ng Skeletal Division Leader si Zhao Feng na kolektahin ang mga pabuya nila sa nangyaring labanan, pero sa kasamaang palad, ang kapangyarihan ng Jade Dragon Protection ay napakalakas at nasira nito ang mga aytems ng Mystic Ice Queen hanggang sa magpirapiraso.

Sinimulan naman ni Zhao Feng na halukayin ang mga gamit sa loob ng interspatial ring ng Three Eyed Saint.

Hmm?

Ang kanyang tingin ay napunta sa isang sira-siramg libro na may iilang an ancient words na nakasulat.

Mas marami nang alam si Zhao Feng kaysa sa dati, at naguhitan ng liwanag ang kanyang mata, "Eye….. Stealing…. Technique?"

Ang maliit na sira-sirang libro na ito ay itinala ang teorya ng forbidden skill.

"Sa kasamaang palad, isang teorya lamang ito at hindi pa kumpleto."

Bahagyang nagsisisi si Zhao Feng.

Ang teorya na ito ay napakakakaiba, pero hindi pa ito nagagamit nang praktikal noon. Bukod pa riyan, ni hindi nga ito kumpleto.

"Narinig ko na ang Eye Stealing Techniwue dati. Ayon sa nalaman ko, ninanakaw nito ang eye-bloodlinenng isang tao at inililipat sa iba, na nangangahulugan na pwedeng magkaroon biglaan ng isa eye-bloodline ang isang tao."

Pagpapaliwanag ng Skeletal Division Leader.

Nang marinig ito, nagulantang si Zhao Feng. May ganitong klase ng skill?

"Syempre, ang Eye Stealing Technique ay matagal nang nawawala at tanging mga teorya lamang tungkol dito ang natira. Bukod pa roon, kahit p may kopya ng buong technique, maraming mga salik ang nakakaapekto para maging matagumpay ito, kung kaya napakababa pa rin ng tsansa na mangyari ito."

Napabuntong hininga ang Skeletal Division Leader.

"Eye Stealing Technique? Hindi kaya gusto akong patayin ng dalawa mula sa Golden Sun Family dahil dito…?"

Nagsimulang mag-isip si Zhao Feng.

Hindi naman siguro mangangahas ang Golden Sun Family kung naiinggit lamang sila kay Zhao Feng, pero kung gusto nilang manakaw ang bloodline niya, mukhang gagawin pa rin nila ito kahit mababa ang tsansang magtagumpay ito.

Shua!

Binuksan ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye at kinopya ang Eye Stealing Technique, pero ang ikinadismaya niya, puro teorya lamang ito at walanh kahit anong ispisipikong detalye.

Pero syempre, kahit ang teorya pa lamang ay sapat na para matulungan si Zhao Feng.

"Tara na."

Pinabalik na ni Zhao Feng ang Skeletal Division Leader sa Ten Thousan Ghost Pearl, at saka nagpatuloy sa kanyang paglalakbay sa Purple Rising Great Country.

Ang Purple Rising Great Country ay isa sa tatlong pangunahing bansa ng Northern Continent, at ang kanilang lakas ay higit kaysa sa Canopy Great Country.

Kalahating buwan ang nakalilipas, bumili si Zhao Feng ng mga materyales na kinakailamgan niya at agad na siyang bumalik ng Canopy Great Country, at nagsimula na rin siyang magpadala ng mga pwersa ng Iron Blood Religion para maghanap pa ng mas marami.

Hangga't may sapat na resources, kayang makagawa ng Skeletal Division Leader ng ghost-corpses.

Ngayon ang cultivation ng Skeletal Division Leader ay nanumbalik na sa higit kalahating pwersa nito, mas mabisa na ito nang ilang beses.

Bukod pa roon, tinutulungan niya si Zhao Feng na maunawaan ang Curse of a Hundred Graves para magawa nila ang Hundred Corpse Curse Array sa mga susunod.

Ibinigay na ni Zhao Feng ang ganitong klase ng gawain kay Skeletal Division Leader at ginamit niya na ang kanyang oras para makaunaw at makapagcultivate.

Sa isang kisapmata, kalahating taon na ang lumipas.

Sa nakaraang kalahating taon, ang daming ibinigay ni Zhao Feng na oras para makapagcultivate, at okasyon siyang nagtutungo para lipulin ang mga natitirang pwersa ng Scarlet Moon Demonic Religion.

Subalit, nalaman ni Zhao Feng na ang kanyang progreso sa cultivation para maabot ang huling yugto ng True Lord Rank ay bumabagal na.

Ang "mabagal" na bilis na ito ay maikukumpara sa dating paglago ni Zhao Feng.

Kumpara sa mga normal na henyo, sampung beses pa rin siyang mas magaling. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang kaluluwa at pang-unaw ay higit na mas mataas kaysa sa kanyang cultivation.

Hinanap pa nga ni Zhao Feng si Patriarch Hong at pinuntahan.

"Napakaliit ng Azure Flower Continent at napipigilan ito ng Heaven Earth Yuan Qi at marami pang iba. Ang kaya lamang nito ay hanggang sa Origin Core Realm, kapag lumagpas na rito, napakabagal na ng progreso."

Tugon ni Patriarch Hong.

Alam na ni Zhao Feng ang sagot, at hindi naman ito gaanong naiiba sa kanyang iniisip.

"Syempre, sa bilis na mayroon ka, makakaabot ka na kaagad sa huling yugto ng True Lord Rank sa loob ng dalawa o tatlong taon lamang. Sobrang bilis na ng ganyan."

Ngumiti si Patriarch Hong sabay sabi nito.

"Anong pwede kong gawin para pataasin ang cultivation speed ko?"

Pagsagot ni Zhao Feng.

"Halimbawa, ang palasyo ng Three Saints Palace ay kilala para sa kadalisayan ng Heaven Earth Yuan Qi nito at sampung beses ito na mas dalisay sa Azure Flower Continent."

Muling inimbitahan ni Patriarch Hong si Zhao Feng para sumali sa Three Saints Palace. Pero muli ring tumanggi si Zhao Feng.

Nagsimula nang bumagal ang cultivation speed ni Zhao Feng, at sa sumunod na buwan, nagsimula nang maglabasan ang mga pwersa ng Scarlet Moon Demonic Religion sa kontinente.

Mukhang magkakagulo na naman ang Azure Flower Continent.

Nagkaroon ng malaking pagpupulong ang Iron Blood Religion sa loob ng great country para magplano kung paano nila lilipulin ang mga nalalapit pwersa ng demonic religion.

"Patriarch Hong, parami nang parami ang mga pwersa ng demonic religion na nagpapakita."

"Mayroon sigurong mga eksperto na hindi galing dito sa kontinente."

Biglang naging mabigat ang ere sa Iron Blood Religion.

Kahit na mas angat ang Sacred Alliance at Ten Great Clans kaysa sa kanila, ang sunod-sunod na pag-atake ng demonic religion ang ikinapangamba ng lahat.

"Ayon sa mga balita mula sa labanan, ang mga nakatataas ng Sacred Alliance at ang Scarlet Moon Demonic Religion ay naglaban na."

"Ano ang naging resulta?"

"Syempre nanalo ang Sacred Alliance, pero mukhang nagmamanman lang naman ang demonic religion."

Paglalahad ng isang nakatataas mula sa Iron Blood Religion.

Umupo lamang si Zhao Feng sa upuan ng Deputy Patriarch at hindi na sumali pa. Responsable lang naman siya para sa paglipol ng mga pwersa sa great country at sa Cloud Area. Wala naman talaga siyang paki sa ibang bagay.

Mayroon pa namang Division Leader sa kanyang Ten Thousand Ghost Pearl.

Sa mga sumunod na araw, nanatili lamang sa seklusyon si Zhao Feng.

Biglaang may alon na umalingawngaw sa kanya.

"Purple Saint Token!"

Tumalon ang puso ni Zhao Feng nang ilabas niya ang kulay lilang token mula sa kanyang interspatial ring.

Weng~~

Nagningning ang Purple Saint Token sa kulay lilang liwanag, at inilagay ni Zhao Feng ang spiritual sense niya rito.

"Zhao Feng, maaaring magkaroon tayo ng mga problema sa Purple Saint Ruins at kakailanganin ko ng tulong mo. Kung kaya mo, maaari ka bang bumalik ng Purple Saint Ruins sa loob ng isang taon - Yufei."

Nakita ni Zhao Feng ang mensaheng ito, at ang nilalaman nito ay ikinapanginig ng kanyang puso.

Pinaplano niya na nga ito, kapag hindi umangat ang antas niya sa loob ng isang taon dito o kung hindi siya makaalis, pupunta siya ng Purple Saint Ruins.

Ang mensaheng ito ay dumating nang saktong oras.

"Hindi ko maaaring sabihin sa kahit sino ang sitwasyon ng Purple Saint Ruins."

Nagahanda na si Zhao Feng para umalis.

"Master, walo sa hundred corpses ang narepina na. Hindi na po sapat ang mga resources."

Umalingawngaw ang boses ng Skeletal Division Leader.

"Sige, magpokus ka muna sa pagpapalakas. Magkakaroon na rin ng maraming suplay ng resources."

Pagtugon ni Zhao Feng at nagsimula na siyang maghanda. Gusto niyang itago ang Purple Saint Ruins bilang isang sikreto, at ayaw niya muna itong sabihin kay Patriarch Hong at sa mga kasama nito.

Bukod pa roon, ayaw isama ni Zhao Feng ang Iron Blood Religion sa gulo ng tatlong two-sects.

Maliban pa sa Iron Blood Religion, kahit ang Ten Great Clans ay walang kwenta laban sa tatlong two-star sects.

Kalahating buwan ang nakalipas, nag-iwan ng liham si Zhao Feng sa lugar kung saan niya isinasagawa ang kanyang seklusyon, at saka umalis.

Sinasabi sa liham na napagpasyahan niyang maglakbay muna at hindi niya alam kung kailan siya makababalik.

Kalahating araw ang nakalipas, sa Transverse Water Area ng Canopy Great Country.

Nag-iwan si Zhao Feng ng isang mensahe gamit ang kanyang spiritual sense at ipinadala ito sa Purple Saint Ruins, "Babalik na ako."

Kalahati ng oras na kinakailangan para masunog amg insenso.

Weng~

Isang lilang liwanag ang lumaki at nakabuo ng matingkad na pinto.

Nang magpakita ang pinto, ang espasyo sa malapit ay bahagyang nayanig.

Shua!

Umapak si Zhao Feng sa lilang pinto at naglaho. Sa sumunod na bigla, wala na siya sa Azure Flower Continent.