Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 510 - Pagbabalik Tanaw sa Forbidden Eye Stealing Technique

Chapter 510 - Pagbabalik Tanaw sa Forbidden Eye Stealing Technique

"Pero… desidido na akong babalik sa Northern Continent matapos ang tatlong araw. Kung hindi pa magsimula ang Tea Party, gugustuhin ko pa rin makita ang pinakamalakas na eye bloodline ng kontinente. Sana hindi ako tanggihan ng Three Eyed Saint."

Biglang nagbago ang mga salita ni Zhao Feng nang walang ekspresyon.

Nangatog ang mga henyo ng True Dragon matapos marinig ang diit ni Zhao Feng, at sabay-sabay na nagtinginan sa batang may asul na buhok.

Walang nag-akalang sasalungat si Zhao Feng sa Three Eyed Saint, at sabay rin itong hahamon ng isang laban.

Umigting bigla ang kapaligiran.

"Ang Zhao Feng na ito… Hindi niya talaga binibigyan ng mukha ang Three Eyed Saint."

"Ano nga naman ang tapang na pinakapakita niya! Direkta niyang hinamon ang panalo ng dalawang Sacred True Dragon Gatherings."

"Hehe, higit 50-anyos na ang Three Eyed Saint. Hindi pa pinapanganak si Zhao Feng nang una siyang nakipaglaban sa Sacred True Dragon Gathering."

Punong-puno ng ekspektasyon at tuwa ang mga henyo. Kahit iniisip nilang mas lamang ang Three Eyed Saint, inaamin pa rin nila na si Zhao Feng lamang ang may kayang lumaban dito.

"Mukhang hindi mo ako pinapanigan, Zhao Feng."

Dumilim ang tingin ng Three Eyed Saint.

Biglang nagkaroon ng maliit na pagbiyak ang pangatlo nitong mata at sabay na naglabas ng nangingibabaw na aura ng bloodline.

Biglang nakaramdam ng panggigipit ang mga henyo ng True Dragon nang umintig ang kanilang puso.

Kaunti pa lamang ang nabubukas ng Three Eyed Saint's Sacred Eye at katakot-takot na agad ang aurang nilalabas nito na nagpanginig sa iba pang mga bloodline.

"Ito pala ang pinakamalakas na eye-bloodline ng kontinente…."

Kahit ang mga Napakahusay na Prodigies ay nahirapang huminga.

Napuno ng gulat sina Shi Chengtian at Tantai Lanyue nang makita nilang tuwang-tuwa ang Goddess Bing Wei.

"Nagising na sa pangatlong yugto ang Three Eyed Saint's Sacred Eye…."

Pinaikot nina Tuoba Qi at ng ghost-eyed man, ang mga tagapagmana ng dalawa pang pamilya ng eye-bloodline, ang kanilang eye-bloodline upang malabanan ang panggigipit.

Kaya lamang, sa harap ng pinakamalakas na eye-bloodline sa kontinente, sina Tuoba Qi at ang ghost-eyed man ay nahirapan rin.

Hindi pa nakapokus ang pangatlong mata sa isang tao niyan, pinupuno pa lamang nito ang buong lugar.

Para bang kayang-kaya nitong talunin ang lahat ng henyo ng True Dragon nang mag-isa lamang.

Isang tao lamang ang hindi na-intig.

"Bigyan ka ng mukha? Sige, kung matatalo mo ako."

Tumigas ang mukha ni Zhao Feng.

Sa harap ng eye-bloodline ng Three Eyed Saint, biglaang naging nanlalamig na asul ang kaliwang mata ni Zhao Feng. Lumaki ng 17 o 18 na yarda ang lawa sa dimensiyon ng kaliwang mata niya.

Napuno ng alon ang lawa na nagrerepresenta ng soul power ni Zhao Feng na maiikumpara sa isang Sovereign.

Peng~~~~

Nagtalo ang dalawang aura sa hangin. Kitang-kita ang pagtulak ng asul na aura sa gintong aura.

Naglabanan ang nagliliyab na ginto at ang nanlalamig na asul na tuluyang nanggipit sa iba pang henyo ng True Dragon.

"Anong lakas ng eye-bloodline!"

Napahinto sina Tuoba Qi at ang ghost-eyed man. Walang-wala ang lakas ng eye-bloodline nila kumpara kay Zhao Feng at sa Three Eyed Saint. Ni hindi man lang nila maiangat ang kanilang mga ulo.

Nirerepresenta ng gintong aura and Three Eyed Saint at si Zhao Feng naman ang asul.

Matapos ang ilang hinga.

"Para bang hindi mahina ang eye-bloodline ng batang ito."

Lalo pang bumukas ang mata ng Three Eyed Saint. Para bang isa itong maliit na butas na kayang magdala ng pagkawasak kahit saan.

Kahit pa tuluyang lumakas ang eye-bloodline nito, hindi pa rin nito kinayang talunin si Zhao Feng.

Sa oras na ito, nagulat lahat ng eksperto sa loob ng Golden Sun Sacred City.

Masyadong nang nakakatakot ang labanan nila Zhao Feng at ng Three Eyed Saint. Naramdaman ito ng lahat ng may eye-bloodline.

Sa taas ng pader ng Golden Sun Sacred City.

"Mayroon pang sobrang lakas na eye-bloodline sa labas ng tatlong pamilya?"

May isang balubatang lalaki na may suot na ginintuang damtan ang nakatayo na siyang kamay ay nasa likuran nito. Tumingin siya sa malayo nang may gulat sa mata.

Ang itsura ng balubatang lalaking ito ay kaparehas ng itsura ng Three Eyed Saint, at mayroon din siyang pangatlong mata sa noo.

Siya ang kasulukuyang pinuno ng pamilya – ang ama ng Three Eyed Saint.

"Mas bata pa kay Shengtian ang batang ito, at ang potensyal ng eye-bloodline niya ay hindi masukat. Lalo na, kakaiba ang eye-bloodline niya, na para bang hindi siya pinanganak na mayroon nito."

May pagbuntong hininga siyang narinig sa tabi niya.

Umikot ang Head of the Golden Sun. May isang matandang may sumbrerong gawa sa damo ang lumitaw sa tabi niya.

"First Elder!"

Yumuko ang Head of the Golden Sun Family at nagtanong ito ng may lito, "Hindi pinanganak ng may ganoon na…? Maari bang ninakaw niya ito, o isa itong mutasyon?"

"Hindi maabot ng isang normal na tao ang lebel na ito ng ganito kabilis kung isa itong mutasyon."

Umiling ang matanda.

Sumang-ayon naman ang Head of the Golden Sun family.

Kahit gaano pa kalaki ang mutasyon ng isang mata, hindi ito magiging ganito kanakakatakot.

Kaya lamang, mataas naman ang posibilidad nito kung pinanganak nang may eye-bloodline ang isang tao.

Ang problema lamang ay normal lang ang kanang mata ni Zhao Feng, kaya mas posibleng nakuha ni Zhao Feng ang eye-bloodline niya nang mas matagal pa.

"Maari nga bang… ang Eye-Stealing Technique!?"

Sigaw ng Head of the Golden Sun family.

"Ang Eye-Stealing Technique ay malupit at pinagbabawal. At paano ito mananakaw ng isang normal na mortal kung napakalakas nito?"

Pagsalungat ng matandang may damong sombrero.

Samantala, sa mga kwartong pambisita ng Golden Sun family, ang laban nina Zhao Feng at ang Three Eyed Saint ay sobrang tagal na at hindi pa rin makita ang mananalo.

"Sobrang lakas ng eye-bloodline ni Zhao Feng na kaya niyang makipagpaligsahan sa Three Eyed Saint?"

Ang senaryong ito ay nakapagkalma ng karamihan sa mga henyo naroon.

Matapos ang lahat, mas matanda pa ang Three Eyed Saint kumpara kay Zhao Feng. Hindi sila masasabing nasa isang henerasyon.

"Kaya pala ang tapang ni Zhao Feng. Kaya lamang, hindi matutukoy nito ang lakas ng isang eye-bloodline…."

Lalo pang bumukas ang pangatlong mata ng Three Eyed Saint. Para bang may nabuong malabong ilaw, na gumawa ng diin sa katawan at sa kaluluwa.

"Parang kayang apektuhan ng eye-bloodline ng Three Eyed Saint ang kaluluwa at ang pisikal na mundo."

May mahigpit na kapit ang yumakap sa puso ni Zhao Feng, na nagpabigat rin dito. Mas nakabase sa espiritwal na panig ang God's Spiritual Eye, samantalang ang sa Three Eyed Saint naman ay nakabase sa dalawa.

"Tigil!"

May malamig na sigaw ang umalingawngaw sa buong lugar, at may malamig na layunin ang nagpalamig sa hangin.

Suminok ang mga henyo ng True Dragon at para bang nagyelo ang kanilang mga dugo.

Lumitaw ang Goddess Bing Wei sa gitna ni Zhao Feng at Three Eyed Saint. May isang yelong ahas ang pumilipit sa kanilang dalawa.

Para bang nagyelo ang hangin dahil sa malakas na aura na ito. Kahit ang eye-bloodline nina Zhao Feng at ng Three Eyed Saint ay para bang negyelo rin.

"Ang Goddess Bing Wei na ito ay umabot na rin sa True Lord Rank, at ang kontrol niya sa yelo ay umabot na sa bagong lebel."

Umikot ang kapangyarihan ng bloodline ni Zhao Feng para huminto ang lamig na nararamdaman nito sa katawan niya. Huminto na siya sa pakikipaglaban niya sa Three Eyed Saint.

Kahit pa parang hinihinto ng Goddess Bing Wei ang labanan, ang malamig niyang aura ay para bang nakapunto kay Zhao Feng.

Kung itutuloy pa ni Zhao Feng ang labanan, malaki ang tsansa na aatakihin siya ng Three Eyed Saint at Goddess Bing Wei nang sabay.

"Kapatid na Wei, anong ginagawa mo>"

Kumunot ang noo ng Three Eyed Saint at sabay na tumingin sa Goddess Bing Wei nang may lito.

Kahit alam ni Zhao Feng na hindi mahina ang eye-bloodline niya kumpara sa Three Eyed Saint, ang kalaban niya naman ay malaki ang tiwala sa sariling likas, at hindi lang dahil ito sa lakas ng eye-bloodline niya.

Dahil rin ito sa galing siya sa pinakamalakas na pamilya ng eye-bloodline sa kontinente at mayroon din silang pinakamagandang pangkat ng techniques. Paano naman kukumpara ang isang taong ninakaw lamang ang eye-bloodline sa kaniya?

"Kapatid na Jinyang, kami ang mga namumunno, at kung magsisimula na kami ng away bago pa ang Tea Party, ay mawawalan kami ng maipapakitang mukha."

Malungkot ang ekspresyon ng Goddess Bing Wei sa Three Eyed Saint nang pinaliwanag niya ito.

Sumang-ayon ang lahat ng naroroon. Kaya lamang ay hindi pa nakakagawa ng desisyon si Zhao Feng kung sasama siya sa Tea Party.

Nagpapakita ng senyales ng "pang-aapi" ang mga mapagbunsod na aksyon ng Three Eyed Saint.

Kung normal na mortal lamang si Zhao Feng ay malamang napahiya na siya ng Three Eyed Saint.

"Tama si Wei. Bilang mamumuno, hindi pa dapat ako gumalaw bago ang Tea Party, kung hindi ay magmumukha akong nagha-hari-harian."

Sabi ng Three Eyed Saint.

Tumayo lang si Zhao Feng bago tumingin kay Goddess Bing Wei.

Pinag-isipan nang mabuti ni Goddess Bing Wei ang mga bagay-bagay.

Kung mananalo na ang Three Eyed Saint ngayon, magkakaroon ng diskurso tungkol sa kaniya na isa siyang mapang-api, at kung mapapahiya siya, paano pa niya pamumunuan ang Tea Party?

Ang pinakaimportanteng bagay ay hindi tagibang ang labanan ng Three Eyed Saint at ni Zhao Feng. Kung ganoon, gugustuhin sanang makita ng Goddess Bong Wei na ipahiya ng Three Eyed Saint si Zhao Feng.

"Katulad ng sabi ni Zhao Feng, sisimulan na natin ang Tea Party matapos ang tatlong araw."

Ngumiti ang Goddess Bing Wei.

Nagulat ang karamihan matapos marinig ito ng lahat.

Marami ang nag-akalang mahuhuli na naman ng tatlong araw ang Tea Party, ngunit dahil sa salita ni Zhao Feng ay naging tatlo na lamang ito.

Marami ang nagbigay ng mukha kay Zhao Feng.

Sa taas ng pader ng siyudad, malayo sa kanila.

"Binuhos ni Bing Wei ang puso at kaluluwa niya rito. Magkakaroon pa ng higit na oras si Sheng'er para mag-ayos kung bibigyan pa natin siya ng tatlong araw. Marami pa siyang oras para makita ang tunay na lakas ni Zhao Feng."

Lumuwag ang ekspresyon ng Head of the Golden Sun family.

Matapos ang lahat, ang labanan ni Zhao Feng at ng Three Eyed Saint ay nakapa-tungkol sa pinakamalakas na eye-bloodline sa kontinente.