Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 466 - God Eye Mark

Chapter 466 - God Eye Mark

Ang buong katawang ni Palace Lord You Long ay nanlamig. Bago pa mawala ang pakiramdam na ito, nakaramdam siya ng isang piercing intent na humiwa sa kaniyang katawan.

Napatingin siya bigla sa youth na nasa burol.

Sa sandaling iyon, ang buhok ng youtg ay naging asul at isang asul na liwanag ang lumitaw sa kaniyang mata.

Shu~~~~

Isang tunog ang narinig sa hangin, at nang marinig ito ni Palace Lord You Long, nakaramdam niya ng sakit sa kaniyang binti.

Shua!

Isang half-transparent na asul na patalim ang humiwa sa maitim na kaliskis sa katawan ni Palace Lord You Long.

"Ano...? Nakalagpas na siya sa parehong Dark Demon Dragon Scale Body at Dark Striped Demonic Cloak ko?"

Kapansin-pansing nagbago ang ekspresyon ni Palace Lord You Long.

Ang dalawang dark-sliver ghost corpses ay umaatake na sa kaniya sa loob ng matagal na oras nang hindi nasisira ang kaniyang depensa. Mula rito, makikita na kung gaano kalakas ang kaniyang depensa.

Pagdating sa depensa, si Palace Lord You Long ay siguradong isa sa mga pinakamalakas sa mga nasa ilalim ng Origin Core Realm at halos hindi na matalo.

Gayunman, ang matalim na "asul na patalim" ay ginawa nang may bloodline power at tira mula sa isang mata. Ito ay labis na mabilis at nakalagpas na sa normal na mga pisikal na atake.

Ang ganitong atake ay hindi ganap na pisikal o ganap na base sa kaluluwa, kaya maaari nitong hindi pansinin ang depensa. Tulad ito ng hindi pagpansin ng mental energy illusion ni Zhao Feng sa mga normal na depensa. Kahit na ang "asul na patalim" ay mas tumuon sa isang pisikal na atake at hindi kayang hindi pansinin ang depensa, nakakagawa pa rin ito ng malaking pinsala.

Hmm? Ang eye technique na ito ay tila katulad ng Heavenly Piercing Eye ni Tuoba Qi.

Si Bei Moi na nasa Central Hall, ay napatigil. Nakita na niya kasi ang Heavenly Piercing Eye ni Tuoba Qi sa Sacred True Dragon Gathering.

Gayunman, ang kapangyarihan ng matalim na "asul na patalim" ni Zhao Feng ay nakalagpas na sa Heavenly Piercing Eye ni Tuoba Qi.

Subalit ang kaniyang kalaban ngayon ay labis na makapangyarihan din.

Ang atake ni Zhao Feng ay sinadayang ipatama sa pinakamahinang bahagi ng katawan ni Palace Lord You Long para madobke ang pinsala.

Dagdag pa rito, ang galaw na ito ay maaaring hindi pansini ang depensa sa partikular na punto.

Gayunman, kahit na sa lahat ng ito, ang depensa ni Palace Lord You Long ay bahagya lang na napinsala, na nag-iwan lang ng maliit na sugat sa kaniyang binti.

Sa kabutihang palad, hindi nais ni Zhao Feng na gamitin ang paraang ito para patayin o lumpuhin si Palace Lord You Long

"Ito na ang pagkakataon!"

Ang ekspreyson ni Zhao Feng ay naging seryoso nang kontrolin ang dalawang dark-silver ghost corpses gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye para pakayin ang binti ni Palace Lord You Long.

Crack!

Isa sa dark-silver ghost corpse ay puwersahang nakatanggap ng isang suntok at isang sipa mula kay Palace Lord You Long nang harapan at isang bitak ang lumitaw sa katawan nito.

Gayunman, ang ghost corpse na ito ay hindi nakaramdam ng sakit at hinawakan pa rin si Palace Lord You Long.

Shu Shu Shu!!!

Ang isa pang dark-silver ghost corpse ay ginamit na ang pagkakataong ito para umatake nang tuloy-tuloy sa napinsalang binti ni Palace Lord You Long.

Ang pinsala sa kaniyang binti ay hindi pa ganap na naghilom at mas napalala pa.

Sa kontrol ni Zhao Feng, ang pagtutulungan ng dalawang ghost corpse ay perpekto.

Siii! Hindi ito maganda~~~!"

Sumigaw si Palace Lord You Long nang may paos na boses nang hindi mapakali at may takot.

Nang masira ang kaniyang balat ng dark-silver ghost-corpse, isang hindi maipaliwanag na nakakasindak na lason ang nagsimulang dumaloy sa kaniyang katawan at tinanggakl ang lahat ng buhay dito.

Sa loob lang ng isang hininga, ang mukha ni Palace Lord You Long ay naging lila at ang kaniyang bloodline ay naging void of energy.

Mayroon siyang malakas na kakayahang pigilan ang lason gamit ang kaniyang kakaibang bloodline, na mas mainam para sa elemento ng Yin, nalason pa rin siya.

Kung si True Lord Tiexiao o Palace Lord Bi Ji iyan, siguradong patay na sila kaagad.

Sa oras na ito, sa wakas ay naintindihan na rin ni Palace Lord You Long kung bakit mabilis na namatay si Palace Lord Bi Ji.

Ang lasong dala ng dalawang dark-silver ghost corpse ay sapat na para mapagbantaan ang mga nasa True Lord Rank. Karamihan sa mga True Lord ay walang kakayahang lumaban man lang.

"Arghhhhh~~~~~~!"

Sa mapanganib ns sitwasyong ito, nagsimula na si Palace Lord You Long na pagningasin ang kaniyang Qi of True Spirit para mapigilan ang lason, ngunit ang kaniyang paghihirap ay hindi pa sapat.

Ang lason ng dark-silver ghost corpse ay naglalaman ng hindi lanng lason mula sa ancient scorpion, ngunit pati na rin ang Earth Youth Poison Mushroom. Ito ay isang malabangungot na bagay sa buong buhay.

Crack!

Nagbigay si Palace Lord You Long ng isang kaluluwa-nanginginig nang nagngalit ang kaniyang ngipi at hiniwa nag kaniyang binti.

Nang maalis na ang kaniyang binti sa kaniyang katawan, halos 70% na ng lason ang mawawala.

Pagkatapos na gawin ito, nagawang iligtas ni Palace Lord You Long ang kaniyang buhay, ngunit ang kaniyang mukha ay lila at maputla.

Qiu~~~Sou!

Hindi na nangahas na magtagal si Palace Lord You Long. Ginamit niya ans kaniyang natitirang bloodline, pati na ang pagningas ng kaniyang Qi of True Spirit, para makaalis sa langit.

Sky Moon Mountain.

Ang buong Broken Moon Clan ay nasaksihan ang pagputol ni Palace Lord You Long sa kaniyang sariling binti pati na ang kaniyang pagkatalo. Ang buong pangyayari ay nagdahilan para sila ay manlamig.

"Kahit si Boss You ay natalo..."

True Lord Tiexiao, na nadakip na, ay namutla at nawalan ng pag-asa.

Sa apat na Palace Lord, ang cultivation ni Palace Lord You Long ay ang pinakamataas at ang kaniyang bloodline ay ang pinakamalakas. Siya ang pinakamalakas na tao sa buong lugar ng Cloud.

Mahirap isiping ang bilang ng isang anyo ng Iron Dragon Alliance ay napilitang putulin ang kaniyang binti para mailigtas ang sariling buhay.

"Nagawa niyang tumakas..."

Si Zhao Feng ay tumingin nang may gulat papunta sa direksyon kung saan lumipad si Palace Lord You Long.

Nakakagulat ito dahil sa mas makapangyarihan ang bloodline ni Palace Lord You Long kaysa sa inaasahan, at malapit pa ito sa Ancient Demonic Dragon.

Gusto siyang habulin ni Zhao Feng ngunit hindi ito magawa.

Pagkatapos na labang ito, rumagasa ang pagod sa kaniyang kaliwang mata.

Ang cultivation ni Palace Lord You Long ay nakaabot na sa late-stage True Lord Rank. Kung binigyag-pansin lang niya ang pagtakas, walang magagawa si Zhao Feng.

Nang ipinalaganap ni Zhao Feng ang kaniyag Qi of True Spirit, bigla siyang nakaramdam ng isang bagay.

"Eh?"

Nalaman ni Zhao Feng na ang kaniyang Qi of True Spirit ay tumunog kasabay ng kidlat at hangin. Nagbigay ito ng magulong puwersa at aura, pati na ang namamagang pakiramdam.

Ang kaniyang cultivation ay nakaabot na sa "breaking point" ng True Lord Rank.

Ang ibig sabihin nito ay kaya na niyang umabot sa True Lord Rank kahit kailan niya gusto, nang walang masyadong pagpigil.

Dahil sa "breaking point" na ito, kailangang sukuan ni Zhao Feng ang paghabol kay Palace Lord You Long.

Gayunman, si Palace Lord You Long ay isang makapangyarihan kalaban na hindi natakasan kaagad ni Zhao Feng.

Hu~

Si Zhao Feng ay bahagyang huminga nang buksan ang kaniyang God's Spiritual Eye at ginawa itong water state.

Isang misteryosong alon ang lumitaw sa kaniyang kaliwang mata at sa wakas ay naipon na ang isang matingkad na asul na tuldok na lumitaw paharap nang may isang ragasa ng mental energy.

Qiu~~~

Kasabay nito, si Palace Lord You Long, na nagawang lumayo nang isang libong milya, ay bilang hindi mapakali.

"Anong pakiramdam iyon?"

Naramdaman ni Palace Lord You Long sa isang saglit na may nakabara sa kaniya, ngunit bilang nalason at nawalan ng isang binti, hinayaan na lang niya ito.

Isang libong milya, sa Broken Moon Clan...

"Hahayaan muna kita ngayon, ngunit ang aking God's Spiritual Eye ay nag-iwan sa iyo ng God Eye Mark na labis na palihim at mahirap sirain.

Isang malamig na intent ang lumitaw sa mukha ni Zhao Feng.

Ang isang God Eye Mark ay isang energy tracker, na kayang gawin ng iilang True Human Rank.

Gayunman, ang God Eye Mark ni Zhao Feng ay gumawa ng basehan ng Dao of the Soul at nagsama ng bloodline na may mataas na lebel mula sa God's Spiritual.

Ang God Eye Mark ay maitatatak sa isang pakay at ito ay labis na mahirap makita at matanggal.

Kapag ang cultivation ng kalaban ay mas mataas kay Zhao Feng, o ang kanilang Dao of the Soul o mental energy technique ay nakalagpas na kay Zhao Feng, ang markang ito ay walang silbi.

Kapag nakumpleto na ang God Eye Mark, maaari nang malaman ni Zhao Feng ang lokasyon ng pakay, kahit na napakalayo nito.

Matapos itong makumpleto, ang mga mata ni Zhao Feng ay bumalik na sa Broken Moon Clan.

Si Master Haiyun, ang Regulations Elder, at ilan pang iba ay sinubukang tumakbo nang inatake ni Zhao Feng si Palace Lord You Long, at hindi ito hinayaang mangyari ni Lin Tong at ng munting pusang magnanakaw.

Miao miao! Shua Shua!

Lumitaw sa hangin ang anyo ng munting pusang magnanakaw.

Sa tuwing mangyayari ito, ikakaway nito ang mga kamay nito at lilitaw ang tunog ng pagsampal.

Central Hall.

"Ahhh..."

Ilang mga nasusunog na marka ng kamay ng pusa ang naiwan sa mga mukha ni Clan Master Haiyun at mga kasama nito.

Kahit na hindi magaling ang munting pusang magnanakaw sa kapangyarihan, ang mga atake ng kamay nito ay may misteryoso at nakakagulat na epekto.

Kahit sinong normal na True Spirit Realm na tamaan ng munting pusang magnanakaw ay mararamdamang umikot ang langit nang ilang saglit.

"Hehe, ang lahat ay naglalaro nang maayos..."

Isang mahinang tawa ang nanggaling sa burol.

Sa puntong ito, ang laban ni Zhao Feng sa tatlong Palace Lord at tapos na.

Sa tatlong Palace Lord, isa ang namatay habang ang isa ay nadakip. Tanging isa lang ang nakatakas.

Nang magsalita si Zhao Feng, ang Broken Moon Clan ay naging napakatahimik.

Nanigas ang mga anyo ni Master Haiyun at mga kasama nito.

Ang tingin ng lahat ay napunta sa nakangiting youth na may asul na buhok nang may gulat at paggalang.

Ang youth na ito ay nakatayo sa napakalayo sa laban at hindi lumahok sa isang harapang laban.

Shua Shua!

Ang dalawang dark-silver ghost corpses ang nagsimulang patayin ang mga tumatakas kasama na ang mga mula sa Iron Dragon Alliance.

"Ahh! Ahh!"

Ang mga dark-silver ghost corpses na ito ay may lason na hindi matatapatan sa ilalim ng Origin Core Realm at bawat galaw ng kanilang kuko ay may kapalit na buhay.

Ang mga Core Elder na namumuno sa kanilang mga sariling lugar ay kaagad na napatay ng mga dark-silver ghost corpses.

Ang lahat ay nasa ilalim ng kontrol ni Zhao Feng.

Si Clan Master Haiyun at ang Regulations Elder ay mababakasan ng natalong ekspresyon. Isa o dalawa pa nga sa mga upper echelon ang lumuhod sa takot at naihi sa kanilang mga pantalon.