Bundok-bundok ng isla sa walang hanggang karagatan.
Mayroong tatlong hindi mailalarawan na 'kapangyarihan' na parang tatlong bola ng banal na liwanag na mas mataas pa sa mga diyos at mga demonyong naririto.
Ang golden skeleton ay puno ng air of death, ang babaeng nakaroba ng disenyong buwan ay puro at banal habang napapalibutan ng itim na hangin ang King of the Wicked path.
Tila ba sinara ng tatlong Void God Realm Kings ang Heaven Earth Yuan Qi sa malapit at isang presyong mula sa kaluluwa ang tumalo sa mga nabubuhay na nilalang doon.
Sa paglipas ng oras, ang screen sa tapat ng bundok ay nagsimulang magbago at ang lahat ng eksperto kabilang na ang tatlong Kings ng Void God Realm ay nakatitig sa imahe ng isang misteryosong kuweba.
steadilyMarahan subalit unti-unti, ang mga ekspreyon ng tatlong Void God Realms ay naging taimtim.
Ang paglitaw ng Eye of Heaven ang nakapagpabago sa mga ekspresyon ng tatlong Kings at nang dumating si Lu Tianyi, ang mga ekspertong naroroon ay nagsimula siyang suportahan.
Subalit, matapos ang labanan sa Eye of Heaven at ang mala-milagrong abilidad ng munting pusang magnanakaw, hindi nila alam kung buhay o patay na ba si Lu Tianyi at ang sigla ng kapaligiran ay bumagsak.
"Ang munting pusang iyon ay mayroong 'spatial escape' na talento."
"Kung hindi ako nagkakamali sa pagkakataong iyon, nagtago ang pusa sa interspatial ring ni Lu Tianyi."
Ang golden skeleton at ang Wicked Path King ay gulat na nagtinginan sa isa't isa.
Kung tutuusin, ang dalawang ito ay nasa Void God Realm at mayroon silang mga hinala sa pagkakita pa lamang sa malabong imahe.
Si Lu Tianyi ay nalason at ang kalagayan niya ay hindi pa alam. Ang babaeng nakaroba ng disenyong buwan ay nakakunot ang mga kilay sa pag-aalala.
Kahit na hindi niya disciple si Lu Tianyi, ang talento ni Lu Tianyi at ang potensyal ay tiyak na kabilang sa mga pinakamatataas ng Pure Moon Spiritual Sect.
Malaking pagkatalo ito para sa Sect kung mawalan sila ng ganitong henyo.
Ang golden skeleton at ang Wicked Path King ay nagulat at sila ay masaya.
Sa sagupaan noon sa misteryosong kuweba, maraming True Lord Ranks na nawala sa Pure Moon Spiritual Sect at ang pinsala ng Moon Demon Palace at ng Black Cliff Palace ay mas kaunti.
Matapos ang ilang sandali, ang mga imahe sa screen ay nagsimulang lumabo at kumulubot.
"Ruins Treasured Palace!"
Nagsigawan ang ilang mga ekspertong naroroon.
Ang Ruins Treasured Palace ay lumapag kung saan mismo naroroon si Zhao Feng.
Mabilis na kasunod nito.
Shua Shua!
Sina Lu Tianyi at si Li Hong ay napadala sa panlabas na mundo sa ere sa taas ng mga bundok.
Ang ekspresyon ng babaeng nakaroba ng disenyong buwan ay nagbago nang makita niya sina Lu Tianyi at Li Hong.
Halata na ang sitwasyon ng dalawang True Lord Ranks ay nagdulot upang bahagya siyang mamroblema.
"Si Tianyi ang una niyong sagipin."
Bahagyang iwinagayway ng babaeng nakaroba ng disenyong buwan ang kaniyang kamay at isang arko ng matingkad na kulay pilak na liwanag ng buwan ang bumalot kay Lu Tianyi.
Wu~
Umungol sa sakit sa Lu Tianyi kahit na siya ay walang malay.
Kasunod nito.
Sou!
Ang batang scorpion na kasinglaki ng isang palad ay naipit sa kinang ng kulay pilak na liwanag ng buwan at lumapag sa kamay ng babaeng nakaroba ng disenyong buwan.
Sinong mag-aakala kung ano ang ginamit na paraan ng moon robed goddess upang palabasin ang scorpion na naipit sa lalamunan ni Lu Tianyi.
"Ang batang scorpion na ito ay isang rare ancient variation beast."
Pinigilan ng babaeng nakaroba ng disenyong buwan ang batang scorpion at sunod ay naglabas ng isang kristal na bote at naglagay ng isang patak ng likido sa katawan ni Lu Tianyi.
"Sacred Spirit Purifying Liquid!"
Bahagyang nanlambot ang golden skeleton at ang Wicked path King.
Matapos gamitin ang Sacred Spirit Purifying Liquid, ang lason sa katawan ni Lu Tianyi ay hindi kalaunan na tanggal na at nakatakas siya sa bingit ng kamatayan.
Nang magising si Lu Tianyi, detalyado niyang sinabi ang sitwasyon.
"Kung hindi ako nagkakamali, maaaring alam ni Zhao Feng ang oras kung kailan lalapag ang Ruins Treasured Palace."
"Mukhang nangyari ang pinakamalalang sitwasyon. Ang Purple Saint Partial Spirit ay nakapili na ng isang tagapagmana."
"Ang tagapagmana na ito ay halatang taga-labas."
Ang mga ekspresyon ng tatlong Void God Realm Kings ay mas lalong naging taimtim.
Halatang hindi si Zhao Feng ang tagapagmana ng Purple Saint Ruins dahil hindi siya ang unang nakapasok sa palasyo at matagal siyang naghintay.
Mahirap mahulaan kung tinutulungan ba ni Zhao Feng ang tagapagmana ng Ruins at binubuo ang kahinaan ng ruins.
Ang pinakamalalang resulta ay ang Purple Saint Ruins ay maaaring magpalitan ng may-ari.
"Hindi na natin kailangan na masiyadong mag-alala. Kung hindi makakatungtong ang inheritor sa Origin Core Realm sa loob ng sampung taon, kung ganoon hindi nila tunay na makokontrol ang Ruins." Mariing sinabi ng golden skeleton.
Kung tutuusin, ang Purple Saint Ruins ay nag-iisang dimensyon at ang isang True Spirit Realm cultivator ay hindi kayang tuluyan itong i-refine at kontrolin ito kahit sa tulong ng Purple Saint Partial Spirit.
"Tama, ang tatlong sects natin ay kailangan lang subukang sayangin ang enerhiya ng Purple Saint Partial Spirit at matapos maubos ang lahat ng enerhiya nito, madali na lamang nating maaatake ang Purple Saint Ruins."
Ang lalaki ng Wicked Path ay ngumiti.
Naramdaman na ng tatlong Kings ang pagbabago ng Purple Saint Ruins at may ideya na sila na hindi masiyadong malayo sa katotohanan.
"Ang pagkakataon na makaabot sa Origin Core Realm ang isang True Mystic Rank sa loob ng sampung taon ay napakababa. Kahit si Lu Tianyi ng aking sect ay hindi rin ito nagawa." Matamlay na ngumiti ang babaeng nakaroba ng disenyong buwan.
Ang pagkakaiba sa pagitan ng True Spirit Realm at ng Origin Core Realm ay parang isang bangin na naghihiwalay sa kalangitan at sa kalupaan.
Halimbawa, ang walong malalaking puwersa ng Canopy Great Countries ay mayroong hindi mabilang-bilang na mga eksperto ng True Spirit Realm at ilang mga True Lord Ranks, subalit kahit ang ganito kalaking bansa ay hindi nakagawa ng Origin Core Realm sa loob ng nakaraang ilang daang taon. Mula rito, makikita kung ganoon kahirap ang bagay na ito.
Kahit sa mala-alamat na two-satar sects, ang bilang ng Origin Core Realms ay mababa lamang ata ng pagkapanganak ng kahit sino ay karapat-dapat nang ipagbunyi.
"Dagdag pa rito, hindi naman ibig sabihin nito na wala rin tayong kahit anong mga bakas."
Kumislap ang mga mata ng moon robed goddess.
Oh?
Ang dalawang Kings ng Void God Realm ay tumingin patungo sa moon robed goddess aunt.
Walang sinabing kahit ano ang moon robed goddess at sa halip ay itinaas ang batang scorpion.
"Ganoon pala."
Naintindihan na ng golden skeleton at ng Wicked path King.
Ang bakas ay ang batang scorpion.
Dahil ito ay spiritual pet ni Zhao Feng, ang dalawa ay mayroong koneksyon sa pagitan nila.
"Ang anciet variation beast ay papalakihin ng Pure Moon Spiritual Sect. Kung mas malakas ito, mas makapangyarihan din ang koneksyon nito kay Zhao Feng. Kung sapat na ang lakas ng mga pandama nito, maaari pa nating masuri kung nasaan siya."
Sinabi ng moon robed goddess at itinabi ang batang scorpion.
Kasabay nito, sa isang eleganten bulwagan sa loob ng Purple Saint Ruins.
Si Zhao Feng at ang mga disciples ng tatlong sects ay lahat dumating na. Ang mga disciples ay nag-aalala kay Zhao Feng at hindi sila umatake.
Sa katotohanan, pagtapos ng laban, kumunsumo ng malaking enerhiya si Zhao Feng at hindi naglakas-loob na masiyadong gamitin ang God's Spiritual Eye.
Sa loob ng dimensyon ng kaniyang kaliwang mata, ang nagyeyelong lawa ay lumawak hanggang siyam na yarda at nakaabot na sa hangganan nito.
Naramdaman ni Zhao Feng na sa oras na lumagpas sa sampung yarda ang God's Spiritual Eye ay sasailalim sa isa na namang pagbabago at hindi lubos maisip ni Zhao Feng kung ano ang mga pagbabagong naroroon.
Shua!
Pumagaspas ang Yin Shadow Cloak at naglaho ang anyo ni Zhao Feng.
Si Zhuang Wan'er at ang maliit na bilang lamang ng True Lord Ranks ang bahagyang nakakita kung saan nagpunta si Zhao Feng.
"Kahit na hindi gamitin ng Zhao Feng na ito ang kaniyang eye bloodline, ang lakas niya ay mas higit pa sa mga normal na True Lord Ranks."
Naglabas ng paghinga ang mga disciples ng tatlong sects.
"Kumikilos ang lahat ng tao sa kung ano ang maiisip nilang tama."
Ang anyo ni Zhuang Wan'er ay kumislap din nang sumugod siya patungo sa labasan sa Hilaga. Ang kaniyang pakay ay si Zhao Feng.
Ang dahilan kung bakit niya ginawa ito ay hindi lamang dahil sa pakiramdam niya subalit pati na rin ang kaniyang pag-aanalisa.
Ang pagsunod kay Zhao Feng ay maaaring magresulta sa isang hindi inaasahang benepisyo.
"Ang dalagitang ito ay nakasunod sa akin at hindi ako papakawalan. Wala siyang kahit anong bakas ng paglalayong pumatay."
Gumalaw si Zhao Feng sa komplikadong bulwagan sa pamamagitan ng pagsunod sa mapa ng Purple Saint Treasured Palace subalit hindi niya pa rin magawang iligaw si Zhuang Wan'er.
Ang lakas ni Zhuang Wan'er ay maikukumpara kay Ye Yanyu at siya ay mas malakas pa kaysa sa Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion.
Kung wala ang Wood Spirit Essence Soul, hindi maglalakas-loob si Zhao Feng na masiyadong gamitin ang kaniyang God's Spiritual at ang kaniyang battle power ay hindi sapat upang talunin siya.
Hindi kalaunan nag maglaho sina Zhao Feng at Zhuang Wan'er, si Ye Yanyu ay tumapak na sa Purple Saint Treasured Palace.
subordinates Sa paglipas ng oras, mas marami pang mga henyo ang pumasok sa Purple Saint Treasured Palace. Hindi sila nagmula sa tatlong sects subalit ang mga henyo mula sa ibang clas ay mga taga-sunod ng tatlong sects.
Kahit ang tatlong Void God Realm Kings ay hindi nakikita ang sitwasyon sa loob ng Purple Saint Treasured Palace.
Makalipas ang ilang araw.
Shua Shua!
Dalawang henyo mula sa tatlong partido ay lumabas mula sa Purple Saint Treasured Palace. Sa oras na maipadala sila mula sa Purple Saint Treasured Palace, aalis na sila sa ruins.
Taimtim ang mga henyong ito at sila ay nalugmok.
Ang Ruins Treasured Palace ay nahahati sa tatlong palapag.
Karamihan sa mga henyo ay kumikilos lamang sa palapag ng Ten Thousand Imagery, ang unang palapag.
Kung makakakita sila ng isang maayos na inaheritance, ang Ten Thousand Imagery Palace ay puno rin ng mga kayamanan.
Ang Ten Thousand Imagery ay nangangahulugan na kahit sino ay maaaring makakita ng maayos na inheritance.
Sa panlabas na mundo, sa kabundukan.
Shua Shua!
Paminsan-minsan isa o dalawang mga henyo ang pinapadala.
Ang bilang ng mga taong nakapasok sa Ruins Treasured Palace ngayon ay ilang daang mas higit pa kaysa sa nahuli dahil sa 'pagbabago' ng Purple Saint Ruins.
Mariing nagmanman ang tatlong Kings ng Void God Realm sa pagbabago ng Purple Saint Ruins at halos matitiyak na nila na ang Purple Saint Ruins ay mayroong inheritor na nagrerefine sa espasyong ito.
Kapag may lumabas na henyo, kukuwestiyunin sila ng tatlong Void God Realm subalit wala sakanila ang nakakita kay Zhao Feng matapos pumasok ng Ruins Treasured Palace.
Sa isang kurap ng mata, dalawang buwan na ang nakalipas.
Matatapos na ang Purple Saint Ruins at karamihan sa mga henyo ng tatlong sects ay naipadala na.
Si Ye Yanyu, Zhuang Wan'er at ang ilang bilang ng mga henyo lamang, pati na rin si Zhao Feng, ang hindi pa lumalabas.
"Kung maipapalabas si Zhao Feng…. Lilitaw ba siya sa Tianyu Islands o kung saan siya nagmula?"
Biglang may naisip ang moon robed goddess aunt. Kung tutuusin, ang mga henyong pumapasok sa Purple Saint Ruins ay may kani-kanilang inheritance tokens kung saan si Zhao Feng ay wala.
Sa puntong ito.
Azure Flower Continent, Sacred True Dragon Gathering.
Dalawang buwan na ang nakalipas at ang paminsan-minsang kislap ng liwanag ay lilitaw sa arena, kumakatawan sa pagbabalik ng isang henyo.
Weng~~
Sa isang tiyak na pagkakataon ,isang sinaunang kulay asul na pinto ang lumitaw sa ulap.
"Ito ang aura ng Heaven Legacy Inheritance!"
Nagsigawan ang siyam na Sovereigns at ang mga eksperto ng kontinente.
Shua!
Isang bata ang tumapak palabas mula sa pinto ng Heaven Legacy Inheritance. Ang kaniyang cultivation ay nakatungtong na sa ika-unang yugto ng True Lord Rank.
"Yu Tianhao!"
Nagkagulo ang mga manonood, subalit ang mga elders ng Ten Thousand Origin Clan ay mayroong mga pangit na ekspresyon dahil si Xin Wuheng ay pumasok din sa Heaven Legacy Inheritance subalit ang nabanggit ay hindi pa lumalabas.