Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 435 - Pagkakataon ng Munting Pusang Magnanakaw

Chapter 435 - Pagkakataon ng Munting Pusang Magnanakaw

Ang dotted little scorpion na ito ay ang natagpuan ni Zhao Feng sa isang kuweba.

Ang bloodline rank ng batang scorpion na ito ay hindi mas mahina kaysa sa mga ancient giant scorpions at isa itong kakaibang klase na mayroong hindi masusukat na hinaharap.

"Kahit ang lakas ng scorpion na ito ay hindi isang banta sa mga nasa True Spirit, Realm, namana nito lahat ng lason ng ancient scorpion at maaaring mas malakas pa ito."

Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng.

Base sa teorya, ang lason ng batang scorpion ay kayang makapatay ng mga nasa True Spirit Realm, subalit mayroong kondisyon na kailangan mahiwa muna nito ang balat ng kalaban at makakuha ng dugo mula rito.

Ang isa pang magandang bagay sa batang scorpion ay maliit ito at madaling hindi mabigyang-pansin.

Sa pag-iisip nito, bumuntong-hininga si Zhao Feng sa loob-loob niya.

Sa mga normal na sitwasyon, tiyak na palalakihin niya mag-isa ang batang scorpion na ito. Mayroon itong pagkakataon na maging ang kaniyang kaliwa't kanang kamay at ang estado nito ay nasa baba lamang ng munting pusang magnanakaw.

Kahit na hindi ito mapalaki ni Zhao Feng mag-isa, maaari niyang ibenta ang batang scorpion na ito maaaring sa Rising Dragon Auction na maaaring magkahalaga ng malaking presyo.

Subalit, sa kritikal na pagkakataon na ito, kinailangan ni Zhao Feng gumawa ng desisyon.

Nawalan na siya ng isang True Lord Rank ghost corpse sa pagsubok niyang pigilan si Lu Tianyi at upang magkaroon ng oras.

Ang pagkawala ng isang silver blood ghost corpse ay nagdulot upang mas maintindihan ni Zhao Feng ang lakas ni Lu Tianyi.

At ngayon ang dalawang dark silver poison corpses ni Zhao Feng at ang bata niyang scorpion ay maaaring kailangan niyang isakripisyo.

Subalit, hindi masiyadong nagdalawang-isip si Zhao Feng dahil ang mga benepisyo mula sa Towering Tree Yao ay higit na mas malaki.

Pinalakas ng Wood Spirit Essence Soul ang kaluluwa ni Zhao FEng hanggang sa peak True Lord Rank at labis nitong pinataas ang kapangyarihan ng mata ni Zhao Feng. Karamihan sa mga True Lord Ranks na nasa ibaba ng Origin Core Realm ay hindi kayang pigilan ang eye bloodline ni Zhao Feng.

Dagdag pa rito, kahit na pansamantalang pagtaas lamang ito, ang Wood Spirit Essence Soul ay naglalaman ng mga laws of life na naitatago ng God's Spiritual Eye.

Dahil sa mga benepisyon ito, si Zhao Feng ay mayroong higit pa sa sampung beses na mas mataas na pagkakataon na makatungtong sa Origin Core Realm kaysa sa ibang mga normal na True Lord Ranks.

Kumpara rito, ang pagkawala ng isa o dalawang True Lord Rank ghost corpses o ng batang scorpion ay walang kuwenta lamang.

Kalmado ang mga mata ni Zhao Feng at gumawa ito ng mga tiyak na desisyon.

Miao Miao!

Biglang lumitaw ang munting pusang magnanakaw sa kaniyang balikat. Ang laki nito ay bahagyang mas malaki lang kaysa sa batang scorpions.

"Gusto mong umatake?"

Nakipag-usap si Zhao Feng sa munting pusang magnanakaw.

Sa mga oras na ito, nakapagpagaling na si Lu Tianyi at papalapit na siya sa Towering Tree Yao. Itinulak niya palabas ang kaniyan palad at isang gintong liwanag ang lumitaw na humampas sa mga sangay.

Booom Peng!

Maligalig na iwinagayway ng Towering Tree Yao ang mga sangay nito nang ito ay lumaban pabalik at sinubukang pigilan ang mga hakbang ni Lu Tianyi.

Ang pakay ni Lu Tianyi ay hindi ang Towering Tree subalit si Zhao Feng na nasa kailaliman ng mga sangay.

Sa lahat ng sampung True Lord Ranks, malamang si Lu Tianyu lamang ang may lakas na sumugod sa teritoryo ng Towering Tree Yao at subukang patayin si Zhao Feng mag-isa.

"Nilalang, hindi ko na siya masiyadong mapipigilan."

Ang desperado at hinihingal na boses ng Towering Tree ay maririnig.

Dahil sa pagkawala ng Wood Spirit Essence Soul, ang battle power nito ay nasa kalahati na lamang ng peak nito at hindi na niya mapipigilan si Lu Tianyi.

Eye of Ice Soul!

Ang kamalayan ni Zhao Feng ay muling naglaho mula sa kaniyang katawan nang may isang malaking asul na mata na lumitaw sa alapaap na malamig na nakatingin sa baba at nakatutok kay Lu Tianyi.

Siiii-----

Nanginig ang anyo ni Lu Tianyi habang bumabagal ang kanyang isipan at katawan.

Miao Miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay naglaho mula sa balikat ni Zhao Feng.

Shua Shua!

Kasabay ng paglaho nito ay ang batang scorpion.

Nakatayo ang dalawang dark silver poison corpses sa kaliwa't kanan ni Zhao Feng at hindi ito umatake.

"Munting pusang magnanakaw, ikaw na ang bahala."

Malamig na tumitig pababa si Zhao Feng kay Lu Tianyi gamit ang kanyang Eye of Ice Soul.

Sa kalagayang ito, ang kapangyarihan ng Eye of Ice Soul ay labis na tumaas at nagawa na nitong pabagalin si Lu Tianyi.

Ang ikinagulat ni Zhao Feng ay hindi lang kayang maglaho ng munting pusang magnanakaw, kaya rin nitong pawalain ang batang scorpion.

Kahit na mayroon si Zhao Feng ng Yin Shadow Cloak, isang inheritance treasure na kayang itago ang kaniyang sarili, ito limitado lamang sa kaniya at hindi nito napapawala ang ibang mga tao.

Mula rito makikita na habang lumalaki ang munting pusang magnanakaw, ang mga abilidad nito ay mas lumalakas din.

Umaasa si Zhao Feng sa kung ano ang balak gawin ng munting pusang magnanakaw para pigilan o pabagalin ang mga hakbang ni Lu Tianyi.

Mula sa kasalukuyang sitwasyon, halos imposible nang mapatay si Lu Tianyi.

Mula sa umpisa hanggang matapos, nakatuon lamang si Zhao Feng sa mga salitang 'pabagalin', at sinubukan ang lahat ng makakaya niya para pabagalin ang paglapit ni Lu Tianyi.

Sa pamamagitan ng Eye of Heaven, nagawa ni Zhao Feng makakuha ng matatamlay na bakas ng munting pusang magnanakaw at ng batang scorpion kahit hindi ito nakikita.

"Halos imposible para sa mga mas mababa sa Origin Core Realm na mapansin ang munting pusang magnanakaw."

Tumango si Zhao Feng. Masasabing ang munting pusang magnanakaw ay isang natural na magnanakaw na sanay sa kadiliman.

Maaaring ang God's Spiritual Eye lamang ni Zhao Feng ang kayang tumapat sa talento ng munting pusang magnanakaw.

Kahit na nasa loob ng dalawampung yarda ni Lu Tianyo ang munting pusang magnanakaw, wala pa rin siyang napansing kahit ano.

Sa pagkakataong ito, nanikip ang puso ni Zhao Feng.

Dalawampung yarda…. Labinglimang yarda…. Sampung yarda…. Kinuha ng munting pusang magnanakaw ang batang scorpion at lumapit kay Lu Tianyi.

Nang makaabot ng lima o anim na yardang layo ang munting pusang magnanakaw ay saka lamang parang may napansin si Lu Tianyi.

Kung tutuusin, ang kaniyang cultivation ay nakaabot na sa half step Origin Core Realm at halos nakalagpas na ito sa True Spirit Realm. Kahit nakatutok siya sa Eye of Ice Soul may napansin pa rin siya.

Hindi nakatakas sa mga mata ni Zhao Feng ang pagkilos ni Lu Tianyi.

Nanginig ang puso ni Zhao Feng. Alam niya kung gaanong nakakasindak si Lu Tianyi at sa pagdaloy pa lamang ng kaniyang protective Qi ng True Spirit ay sapat na upang makapatay ng mas mahihinang True Lords.

Sa puntong ito, ang kailangan lamang gawin ni Lu Tianyi ay magpakawala ng kaniyang Qi ng True Spirit at sapat na ito upang mapatay ang munting pusang magnanakaw at ng batang scorpion.

Ang tunay na battle power ng munting pusang magnanakaw kung labis na mamarapatin ay malapit nasa True Lord Rank at ang forte nito ay ang kaniyang mga talento at abilidad.

Sou!

Ang munting pusang magnanakaw at ang batang scorpion ay biglang nagpakita at sumugod kay Lu Tianyi.

Limang yarda… apat na yarda…. Tatlong yarda…

Dali-daling lumapit ang munting pusang magnanakaw.

Ang bilis ng batang scorpion ay halatang hindi kagaya ng munting pusang magnanakaw subalit ginamit ng huling nabanggit ang Mystic Snake Blood Whip nito upang itali sa batang scorpion at mabilis na lumipad ito patungo kay Lu Tianyi.

Ang distansya ng apat hanggang limang yarda ay mas kaunti ng kalahating paghinga para sa munting pusang magnanakaw.

Kaharap ang biglaang paglitaw ng munting pusang magnanakaw, hindi nakagalaw o nakaiwas si Lu Tianyi dahil nakatutok sa kaniya ang Eye of Ice Soul.

"Hmph, isa na namang nagpunta para mamatay."

Kumulubot ang bibig ni Lu Tianyi sa pang-iinsulto. Hindi man lamang niyang inisip na umiwas dahil ang kaniyang bilis ay nabawasan at ang kaniyang protective Qi ng True Spirit ay naroroon pa rin.

Sa oras na makalapit ang munting pusang magnanakaw at ang batang scorpion, kayang patayin ni Lu Tianyi ang dalawa gamit lamang ang protective Qi ng True Spirit niya.

"Munting pusang magnanakaw, kailangan mong malaman na hindi mo kayang makalagpas sa depensa ni Lu Tianyi sa kapangyarihang mayroon ka."

Nanatili pa rin ang mata ni Zhao Feng sa alapaap at nakatingin ito sa baba.

Sou! Xiu---

Nang makarating ang munting pusang magnanakaw at ang batang scorpion sa harapan ni Lu Tianyi.

"Mamatay ka na!"

Nakahanda na si Lu Tianyi at pinakawalan ang kaniyang Qi ng True Spirit sa isang gintong alon ng liwanag na humawi sa loob ng dose-dosenang yarda, sapat na upang makapatay ng mga normal na True Lord Ranks.

Nakaabot na ang puso ni Zhao Feng sa kaniyang lalamunan sa kaba.

Ang kaniyang God's Spiritual Eye ay sobrang tiyak sa pag-aanalisa ng lakas: Ang munting pusang magnanakaw at ang batang scorpion ay walang lakas upang labanan si Lu Tianyi.

Bukod sa kanila, kahit si Zhao Feng ay mabilis na mapapatay ni Lu Tianyi kung makakalapit siya.

Boom!!!!

Ang katawan ni Lu Tianyi ay nagpakawala ng ragasa ng liwanag na nagdulot upang maging alikabok ang mga dahon at sangay ng Towering Tree Yao.

Ang lugar na nakapalibot kay Lu Tianyi ay parang natunaw at ang Towering Tree Yao ay umatungal kasabay nito.

"Munting pusang magnanakaw!"

Si Ye Yanyu na nanonood mula likuran ay sumigaw na mayroong pangit na ekspresyon.

Mayroon siyang espesyal na nararamdaman para sa munting pusang magnanakaw kahit na nakipagkampihan ito kay Zhao Feng at niloko siya.

Nagdadalawang-isip siya at malungkot siya sa pagkamatay ng munting pusang magnanakaw.

"Bastardong Zhao Feng, bakit sobrang lamig ng puso mo para ipadala ang munting pusang magnanakaw sa kaniyang kamatayan?"

Kinagat ni Ye Yanyu ang kaniyang mga labi at tumingin sa Eye of Heaven sa alapaap.

Ang Eye of Heaven ay isang malaking klase lamang ng kaliwang mata ni Zhao Feng.

Sa pagkakataong ito, ang Eye of Heaven ay malamig at walang emosyon. Tila ba ang pagkamatay ng munting pusang magnanakaw at ng batang scorpion ay walang naidulot na emosyon kay Zhao Feng.

Ang Eye of Heaven ay nagpadala pa rin ng isang malamig na enerhiyang nakatutok kay Lu Tianyi.

"Hahaha….Maaari mo nang ipadala ang lahat ng sakripisyo na mayroon ka."

Tumawa si Lu Tianyi.

Kahit na nalilimitahan ang kaniyang bilis, paunti-unti pa rin siyang lumapit kay Zhao Feng.

Bahagya.

Nakakita si Lu Tianyi ng isang batang may asul na buhok sa kailaliman ng mga sangay. Tila wala itong kaluluwa at hindi ito gumagalaw.

Sa tabi ng batang mayroong asul na buhok ay dalawang dark silver poison corpses.

Isang nakakakilabot na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Lu Tianyi habang siya ay tumatawa.

"Brother Zhao Feng, ang Ruins Treasured Palace ay bababa na sa loob ng tatlong paghinga."

Isang mahinay na boses ng babae ang maririnig sa isipan ni Zhao Feng.

"Magaling."

Tumango si Zhao Feng at huminga.

Mula sa mga oras na ito, nagbilang siya ng tatlo, ang Ruins Treasured Palace ay bababa at ang misyon ni Zhao Feng ay makukumpleto na.

Subalit, tiyak na makakalapit si Lu Tianyi kay Zhao Feng sa loob ng tatlong paghinga lamang.

Tinantsa ni Zhao Feng na kahit mabuhay siya, ang dalawang dark silver poison corpses ay hindi.

"Zhao Feng.. Kahit gaano ka kalamig o katuso, hindi mo maaaring takasan ang kamatayan."

Ang mukha ni Ye Yanyu ay puno ng malamig na paglalayong pumatay. Biglan niyang nakita ang kalmadong Eye sa alapaap na parang walang kahit anong pagkataranta.

Mayroon pa ngang pang-iinsulto sa Eye of Heaven.

"Munting pusang magnanakaw, tiyak na matalino ka"

Isang tunog ang bumanda sa buong mental energy dimension.

Sa sumunod na iglap.

Miao Miao!

Ang munting kulay abong pusa na kasing laki ng isang palad ay lumitaw sa mismong harapan ni Lu Tianyi.

Ano?

Paano nangyari ito?

Ang mga henyo ng tatlong sects na naiwan ay lahat nanood ito na mayroong nanlalaking mga mata.

Dali-daling kasunod nito.

Sou!

Ang batang scorpion ay pinalipad ng latigo ng munting pusang magnanakaw at direktang napunta sa tumatawang bibig ni Lu Tianyi.