Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 417 - Patibong para Pumatay ng True Lord Rank

Chapter 417 - Patibong para Pumatay ng True Lord Rank

Ang mga henyo mula sa tatlong Sects na nagbigay ng atensiyon sa mga aksiyon ni kay Zhao Feng ay natunganga.

Ang palaso ni Zhao Feng ay maaari nang matawag na maalamat. Para itong isda na umiiwas sa mga sanga ng Towering Tree Yao at naghahanap ng landas ng buhay tuwing ito'y naiipit.

Kahit anong atake ng Towering Tree Yao ay maaaring makawasak ng mga nasa True Spirit Realm at sa ganitong sitwasiyon, ang palaso ni Zhao Feng ay tumama na sa target nito.

Ang ganitong klaseng archery skills ay maaaring makapagpahanga ng mga normal na archers.

"Ang tamaan ang target ay hindi ganoon kahirap dahil sa aking God's Spiritual Eye, ngunit ang mas mahirap ay hindi mapinsala ang prutas."

Isang butil ng malamig na pawis ang lumabas sa noo ni Zhao Feng dahil sa pagod.

Kung napinsala ang Tree Yao Essence Fruit, magiging walang kuwenta ang palaso ni Zhao Feng kahit na gaano pa ito kahusay.

Kung sobrang daming eherhiya ang nagamit, ang Luohou Arrow ay babagsak sa kalagitnaan at hindi matatamaan ang target.

Bagkos, kung sobra ang kapangyarihan ng kidlat na nasa palaso, mapipinsala nito ang Tree Yao Essence Fruit.

Kailangang perpekto ang pagkontrol ni Zhao Feng sa lahat at kahit na iaayos na

lamang ang Luohou Arrow sa kalagitnaan gamit ang God's Spiritual Eye.

Hu~

Nagpakawala ng hininga si Zhao Feng ngunit hindi binawi ang Luohou Arrow. Hangga't binibigyan ni Zhao Feng ng enerhiya ang Luohou Bow sa loob nito, makakaya niyang pabalikin ang Luohou Arrow.

Sa kaniyang teyorya, dahil ang Luohou Arrow ay tumagos sa Tree Yao Essence Fruit, ibabalik din nito ang giyera sa pagitan nila.

Ito ang ligtas na paraan ni Zhao Feng para makuha ang mga Tree Yao Essence Fruits.

Dalawang paraan ang kinakailangan para mangyari ito:

Ang kontrolin ang God's Spiritual Eye habang ang tatlong Sects ay ginugulo ang Towering Tree Yao.

Kung wala ang tulong ng tatlong Sects, ang Towering Tree Yao ay magiging sagabal kay Zhao Feng sa kalagitnaan.

"Oras na para makuha ang aking gantimpala."

Naglabas ng itsura na may ekspektasiyon si Zhao Feng.

Ang palaso ay tumama na sa traget nito. Ngayon ay kailangan nalang niya itong maibalik. Ang mahirap sa pagkuha pabalik sa prutas ay mas madali kaysa noon dahil ang kapangyarihan ng palaso ay kailangang perpekto ang pagkontrol. Sobrang kapangyarihan ay maaaring makapinsala sa prutas at kung maliit naman ay hindi naman nito matatamaan ang target.

Gayon pa man, ang pagkuha sa palaso ay walang problema. Ang Tree Yao Essence Fruit ay nabibilang sa Towering Tree Yao at ang prutas nito

"Ang batang ito ay sinusubukang…."

Yu Luo, na nanggaling mula sa likod, ay tumingin sa Luohou Bow na nasa kamay ni Zhao Feng at saka kumislap ang kaniyang mga mata nang makita ang Luohou Arrow.

Biglaan niyang napagtanto na ang ng anak ng Luohou Bow ni Zhao Feng ay ang Luohou Arrow.

Hangga't binibigyan niya ito ng Qi of True Spirit, ang Luohou Arrow ay makakabalik at madadala pabalik ang Tree Yao Essence Fruit.

Ang lahat mula sa tatlong Sects ay napagtanto ito.

"Ang batang iyan ay ginagamit ang kaniyang method para makuha ang mga prutas?"

Ang iba sa mga henyo na nasa tatlong Sects ay nainggit at nagselos.

Ang puwersa ng buhay na nasa Tree Yao Essence Fruit ay malawak. Kahit na isang prutas lamang ay sapat na para magligtas ng buhay ng isang tao.

Simpleng sabi nito, ito'y pinaghalong blood glass fruit at life returning grass at ang 50-60% na enerhiya ang parehong nandirito. Madali lamang na itong makuha at kayang makapagpagaling ng mga tagong mga sugat.

Kumpara dito, kahit na nakapagtataas ng cultivation ang blood glass fruit, maaari itong makapag-iwan ng mga sugat at mas nababagay ito sa mga nag-eensayo mula sa Dao of Blood.

Hindi nagsisi si Zhao Feng sa pagpili sa Earth Yin Poison Mushroom kaysa sa blood glass fruit at ang Tree Yao Essence Fruit ay malinaw na mas nababagay kaysa sa blood glass fruit.

"Balik!"

Nag-ikot ng kaunting Qi of True Spirit para sa Luohou Bow si Zhao Feng.

Weng~

Isang ilaw ang lumitaw sa Luohou Arrow nang makabalik ito kay Zhao Feng.

Ginamit ni Zhao Feng ang God's Spiritual Eye niya para masiguradong hindi ito matamaan ng mga sanga at ang proseso ay mas madali kaysa sa pagtira sa kabila.

Xiu---

Ang Luohou Arrow ay nakabalik na at dala-dala ang Tree Yao Essence Fruit kasama nito.

\---- Ang gantimpala ay narito na.

"Gamit ang Essence Fruit, mabilis akong makakalampas sa peak True Mystic Rank at ilang sandali, ang True Lord Rank ay mawawalan ng harang.

Tumango si Zhao Feng dahil sa kasiyahan. Hindi niya kinailangang pumasok sa panganib hindi gaya ng tatlong True Lord Ranks na hindi nagawang makuha ang Tree Yao Essence Fruit.

Sa mga sandaling iyon, isang boses ang lumitaw sa likod niya: "Zhao Feng, magaling, pupuntahan kita para matulungan kita."

Sou---

Saya at nakamamatay na intensiyon ang kumislap sa mga mata ni Yu Luo nang siya ay sumugod.

Nang marinig niya ito, ang ekspresiyon ni Zhao Feng ay nangitim at halos magmura na. Ang kaniyang posisyon sa ngayon ay napaka-kakaiba.

Ang mga ugat sa lupa ay hindi siya naaabot at ang mga sanga ng Towering Tree Yao ay sobrang layo.

Ibig sabihin lamang niyo ay hindi na kakailanganin pa ni Zhao Feng ang tulong ni Yu Luo. Ang gustong mangyari Yu Luo ay masiyadong halata.

"Ang Yu Luo na ito ay masiyadong matalino."

"Aye, ang katangi-tanging kayamanan na iyan ay mapupunta na kay Yu Luo ngayon."

"Ang batang iyan ay napakamalas. Sobrang paghihirap ngunit mapupunta lamang sa wala."

Ang mga henyo na nasa Black Cliff Palace at Moon Demon Palace ay nakaramdam ng pagsisisi at karamihan sa kanila ay nag-iisip kung bakit sila ang masuwerte.

Ang panig ng Pure Moon Spiritual Sect. Naintindihan ng mga henyo ang intensiyon ni Yu Luo at ang iba ay nagsabing walang hiya ito habang ang iba ay masayang makita ito.

"Hehe…. Ang mantis ay sumunod sa cicada ngunit sa likod nila ay may nagtatagong oriole."

Matinding saya ang naramdaman ni Yu Luo sa kaniyang puso. Sinundan niya si Zhao Feng dahil gusto niya itong patayin, ngunit ang tila ang Heavens ay minamahal siya at binigyan pa siya ng suwerte.

"Patayin si Zhao Feng, kunin ang prutas at matapos nito ay sisipsipin ko ito, maaabot ko ng mabilis ang huling yugto ng True Lord Rank. Sa mga orasna iyon, si Ye Yanyu, ang bruhang iyon, ay kailangang bigyan ako ng karangalan."

Ang puso ni Yu Luo ay napupuno ng kasiyahan at saka niya itinaas sa pinakamataas ang kaniyang bilis at nagawang makalapit kay Zhao Feng.

Gamit ang kaniyang maagang yugto ng True Lord cultivation, magiging madali lamang ang pumatay ng True Mystic Rank na nanggaling sa nayon.

Sa kaniyang mga mata, ang Tree Yao Essence Fruit ay pag-aari na niya.

Lumutang sa kalagitnaan ng hangin si Zhao Feng, habang ang kaniyang ekspresiyon ay nagbago at ang kaniyang pag-iisip ay nagbago rin.

"Oh well, sa ngayon, ang Moon Demo Palace ay nawalan ng isang True Lord Rank at ang Pure Moon Spiritual Sect naman ay napakalakas at maaaring makontrol ang sitwasiyon.

Nagdesisyon si Zhao Feng na patayin si Yu Luo.

Ngayon, ang problema – paano naman niya mapatay si Yu Lou?

Gamit ang alas ni Zhao Feng, hindi siya mahihirapan na patayin si Yu Lou ngunit ang mahirap ay kung paano maitago ang kaniyang lakas at gawing aksidente lamang ang pagkamatay ni Yu Lou upang walang magsuspetya kay Zhao Feng.

Ang pumatay ng isang True Lord Rank ay madali lamang, lalo na kung malaki ang pagkakaiba nila sa cultivation.

Ang pinaka-importante ay magawa ito ni Zhao Feng ng tahimik.

Sa ilalim ng mga normal na sitwasiyon, hindi na magtatangkang mag-isip pa si Zhao Feng sa pagpatay ng isang True Lord Rank bago pa ang Sacred True Dragon Gathering.

"En… ito na iyon!"

Nagliwanag ang mga mata ni Zhao nang makaisip siya ng plano.

Totoo nga, na sa mga normal na sitwasiyon, mahirap itong gawin ngunit hindi ito imposible na gawing aksidente lamang ito.

Sou!

Lumipad pabalik si Zhao Feng patungo kay Yu Luo, na tila hindi iniintindi ang intensiyong pumatay.

Inilagay din niya ang Luohou Bow malapit sa lupa.

Ang mga ugat ng Towering Tree Yao ay umaabot lamang sa ilang mga milya at sa 'di katagalan ay sampung yarda na lamang ang layo mula sa lupa.

Ang sampung yarda ay halos nasa saklaw na ng pag-atake ng mga ugat ng Towering Tree Yao.

Hindi na lumapit si Zhao Feng dahil siya'y maaatake na ng mga ugat. Ang Tree Yao Essence Fruit na nasa kaniyang kamay ay parang ilaw na nasa dilim na paniguradong makikita ng Towering Tree Yao.

Sa mga sandaling iyon, si Yu Luo ay nasa dalawampu hanggang tatlompung yardang layo mula kay Zhao Feng na kung saan pinaka-epektibong lugar para sumugod.

"Hmph, probinsiyano, mamatay ka na…."

Ang guwapong mukha ni Yu Luo ay nabaluktod at napuno ng kalamigan.

Itinaas niya ang kaniyang kamay at isang malinaw na moon blade na may habang sampu hanggang dalawampung yarda na itinira niya patungo kay Zhao Feng.

Shua Shua!

Ang anyo ni Zhao Feng ay mabilis na naging dalawa at perpektong naiwasan ang atake ng moon blade.

Dalawang magkaparehang Zhao Feng ang mabilis na nagtungo sa lupa.

Bam!

Sa isang kumpas ng kaniyang kamay, matagumpay na nawasak ni Yu Luo ang isang Zhao Feng at ang isa naman ay naglabas ng pagkabalisa sa mukha, nahalatang ito ang totoong katawan, at mabilis din na pumunta sa direksiyon ng Towering Tree Yao.

"Hindi ito maganda, sa oras na mapatay si Zhao Feng ng Towering Tree Yao, ang Tree Yao Essence Fruit ay mahuhulog din."

Madramang nagbago ang ekspresiyon ni Yu Luo nang habulin niya si Zhao Feng.

Sa parehong oras na iyon, sa isang puno sa kagubatan, ang 'di nakikitang si Zhao Feng ay bumulong sa kaniyang sarili: "Yu Lou, kailangan mong mamatay."

Ang 'di nakikitang Zhao Feng ay ang totoong Zhao Feng.

Ang isang naglabas ng mukhang pagkabalisa ay ang totoong Zhao Feng din, ngunit matapos niyang maglabas ng mukhang pagkabalisa, iya ay gumawa ng isang Yin Shadow Doppelganger habang ang kaniyang totoong katawan ay 'di na makita.

Sa punto ng mga oras na iyon, ay halos makaabot na sa Yin Shadow Doppelganger ni Zhao Feng si Yu Luo.

Eye of Heart!

Ginamit ni Zhao Feng ang Eye of Heart habang siya ay 'di nakikita at pinalaki ang kasakiman at hangarin ni Yu Luo sa kaniyang pag-iisip.

Ang likod ni Yu Luo ay nakatalikod sa tatlong Sects kaya hindi nila nakita ang pagbabago mula sa kaniyang mukha.

Ang mas mahalaga, ang totoong katawan ni Zhao Feng ay hindi nakikita at gamit ang mga puno bilang panakip, walang sinuman ang nakakita sa kaniya.

Shua!

Ang Yin Shadiw Doppelganger ni Zhao Feng ay tumalon sa butas na nasa lupa at agad na naglaho.

"Ang aking Tree Yao Essence Fruit…."

Mukhang nabaliw na si Yu Luo sa kaniyang walang hanggang hangarin at pagkaganid at sa ilalim ng 'Eye of Heart' ni Zhao Feng, siya ay tumalon sa butas.

Bam Bam Bam Shua---

Dose-dosenang mga ugat ang umabot sa lupa at bumalot kay Yu Luo.

Nagmukhang ito na parang handa na sila sa mga sandaling iyon.

"Hindi ito maganda!"

Ang mga ekspresiyon ng mga henyo mula sa Pure Moon Spiritual Sect ay nagbago.

"Arghhh!"

Sumigaw si Yu Luo, ngunit ang sigaw na ito tumigil sa kalagitnaan at siya ay umikot sa kaniyang kamatayan, na naging panibagong pataba.