Nanatiling tahimik is Zhao Feng, pero damang-dama niya ang pagnanasang makapatay at pagkamuhi ni Yu Luo.
Hindi niya mapigilang mapailing na lamang.
Ano naman ang masasabi niya? Wala naman siyang ginawa o sinabi man lang para maging kaugnay ni Zhuang Wan'er.
Subalit, kahit na, mayroong isang tao na nagsimulang mainis sa kanya at ang taong ito ay nasa True Lord Rank. Talaga nga namang 'inosente' ang maituturing sa kanya.
Syempre, wala namang pakialam si Zhao Feng rito. Hindi naman talaga pinapansin ni Yu Luo si Zhao Feng, pero pinapansin nga rin ba siya ni Zhao Feng?
Sa pagkakataong iyon, sina Ye Yanyu at Zhuang Wan'er, ang dalawang pinili ng kalangitan ay nagsimula nang pag-usapan kung paano nila kakalabanin ang Towering Tree Yao.
"Kabuuang bilang ng anim na True Lords. Napakalakas nga ng pwersang ito. Kahit ang Thirteen Countries ay wala ni isa."
Napabuntong hininga na lamang si Zhao Feng sa kanyang puso.
Mula sa sampung True Lords, anim ang naroroon at dalawa sa top three ang dumating para pag-usapan ang tungkol sa Towering Tree Yao.
Hindi man lang makapagsalita si Zhao Feng tungkol sa plano at hindi rin naman siya interesado.
Ang gusto lang naman niyang makuha ay isang Tree Yao Essence Fruit at lubos niya na itong ikasisiya.
Hindi nagtagal, ang tatlong panig ay nagkaroon na ng kasunduan at nagsimula na silang lumapit sa Towering Tree Yao habang inaatake ito.
Wu~~
Ang Towering Tree Yao ay nagbuga ng isang mababang ungol at pinagaspas nito ang kanyang mga sanga na siyang nagpadala ng mga alon ng berdeng lason papunta sa mga kalaban.
Bukod pa roon, ang mga bayo ng hangin ay nagsimula nang umihip sa palibot ng Towering Tree Yao na may lakas na kayang sumira ng mga gusali.
"Hindi ito maganda, lahat kayo, salagin niyo ito!"
Sa ere, ang itim na usok na nagmula sa Black Cliff Palace ay napatilapon lamang at iilang mga bangkay at kalansay ang nasira bago pa man makalapit sa isang daang yarda mula sa Towering Tree Yao.
Sa lahat ng mga hindi pa nakakaabot ng True Spirit Realm, hindi na sila natatamaan pa kahit ng tira-tira mula sa atake ng Towering Tree Yao kundi mga pataba na lamang sa lupa.
Crackk------
Sa isang kumpas ng Towering Tree Yao, higit pa sa isang dosensang bangkay at mga kalansay kasama na ang mga nasa True Spirit Realm ang siyang nagpirapiraso.
Ang mga sanga ng puno ay tila mga malalaking polo sa mga tao at bawat hampas ay naglalaman ng kapangyarihang singhala ng ilang libong tonelada.
Kahit ang anim na True Lord Ranks ay kailangang maging maingat sa mga sanga ng Towering Tree Yao.
Bawat hampas ng mga sanga ay nagdudulot ng bayo ng hangin na siyang magpapadala ng airwaves kung kaya hindi makahinga ang mga normal na True Spirit Realms.
"Ang battle power ng Towering Tree Yao ay mas malakas pa pala kaysa sa inaasahan. Walang kahit sino na nasa ibaba ng Origin Core Realm ang kaya itong harapin nang diretsahan."
Nakaupo lamang si Zhao Feng sa ibabaw ng kanyang Three Flowered Treasured Lotus sa gitna ng ere.
Ang posisyon kung nasaan siya ay nasa kanang labas ng limitasyon ng opensa ng Towering Tree Yao kung kaya hindi siya maabot ng mga ugat nito sa ibaba.
Hindi nagtagal, nakasaksi si Zhao Feng ng isang True Mystic Rank na henyo na biglaang tinamaan ng alon ng ere at nahulog sa lupa. Agad siyang pinuluputan ng mga ugat ng Towering Tree Yao at naging isang pataba.
Kahit ang anim na True Lord Ranks ay kaya lamang umatake mula sa ere at malayong distansya.
"Kayong mga tao…. Pagbabayaran niyo ang kawalang kaalaman ninyo."
Isang malalim at malabong boses ang siyang umalingawngaw sa kagubatan na nagmula sa Towering Tree Yao.
Ang Towering Tree Yao ay isa na ngang Yao. Mayroon itong sariling pag-iisip at kaya rin nitong magsalita.
"Ang punong Yao na ito ay napaliguan na sa solar at lunar essence sa loob ng napakatagal na panahon at ang katawan na ito ay katulad sa isang Origin Core Realm. Huwag niyo itong lalabanan nang direkta at pagurin na lamang ito."
Pagbababala ni Chi Gui at maingat na kinontrol niya ang pangkat ng kanyang mga ghost corpses para labanan ang mga ugat ng Tree Yao sa ibaba.
Ang mga ugat ng Tree Yao ay napakalakas at kahit ang mga ghost corpses sa True Human at True Mystic Rank ay nahihirapang hiwain ito.
Subalit, ang mga henyo ng Black Cliff Palace ay may mga sariling skills at ginamit nila ang ere para mabulok at sirain ang mga ugat nito.
Ang True Lord Rank cultivator na kulay dugo ang roba ay gumamit ng isang Blood Technique at nagpadala ng mga arko ng blood moons tungo sa mga ugat ng Tree Yao.
"Blood Demon Corpse Palm!"
Isang liwanag na may kulay dugo ang nagningning mula sa True Lord Rank cultivator na ito at ang kanyang laman ay nagsimulang matuyo.
Pa!
Ang atake ng True Lord Rank ay nakawasak ng maliit na ugat sa isang palm attack lamang at mukhang ang kanyang kapangyarihan ay pwedeng magamit na pananggalang sa Towering Tree Yao.
Bukod pa roon, si Mo Yu ng Black Cliff Palace, na ang katawan ay tuyot at nagniningning na pilak, ay nasa ibaba talaga at kinakalaban ang mga ugat.
"Heavenly Corpse Spirit Slaughter Hand!"
Kumintab ang balat ni Mo Yu sa pilak na kulay at ang kanyang mga biyas at katawan ay nagsimulang lumaki at umabot sa sukat ng isang maliit na higante.
Gamot ang isang palad na may ere ng kamatayan, nagpadala siya ng mga maitim na pilak na apoy sa nalalapit na mga ugat at ginawa itong lusak ng itim na tubig.
"Ang lalaking ito ay isang Corpse Body Strengthener at sapat na ang kanyang lakas para labanan ang maliliit na ugat ng Towering Tree Yao nang diretsahan."
Sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang paligid at nakita niya si Mo Yu na may pinakamalakas na katawan na tinatapos ang mga maliliit na ugat ng puno.
Sa ere, sina Ye Yanyu at Zhuang Wan'er ay tila dalawang mga diyosa na nagpadala ng mga nakawawasak na atake para pinsalaan ang Towering Tree Yao.
Booom----
Ilang mga maliliit na sanga ng Towering Tree Yao ang nagkabitak. Kung ibang mga True Lord Rank ito na normal, at wala ang mga malalakas na atake ng dalawang ito, siguradong hindi nila kayang makagawa ng bitak sa mg asana ng Towering Tree Yao.
Subalit, pagkatapos ng isang oras ng labanan, ang mukha ng dalawang babae ay naging taimtim. Ang mga sanga na nasira ay nasa labas lamang ng Towering Tree Yao at wala namang kwenta talaga.
Ding Ding Peng---
Sinubukan ng dalawa na sirain ang mas malalaking sanga pero tanging kakarampot na galos lamang ang naiiwan nila dito.
"Ding Ding Ding…."
Kinuha ni Zhao Feng ang kanyang Luohou Bow mula sa malayo at nagpadala ng mga palaso pero wala ring reaksyon na naganap.
Qiu Qiu Qiu~
Pagkatapos bumalik ng tatlong Luohou Arrows, sinuri ni Zhao Feng ang lugar gamit ang kanyang God's Spiritual Eye at nakakita ng isang mahinang marka na mas maliit pa sa hinliliit ng tao pero siya namang nagdulot sa kanya para huminga nang malamig.
Nangangahulugan ito na ang mga atake ng mga normal na True Lord Ranks ay tila mga langaw lang ang halaga sa Towering Tree Yao. Sa pinakasukdulan, magiging hindi mapakali lamang ang puno pero wala namang seryosong pinsala ito sa kanya.
Kahit ang mga pinakamalalakas na atake mula kay Ye Yanyu at Zhuang Wan'er ay hindi masasaktan ang Towering Tree Yao.
Ang talagang gumagawa sa kanila ng pinsala ay ang True Lord Rank cultivator na nakaroba ng kulay dugo. Tanging ang mga atake niya lamang ang kayang pumuksa ng buhay at kalabanin ang kapangyarihan ng kalikasan.
"Blood Splatter Demonic Land."
Isang liwanag ng dugo ang nagmula sa cultivator na ito at siyang winasak ang nalalapit na maliliit na ugat. Saan man magpunta ang liwanag, ang lupa ay nagiging kaisa nito at nanunuyot.
Kahit na maliliit lamang na ugat ang nasisira niya sa Towering Tree Yao, mas maraming pinsala ang nagagawa niya kaysa kay nila Ye Yanyu at Zhuang Wan'er.
"Ang naisip ng tatlong sects ay tama. Kung mapagtatagumpayang patuyuin ang mga ugat nito, at putulin ang pinagmumulan ng kapangyarihan, siguradong hihina ang Towering Tree Yao."
Subalit, napailing si Zhao Feng sa pagsisisi. Alam niyang hindi ito epektibo sapagkat nang sinuri ng kanyang God's Spiritual Eye ang mga ugat ng Towering Tree Yao, napakalalim na pala nito at ang pinakamalayong angkla nito ay nasa sampung milya sa ilalim ng lupa.
Ang pagsira sa mga ugat nito ay isang daang beses na mas mahirap kaysa sa pagsira ng mga sanga nito.
"Kahit sampu o bente pang True Lord Ranks ang dumating, hindi nila kayang tapusin ang Towering Tree Yao."
Sigurado si Zhao Feng sa kanyang puso. Ang Towering Tree Yao ay hindi natitinag sapagkat ang opensa at depensa nito ay katulad ng mga nasa Origin Core Realm at sa aspeto ng life force at body strength, ang Towering Tree Yao ay mas malakas pa sa mga Sovereigns.
Habang iniisip niya ito, ang buong sitwasyon ay nagbago.
"Ahh!"
Isang sigaw ang maririnig mula sa ibaba at nang tignan ito, ugat sa ugat ang nakabalot sa True Lord Rank na nakaroba ng kulay dugo.
Crack!
Ang True Lord Rank cultivator na ito ay napilipit sa hindi makilalang anyo at lumubog sa lupa, naging isang pataba.
Ang eksenang ito ay siyang ikinatalon ng puso ng mga disipulong naroroon at lahat sila ay napahinga nang malamig.
Kahit ang iba pang limang True Lord Ranks ay napatulala.
"Ang mga ugat ng Towering Tree Yao ay nakamamangha at kaya nitong kumilos mula sa mga lugar para pumatay gaya na lamang ng nangyari sa True Lord Rank na iyon."
Nanlamig ang puso ni Zhao Feng. Mas matalino pa pala ang Towering Tree Yao kaysa sa kanyang inaakala at maalam pa nga ito sa mga taktika sa pakikipaglaban.
Boom!
Sa parehong pagkakataon, isang True Lord Rank na kalansay na siyang kinokontrol ni Chi Gui ang nalaglag sa kalangitan at pinagpirapiraso ng isang sanga.
Ang dalawang aksidente ay nangyari nang halos sabay. Nangangahulugan ito na sa isang bigla, ang dalawang True Lord Ranks ay napatay ng Towering Tree Yao.
"Umatras kayo."
Nagbago ang mukha ni Zhuang Wan'er.
Pagkatapos mawalan ng isang henyong nasa True Lord Rank ang Moon Demon Palace, nawala ang layuning makipaglaban ni Zhuang Wan'er.
"Umatras muna kayo sa ngayon."
Ang dalawang True Lords ng Black Cliff Palace ay pinangunahan ang kanilang mga tao para umatras.
Ang lakas na ipinakita ng Towering Tree Yao ay nakasisindak. Kaya nitong labanan ang mga sandata, apoy, at tubig. Kahit pa ang mga atake nito ay kay lalakas para makapatay agad ng mga True Lord Ranks.
Sa pagkakataong iyon, ang mga henyo ng tatlong sects ay nagulantang.
Pinangunahan nila Ye Yanyu at Yu Luo ang kanilang pangkat para umalis mula sa sakop ng opensa ng Towering Tree Yao.
"Gaya ng inaasahan."
Hindi na ikinagulat ni Zhao Feng ang resulta. Gaya ng kanyang iniisip, kahit na sampu hanggang bente pang True Lord Rank cultivators ang dumating, hinding-hindi nila matatalo ang Towering Tree Yao.
Para bang sinasabi na lumalaban ang ilang dosena ng Ascended Realm sa isang True Spirit Realm. Ang unang nabanggit ay agad na matatalo.
Ang pagitan ng True Spirit Realm at Origin Core Realm ay napakalaki.
"Kung ang Towering Tree Yao ay may bilis na gaya ng isang Origin Core Realm, 90% ng mga naririto ay matagal nang namatay."
Mas lalong nababahala si Zhao Feng sa Origin Core Realm habang nakakangalap siya lalo ng impormasyon tungkol dito.
Shua!
Ang kanyang anyo ay sinalag ang daan ni Ye Yanyu.
"Bata, ano ba ang gusto mong gawin?"
Sumigaw si Yu Luo habang ang intensyong makapatay ay gumuhit sa kanyang mga mata.
"Ano ang gusto mong sabihin?"
Sinuri ni Ye Yanyu ang kabataang ito nang kalmado. Wala naman siyang dapat ikabahala sa kanyang lakas,
"Sa totoo lang, mukhang ang tanikala ng pag-iisip ng lahat ay napunta sa maling direksyon." Mabagal na sabi ni Zhao Feng.
"Oh talaga? Sabihin mo."
Mukhang naging interesado si Ye Yanyu, pero sina Yu Luo at ang mga kasama nito ay may panghahamak sa kanilang mga mata.
"Hindi naman natin kailangang talunin ang Towering Tree Yao para makuha ang mga biyaya nito. Para bang sinasabi na may isa walang kapantay na kayamanan sa isang siyudad na napakahigpit ng mga bantay. Ang milyon-milyong mga hukbo ay hindi sapat para patumbahin ang siyudad, pero ang isang dalubhasang magnanakaw ay sobra pa para makuha ang kayamanan nang hindi nasasaktan. "