Nang dumating ang kritikal na pagkakataon, ang grupo ng Wicked Teeth ay lahat nagpakita na ng kanilang mga tunay na lakas.
Ginamit ng kalansay na lalaki ang kaniyang Wicked Bone secrey technique at siya ay lumakas dahil tumaas ang lahat ng kaniyang attributes at ang kaniyang battle power ay lumapit na sa pagiging True Lord Rank.
Pinagana ng chainsaw man ang isang sikretong teknik at nagsimulang paikutin ang jagged edges sa mas mabilis na paraan at kaya nitong makaatake nang pangmalayuan.
Ang babaeng mayroong itim na lotus ay nagpalabas ng dalawang green bronze ghost corpses na ang battle ay halos nasa peak True Mystic Rank na at pinagtutusok nila si Zhao Feng.
Sinasabi nila na kapag pinagsama-sama ang tatlong ito ang kanilang atake ay perpekto. Pangmalapitang laban ang forte ng kalansay na lalaki na siyang nagcultivate ng isang body strengthening technique na mayroon pang isang makapangyarihang depensa.
Ang chainsaw man ang namamahala sa pangmalayuang atake at siya ay sanay sa pagsira ng mga depensa ng kalaban.
Ang babaeng mayroong itim na lotus ay pangsuporta at ang mga green bronze ghost corpses na tinatawag niya ay maaaring tumulong o sumugod.
Sa puntong ito si Zhao Feng ay napapalibutan nang mapagtanto niya na minaliit niya ang grupo ng Wicked Teeth.
Ang ganito kakapangyarihan na kombinasyon ay kaya pang makasalag ng isang True Lord Rank nang harapan.
Wu Weng!
Ang bloodline ni Zhao Feng ay tuluyan nang gumana at isang anyong may suot na korona at may hawak na itim na espada ang lumitaw na nakaupo sa trono ng yelo.
"Domain of the Ice King!"
Isang hindi nakikitang kalamigan ang nagsimulang kumawala mula sa trono ng yelo at pumalibot ito ng dose-dosenang yarda.
Kahit sino o kahit anong atake na mapupunta sa nasasakupang ito ay babagal o magyeyelo.
Ang Domain of the Ice King ay isang skill na natutunan ni Zhao Feng base sa Domain of Ice ni Goddess Bing Wei. Binase niya ito sa sarili niyang bloodline at ang dahilan kung bakit ito ay tinatawag na Domain of the Ice King ay dahil sa anyo at tronong nasa likuran ni Zhao Feng.
Ang galaw na ito ay mayroong halatang epekto.
Kahit na malakas ang kalansay na lalaki at ang kaniyang battle power ay nakakasindak, sa oras na lumapit siya sa nasasakupan ng Domain of the Ice King ang kaniyang bilis ay mababawasan ng 20-30%.
Dagdag pa sa bilis na mayroon si Zhao Feng, ang banta ng kalansay na lalaki sa kaniya ay labis na napababa.
Kung ito ay ibang True Mystic Rank na wala masiyadong malakas na katawan, malamang ay mahihirapan silang kumilos kapag sila ay nasa loob ng nasasakupan ng Domain of the Ice King.
Sa kasamaang palad, ang chainsaw man at ang black lotus girl ay hindi sanay sa malapitang laban.
Ang dalawang green bronze ghost corpses ay nanigas nang sila ay lumapit sa loob ng nasasakupan ng Domain of the Ice King at ang kanilang bilis ay bumaba ng 50%.
Ibig sabihin nito na ang mga kalabang sanay sa malapitang laban ay nalilimitahan ng Domain of the Ice King ni Zhao Feng.
Hanggang ngayon ang bloodline ni Zhao Feng ay mas malakas kaysa noon at matapos makatagpo ng maraming henyong gumagamit nito, ang paggamit niya sa bloodline ay mas gumaling.
Xiuu------
Isang blade na mabilis na umiikot ang lumipad sa isang nakamamatay na anggulo at tumama sa binti ni Zhao Feng. Ang pangmalayuang mga atake ng lalaking iyon ay nakatutok kay Zhao Feng at ang nabanggit ay naiwasan ito ng mayroong panganib sa bawat oras dahil kailangan niya pa ring intindihin ang kalansay na lalaki at ang dalawang green bronze ghost corpses.
"Ang lalaking mayroong chainsaw ang pinakadelikado."
Mayroong malalamig na kislap ang mga mata ni Zhao Feng nang mapagdesisyunan niyang tapusin na ang labanan.
Bago ito ninais niyang makita kung ano ang elemento ng skills ng Black Cliff Palaces at ngayon alam niya.
Shua!
Pumagaspas ang Yin Shadow Cloak at tatlong mga anyo ang sumubok na tumakas sa itim na usok.
"Zhe zhe zhe… huli na ang lahat para tumakas."
Hinarang ng grupo ng Wicked Teeth ang daanan ni Zhao Feng.
Boom! Boom! Boom!
Ang tatlong mga pekeng anyo ay lahat nasira.
"Sa bandang iyon! Chainsaw mag-ingat ka!"
Ang babaeng mayroong itim na lotus na may kontrol sa itim na usok ay hindi kalaunan nakakita ng isang palihim na anyong dali-daling lumalapit sa chainsaw man.
"Haha! Gusto mo akong patayin?"
Sambit ng chainsaw man na may kasabay na mapaglarong ngiti nang bumalik ang highly rotating blade sa kaniyang kamay at gamit ang chainsaw na nasa kaniyang kamay hindi siya natatakot sa malapitang labanan.
Subalit.
Nagpatuloy si Zhao Feng sa paglapit.
Eye of Ice Soul!
Ang kaliwang mata ng batang mayroong asul na buhok ay biglang naging isang nagyeyelong lawa na nagpadala ng walang hanggang kalamigan sa kaniyang isip.
"Wu…."
Nanlamig ang mukha ng chainsaw man at ang kaniyang katawan ay nagsimulang manginig na para bang siya ay nagyeyelo.
Pa!
Isang bulaklak ng yelo at kidlat ang umusbong mula sa kamay ni Zhao Feng at winarak nito ang kaniyang katawan.
"Chainsaw!"
Ang kalansay na lalaki at ang babaeng mayroong itim na lotus ay natulala sa gulat.
Hindi sila makapaniwala na si Zhao Feng na kanina lamang ay nasa isang gipit na sitwasyon ay ngayon umikot lamang at nakapatay na ng isa sa kanila.
Hindi sila makapaniwala na ang jagged blade man ay nakatayo lamang doon at hinayaan si Zhao Feng na patayin siya. Para bang siya ay nagyelo subalit walang kahit anong bakas ng yelo kahit saan.
"Ang Eye of Ice Soul ay konektado sa mental energy. Kapag mas mataas ang akign mental energy level mas magagamit ko ang kapangyarihan ng aking God's Spiritual Eye."
Hindi na ito ikinagulat ni Zhao Feng.
Ang kaniyang mental energy level ay maaari nang maituring na True Lord Rank at ang chainsaw man ay nasa mga huling yugto pa lamang ng True Mystic Rank. Halata naman na wala siyang pagkakataon na kalabanin ang Eye of Ice Soul.
Kahit ang mga mental energy ng kalansay na lalaki at ng black lotus girl ay hindi pa nakakaabot sa True Lord Rank.
Nangangahulugan ito na kailangan lamang ni Zhao Feng na tumingin ng tatlong beses upang patayin ang grupo ng Wicked Teeth.
Sa pagkakataong ito.
Ang kalansay na lalaki at ang black lotus girl ay talagang natulala na.
"Iyon ay isang mental energy eye skill! Gumagamit ito ng ice elemental attack upang pagyeluhin ang kamalayan ng kalaban…."
Hindi nagtagal ay naintindihan na ito ng babaeng mayroong itim na lotus. Kung tutuusin, sanay din siya sa mental energy.
Nang maintindihan niya ang dahilan, bumagsak ang kaniyang puso.
Kahit na mas makapangyarihan ang mental energy source niya kaysa sa chainsaw man, walang namang nakakalulang pagkakaiba sa kanilang dalawa.
Kung kayang tapusin ni Zhao Feng ang chainsaw man sa isang galaw lamang na walang kahit anong pagpalag mula sa huling nabanggit, mukhang kaya niya rin siyang patayin sa isang galaw lamang.
Subalit, hindi niya alam na ang mental energy level ni Zhao Feng ay nasa True Lord Rank at ang niyang mental energy source ay ilang beses na mas malakas kaysa sa ibang nasa iisang rank.
"Kung ganoon ito ang nangyari! Subalit ang cultivation ko ay mas mataas kaysa sa batang ito kaya't hindi dapat ako matakot."
Kumalma ang kalansay na lalaking mayroong mga kadena at nakipagkampihan siya sa dalawang green bronze ghost corpses habang nagpatuloy siya sa paglapit kay Zhao Feng.
Ngayon.
Walang kahit anong lakas ng loob ang dalawa na patayin si Zhao Feng at umasa lamang silang pigilan si Zhao Feng hanggang sa makarating ang ibang mga tauhan mula sa Black Cliff Palace.
"Kapag dumating si Brother Chi Gui hindi mabubuhay itong batang ito."
Naisip ng black lotus girl.
Ngumiti si Zhao Feng: "Ang mga tauhan niyo ay dalawangdaang milyang layo pa."
Nakita na ng kaniyang God's Spiritual Eye ang black demon crow sa ere sa layo ng dalawang daang milya.
Sa pagkarinig nito, labis na nagbago ang ekspresyon ng dalawa.
"Nakakasindak ang bloodline ng batang ito…."
Nanlamig ang paghinga ng dalawa.
Habang nakikipaglaban si Zhao Feng mayroon siyang nahahating atensyon. Nangangahulugan ito na nakikipaglaro lamang siya sakanila.
Sa katotohanan, bukod sa katotohanang hindi ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang bloodlien kanina, ginamit niya ang lahat ng kaniyang lakas.
Ang kaniyang God's Spiritual Eye ay kayang gumawa ng maraming bagay nang magkakasabay.
"Lightning Fire God's Eye!"
Kumislap ang kaliwang mata ni Zhao Feng na mayroong half transparent lightning flame.
Shooosh!
Nagsimulang masunog ang chainsaw man at ang apoy ay kumalat sa kaniyang buong katawan.
"Arghhhh….."
Sumigaw ang lalaking habang ang kaniyang katawan ay nalalapnos at ang kaniyang Wicked Skills ay hindi makapalag.
"Tumaas ng kaunti ang kapangyarihan ng Lightning Fire God's Eye at talagang nakakatapat ito sa body strengthening ng Wicked path."
Tumango si Zhao Feng.
Noon, noong sinadya niyang i-refine ang kaniyang True Spirit Lightning Flame upang pataasin ang kapangyarihan ng Lightning Fire God's Eye upang tapatan ang mga henyo ng Black Cliff Palace.
Ang kidlat at ang apoy ay ang sumpa ng Wicked.
Sa ilang paghinga lamang ang kalansay na lalaking mayroong kadena ay naging abo.
Ang Lighting Fire God's Eye ay umaatake sa parehas na physical at mental energy world at pinatay niya ang lalaki sa pamamagitan ng dalawang dimensyon.
"Senior martial brother!"
Ang natitirang black lotus girl ay mayroong maputlang mukha.
Hindi niya lubos maisip kung anong klaseng bangungot ito. Sa loob lamang ng dalawang pagtingin, dalawa sa tatlong grupo ng Wicked Teeth ay napatay, kung saan ang peak True Mystic Rank na kalansay na lalaki ay kabilang.
Plop!
Nanghina ang kaniyang mga tuhod nang siya ay mapaluhod sa sahig at umiyak: "Pakiusap, patawarin mo ako…."
Ang Lightning Fire God's Eye ni Zhao Feng ay ang talagang katapat ng skills ng Black Cliff Palace at sa loob ng isang mata siya ay mapapadala na sa kalangitan.
Kahit ang malakas na body strengthening ng kalansay na lalaki ay nakatagal lamang ng ilang paghinga bago napatay.
"Alisin mo ang ghost corpses mo."
Malamig na sambit ni Zhao Feng.
"Oo sige!"
Iwinagayway ng babaeng mayroong itim na lotus ang kaniyang mga kamay at ang itim na usok kasabay ng dalawang green bronze ghost corpses ay naglaho.
Shua!
Kumislap si Zhao Feng at isang alon ng kidlat at yelo ang bumalot sa babae.
"Ah!"
Kumulubot ang katawan ng black lotus girl nang maselyuhan ang kaniyang Qi ng True Spirit.
"Napakabilis!"
Sumuri ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng patungo sa isang tiyak na direksyon at natagpuan ang mga tauhan ng Black Cliff Palace na nakapasok sa loob ng dalawang daang milya.
Atras!
Hinablot ni Zhao Feng ang babaeng mayroong itim na lotus at naglaho sa komplikadong gubat.
"Bakit hindi ako pinatay ng malamig na taong ito? Gaya ba siya ng ibang lalaki at nais akong…."
Nagluluksa ang babaeng mayroong itim na lotus. Hindi niya lubos maisip kung anong klaseng bangungot ang naghihintay sa kaniya. Sinuwerte siya dahil si Zhao Feng ay walang emosyon kahit na noong hinablot niya siya at hindi siya nagpakita ng senyales ng pagnanasa.
Makalipas ang kalahating oras na kakailanganin upang makagawa ng tsaa.
Sou Sou Sou!
Ang Black Cliff Palace na pinangungunahan ni Chi Gui na mayroong patusok na ilong ay dumating sa sunog na lugar. Ang paligid ay puno ng tensyon at walang sinabi si Chi Gi habang may kumikislap na puting liwanag sa kaniyang berdeng mga mata.
Buto na lamang ang mga natira sa kalansay na lalaki at ang chainsaw man ay naging pira-piraso.
"Wala ang katawan ni Li Youlian dito."
Sambit ng isa sa mga mapapayat na bata.
"Kung titingnan ang mga marka mukhang isa lamang ang kalaban ng tatlong Wicked Teeth. Kung ito ay ginawa ng iisang tao ang hirap isipin nito….."
Bulong ni Chi Gui.
"Senior brother Chi Gui, paano nangyari iyon!? Baka ito ay ginawa ng isa sa mga Ten True Lords. Halimbawa, ang pinakamalakas na Pure Moon Spiritual Sect ay mayroong limang True Lords at marami sa kanila ang mag-isang kumikilos."
Napailing ang payat na bata.
"Tama 'yan! Ang tatlong Wicked Teeth ay kayang lumaban sa isang True Lord Rank kapag ginamit nila ang buong puwersa nila. Paano sila mapapatay sa kamay ng isang bata?"
Kahit ang pinakamahina sa tatlong Wicked Teeth ay kayang makatalo ng isang walang kuwentang taong nasa simulang yugto ng True Mystic Rank, paano pa kung tatlo silang nakipaglaban.