Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 386 - Isinantabi

Chapter 386 - Isinantabi

Ang asul na pinto ay hindi kalahating totoo o kalahating peke ngunit sa halip ay pisikal na naroon, naiiba sa iba pa.

Habang ang Mystic Ice Inheritance ay nakakonekta ay nagbukas ang Heaven's Legacy Inheritance ng isang maliwanag na pintong hindi na kailangang kumonekta sa mga hakbang. Maaari nitong balewalain ang mga patakaran ng sinaunang arena.

Sa puntong ito lang ay masasabi nang ang Heaven's Legacy Inheritance ay mas mataas ang lebel kaysa sa ibang mga Inheritance.

Ang biglaang pagbabagong ito ay nakagulat sa mga True Dragon Genius.

Ang pagbaba ng Heaven's Legacy Inheritance ay labis na biglaan at nagbukas na kaagad ng pinto bago pa mapansin ng maraming henyo.

"Isang matandang aura, siguradong ito nga ang Heaven's Legacy Inheritance."

Naramdaman ni Zhao Feng ang inheritance shadowing ng Mystic Ice Inheritance na napuwersa at naging bahagyang hindi mapakali.

Sa Four Great Inheritances ay siguradong ang Heaven's Legacy Inheritance ang may kapangyarihang ito.

Ngunit kasabay nito ay lihim na nagmura si Zhao Feng: Bakit ngayon pa kailangang lumitaw ng bwisit na Heaven's Legacy Inheritance at hindi sa ibang oras?

Ang Heaven's Legacy Inheritance ay may bukas nang pinto at ito ay bahagyang malayo kay Zhao Feng, kaya hindi niya alam kung anong pipiliin niya.

Kasabay nito...

May ilang True Dragon Genius malapit sa Heaven's Legacy Inheritance.

"Hahaha, magaling!"

"Dahil lumitaw ang Heaven's Legacy Inheritance sa aking harapan, sa tingin ko ay ako ang napili."

Ang dalawang henyong malapit sa pinto ay napuno ng galak habang sila ay patungo sa misteryosong asul na pinto.

Sou! Sou!

Ang iba ay walang magawa kung hindi panoorin ang dalawa kahit labag sa kanilang loob at may galit.

Bam! Bam!

Ang asul na pinto ay gumalaw at isinantabi ang dalawang True Dragon Genius.

Anong nangyayari?

Ang mga ngiti ng dalawang True Dragon Genius ay nagyelo at naging pangit.

"Hahaha... Mukhang hindi maaaring makapasok ang basura sa Heaven's Legacy Inheritance."

Ang mga henyong nanonood mula sa malayo ay naintindihan ito at natuwa.

Sou Sou---

Maraming True Dragon Genius ang lumapit sa asul na pinto.

Bam!

Isa pang True Dragon Genius ang isinantabi ng asul na pinto at ang kanilang mga ekspresyon ay bahagyang nagbago.

Sa loob lang ng ilang hininga ay naging sentro na ng atensyon ang Heaven's Legacy Inheritance at magulong nagsisugod dito ang mga True Dragon Genius.

Kasama rito si Yu Tianhao, Xin Wuheng, at Shi Chengtian.

Ang tatlong napakahusay na prodigy ay kaagad na naglaban sa harap ng asul na pinto.

"Sino ang aking pipiliin?"

Ang mga mata ni Zhao Feng ay nagliwanag at si Goddess Bing Wei at Tantai Lanyue ay nagdalawang isip din.

Walang dudang mas maganda ang Heaven's Legacy Inheritance kaysa sa Mystic Ice Inheritance at ang mga inheritance sa loob ay hindi limitado sa mga skill.

Bilang pinakasinanuna at misteryosong inheritance, ang Heaven's Legacy Inheritance ay maaaring maglaman ng isang Dao of Soul Inheritance.

Gayunman, hinayaan na ni Zhao Feng ang Mystic Ice Inheriance at nakipaglaban para sa Heaven's Legacy Inheritance ngunit maaaring pareho itong mawala sa kaniya dahil sa distansya nito mula sa kaniya.

Sa puntong ito...

Ang pasukan ng Heaven's Legacy Inheritance ay hinarangan ni Yu Tianhao, Xin Wuheng at Shi Chengtan. Kahit sino sa kanila ay maaaring makapasok at tapusin ang koneksyon ng Heaven's Legacy Inheritance at ng sinaunang arena.

Lahat ng mga Great Inheritance ay may limitadong puwang.

"Kapag pinili ko ang Heaven's Legacy Inheritance ay siguradong mawawala sa akin ang Mystic Ice Inheritance."

Umikot ang isip ni Zhao Feng.

Kahit na mukhang nag-isip niya nang maigi, ang lumipas ay tanging 10 porsyento lang ng bilis ng pagkurap.

Biglang...

Nagbigay si Zhao Feng ng desididong itsura.

Sa mismong sandaling ito ay parehong si Tantai Lanyue at Goddess Bing Wei ay gumamit ng kanilang buong lakas at inatake si Zhao Feng.

Isang kristal na yelong espada ang lumitaw sa kamay ni Goddess Bing Wei nang iwinasiwas ang malamig na bilog ng yelo na inatake na ng invisible ice beams sa lebel ng mental energy.

Iwinasiwas ni Tantai Lanyue ang kaniyang salaming latigo at inutusan ang Horned Earth Dragon Beast para umatake nang kagatin ang kaniyang labi.

Boom!

Ang anyo ni Zhao Feng ay nasira ng mga atake ng dalawang napakahusay na prodigy.

Shua!

Isang bilog ng kidlat ang lumitaw sa langit at patungo sa Heaven's Legacy Inheritance.

"Tama."

Si Tantai Lanyue ay hindi nagulat. Hindi niya inisip na mapagbabantaan nilang dalawa si Zhao Feng.

Ang pakay ni Zhao Feng ay ang pinakamisteryosong Heaven's Legacy Inheritance.

Shua!

Si Tantai Lanyue ay umupo sa Horned Earth Dragon Beast at ginamit ang sukat nito para maitulak si Goddess Bing Wei palayo para unang makapasok sa Mystic Ice Inheritance.

Pagkatapos ng isang tao ay labis na humina na ang liwanag ng Mystic Ice Inheritance.

Ang ekspresyon ni Goddess Bing Wei at bahagyang nagbago at papasok na sana ngunit naramdaman ang kaniyang isip na nasusunog.

"Lightning Fire God's Eye!"

Isang kalahating malinaw na asul na lightning flame ang tumama kay Goddess Bing Wei at dahil hindi siya handa, ang lightning flames ay sinunog ang kaniyang katawan at isip.

Gamit ang kapangyarihang lumipat sa lugar ay naabot na ng Lightning Fire God's Eye ang bagong lebel na kahit ang mga nasa True Lord Rank ay mapipinsala.

Dagdag pa sa katotohanang hindi handa si Goddess Bing Wei, labis siyang napinsala ng Lightning Fire God's Eye.

Sinong mag-aakalang gagamitin ni Zhao Feng ang kaniyang Lightning Fire God's Eye nang siya ay umatras.

"Yufei, bilisan mo at pumunta ka sa Mystic Ice Inheritance... Hmm?"

Binalaan ni Zhao Feng si Zhao Yufei na nasa hindi kalayuan.

Ang dahilan kung bakit niya ginamit ang Lightning Fire God's Eye para atakihin si Goddess Bing Wei at para makapagbigay ng puwang kay Zhao Yufei.

Hindi magtatagal ay makukumpleto na ang planong ito.

Kung isusuko niya ang Mystic Ice Iheritance, hindi niya hahayaang makuha ito ni Goddess Bing Wei.

Si Zhao Yufei ay nasa lebel na ng isang quasi overwhelming prodigy at mas malakas ang kapangyarihang makalipat ng lugar kaysa kay Goddess Bing Wei. Ang mahalagang bagay ang pagkatapos ng paglipat sa lugar, ang kaniyang cultivation ay nakaabot na sa early stages ng True Mystic Rank.

Habang si Goddess Bing Wei ay napinsala ay hindi mataas ang pagkakataon ni Zhao Yufei na mapalitan siya.

Ito ay tama.

Ang plano ni Zhao Feng ay perpekto. Habang isinasantabi ang mga kalaban ay natulungan niya rin ang kaniyang mga kaibigan.

Ngunit si Zhao Feng ay problema.

Habang ang ibang True Dragon Genius ay naglalaban para sa mga inheritance ay hindi gumalaw si Zhao Yufei.

Umupo siya sa lupa at ang kaniyang noo ay nasunog. Ang Qi of True Spirit sa kaniyang katawan ay tinawag ang Heaven Earth Yuan Qi.

Ang laman ni Zhao Yufei ay mayroong dalisay na True Spirit Yuan Qi na may kapangyarihang makalipat sa lugar, ang kaniyang Qi of True Spirit at kaniyang cultivation ay tumaas, at may nangyari sa kaniyang bloodline pwer.

Wah!

Si Zhao Yufei ay biglang dumura ng dugo at may manipis na kulay luntian, lila, pula at asul ang nagsimulang lumitaw sa kaniyang maputi at tila jade na balat.

"Yufei...."

Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay nagbago, at ang kaniyang hakbang ay tumigil.

Binuksa niya ang kaniyang God's Spiritual Eye at sinuri ang sitwasyon ni Zhao Yufei.

"Ang pagtaas ng cultivation... Ang pagtatama ng Qi of True Spirit.... Kailangan niyang ilabas ito at ang kaniyang mga bloodline ay naging kakaiba."

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay mas magaling pa kaysa sa pagsusuri ng doktor.

Sa sandaling ito...

Isang anyo ang lumitaw sa asul na pinto ng Heaven's Legacy Inheritance.

Shua!

Ang mga hakbang ni Xin Wuheng ay lumagpas sa asul na pinto at naging isa sa unang taong nakapasok sa Heaven's Legacy Inheritance.

Ang pintong ito ay labis na kakaiba at si Xin Wuheng ay tatlong beses munang sinubukan bago tuluyang makapasok.

Si Yu Tianhao ay sumubok ng tatlong beses at si Shi Chengtan naman ay dalawang beses ngunit hindi nakapasok.

"Hehe, makalipas ng sampung libong taon, isang tao mula sa ating Ten Thousand Origins ang nakapasok sa Heaven's Legacy."

"Gamit ang pang-unawa ni Xin Wuheng pagkatapos na makapasok sa Heaven's Legacy Inheritance ay maaaring magkaroon siya ng kakayahang mabago ang Kalangitan."

"Ang hinaharap ng kontinente ay dedepende sa Ten Thousand Origins Clan."

Ang matandang henerasyon ng Ten Thousand Origins Clam ay napuno ng galak at ang ibang puwersa ay naiinggit at nagsisisi nang tumingin sa Heaven's Legacy Inheritance.

Sa kabutihang palad...

Ang asul na pinto ng Heaven's Legacy Inheritance ay hindi pa nagsara matapos makapasok ng isang tao.

May pag-asa pa."

Ang Ten Great Clans at mga pangunahing pamilya at kahit ang mga Sovereign ay napuno ng galak.

Sa oras na ito ay sa Heaven's Legacy Inheritance napunta ang lahat ng pansin.

Ang Mystic Ice Inheritance naman ay nawala na.

Bawat isa sa Four Great Inheritances ay lumitaw sa Sacred True Dragon Gathering na ito.

Ang Heaven's Legacy Inheritance ay huling lumiaw at maaring puno ng mga hindi inaasahang mga bagay.

Shua!

Ginamit ni Zhao Feng ang oras na ito para makalapit sa Heaven's Legacy Inheritance.

Miao miao!

Kasabay nito ay may isang pilak na kulay abong pusa ang nahulog sa tabi ni Zhao Yufei.

Nagdesisyon si Zhao Feng na makipaglaban para sa Heaven's Legacy Inheritance at iniwan ang munting pusang magnanakaw para alagaan si Zhao Yufei.

Shua!

Ang anyo ni yu Tianhao ay lumagpas sa asul na pinto.

Pagkatapos ni Xin Wuheng at Yu Tianhao ay ang pangalawang nakapasok sa Heaven's Legacy Inheritance.

Sa puntong ito ay nakarating na si Zhao Feng.

Si Shi Chengtan ay nagsimula nang mataranta at sumugod ulit sa pinto ngunit nabigo muli.

"Let me!"

Itinulak ni Zhao Feng ang mga True Dragon Genius sa malapit at nawala nang sumugod sa asul na pinto.

Bam!

Si Zhao Feng ay isinantabi ng asul na pinto.

Hindi siya nagulat at ginamit ang God's Spiritual Eye para suriin ang pinto.

Noon, si Xin Wuheng at Yu Tianhao ay sumubok nang ilang beses para makapasok.

Sa mismong sandaling ito, si Zhao Yufei na nakaupo sa lupa ay umangal sa sakit nang biglang magliwanag ang kaniyang balat.

Pa Pa!

Ang munting pusang magnanakaw ay tila nag-isip at dahan-dahang tinapik ang balikat ni Zhao Feng.

Weng~

Si Zhao Feng ay sumigaw nang nagliwanag ang parteng tinapik ng pusa at isang pares ng kalahating malinaw na pakpak ang lumabas.

Sa pagtubo ng pares ng pakpak, ang Qi of the True Spirit ay nakahanap na ng daan para makalabas at ang kaniyang aura ay tumaas.

"Salamat."

Si Zhao Feng ay may pasasalamat na tumingin sa munting pusang magnanakaw.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay biglang nakaramdam ng isang bagay at inihagis ang mga lumang barya nito sa hangin.

Sa sumunod na sandali...

Wu---- Boom!

Ang buong sinaunang arena at ang hangin ay tila nayanig.

May naramdaman si Zhao Feng at kasabay nito ay tumingin sa munting pusang magnanakaw.

Sa sandaling ito...

Ang Heaven's Legacy Inheritance, at ang lugar ay nagsimulang mayanig.

Pagkatapos nito aaay kaagad na...

Isang inheritance shadowing ang lumitaw at hinarangan ang araw.

Habang nakatingin mula sa malayo ay isa itong mundong may maraming ilaw na may iba't ibang kulay.

Booooom!

Ang pinakasinauna at misteryosong Heaven's Legacy Inheritance ay naisantabi nitong hindi malamang inheritance shadowing.