Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 383 - Seven Sword Inheritance

Chapter 383 - Seven Sword Inheritance

Higit pa sa ilang dosenanang anino ng mga inheritance ang nagpakita sa itaas ng ancient arena.

Ang isa sa kanila ay nagsimula nang malipon at mga senaryo nito at halimaw ay bahagya nang makikita.

Weng~

Isang nagniningning na pinti ang nagmula sa anino ng inheritance na ito at siyang umugnay sa ancient arena.

Sa mas tiyak na pasabi, kumonekta sa floating arena.

Sa tunog na 'pop', isang hagdan na sapat na para makaakyat ang isang tao ang siyang nagdudugtong sa floating arena at sa nagniningning na pinto.

Ang dulo ng hagdan ay ang makintab na pinto at ang eksenang ito ang siyang nagpagulat sa lahat ng mga manonood.

"Ano? Kumonekta na agad ang mga inheritances?"

Maraming mga True Dragon Geniuses kabilang na si Zhao Feng ang nagulantang.

Inisip nila na kailangan muna nilang dumaan sa maraming laban bago kumonekta ang inheritance pero sa Sacred True Dragon Gathering na ito, ang ancient arena ang siyang kumokontrol sa lahat, kung kaya hindi natin malalaman kung ano ang susunod na mangyayari.

"Napakabilis! Pero hindi pa rin nagpapakita ang Heavens Legacy Inheritance."

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Xin Wuheng habang nakatitig siya sa kalangitan,

Nagsimula nang makipag-ugnayan ang inheritances pero hindi pa rin nagpapakita ang Heavens Legacy Inheritance at maraming mga tao ang bahagyang nagsisisi.

Subalit, nang isipin ito, kahit alin sa Four Great Inheritances ay nagpapakita lamang isang beses sa bawat libong taon at sa Sacred True Dragon Gathering na ito, ang Scarlet Inheritance at Mystic Ice Inheritance ay nagpakita kahit na nanakaw ang una.

Sa pagkakataong iyon, pinigil ng mga True Dragon Geniuses ang kanilang mga hininga at tumitig sa pinto.

Nagsimula nang lumaki ang hagdan at kumonekta na sa pinto. Habang nakatingin dito gamit ang mata, parehong ang hagdan at pinto ay tila nasa pagitan ng pagiging pisikal na anyo at kawalan.

"Ito ang Northern Stair Inheritance at hindi na rin ito masama kumpara sa ibang Inheritances na nagpakita. Mas maganda naman ito kaysa sa mayroon ang Ten Great Clans."

"Bahagyang nakakalungkot na hindi nagpakita ang Heavens Legacy Inheritance, pero wala pa namang nakakasiguro hangga't wala pa tayo sa huli."

Nag-usap-usap ang mga Sovereigns sa entablado habang matingkad ang kanilang mga mata.

Sa ngayong henerasyon na Sacred True Dragon Gathering, ang mga tala ng kahit anong klase ay nasira.

Kahit hindi nagpakita ang Heavens Legacy Inheritance, ang hinaharap ay matingkad pa rin.

"Bilis!"

"Kahit na hindi iyan isa sa mga Four Great Inheritances, ang bilang ng mga tao na pwedeng pumasok rito ay limitado at maaaring hindi na tayo makasama pa."

Iilang mga True Dragon Geniuses ang napabulalas sa floating arena at sumugod tungo sa Northern Stairs Inheritance.

Sou! Sou! Sou!

Sa simula, mayroong dalawa o tatlo pero umabot ito ng dosena mamaya-maya.

Isang henyo ang sumugod sa hagdan at saka tumakbo sa kumikintab na pinto.

Shu! Shu!

Dalawang True Dragon Geniuses ang nakalagpas sa kumikintab na pinto pero tumagos lamang at nakatayo sila nang nakatulala.

Shua!

Ang isang henyo naman na tumakbo mismo papunta sa hagdan ay nakapasok sa pinto at sa tunog na 'Weng' bigla itong naglaho.

"Kailangan pala na sa mismong hagdan ka papasok."

Ang mga henyo na nasa likod ay napagtanto ang pangyayari at nagsimula nang sumugod papunta sa hagdan, pero isang tao lamang ang kaya nito sa bawat pagkakataon at kailangan nilang maglakad nang maayos para maging 'converted' at 'accepted' sila sa inheritance.

Sa pagkakataong iyon, sampung mga True Dragon Geniuses ang naglalaban-laban para makapasok doon.

Snow Sun Scorching Air!

Cruel Nine Moon Blade!

Ghostly Spatial Technique!

Isa pagkatapos ng isang True Dragon Genius ang gumagamit ng kanilang skills or techniques papunta sa daang pang-isahan sa pinto ng inheritance.

Iisipin mo pa lang na isang tao lang ang kasya sa hagdan pero isang dosena ang naglalaban ay manlalamig ka kaagad.

Mga ispada, blade lights, palm attacks, kidlat, hangin at iba pang mga anyo sa estatwang bato ang siyang nakapagpanginig sa hagdan.

"Arghhh!"

Ang isang katawan ng True Dragon Genius ay nagpira-piraso at namatay siya, ang dalawa naman ay lubhang nasaktan.

Walang emosyon na patayan.

Hindi nagtagal, ang mga mata ng True Dragon Geniuses na ito ay naging pula. Ito ay 10,000 beses pa na mas malupit kaysa sa kahit anong kompetisyon.

"Ang huling bahagi ay ginawa para paglabanin ang bawat True Dragon Genius sa isa at malaman kung sino ang dapat na makapasok sa inheritance. Ang lahat ay nakabase lamang sa skill at walang kahit anong patakaran."

Itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo.

Syempre, iilang dosena lamang ng True Dragon Geniuses ang naglalaban at ang iba ay naghihintay lang.

Ang limang napakahusay na prodigies o kaya mga first tier geniuses ay may mas mataas na mga kagustuhan at hinihintay nila ang pagdating ng mga mas malalakas na inheritances o kaya ang pagdating man lang ng Four Great Inheritances.

Sa loob ng halos kalahating oras na kinakailangan para gumawa ng tsaa.

Ang pinto ng Northern Stairs Inheritance ay nagsimula nang maglaho hanggang mawala na ito.

"Limang puwesto? Hindi, habang naglalaban ang mga ito, nauubos na rin ang enerhiya na kinakailangan para mabuksan ang Northern Stairs Inheritancw."

Ang mga mata ni Zhao Feng ay tama.

Sa bawat pagkakataon na may pumapasok sa pinto, ang ilaw ng inheritance ay dumidilim at nagiging mabuway.

Dagdag pa roon, habang lumilipas ang oras, ang makintab na pinto ay nakakaubos ng enerhiya.

Ang bilang ng mga puwesto ay limitado, at mahirap isipin kung ilang henyo ang masasawi para lamang makapasok sa isang inheritance.

Weng~

Nang mawala ang Northern Stairs Inheritance, may nagpakita na namang anino ng inheritance na siyang kumonekta sa floating arena.

Sapagkat may karanasan na sila sa nangyari kanina, may naghihintay ngayon na sampu hanggang 20 katao.

Punong-puno ng hiyawan, pag-ungol, at malalakas na tunog ang arena.

Sa pagkakataong iyon, ang kompetisyon ay nasa pagitan ng mga True Dragon Geniuses na may mas mababang rank, nasa bandang 50 pataas.

Ang limang napakahusay na prodigies at mga first tier geniuses ay hindi muna gumalaw.

Sa iilang pagkakataon lamang, dalawa hanggang tatlo na ang nakapasok sa ikalawang inheritance at ang makintab na pinto ay naging mapusyaw na nang kalahati.

Sa mismong iyon, isang masinop na anyo ang dumating sa mga ulap at mukhang may abilidad ito para hiwain ang espasyo at oras.

Naramdaman ng mga True Dragon Geniuses na tumalon ang kanilang mga puso at tila ba tinutusok ito ng sampung libong ispada.

Hindi nila mapigilang hindi tumingin sa langit at nakita nang mapusyaw ang Heavenly Sword Pavilion na nagbubuga ng mga sinag ng maliwanag na ispada.

"Iyan ang…. Ang Severen Sword Inheritance!"

Napabulalas agad ang siyam na Sovereigns na nasa entablado habang nagpakita sila ng mga mukha na masaya.

Ang Seven Sword Inheritance ay nasa ikalawang puwesto sa Four Great Inheritance, tanging nasa ibaba lamang ng Heavens Legacy Inheritance.

Wu~~

Nang bumaba ang Seven Sword Inheritance, agad nitong tinulak palayo ang kasalukuyang inheritance na nakakonekta.

Boom!

Ang nakakonekta na inheritance noon ay nagsimulang maglaho at tuluyang nawala na sa ancient arena.

"Napakadominante naman pala ng Seven Sword Inheritance. Sinira lang naman nito ang isa pang inheritance."

Ang mga True Dragon Geniuses sa ibaba ay nanood nang may gulat sa mga mata habang nagsisimula nang kumulo ang kanilang mga dugo.

Sou! Shua! Shua!

Pagkalapag agad ng Seven Sword Inheritance, 20-30 True Dragon Geniuses ang agad na pumunta, karamihan rito ay nagcucultivate sa Dao of Sword at agad na sumagupa.

"Pumatay!"

"T*** i**!!!!"

"Lahat ng pumigil sa akin ay mamamatay!"

Dalawampu hanggang tatlumpung True Dragon Geniuses ang naglaban nang karumal-dumal. Nakasisindak talaga ang eksenang iyon.

Matapos matanggap ang kapangyarihan ng transferring across space, ang mga True Dragon Geniuses na ito ay malakas na katulad ng isang True Mystic Rank at karamihan sa kanila ay nasa maagang yugto nito o mas mataas pa.

Mula rito ay sina Xia Xianshang at Cang Yuyue.

Ding Ding Shu Shu---

Agad na gumuhit sa kalangitan ang mga sword light at ang mga kabundukan ay nahati hanggang sa maging abo. Kung may isang normal na True Human Rank ang napadaan, agad silang magpipiraso gaya ng isang napunit na papel.

"Ang opensa ng mga nagsasanay sa Dao of Sword ay nakakatakot. Ang 20-30 katao na ito nang magkakasama ay kayang pumatay ng isang napakahusay na henyo."

Inisip ni Zhao Feng.

Sinuri niya ang Seven Sword Inheritancea at nagismulang mag-isip.

Ang Seven Sword Inheritance ay nasa itaas lamang ng Scarlet Moon Inheritance at Mystic Ice Inheritance.

"Kung makukuha ko ang esensya ng Seven Sword Inheritance, ang opensa ay magiging napakalakas at nakakawasak. Bukod pa roon, kakayanin ko na ring humabi ng ilang libong skills sa aking ispada…."

Bahagyang nagkaroon ng interes si Zhao Feng.

Sa comprehension ability na mayroon siya, hindi imposible para kay Zhao Feng na maisanay niya ang Dao of the Sword.s

Pero ang pag-iisip na ito ay agad na isinantabi ni Zhao Feng.

"Ang core ko ay Dao of the Soul. Ito ang pinakamabisang magagagamit para sa God'S Spiritual Eye. Kahit na malakas ang Daof of Sword, nakatuon naman nang higit ang atensyon nito sa opensa at halos wala na sa depensa."

Sinukuan na rin ito ni Zhao Feng.

Ang mundong ito ito ay masyadong marami ang kapangyarihan at techniques. Ang opensa mo ay maaring malakas, peero may kahinaan pa rin ito.

Halimbawa na lamang, sina Goddess Bing Wei at Shi Chengtian ang nasa tuktok ng mga Sword Cultivators, pero parehong malakas ang kanilang depensa at kaya pa ngang patigasin ni Goddess Bing Wei sa yelo ang kanyang kalaban bago ito makalapit. Nagagamit rin ni Shi Chengtian ang kanyang Gravity Domain at agad na nagigipit ang kalaban para hindi nila magamit ang kalahati ng lakas o maaaring ang buo pa.

Ang kompetisyon para sa Seven Sword Inheritance ay napakainit na.

Ang mga henyong nagsasanay sa ispada ay hindi lamang limitado kay nila Cang Yuyue at Xia Xianshang. May iba pa ring mga kalaban na mas malakas pa sa kanila.

Kahit si Tuoba Qi na kabilang sa isa sa mga tatlong eye families ay sumali rin sa paligsahan.

"Kung matatanggap ko ang core ng Seven Sword Inheritance at maipag-isa ko ito sa Heavenly Piercing Eye ko, kahit ang mga napakahusay na prodigies ay hindi sapat para labanan ako."

Naguhitan ang mga mata ni Tuoba Qi, at isang hindi nakikitang patalim ang siyang humiwa sa leeg ng mga kalaban.

Shua!

Si Tuoba Qi ang kauna-unahang nakaapak sa loob ng Seven Sword Inheritance.

"Sister Yuyue, ang talento mo sa Dao of Sword ay mas mataas kumpara sa akin. Sasalagin ko muna sila at mauna ka nang pumasok."

Sinunog ni Xia Xianshang ang kanyang Qi ng True Spirit at nasalag niya ang malalapit na True Dragon Geniuses sa pamamagitan ng isang arko ng maliwang na sword light.

Subalit, nangangahulugan ito na aatakihin siya ng napakaraming pulutong ng mga henyo gamit ang ispada at mapapadura siya ng dugo.

Shua!

Nakatingin si Cang Yuyue nang nagpapasalamat kay Xia Xianshang bago tuluyang pumasok sa Seven Sword Inheritance. Lubhang nasaktan si Xia Xianshang sa dami ng mga henyong naunawaan na ang sword intent at inaatake siya.

Weng~

Ang pinto sa Seven Sword Inheritance ay nagsarado na. Hindi naman dahil sa walang sapat na enerhiya, agad lamang itong nagsara.

"Dalawa lamang ang puwesto para sa Seven Sword Inheritance!"

Ang mga henyong naglalaban sa baba ay napaungol sa disgusto habang pinapanood nila ang isa sa mga Four Great Inheritances, ang Seven Sword Inheritance, na mawala sa kanilang mga paningin.