Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 377 - Ang Pagkasawi ng Isang Napakahusay na Prodigy

Chapter 377 - Ang Pagkasawi ng Isang Napakahusay na Prodigy

"Ang kalaban ko ay hindi ang lalaking bato, kundi ang basurang gaya mo… Isang atake lamang ay sapat na para matapos ko kayong dalawa."

Ang mga mata ng kabataang kulay asul ang buhok ay malamig at tila wala talaga siyang pakialam.

Napakalupit ng pangungusap na ito na kahit si Taiyun Shuangzi na kilala sa kanyang kasamaan ay nagulantang.

"Isang atake lang ay sapat na? Saan naman yata nanggagaling ang kumpiyansa mo Zhao Feng?"

Si Tantai Lanyue na nakasunod sa likod ay nagulat sa eksenang ito.

Mula sa orihinal na limang napakahusay na prodigies, si Taiyun Shuangzi ay isang kambal na nasa iisang katawan na ang battle power ay sobrang nakasisindak lalo na pag magkasama sila. Sila ay karumal-dumal at may mga bakas sila ng pagiging pangalawang pinakamalakas.s

Sina Taiyun Shuangzi ay isang malakas na kalahok para sa unang puwesto ng Sacred True Dragon Gathering at may malaking tsansa na makalaban si Yu Tianhao.

Si Shi Chengtian na nilubog ang kanyang sarilis a lupa ay inisip: "Ang Zhao Feng na ito ay talagang ibang antas ang panloloko."

Subalit, bilang isang taong minsan nang nakalaban si Zhao Feng dati, alam niya ang kapangyarihan nito kung kaya kalahating naniniwala siya at kalahating alanganin.

Hindi siya tumakbo nang malayo at agad niyang ginamit ang oras para manumbalik ang kanyang lakas habang itinutuon ang kanyang atensyon sa lugar na pinaglalabanan.

"Isang atake para matalo kami? Napakaarogante!"

"Yayayaya… Mukhang hindi inilalagay ni Zhao Feng ang kanyang mga mata sa atin!"

Umungol si Taiyun Shuangzi at inilabas niya ang kanyag True Spirit Realm na naglalaman ng kasindakan at kalupitan.

Kung iisipin ang proseso kung paano nila nailagay ang kanilang pangalan sa Sacred True Dragon Gathering at kung paano sila iniiwasan ng ibang napakusay na prodigies, at ngayon pinapahiya lamang sila rito??

Kailan pa sila minaliit nang ganito?

Isang atake ay sapat na.

Isa itong kawalan ng respeto sa kanila.

"Malupit, madaling galitin, sakim…"

Tumayo lamang si Zhao Feng habang ang kanyang mga kamay ay nasa likod at pinapanood si Taiyun Shuangzi na sugurin siya.

Boom!

Isang malapit na bundok ang nahati at isang maliit naman na burol ang sumabog.

Flaming nine sky blades!

Earth Ice Sword soul!

Ang ispada at patalim ay sumanib sa yelo at apoy na siyang ginawang dead zone o patay na lugar ang lahat sa loob ng isang milya. Ang nakasisindak na kapangyarihan na ito ay agad na makapapatay ng mga normal na True Mystic Ranks.

Ang dalawang peak skills na ito ay magkasalungat na elemento at ang kanilang battle power rin ay top tier.

"Ang kanyang atake ay masasabing perpekto dahil sa pagsasama ng yelo at apoy, patalim at ispada."

Bumuntong hininga si Zhao Feng sa kanyang puso.

Sa ilalim ng ganitong sitwasyon, hindi siya makakalamang kay Taiyun Shuangzi.

Shua!

Isang malabong anino ang naiwan at ang kalangitan ay napuno ng mga labing-imahe.

Booooom----

Ang unang mga atake nila Taiyun Shuangzi ay hindi tumama at napunta lamang ang kanyang atake sa isang burol kung saan kani-kanina lamang ay may nakatayong tao.

"Pangit na halimaw, kayong dalawa ay pinanganak nang magkasama at wala kayong kalayaan o pagkakapribado man lang, Kahit ang inyong buhay ay magkaugnay rin. Nakakaawa naman at nabubuhay pa kayo sa mundong ito? Ito siguro ang dahilan kung bakit uhaw na uhaw kayo sa dugo."

Tumayo muli si Zhao Feng sa isang burol, ang kanyang mukha ay puno ng awa at pagkutya.

Nang marinig ito, umungol si Taiyun Shuangzi at ang kanyang galit ay umabot na sa pinakamataas na antas.

"Graaaaa… Patay kang bata ka!"

"Yayaya…. Sutil na may kulay asul na buhok, sino nga para mangahas na maliitin kami!? Lahat ng gumawa nito dati sa amin ay pinagpipirapiraso namin ng sampung libong beses at saka kinain."

Ang pagnanasang makapatay ay nakaguhit sa mga mata nila Taiyun Shuangzi.

Mukhang natamaan ni Zhao Feng ang kahinaan nila Taiyun Shuangzi. Kahit na dalawang tao sila, ang dalawa ay namumuhay sa isang problema at wala silang kalayaan pagkakapribado. Kahit sa tuwing gumagamit sila ng isang babae ay isang katawan pa rin ang gamit nila.

"Hehe, napakasimple lang naman ng dapat gawin. Kapag pinatay niyo ang isa, ang maiiwang isa ay mabubuhay nang may kalayaan at magkakaroon ng bagong buhay."

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Zhao Feng.

Patayin ang isa.

Matagal na itong naisip nila Taiyun Shuangzi. Pagod na sila sa katawang ito at sa isa't isa. Subalit, magkapatid sila at binabantayan sila ng kanilang dibisyon.

Eye of the Heart!

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay tila gumawa ng isang kalangitan.

Ang galit na galit na Taiyun Shuangzi ay nawala sa kanyang pag-iisip at nang makita niya ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, natulala lamang ito at nakatayo nang pirmi.

Agad na sumunod rito.

Ang dalawang mukha ni Taiyun Shuangzi ay nagsimulang mahirapan at ngumiti na parang baliw na tila sinasaniban ng kanilang katusuhan.

Ang kanilang mga mata ay agad na binalewala si Zhao Feng at saka tumingin sa isa't isa.

"Nakatatandang kapatid, pagod na pagod na ako sa'yo. Bakit hindi mo ko hayaang mabuhay? Gusto kong mamuhay nang malaya at masaya. Ayokong ibinabahagi ang aking mga babae…."

Ang nakababatang kapatid sa Taiyun Shuangzi ay sinabi ito sa nakamamatay na tono habang isang ispada ang tumama sa nakatatandang kapatid.s

"Hehe, alam kong darating rin ang araw na ito."

Tumawa ang nakatatanda sa dalawa habang ang kanyang patalim ay nagningning sa matingkad na ilaw at saka hiniwa ang kanyang nakababatang kapatid.

Ding Ding Dang Dang---

Ang dalawa ay naglaban nang walang tigil at sa iisang katawan lamang, ang patalim at ang ispada ay nagkasalubungan at nagdala ito ng pagkislap sa buong paligid.

Ang dalawa ay naghahati sa isang katawan at ang kanilang Qi ng True Spirit ay magkasama rin.

Sa saglit lamang na oras, ang dalawa ay nagdulot na ng mga apoy at bagyong yelo na kapwa umaalingawngaw sa kanila.

Ang anyo ni Zhao Feng ay nagsimulang maglaho, ang kanyang kaliwang mata ay napuno ng hinaharap na maaaring maganap.

"Ang Eye of Heat ay napakaepektibo para sa mga taong mahihina ang mental energy will."

Pinanood lamang ni Zhao Feng na atakihin ni Taiyun Shuangzi ang kanyang sarili.

Kung battle power lamang ang pag-uusapan, higit na maingat si Zhao Feng kay Taiyun Shuangzi. Kahit rin kay Goddess BingWei, Tantai Lanyue at iba pang mga napakahusay na prodigies.

Ang kombinasyon ng ispada at patalim nina Taiyun Shuangzi ay perpekto at inaamin ni Zhao Feng na wala siyang kumpiyansa na lumaban sa kanila nang direktahan.

Subalit, ang pagkapanalo minsan ay hindi nangangailangan ng lakas. Maaaring makamit ito sa isang napakaeleganteng paraan.

Si Taiyun Shuangzi ay naaapektuhan ng kanyang kapaligiran at mayroon silang pangunahing kahinaan sa kanilang puso na inilabas ni Zhao Feng.

Ang pagkapanalo sa isang atake ay hindi isang kasinungalingan.

Ni hindi kailangang gamitin ni Zhao Feng ang kanyang mga kamay at kaya niyang paatakihin sina Taiyun Shuangzi sa isa't isa kung saan matatapos ito sa pagkamatay nilang dalawa.

"Diyos ko? Ano ang nangyari kay Taiyun Shuangzi? Talaga bang natalo siya ni Zhao Feng sa pamamagitan lamang ng isang atake?"

Si Tantai Lanyue na nasa likod ay gulat na gulat.

"Ang isang atake ay sapat na nga. Mukhang hindi talaga nagsisinungaling si Zhao Feng."

Ding Dang! Ding Dang!

Ang dalawang magkapatid na Taiyun Shuangzi ay naglaban nang naglaban at hindi nagtagal ay pareho na silang sugatan.

Dahil magkahati lamang sila sa isang katawan, sinubukan nila ang kanilang galing sa pag-atake ng ulo at mga biyas ng isa't isa.

Ang nakatatandang kapatid ay sugatan ang kanang braso at marami itong sugat sa kanyang mukha.

Ang nakababatang kapatid naman ay nawalan ng isang tainga.

Sa pagkakataong iyon, karumal-dumal ang tingin ng dalawa sa bawat isa.

Isang oras ang makalipas.

Ang katawan nila Taiyun Shuangzi ay pabagsak na habang nakatingin sila sa isa't isa.

Xiu!

Isang biglaang guhit ng kidlat ang dumaan sa kanilang likod.

"Hindi ito maganda!"

Nakaramdam ng lamig ang dalawang magkapatid mula sa kanilang likod, pero huli na ang lahat.

Shua!

Ang isa sa kanilang mga binti ay naputol at ang dugo ay nagkalat.

Plop!

Pagkatapos mawalan ng balanse, agad na natumba si Taiyun Shuangzi sa lapag at marami pa itong mga sugat na naiwan mula sa kanilang labanan.

Ang atake ni Zhao Feng ay nakasentro ulit sa kahinaang nilang dalawa sapagkat dahil magkahati lamang sa isang katawan, dalawa lang rin ang kanilang mga binti. Matapos mawalan ng isa, ang kanilang kilos ay higit na bumagal at nawalan ng liksi.

"T*** ***, naloko tayo ng sutil na ito…."

May pagsisising banggit ni Taiyun Shuangzi.

Sa pagkakataong iyon.

Si Taiyun Shuangzi ay nasaktan nang malubha at nawalan ng isang binti. Ang kanyang pangkalahatang lakas ay nabawasan ng kalahati.

Si Zhao Feng ay nakatayo sa burol nang may mapaglarong ngiti sa mukha. Nagmukha siyang Lord ng Wicked Path nang pilitin niya ang kalaban sa isang desperadong sitwasyon.

"Takbo!"

Hindi naman tanga sila Taiyun Shuangzi at pinababa nila ang sakit nang padaluyin nila ang Qi ng kanilang True Spirit para makalipad sa ere.

Ang kanilang kasalukuyang estado ay kaawa-awa. Bukod pa sa mga napakahusay na prodigies, kahit ang mga nasa first tier ay kaya silang talunin sa kasalukuyan.

Dagdag pa roon, ang mga pamamaraan ni Zhao Feng ay kakaiba at mapanlinlang. Habang iniisip ang nangyari, naging malamig ang kanilang pakiramdam.

"Taiyun Shuangzi, mamatay ka na!"

Isang malakas na boses ang maririnig mula sa kabundukan at isang malaking kalupaan ang tumama kay Taiyun Shuangzi.

"Shi Chengtian!"

Napag-alaman na lang ni Taiyun Shuangzi na nahuhulog na siya habang sumisigaw sa takot.

Crack!

Lumabas si Shi Chengtian mula sa bundok at ang kanyang malaking katawan ay tinapakan nang madiin ang katawan ni Taiyun Shuangzi.

Wah!

Agad na dumura ng dugo sina Taiyun Shuangzi at ang kanilang mga buto ay nabali at nagdugo rin ang kanilang mga laman-laman.

Si Shi Chengtian ang may pinakamalakas na katawan sa buong Sacred True Dragon Gathering at kapag nakalipon ang lahat ng kanyang lakas, ang kanyang kapangyarihan ay talagang nakasisindak.

Bukod pa roon, walang kahit anong bakas sa mukha ni Shi Chengtian na titigil siya sa pagtapak sa kawatan ni Taiyun Shuangzi habang kinukuha niya ang True Dragon Token nito.

Weng~~

Dalawang matingkad na gintong dragons ang magkadikit pero dahil napakalaki ng dragon blessing sa kanilang malaking True Dragin Token, hindi agad ito mahihigop sa loob ng maiksing oras.

Nang pumusyaw na ang kulay ng True Dragon Token sa kalahati, itinapon na ito ni Shi Chengtian kay Zhao Feng.

Hindi ito tinanggihan ni Zhao Feng at kinuha na nag True Dragon Token. Mayroon pa itong 60%.

"Mas maraming kang nagawa sa pagpatay kay Taiyun Shuangzi. May utang na loob ako sa iyo."

Nangako si Shi Chengtian kay Zhao Feng habang tinatapakan ang katawan ni Taiyun Shuangzi.

Ang pagpunta ni Zhao Feng para manggulo kay Taiyun Shuangzi ang siyang nagligtas ng buhay ni Shi Chengtian.

Si Shi Chengtian ang pinakatapat sa lahat ng limang napakahusay na henyo at kung siguradong gagawin niya ang pangakong utang na loob kay Zhao Feng.

Weng~

Ang gintong dragon sa likod ni Zhao Feng ay nagsimula nang lumaki.

Ang dragon blessing ni Tauyun Shuangzi ay napakarami at ang 60% nito ang nagdulot para kay Zhao Feng na malagpasan ang kay nila Goddess Bing Wei at Tantai Lanyue.

Crack!

Sinira na ni Shi Chengtian ang katawan ni Taiyun Shuangzi at pinagpirapiraso ito habang umungol ng huling beses ito bago namatay.

Ang isang napakahusay na prodigy ay napatumba na ngayon.

Si Tantai Lanyue na nanonood sa malapit ay hindi mapigilang mapahinga nang malamig habang ang kanyang mukha ay namumutla.

Sinuri niya ang kabataang kulay asul ang buhok sa may burol nang may pagkabahala at kataimtiman.

Ang kamatayan ni Taiyun Shuangzi ay parang wala lang kay Zhao Feng habang napabulong siya sa kanyang sarili: "Mas mabuti nang namatay siya kay Shi Chengtian."