Itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo at walang emosyon na sinipa si Empress Qin, na may itsurang kayang manira ng isang bansa, patungo sa kanila.
Ang kilos na ito ay nakapagpatulala sa lalaking kulay dugo ang buhok na si Tiemo at siyang nagpalaki rin sa mga mata ng Grand Elder.
Ang lahat ng sumunod na nakatataas ng Imperials ay nagulantang.
Hindi kaya gawa sa bato ang puso ni Zhao Feng? Para masipa ang pinakamagandang babae sa Great Country nang walang sinasabi?
Bukod pa roon, si Empress Qin ay isang elder sa kanya.
Subalit, ang sitwasyon ay hindi ganoon kasimple. Sa segundong sinipa siya ni Zhao Feng, isang malamig na liwanag ang gumuhit sa mga mat ani Empress Qin at isang matingkad na pula sa kanyang noo ay pumusyaw nang kalahati at isang maraming kulay na Qi ng True Spirit ang direktang nakatungo kay Zhao Feng.
Umatake na pabalik si Empress Qin.
Nang hindi nalalaman, nanumbalik na pala ang 10-20% na kontrol ng Empress sa kanyang Qi ng True Spirit at sa ganitong kritikal na pagkakataon, lumaban na agad siya.
"Mag-ingat ka!"
Bumulalas agad si Tiemo, pero hindi na siya nagkaroon ng sapat na oras para makialam pa.
"Pagkatapos kong patayin si Zhao Feng at masira ang Mystic Peach Flower Seal, agad kong makukuha ang lahat ng lakas ko bilang isang nasa True Lord Rank. Ni hindi ko nga dapat katakutan ang Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion at dahil nariyan na ang Grand Elder at ang iba pa, maaari namin mapatay si Tiemo."
Muli na namang napuno ang mga mata ni Empress Qin ng intensyong patayin si Zhao Feng habang ang Qi ng kanyang True Spirit ay direktang nakabuga kay Zhao Feng.
Isang nakakagulat nga ito na pagbabago.
Kung magtatagumpay si Empress Qin, hindi lamang mamamatay si Zhao Feng, pero ang buong sitwasyon ng Great Country ay magbabago.
"Napakahusay."
"Talagang karapat-dapat talaga siya sa titulong Empress."
Ang mga mata ng Imperials ay nagningning.
Subalit, sa pagkakataong umatake ang Empress Qin, nakasipa na agad si Zhao Feng at kalahating beses siya na mas mabilis kaysa sa Empress.
Ang dalawa ay parehong apektado pa rin ng Three Flowered Treasured Lotus at ang maiksing distansya ay hindi kayang matabunan ng kanilang cultivation.
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay pumalahaw at kahit na ang Mystic Snake Bloow Whip ay nasira nang bahagya dahil sa Qi ng True Spirit ng Empress, desidido pa rin ang pusang ito at ibinato ang latigo patungo kay Empress Qin.
Bam!
Natamaan ng binti ni Zhao Feng si Empress Qin.
Boom!
Umigik si Zhao Feng at halos mapadura siya ng dugo, pero ang kanyang binti ay naglalaman ng kapangyarihan ng kidlat at ng source ng True Spirit ng Water Moon Pirate kung kaya nanigas nang bahagya si Empress Qin at napaatras.
Ang kasalukuyang Empress Qin ay may 10-20% lamang ng kanyang lakas at lalo pa siyang nawawalan ng pag-asa ng kunin ni Zhao Feng ang unang atake.
Pa!
Ang pangalmot ng munting pusang magnanakaw ay nagningning nang kay lamig at saka nito sinugatan ang mukha ni Empress Qin.
Shua!
Ang Protective Qi ng True Spirit ni Empress Qin ay nasira at ang kanyang napakagandang anyo ay naitulak palayo sa Three Flowered Treasured Lotus.
Isang namumulang sugat ang masisilayan sa kanyang magandang mukha.
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay dinilaan ang dugo sa kanyang mga pangalmot at gumawa ng kakaibang mukha kay Empress Qin.
"Ang pusang ito…."
Galit na galit si Empress Qin at siya ay nanginginig. Ang isang Empress na gaya niya ay tila ba sinampal sa mukha ng isang pusa.
Kahit ang kanyang pag-atake ay hindi nagtagumpay, katumbas pa rin ito ng kay Zhao Feng pero mukhang minaliit niya ang pusa.
"Kagila-gilalas na pusa!" Napabulalas si Tiemo nang makarating na siya sa kanilang likod.
Inilabas na ni Zhao Feng ang Mystic Peach Flower Seal at biglang nagbago ang ekspresyon ni Empress Qin habang pabalik na siya sa kanyang Grand Elder at sa iba pa.
Pagkatapos ng kanyang hindi matagumpay na pag-atake, kailangan niyang aminin na hindi siya mananalo.
Ang dahilan kung bakit nanalo si Zhao Feng ay hindi dahil sa kanyang talino, lakas o tapang.
Hindi siya lumalaban nang mag-isa. Sa likod niya ay isang kalkulasyon mula sa Water Moon Pirate na nalinang sa loob ng ilang daang taon.
Kahit sa ilalim ng ganitong sitwasyon, halos magwagi na si Empress Qin. Mula rito, makikita talaga kung gaano siya kamapanganib.
Kahit si Tiemo ay nagpapawis nang malamig.
Ang pagkakaroon ng Mystic Peach Flower Seal ay nangangahulugang napipigilan ni Zhao Feng ang kapangyarihan ni Empress Qin na may battle power ng isang True Lord Rank.
"Sumama ka na sa akin sa Sedan."
Hinila na ni Tiemo si Zhao Feng sa kanyang Golden Spear Blood Dragon Sedan.
Sa pagkakataong iyon, sina Grand Elder Long Mu, Empress Qin, dalawang nasa True Lord Rank at limang nasa True Mystic Ranks ay nakaharap sa Golden Spear Blood Dragon Sedan.
"Elder Long Mu, bakit hindi natin ginamit ang pagkakataon na ito para tapusin si Tiemo? Basta mapatay natin siya o masaktan man lang, higit na magbabago ang sitwasyon sa Canopy Great Country."
"Alam naman ng lahat na ang Patriarch ng Iron Blood Religion ay kunwa-kunwarian lamang na nasa isang mahimbing na pagtulog. Ang iisang Tiemo ay hindi natin kapantay."
Nag-usap-usap ang ibang nakatataas, pero ang Grand Elder Long Mu at Empress Qin ay parehong tahimik lamang at kalmado.
"Empress Qin, ano sa tingin mo?"
Nabaling ang atensyon ni Elder Long Mu kay Empress Qin.
"Ang tsansang magtagumpay tayo ay 50% lamang. Ang kapangyarihan ng Iron Blood Religion ay nasa Capital na sa loob ng napakaraming taon. Alam ng lahat ang lakas ni Tiemo. Sinamahan ng Wheel of Light and Darkness, ang kanyang opensa at depensa ay perpekto na. Bukod pa roon, ang Golden Spear Blood Dragon Sedan ay isang Inheritance Item mula sa Iron Blood Religion Patriarch at kaya nitong balewalain ang atake ng mga nasa True Human Rank, pahinain nang 70% ang mga atake ng nasa True Mystic Rank at 30% sa True Lord Rank. Masasabi natin na mula rito, hindi natin sila matatalo ngayon."
Si Empress Qin ay hindi bulag sa kanyang galit.
Kahit may kalmot sa kanyang mukha, hindi niya ito kinapangit pero lalo tuloy siyang gustong protektahan ng iba.
Sa totoo lang, may iba pa siyang problema at ito ay ang Mystic Peach Flower Seal at Three Flowered Treasured Lotus ni Zhao Feng.
Ang Mystic Peach Flower Seal ay pinipigilan siya at ang Three Flowered Treasured Lotus ay kayang maglabas ng tatlong amoy na kayang apektuhan ang mga nasa True Spirit Realm. Kasama ng Golden Spear Blood Dragon Sedan, tila ba nilagyan ng pakpak ang isang tigre.
Kung kaya, ang tsansa na magtatagumpay ang Imperials ay napakababa at si Empress Qin ay wala ring pag-asa.
Umupo na si Zhao Feng sa malambot na sedan at nakaramdam na siya ay ligtas.
Kahit ang God's Spiritual Eye niya ay nahihirapang makita ang materyales na ginamit para buuin ang Golden Spear Blood Dragon Sedan.d
"Zhao Feng, kung ibibigay mo ang Mystic Peach Flower Seal, hahayaan ka naming umalis." Wika ng Emperor ng Canopy Great Country.
"Kung ang aalisin ng Imperials ang patong sa aking ulo at hindi sasaktan ang mga taong malapit sa akin o kahit ako, ako mismo ang sisira ng Mystic Peach Flower Seal sa loob ng tatlong taon." Tugon ni Zhao Feng.
Habang nasa kamay ang Mystic Peach Flower Seal, kailangan munang mag-isip ni Empress Qin kung aatakihin niya ba talaga si Zhao Feng o saktan man lang ang Broken Moon Clan.
Ang dahilan kung bakit niya sinabing tatlong taon ay sapagkat napagtanto na ni Zhao Feng na ang kapangyarihan ng Mystic Peach Flower Seal ay humihina na lalo pa at nagamit na ito ngayon at wala na itong magagawa pa kay Empress Qin pagkatapos ng tatlong taon.
"Sige payag ako, gawin mo lang ang iyong pangako."
Itinango ni Empress Qin ang kanyang ulo. Sa pinakamalalang sitwasyon, ang kailangan lang naman niyang gawin ay magtago sa loob ng tatlong taon at kapag bumalik na si Zhao Feng, susubukan niya ang kanyang lahat para lamang maayos ang isyu niya sa mga kalkulasyon ng Water Moon Pirate.
Pagkatapos magkaroon ng kasunduan ng dalawang panig, ang Golden Spear Blood Dragon Sedan ay umalis na kasama ang apat nitong tagabuhat na nasa True Human Rank.
Ang mga Imperials ay inihatid na lamang ang Golden Spear Blood Dragon Sedan gamit ang kanilang mga mata.
"Grand Elder, Emperor, Empress, hahayaan na lang ba natin silang umalis?"
"Pagkatapos ng insidenteng ito, nasaan na kaya nakalagay ang kapangyarihan ng mga Imperials?"
Iilan sa mga nakatataas ay hindi mapigilan ang kanilang sarili. Isang mahinang kabataan lang naman na nasa Ascended Realm ang dumukot sa kanilang Empress at inihatid lamang nila ang mga kalaban sa pamamagitan ng tingin. Isa itong malaking pasakit sa ngalan ng Imperials.
"Kung hindi natin kayang mapigilan ang ating mga sarili sa ganito kaliit na sitwasyon, magkakagulo agad tayo kung may mga malalaking pangyayari. Ang lakas ng Iron Blood Religion ay kasalukuyang nagagapi tayo nang bahagya at may isa pa silang Patriarch na ang buhay at kamatayan ay hindi matukoy."
Bahagyang iniiling ni Grand Elder ang kanyang ulo.
"Oo, inaamin nating ang Iron Blood Religion Patriarch ay malakas. Ilang daang taon na ang nakalilipas, isa siya sa mga sumira sa Scarlet Moon Patriarch at isang eksperto na lumaban sa Scarlet Moon Religion. Pero ang ilang daang taon ay lumipas na at ang buhay ng isang normal na Sovereign na nasa Origin Core Realm ay 500-800 taon lamang. Kung babalikan, ang Iron Blood Religion Patriarch ay lubhang napinsalaan at sinasabing natutulog lamang pero nagsususpetsa ako na matagal na itong namatay. Kahit na buhay pa siya, hindi na siya kasinglakas ng dati o kung ganoon man, edi sana napag-isa niya nang Great Country at naabot na nila ang pagiging isang 'One Star Clan'." Isang True Lord Rank na kulay kayumanggi ang buhok ang nagwika nito nang mapakla.
"Elder Shui Xin, ano man ang sinasabi niyi ay maaaring totoo. Pero sa ngayon, ito ang pinakakakaibang punto ng panahon sa Northern Continent, Middle Continent at kahit sa Ten Great Factions." Bahagyang ngumiti si Grand Elder Long Mu.
Nang marinig ito, ang mga taong naroroon ay nagsimulang mag-isip.
"Ang sinasabi mo ba ay ang… Sacred True Dragon Gathering?"
Ang mga mata ng taong naroroon ay nagningning.
Alam niyo namang lahat ang kadakilaan ng Sacred True Dragon Gathering. Bawat sampung taon, tanging mga tunay na henyo lamang na may sapat na yaman ang kayang magbukas ng Four Great Inheritances. Sa nakalipas na sampung libong taon, isang beses lamang nagpakita ang Heaven's Legacy Inheritance, dalawang beses ang Seven Sword Inheritance at ilan pang malalaki at maliliit na mabubuod sa isang daang beses." Pagtigil ng Grand Elder.
"Ang Sacred True Dragon Gathering ay ang Green Flower Area at fortune rin ng iba pang mga area. Ang Ten Great Factions at bawat bansa ganoon rin ang Origin Core Realm Sovereigns ay may kanya-kanyang rekomendasyon. Ito ay may malaking maiaambag para sa kinabukasan ng Great Country. Kung kaya nilang makapasok sa inheritance at makapaglabas ng mga malalakas na sandata at mga sikretong techniques, kaya nitong baguhin ang tadhana ng isang Great Country."
Itinango ni Empress Qin ang kanyang ulo at isang ekspektasyon ang sumisilay sa kanyang mga mata.
Sa loob ng Golden Spear Blood Dragon Sedan.
"Maraming salamat Deputy Patriarch para sa inyong tulong."
Punong-puno ng pasasalamat si Zhao Feng.
Sa ngayong pagkakataon, ginamit niya na ang kanyang Gold Iron Blood Order Token, at talagang binayaran ng Iron Blood Religion ang kanilang pagkakautang.
Sinuri muna ni Tiemo si Zhao Feng sa isang sandali bago ito sabihin: "Zhao Feng, sa tingin ko ay minaliit ko nga ang iyong potensyal at tapang. Ngayong ang iyong mga kalaban ay ang Imperials, Liu Family at kahit pa ang Qin Sword Palace, saan ka na pupunta?"
Biglang nawala si Zhao Feng sa kanyang sarili nang marinig ang tanong na ito.
Nakumpleto niya na ang misyon na pinapagawa ng kanyang Master pero ang tagatanggap ng sulat na iyon ay sinubukan siyang patayin.
"Pagkatapos kong galitin ang Flooding Lake City Lord at Imperials, saan kaya ako pupunta?"
Talagang nawawala na nga si Zhao Feng.
Wala na siyang lugar para paglagyan ng kanyang mga ugat.
Bumalik sa Thirteen Countries? Ang sitwasyon roon ay hindi naman bubuti pa kaysa dito.
Sa kabilang banda, ang pananatili rito ay nangangahulugan ng mas maraming resources at kayamanan.
"Kung gusto mo lang, pwede naman kitang gawin na Chapter Leader ng Iron Blood Religion at bigyan ka ng iyong sariling teritoryo na may populasyon na kasingdami ng isang Small Country."
Talagang hinahangaan ni Tiemo si Zhao Feng. Kahit nabayaran niya na ang pagkakautang niya kay Zhao Feng, nag-aalok pa rin siya rito ng kanyang tulong at handa pa siyang gawing Chapter Leader si Zhao Feng.
Nangangahulugan ito na kung gugustuhin ni Zhao Feng, ang teritoryong kanyang hahawakan ay maihahalintulad sa Cloud Country.
Sa Iron Blood Religion, tanging ang mga nasa True Mystic Rank lamang ang may karapatan na maging isang Chapter Leader.
Mula rito, makikita ng isang tao kung gaano kalaking pagpapahalaga ang nilalagay ni Tiemo kay Zhao Feng.
Ang sitwasyon ngayon ni Zhao Feng ay wala siyang lugar na pagtutuluyan at ang panganib ay malapit lang.
"Gusto kong pumasok sa Iron Blood Religion." Pagpayag ni Zhao Feng.