Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 219 - Balasubas

Chapter 219 - Balasubas

Bawat isa sa tatlong kalansay ay may lakas na maihahalintulad sa mga disipulo na pupunta ng Three Clan Party.

Kaharap ang mga atake nilang tatlo, kahit si Zhao Feng ay napapaatras ng ilang hakbang.

Shua Shua Shua---

Tatlong ispadang buto ang humiwa kay Zhao Feng na siyang sumira sa anyo ni Zhao Feng.

Shuuu-

Gumuhit ang kidlat sa hangin at isang anyo ang nagpakita ilang yarda ang layo mula sa kanila.

Isa itong skill na nilikha ni Zhao Feng. Ang "lllusion Lightning Arc Step" ay gumagamit ng Illusion Fish Picture bilang pundasyon habang nilalagyan ito ng Lightning Inheritance.

Hindi sinubukan ni Zhao Feng na gamitin ang skill na ito sa Three Clan Party sapagkat hindi niya pa ito nasasanay nang sapat, pero ilang buwan ang lumipas, naperpekto niya na rin ang Illusion Fish Lightning Arc Step.

Ang tatlong kalansay na maikukumpara sa isang 6th Sky ay hindi man lang mahawakan si Zhao Feng.

Lightning Wind Palm!

Mga arko ng kidlat ang nabuo sa palad ni Zhao Feng na siyang nagdulot ng tunog ng kidlat para marinig.

Boom- Crack!

Agad na naitulak ang tatlong hugis tao na kalansay.

Ang kalansay na nasa harap ay naging isang itim na abo samantalang ang dalawa pa ay nasira ang katawan.

Napakalakas!

Tinignan ni Zhao Feng ang kanyang palad nang may saya.

Ang ikaanim na antas ng Lightning Wind Palm ay talagang nakasisindak – kaya nitong patayin ang tatlong kalansay na maihahalintulad sa isang 6th Sky!

Sa misteryosong lugar na ito, hindi na kailangan pang itago ni Zhao Feng ang kanyang Lightning Inheritance.

Ang dalawa pang kalansay ay nasira ang pigura at nang iwagayway ni Zhao Feng ang kanyang kamay, may mga arko ng kidlat ang napunta sa kanila.

Crack Crack!

Ang dalawang hugis tao na kalansay ay nagpirapiraso.

Nagpakawala ng hininga si Zhao Feng. Kahit mukhang malakas ang tatlong kalansay, mukhang nalalabanan naman ito ng kanyang Lightning Wind Palm.

Ang pumatay ng tatlong nilalalang na maihahalintulad sa isang 6th Sky ay bahagyang sobra na yata.

Mula sa ibang perspektibo, kaya kayang pumatay ni Zhao Feng ng tatlong Yang Gan gamit ang isang palad? Syempre, lalo na sa mga normal na sitwasyon, hindi ito mangyayari.

Pagkatapos pumaslang ng tatlong kalansay, agad na tumuloy si Zhao Feng paharap.

Mayroon pang isang daang yarda bago ang mga libingan at dahil sa nakabantay si Zhao Feng, tinignan niyang mabuti ang patong ng mga puting paa sa kanyang baba.

Clack clack.

Ang mga putting buto sa lupa ay nagsimula ulit na gumalaw at ang mga hugis-tao na kalansay ay nagsimula na ring bumangon.

"Mamatay ka na!"

Bago pa sila tuluyang mabuo, ginamit na agad ni Zhao Feng ang kanyang Lightning Wind Palm at isa isa silang pinaslang.

Ang kanyang movement skill na "Illusion Fish Lightning Arc Step" ay nagdulot ng mga arko ng kidlat para gumuhit sa hangin sa tuwing siya ay gumagalaw.

Kahit tatlo o apat pa na taong kalansay ang magpakita, napapatay na sila ni Zhao Feng bago pa sila makabangon.

Mukha siyang naglalaro ng 'hit the mole', na sa tuwing may lalabas na mole ay papaluin niya ito.

Pinapakita ni Zhao Feng na tila ba madali lang ang lahat pero kung ibang cultivator ito ng 5th Sky, mahihirapan sila.

Pagkatapos ng lahat, ang bilis pa naman ni Zhao Feng ay napakabilis at ang kapangyarihan ng Lightning Wind Palm ay nakakatakot gamitin. Isang palad lamang at maaari na nitong patayin ang kalansay.

Paunti-unti, nalapit na si Zhao Feng patungo sa libingan.

100 yarda…. 90 yarda…. 80 yarda….

Ang anyo ni Zhao Feng ay palapit nang palapit habang sinusuri ang ang paligid.

Ang lakas ng mga kalansay na bumabangon ay nasa 5th o kaya 6th Sky pero kadalasan, sampu sa kanila ang nagpapakita. Mapalad na nga lang at may Illusion Fish Lightning Arc Step si Zhao Feng na sobrang bilis kung kaya hindi siya malapitan ng mga kalansay.

Nang maabot niya na ang layong 50 yarda, nakaengkwentro naman si Zhao Feng ng isang kalansay na may kapangyarihang nasa 7th Sky.

Ang tangkad ng kalansay ay nasa dalawa hanggang tatlong yarda at may hawak ito na sibat na gawa rin sa buto. Kapag ikinukumpas ang sandata, halos nasa sampung yarda ang nababalutan agad ng itim na hangin.

Kinabahan na si Zhao Feng sa puntong iyon. Kapag natamaan siya nito nang direkta, malubhang pinsala ang makukuha niya kung hindi siya mamamatay.

Dagdag pa, ang depensa ng kalansay na mula sa 7th Sky ay tumaas na naman at naging mas malakas pa.

Qiu Qiu!

Sinagad ni Zhao Feng ang kanyang Illusion Fish Lightning Arc Step sa pinakamataas nitong antas at inuna munang paslangin ang mga mas mahihinang kalansay bago niya gamitin ang kanyang Lightning Wind Palm para kalabanin ang huling kalansay.

Lightning Wind Raging Dragon!

Naglabas si Zhao Feng ng lightning at wind mix na siyang nakabuo ng roaring dragon of lightning papunta sa kalansay na may cultivation na 7th Sky.

Ang mga buto nito ay nangitim at nagkalamat sa maraming bahagi bago ito tuluyang natupok.

Huminga muna si Zhao Feng na parang hambog bago nagpatuloy.

Isang kalansay na nasa 7th Sky kasama ang iilang iba pa na mas mahina ang bumabangon sa bawat iilang yarda na nalalakad niya kung kaya napapatigil rin ang mga hakbang niya.

Muling tinapunan ng tingin ni Zhao Feng ang mga libingan at naisip niyang hindi niya susubukan na pumunta roon sa pamamagitan ng paglipad. Tanging ang paglalakad lamang sa ibaba ang medyo ligtas kahit papaano.

Nang makitang nandidilim ang kalangitan, bahagyang kinabahan si Zhao Feng, pero may layunin siyang makakuha ng karanasan sa pakikipaglaban kaya magpapatuloy pa rin siya.

Ang misteryosong lugar na nasa harap niya ay maaaring maglaman ng maraming kayamanan – lalo na sa mga libingan, maaaring may mga nakatagong limpak-limpak na mga aytems.

Pero nauunawaan ni Zhao Feng, kahit nagmamadali siya, wala siyang magagawa.

"Marahan ko itong gagawin."

Ang tibok ng puso ni Zhao Feng ay kumalma nang maupo siya sa lapag at kumain ng iilang Spiritual Pills.

Nang umabot na naman sa peak ang kanyang enerhiya, nagpatuloy na siya.

Sa huling 30 na yarda, ang mga kalansay ay puro nasa 7th Sky na.

Marahang umabante si Zhao Feng at marahan niya ring nilinis ang daan.

Mas naging mabilis ang Illusion Fish Lightning Arc at mukhang lumago rin ang kanyang kakayahan sa paggamit ng Lightning Inheritance.

Sa simula, hindi halos makalaban si Zhao Feng nang isa o dalawang kalansay sa 7th Sky nang sabay. Pero ngayon, kaya niya na kahit tatlo o apat pa.

Ang kumalaban nang apat na kalansay sa 7th Sky ay hindi mo akalaing pwede palang mangyari.

Ang lightning inheritance ni Zhao Feng pati rin ang kanyang mga galaw ay parehong lumago na siyang nangyari rin sa kanyang kapangyarihan at kaliksihan sa Lightning Wind Palm.

"Oo nga, talagang mga tunay na laban talaga ang nagpapalakas sa isang tao."

Sobrang natuwa si Zhao Feng.

Tatlong araw ang makalipas.

Nakalapit na rin si Zhao Feng nang sampung yarda sa libingan.

Sa pagkakataong ito, mas nakasisindak pa na kalansay ang nagpakita. Ang mga buto nito ay may bakas ng pilak at may aura itong maihahalintulad sa isang nasa Half-Step True Spirit Realm.

Ang ekpresyon ni Zhao Feng ay higit na nag-iba at napagpasyahan niyang umatake muna. Galit na galit niyang ibinuga ang kanyag Lightning Wind Palm na may dalang nakakawasak na kapangyarihan.

Pero ang maningning na pilak na kalansay ay nakabangon pa rin sa kabila ng mga atakeng natanggap niya nang direkta.

Boom-----

Isang nakasisindak na pwersa ang nagpalipad kay Zhao Feng na siyang dahilan para dumura siya ng dugo.

"Pagkatapos maabot ang Half-Step True Spirit Realm, ang opensa at depensa nito ay parehong tumaas."

Huminga nang malalim si Zhao Feng at ginamit ang kanyang bloodline power.

Shuuuuu---

Pumagaspas ang Yin Shadow Cloak at nag-iwan si Zhao Feng ng asul na bakas na siyang nagbigay ng okasyonal na pagkisap ng kidlat.

Tila isang maliit na ipo-ipo ang nagniningning na pilak na kalansay.

Dapat lang malaman na sa tulong ng Illusion Fish Lightning Arc at Ying Shadow Cloak, ang bilis ni Zhao Feng ay maikukumpara sa isang nasa 7th Sky.

Subalit, kahit sa ilalim ng ganitong sitwasyon, hindi niya pa rin mapatumba ang kalansay na ito.

Kapag ang isang organismo ay nakaabot na sa Half-Step True Spirit Realm, ang kanilang mga kakayahan ay lumalago nang sobra, kahit Half-Step True Spirit Realm lang ito.

Kahit hindi forte ng kalansay ang speed skill, mas mabilis pa rinito nang bahagya kaysa sa mga normal na cultivators ng 7th Sky.

Pagkatapos lamang mapalipad nito ng ilang yarda bago ito bumalik sa dati nitong pinanggalingan.

Nagpakawala ng hininga si Zhao Feng – mukhang ang kalansay na ito ay hindi agad makakaalis ng teritoryo nila.

Pagkatapos mamahinga nang ilang oras, ang mga sugat ni Zhao Feng ay gumaling na at ang kanyang enerhiya ay nanumbalik na sa peak nito.

Muli siyang bumalik para hamunin ang kalansay na pilak.

Mamaya-maya.

Wah!

Dumura ng dugo si Zhao Feng at muling umatras.

Isa na namang pagkatalo.

Sumubok na si Zhao Feng nang pito hanggang walong beses na umabot ng dalawang araw pero hindi niya pa rin mapatumba ang kalaban.

Syempre, lumakas naman siya sa nakalipas na dalawang araw para mabigyan ng permiso na makipaglaban sa pilak na kalansay.

"Imposibleng matalo ito nang harapan. Kung ang kalansay na ito ay may bilis na katulad ng mga nasa Half-Step True Spirit Realm at hindi ito nakakulong sa isang teiritoryo, malamang ay patay na ako."

Sumuko na sa paglaban si Zhao Feng nang direkta.

Nakaisip na rin siyan ng idea at saka inilabas ang Luohou Bow nang may kakaibang ngiti.

Huminga siya nang malalim at saka inilagay ang kanyang bloodline power at true force sa kanyang Luohou Bow.

Beng -- Sou- Sou-

Tatlong Luohou Arrows ang tumusok nang malamig sa mga sensitibong bahagi ng buto ng kalansay.

Pagkatapos matamaan, agad siyang hinabol ng kalansay pero dahil sa lamig na tumusok rito, ang bilis nito ay bumagal.

Si Zhao Feng na nakatayo sa marka na 50 na yarda ay agad na tumakbo papunta sa 100 yarda na teritoryo.

Qiu-- Qiu-- Qiu--

Ang tatlong Luohou Arrows ay bumalik agad gaya ng kalansay na bumalik sa kung saan ito nanggaling.

"Hehe."

Muling hinila ni Zhao Feng pabalik ang kanyang Luohou Bow at nagpadala ng ilang mga atake papunta sa likod ng kalansay matapos itong bumagal.

Hindi nagtagal.

Nakapana na si Zhao Feng ng sampung Luohou Arrows.

Apat na oras ang makalipas.

Napatumba niya na rin ang pilak na kalansay. Sa pamamagitan ng pag-iisa niya sa kanyang bloodline power sa Luohou Bow at sa isa sa kanyang mga pana ay saka niya napagbabantaan ang kahit sinong nasa 7th Sky.

Sa sumunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Natapos na rin ni Zhao Feng ang huling sampung yarda, kasama na nito ang mga pilak na kalansay at iba pang nasa 7th Sky.

Sa wakas.

Dumating na si Zhao Feng sa harap ng libingan.

Sa harap niya ay 100 o higit pang mga libingan na nakaharap sa gitna na tila yumuyuko sila sa kanilang Emperador.

Miao miao!

Umikot ang mga itim na mata ng maliit na pusang magnanakaw.

Naisip ni Zhao Feng na sa pag-uugali ng pusang ito, siguradong marami ngang kayamanan rito sa libingan.

Nang maisip ito, ginamit niya ang kanyang kaliwang mata para suriin ang mga nalalapit na libingan.

Ang kanyang kaliwang mata ay kaya lumagpas ang tingin sa mga pader at makita ang sitwasyon sa baba.

Halimbawa, may isnag nitso at iilang mga aytems sa pinakamalapit na libingan.

Subalit, ang mga bangkay sa libingan ay kay lalakas noong nabubuhay pa sila. Kaya kahit patay na sila, naglalabas pa rin sila ng isang napakalakas na aura na nagpapatigil sa hininga ng mga mortal.

Ang mga bangkay na ito ay nasa True Spirit Realm noong nabubuhay pa sila.

Hindi nagpadalos-dalos si Zhao Feng. Ang mga libingan na ito ay kakaiba at nakakatakot.

Tila ba ang mga ito ay nakayuko at nasa isang burol.

Kahit sino ay mababahala kapag pumasok sila rito.

Ang buong lugar ay tahimik, tila ba naghihintay lamang ito ng araw na masaksihan ng isa ang kanilang nakaraang kaluwalhatian at pamamayagpag.

Nakumpirma ni Zhao Feng na "walang buhay" ang naririto at walang panganib. Pero ang mga kalansay kanina ay paniguradong hindi buhay – sino ang nakakaalam kung ano pang panganib mayroon dito?

Habang nag-aalangan si Zhao Feng.

Miao miao!

Ang kanyang pusa ay maliksing tumalon sa hangin bago ito lumapag sa isang libingang bato at saka nagtungo sa gitna.

Hindi naman ito inatake sa buong proseso.

Walang panganib?

Nasorpresa si Zhao Feng pero nang makita ang malutong na galaw ng kanyang pusa, bumilis ang tibok ng kanyang puso: Sa ugali pa lang nito, kukunin nito ang lahat kung hindi niya ito susundan.