Sa loob ng nasasakupan ng summit, tumawa nang arogante si Yu Tianhua.
Mula sa tatlong pamilya, marami na ang nagsimulang magmurahan at magsagutan.
Ang mga Elders na nanonood ay may intensyon na ring umatake, pero kailangan nilang pigilan ito. Nabibilang pa naman sila sa nakatatandang henerasyon. Kahit pa matalo nila si Yu Tianhua at ang mga kasama nito, mawawalan naman sila ng mukha sa tatlong pamilya.
"Lahat kayo umatake!"
Iilan sa mga kabataan ay kumukulo na talaga ang dugo at sumabog na kung kaya sinugod na nila si Yu Tianhua.
Peng! Peng! Pah…
Ngunit, bago pa sila makalapit, napalipad na sila ng inner strength ni Yu Tianhua. Kapag naabot na ng isang tao ang ikapitong antas ng Martial Path, pwede na silang umatake gamit ang hangin.
"Hahaha! Ang mga henyo ng Sun Feather City ay walang kuwenta! Lumaban kaya kayo ng mas marami pa? Lapit! Ako si Yu Tianhua ay haharapin kayong lahat!"
Lalong naging arogante si Yu Tianhua habang nagtatagal siya sa laban. Karamihan sa mga kabataan na nasa ikaapat at ikalimang antas ng Martial Path ay hindi siya kayang abutin. Sa loob lamang ng maiksing oras, sampung henyo na ang napatumba niya sa kanilang henerasyon.
Nagngitngit ang ngipin nila Zhao Linlong, isang senyas na handa na silang umatake.
"Hindi mo siya kaya, ako na ang bahala." Napabuntong hininga si Zhao Feng.
Sa loob ng ganitong pagkakataon, kahit pa ang mga Elders ng Zhao Family ay hindi pwedeng umatake. Dagdag pa roon, sa lakas na mayroon si Yu Tianhua, ang mga normal na Elders na nasa ikapitong antas ay hindi rin siya kakayanin.
Nang makita si Zhao Feng na magkusa, ang mga mata nila Zhao Linlong ay nagningning. Si Zhao Feng lang naman ang Top Great Genius ng nakaraang Genius Summit at naging disipulo rin siya ni Lord Guanjun.
Isa siyang alamat sa Sun Feather City.
"Sino naman ang taong ito?"
"Siya si Zhao Feng! Ang Top Great Genius noong nakaraang taon. Siguradong may mga abilidad siya na kayang tapatan si Yu Tianhua."
Marami ang nakakilala kay Zhao Feng.
"Kapatid na Zhao, ang lalaking ito ay napakalakas!" Pinunasan ni Xin Fei ang dugo na tumutulo sa kanyang labi at nagbabala.
Hmm?
Napansin ni Yu Tianhua at ng dalawa niya pang kasama si Zhao Feng.
Isa itong kabataan na may isang mata at kulay asul na buhok na nagbubuga ng napakatinding aura.
Napawi ang ngiti sa mukha ni Yu Tianhua at muling nawala ang kumpiyansa na mayroon siya nang tignan niya si Zhao Feng. Naramdaman niyang ang bawat kilos ng kabataang nasa harap niya ay nagdadala ng presyur sa kanya.
Ganito lamang ang pakiramdam niya kapag kasama niya ang misteryoso niyang master. Bukod pa roon, ang mga mata ni Zhao Feng ay matalas na tila ba hinihiwa ang kanyang puso. Kahit ang mata niya pa lang ay sapat na para magipit siya.
"Hahaha! Iisang mata? Sutil! Ang iyong itsura ay maaaring makapanakot ng mga bata, kung kaya bakit hindi ka na lang maging isang tulisan na may panakip sa mata?"
May suot-suot mang panakip sa mata si Zhao Feng, hindi naman masama ang kanyang itsura. Sa tangkad niya lang at dahil sa kulay asul niyang buhok kaya nagmumukha tuloy siyang isa.
"Tatlong barumbado! Bibigyan ko kayo ng isang pagkakataon para umalis sa teritoryo ng Zhao Family. Magbibilang ako mula isa hanggang sampu." Punong-puno ng lamig at intensyong makapatay ang mga mata ni Zhao Feng.
Ang kanyang kulay asul na buhok ay biglang nilipad ng hangin.
Hindi mapigilan ng karamihan sa mga manonood na magulat at mahulog kay Zhao Feng.
"Ganyang aura…"
Biglang may napansin si Zhao Chi na kakaiba.
Ang mga kaswal na aksyon ni Zhao Feng ay naglalaman ng liksi ng hangin at napansin niya na rin ito, isang taon ang nakalilipas, kay Zhao Feng at kay Xin Wuheng.
Pro!
Ang taong ito ay paniguradong isang pro!
Si Yu Tianhua at ang dalawa pa ay nagulat.
"Sampu… Siyam…. Walo…" Nagsimula nang magbilang si Zhao Feng.
Ang mga kabataan ng tatlong pamilya ay pinigilan ang kanilang hininga at isiniwalat ang ekspresyon ng pagkaligalig. Sa pagkakataong iyon, ang pagiging dominante ni Zhao Feng ang sumusupil sa kalaban.
"Kay astig niya talaga!"
"Paano siya nagakaroon ng ganyan kagandang buhok? Gusto ko ring pakulayan ang buhok ko."
Bumilis ang tibok ng puso ng karamihan sa mga babae. Ang buhok ni Zhao Feng ay purong asul at may kakaibang pakiramdam na makukuha rito.
Kahit pa si Qiu Mengyu, ang pinakamagandang babae sa Sun Feather City ay naiinggit at nagtataka: "Paano nagkaroon ng ganyang kagandang buhok ang isang lalaki? Naaalala ko pa na kulay itim ang buhok niya…"
"Walo… Pito…. Anim…""
Ang mga mata ni Zhao Feng ay kasingtalim ng isang kutsilyo habang nakatingin siya sa tatlo.
"Sutil, huwag kang maging arogante!" Pagmumura ni Yu Tianhua.
Sa totoo lang, nagulantang talaga siya sa aura na mayroon si Zhao Feng, pero ayaw niya namang umalis dahil dito
Ngunit, sa pagkakataong nagsalita si Yu Tianhua, biglang nagbago ang sitwasyon.
Biglang napahinto ang boses ni Zhao Feng.
Shua!
Sa isang bigla, nagpakita si Zhao Feng sa tabi nilang tatlo ng walang abiso. Nang walang sinasabing kahit anong salita, pinatilapon sila ni Zhao Feng.
Ano!?
Ni hindi pa nga siya natatapos na magbilang!
Ang lahat ay nabigla at ang tatlo ay hindi nakalaban sa oras.
Peng!
Sinipa ni Zhao Feng ang isa sa mga kabataan na nasa ikaanim na antas.
Plop!
Sumigaw ang kabataan nang mahulog siya sa lawa.
Sinipa na naman ni Zhao Feng ang isa pang tao.
"Huwag mong isipin na subukan 'yan!"
Sinubukang padaluyin ng kabataan ang inner strength niya at lumaban.
Peng!
Lahat ng kanyang mga ginawa ay nabalewala rin sapagkat napatilapon rin siya sa lawa.
Sa isang kisapmata, dalawang kabataan na nasa ikaanim na antas ang nalaglag patungo sa lawa.
Kakaiba talaga ang batang ito!
Nagmura si Yu Tianhua sa kanyang puso. Ang mga aksyon ni Zhao Feng ay naglalaman ng mga hindi maipaliwanag na pakiramdam. Kahit nakikita niya ang mga kilos nito, hindi niya ito maiwasan.
Naramdaman lamang ito ni Yu Tianhua sa kanyang master, hindi kaya ang sutil na ito ay nakaabot na rin sa Holy Martial Path?
Dahil sa gulat, galit niyang pinadaloy ang kanyang inner strength.
Subalit, hindi nito mapipigil si Zhao Feng kahit kaunti. Isang asul na liwanag ang sumilay mula sa katawan ni Zhao Feng, nagpakita na rin ang tunay niyang inner strength.
Hindi ito maganda!
Isa itong True Force!
Tanging ang mga nasa Holy Martial Path lang ang may True Force!
"Tumigil ka!" Bulalas ni Yu Tianhua.
"Bakit?"
Tumigil ang binti ni Zhao Feng sa kanyang dibdib habang nakangiti.
"Hindi ka pa nakapagbibilang hanggang isa… Pinapako mo ang iyong mga pangako!" Pakikipag-alitan ni Yu Tianhua.
Peng!
Pinalipad siya ni Zhao Feng at napatilapon sa lawa sa isang sipa lamang at tumawa siya nang malamig: "Ang pagbibilang ko mula sampu hanggang isa ay sa kadahilanang maaaring makiisa ka na. Pero kung iniisip mong makipaglaban, pagsisisihan mo iyon buong buhay mo."
Sa loob lamang ng napakaiksing panahon, napatilapon na sa may lawa sila Yu Tianhua. Ang mga henyo ng tatlong pamilya ay napanganga sa gulat.
Ang isang nasa ikapitong antas ay natalo sa pamamagitan ng isang sipa lamang?
Umurok ang mga dila ng Elders habang nanonood.
"Pakitaas sila." Pag-uutos ni Zhao Feng.
Hindi nagtagal, may iilang mga kabataan ang hinila sila pataas.
Sila Yu Tianhua at ang kanyang mga kasama ay nakatanggap ng tig-isang sipa mula kay Zhao Feng at ang kanilang mga binti ay wala na ring lakas – hindi na nila kayang maglakad.
"Binibigyan kita ng isang huling pagkakataon para lumuhod at humingi ng tawad." Sinuri ni Zhao Feng ang tatlo.
"Imposible!"
Malamig na tumawa si Yu Tianhua: "Ang Master ko ay nasa Holy Martial Path. Kung mangangahas ka na hawakan kahit isang hibla ng buhok ko, wala nang mapupuntahan ang Zhao Family sa Cloud Country."
Inaamin niyang hindi niya kayang labanan ni si Zhao Feng, pero imposible apra sa kanya ang lumuhod at humingi ng tawad.
Holy Martial Path!
Ang mga eksspresyon ng mga nakatatanda ay higit na nag-iba.
"Hehe! Tila ang yabang naman ng mga salita mo? Mukhang hindi mo talaga alam kung ano talaga ang tunay na soberanya ng Cloud Country." Bahagyang tumawa si Zhao Feng.
Nang marinig ito, nanginig ang puso ni Yu Tianhua – ganoong lebel na ba si Zhao Feng?
"Dahil hindi ka masunurin, huwag mo akong sisihin kapag wawasakin ko ang cultivation mo."
Ka-cha!
Unti-unting nasisira ang meridian ni Yu Tianhua, pulgada bawat pulgada.
"Tama na! Hihingi…" Sumigaw si Yu Tianhua at sinubukan niyang humingi ng patawad, pero huli na ang lahat.
Gumamit lamang ng gaguhit na True Force si Zhao Feng para sirain ang meridians at dantian nito.
Sa isang kisapmata, naging walang kwenta si Yu Tianhua. Naramdaman ng mga manonood ang lamig sa kanilang mga buto.
Ang pinakamagandang babae sa Sun Feather City, si Qiu Mengyu, ay biglang naalala kung paano niya sinubukang linlangin si Zhao Feng. Nang maisip ito, nagpakawala siya ng hininga.
"Pasensya na! Handa naman kaming humingi ng tawad!"
Ang ibang dalawa ay nagsimula nang yumuko sa lapag.
"T*** i**! Binigyan ko kayo ng dalawang pagkakataon, kung mangangahas pa kayo…"
"Oo, oo, oo!"
Ang dalawang kabataan sa ikaanim na antas ay hinila palabas is Yu Tianhua palayo mula sa teritoryo ng Zhao Family.
Tanging noong nakaalis lamang si Yu Tianhua sa teritoryo ng Zhao tsaka niya sinabi habang nagngingitngit ang ngipin: "Zhao Feng! Maghintay ka lang! Hindi ka palalagpasin ng Master ko…"
Pero bago iyon, walang sinabing kahit ano ang tatlo. Natakot si Yu Tianhua na kapag nagsalita siya, magiging dahilan ito para paslangin siya ni Zhao Feng.
Sa likod ng bulubundukin ng Zhao Family. Ang huling aksidente ay ginawan na ng paraan ni Zhao Feng.
Nabaling ang atensyon ng mga henyo ng Sun Feather City sa isang nabubuhay na alamat na si Zhao Feng nang may paghanga, takot at respeto.
Natapos na rin ang summit.
Kahit hindi man nakasali si Zhao Feng sa summit, ang kanyang presensya ay sapat na para pangimbabawan ang iba.
Sa parehong gabi.
Nagdaos ng kainan ang family head at mga Elders para kay Zhao Feng.
Sa handaan.
Si Zhao Linlong at ang kanyang mga kasama ay mapalad para makapunta at makita kung paano tratuhin ng family head at Elders si Zhao Feng nang may komplikadong mga emosyon.
Hindi alam ng family head na si Zhao Tiancang kung ano ang dapat maramdaman. Naalala niya kung paano niya minaltrato si Zhao Feng, kung kaya hindi mapalagay ang kanyang puso.
Sa kasalukuyang lakas na mayroon si Zhao Feng, madali lang para sa kanya ang idispatsa ang family head.
Sa kabutihang-palad, mukhang maayos naman ang relasyon ni Zhao Yusong kay Zaho Feng. Siya talaga ang nakadiskubre sa potensyal ni Zhao Feng at ilang beses niya na rin itong tinulungan.
Hindi talaga makakalimutan ni Zhao Feng ang tulong na natanggap niya mula rito kung kaya binigyan niya si Zhao Yusong ng iilang Marrow Cleansing Pills at ilan ring mga Half Mortal Skills. Kahit wala naman itong masyadong halaga kay Zhao Feng, kayamanan na ito sa labas na mundo.
Masayang-masaya si Zhao Yusong na may maganda siyang paningin.
"Mukhang may master si Yu Tianhua na nasa Holy Martial Path na. Sa pagsira ng kanyang cultivation…"
Biglang nag-alala ang family head at mga Elders.
"Holy Martial Path? Tignan natin." Malamig na tumawa si Zhao Feng.
Ang family head at ang mga kalebel niya ay hindi ganoon kataas kung kaya hindi nila nalalaman kung sino ang may pinakamalakas na otoridad sa Cloud Country.
Pagkatapos ng handaan, biglang may naalala si Zhao Feng.
?"
"Si Zhao Yufei nga pala?"
Ang family head at mga Elders ay nagpalitan ng tingin habang sumilay ang ngiti sa kanilang mga mukha.