Ang kulay abong ahas na ito ay halos tatlong dangkal lamang ang haba at mas makapal lang nang kaunti sa hinlalaki. Ang kapangyarihang nilalaman ng ahas na ito ay madaling makapapatay ng isang cultivator na nasa 1st Sky, pero ang mga daliri ni Zhao Feng ay tila isang bakal na agad itong nahuli.
"Patayin mo yan… Hindi ito maganda! Nalason ako!"
Kulay berde na ang mukha ni Quan Chen habang nakaupo siya sa lapag at sinusubukang palabasin ang lason.
Parehong kakaiba ang tingin ni Lin Fan at Ran Xiaoyuan kay Zhao Feng. Ang ahas ay tahimik at nakipag-isa ito sa paligid – kahit si Quan Chen ay nakagat dahil na rin siguro sa pagod nito at pagiging pabaya, kita naman na napakamapanganib nito.
Pero tila alam na agad ni Zhao Feng at nabantayan niya ito kung kaya agad niya itong nahuli. Iniisip nga ni Lin Fan na baka alam talaga ni Zhao Feng na naririyan ang ahas pero hindi niya sinabihan si Quan Chen nang sadya.
"Hehe, ito ay isang Grey Shadow Dark Snake, isa sa mga pinakamataas ang laso sa mga Yao Beasts na may epekto na pinapamanhid ang kalaban. Sa loob lamang ng isang oras, ang lason ay kakalat sa iyong katawan at kahit ang mga cultivators sa Ascended Realm ay mawawalan ng kontrol sa kanilang katawan… Hanggang sa mamatay sila sa gutom." Wika ni Zhao Feng nang bahagyang nakangiti.
Nang marinig ito, naging kulay abo bigla ang mukha ni Quan Chen nang kumain siya ng detoxification spiritual pill, pero wala pa rin itong epekto.
Agad na dinurog ni Zhao Feng ang Grey Shadow Poisonous Snake at kinuha ang apdo nito saka kinain. Ang lasa nito ay mapakla at maanghang, pero matapos itong makapasok sa kanyang katawan, isang mainit at nagliliyab na pakiramdam ang dumaloy sa kanya.
"Ang enerhiya mula sa apdo ng isang ahas ay nakapagpapalakas ng kaluluwa at pinapadalisay ang true force ng isang tao. Ang trial na ito ay talagang sagana nga sa mga kayamanan."
Dinilaan ni Zhao Feng ang kanyang mga labi na may ekspresyon ng kasiyahan. Bilag isang kilalalng henyo sa Clan, parehong maalam siya sa mga pills at mga lason.
"Kapatid na Zhao, isa kang pill genius – sigurado akong alam mo kung paano tanggalin ang lason na ito."
Pinilit ni Quan Chen na ngumiti.
"Walang lunas."
Umiling si Zhao Feng habang tinitignan si Quan Chen na tila patay na ito. Hindi niya pinansin ang pagmamakaawa at mga mura nito, sa halip, sinuri niya na lamang ang kapaligiran.
Mamaya-maya.
"Saan ka pupunta!?"
Biglang nawala ang anyo ni Zhao Feng at muli siyang nakahuli ng isang Grey Shadow Poisonous Snake. Katulad noon una, kinuha niya ang apdo nito at kinain.
Ang apdo nito ay kayang palakasin ang katawan at padalisayin ang true force niya na siyang nakagagawa ng matibay na pundasyon para maabot ni Zhao Feng ang 3rd Sky. Parehong nagulantang is Lin Fan at Ran Xiaoyuan.
Ang forte ng isang Grey Shadow Poisonous Snake ay ang magtago at makipag-isa sa paligid nito, pero agad itong nahahanapa at nakikita ni Zhao Feng.
Pagkatapos ng ilang sandali, ang lason sa katawan ni Quan Chen ay unti-unting nawawala.
"Sino ka para linlangin ako!?" Bigkas ni Quan Chen nang pagalit.
Kayang labanan ng mga nasa 4th Sky cultivation ang lason ng ahas. Ang mga salitang binitawan ni Zhao Feng ay para lamang takutin siya.
"Hindi ako nagsinungaling sa iyo, ang ahas na iyon ay nakababanta lamang sa mga 4th Sky ng Ascended Realm, pero wala naman talagang lunas na kailangan." Mapaglarong banggitni Zhao Feng.
Napakadali lang naman talaga na paalisin ang lason nito. Ang kailangan lamang na gawin ay maging nasa 2nd Sky ng Ascended Realm at padaluyin ang dugo at true force sa kanilang katawan para maalis ito.
Sinabi ito ni Zhao Feng kay nila Lin Fan at Ran Xiaoyuan nang palihim. Tanging si Zhao Feng lamang sa kanilang pangkat ang maalam sa mga medisina na pumasok sa Bat Cave.
Syempre, ang isa pa ay is Liu Yue'er na maalam rin sa medisina. Ang kanyang master ay si Granny Liuyue, ang pinakamagaling na pill master sa Clan. Bilang isang disipulo niya, maraming talagang alam si Liu Yue'er.
"Tara na!"
Ang sama na ng itsura ni Quan Chen, pero wala naman siyang magawa.
Parang isang isda si Zhao Feng na nasa tubig ngayon at mukha siya lamang ang daan para mabuhay siya. Bukod pa roon, parehong nakikinig si Lin Fan at Ran Xiaoyuan kay Zhao Feng.
Sa sumunod na araw at gabi, silang apat ay muling nagsuri sa kuweba. Isang beses sa bawat pagkakataon, may mga kinakaharap silang atake ng mga paniki.
Bukod pa roon, may mga mapanganib rin na mga Yao Beasts na nagtago sa kweba gaya ng Grey Shadow Poisonous Snake, mga paruparo at mga pythons…
Mukhang kontrolado lahat ni Zhao Feng at tinutulungan niya lamang si Lin Fan at Ran Xiaoyuan ng isa o kaya dalawang beses.
Si Quan Chen ang kumkaharap ng lahat at higit siyang napapagod samantalang sina Zhao Feng at ang iba pa ay tila mga isda na nasa tubig.
Habang nasa daan, maraming napatay na ahas si Zhao Feng at saka niya kinain ang mga apdo nito na siyang lalong nagpalakas sa kanya kung kaya naabot niya na ang mga kailangan para umangat sa 3rd Sky. Kaya ang mga sobra niya ay ibinigay niya kay Lin Fan na sa ngayon ay umabot na sa mga huling yugto ng 2nd Sky dahil sa Purple Spiritual Fruit at mga apdo ng ahas.
"Kakaiba naman talaga ang Zhao Feng na ito…"
Tumayo ang mga balahibo ni Quan Chen. Sa ganitog sitwasyon, hindi lamang si Zhao Feng ang hindi niya matantsa; kundi pati siya na palaging kinakaharap ang mga panganib.
Sa kabutihang palad, nasa 4th Sky siya ng Ascended Realm, kung nalalagpasan niya naman ang mga ito.
Napagpasyahann ni Quan Chen na humiwalay kay nila Zhao Feng sapagkat siya palagi ang nanganganib. Masyado naman yata kung nagkataon lang! Nararamdaman niyang kalkulado ni Zhao Feng ang lahat.
"Naparito na tayo ah." Sabi ni Zhao Feng habang tinuturo ang dalawang daan.
Habang nasa daan, inaayos at ginawa niya nang perpekto ang mapa sa kanyang isip, pero hindi pa rin ito kumpleto. Inanalisa ni Zhao Feng at natantsa niya na kailangan pa nilang maglakad nang halos sangkatlo ng daan at sa isang araw ay mahahanap na nila ang daan palabas.
"Kapatid na Zhao, dahil ang iyong memorya at reaction speed ay napakahusay, bakit hindi ikaw ang manguna sa atin?" Sadyang sabi ni Quan Chen.
"Oo naman, sige lang." Agad na pagsagot ni Zhao Feng.
Sa ganitong paraan mapupuntahan niya ang mga lugar na hindi pa nila nadaraanan. Ang naging resulta ay hindi ganoong kaganda sapagkat mas maraming pagkakataon na nakasagupa nila ang mga paniki. Habang lumalayo sila at pumapasok sa kuweba, mas dumarami ang mga paniki. Hindi na mapakali si Zhao Feng tila may pugad yata ng mga paniki na maaaring kaharapin nila.
Habang iniisip niya ito, napakaraming matitinis na sigaw ang maririnig mula sa 'di kalayuan.
Sou- Sou- Sou...
Hindi mabilang na alingawngaw ng mga lumilipad na halimaw ang maririnig sa kuweba.
Tumakas!
Higit na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Zhao Feng. Paalis na sana sila Zhao Feng pero isang nakakapanginig at nakakabasag tainga na mental energy ang pumalahaw. Naramdaman ng lahat ang pagsakit ng kanilang mga isip at ang mga tainga at ilong ni Lin Fan ay nagdugo.
Sa sumunod na segundo, isang solido na sangdaan na mga paniki ang pumaligid sa kanilang apat. Ang pinuno ng mga paniki, na nasa harap, ay may pakpak na halos nasa dalawa hanggang tatlong yarda at bawat pagaspas nito ay binabayo ang hangin. Isa itong bat king o hari ng mga paniki, nang umungol ito ay nagdulot ito nang pagkasira ng True Force ng grupo. Ang cultivation nito malamang ay nalalapit sa 5th Sky.
Habang tinitignan ang mga itim na paniki, tumayo ang mga balahibo ni Zhao Feng. Pero sa kabutihang palad, ang matinis na boses na ito ng bat king ay hindi siya naapektuhan. Silang apat ay napalibutan at halos hindi makalaban. Sa mga pagkakataong kinakailangan talaga, ginagamit nila ang kanilang mga pamatay na atake o killing moves.
Lightning Wind Palm!
Sunod-sunod na naglabas ng palm attack si Zhao Feng na siyang pumuksa sa iilang mga paniki bawat pagkakataon.
Back Wave Sword Technique!
Hinawakan ni Lin Fan ang kanyang mahabang ispada at ikinumpas ito sa hangin na siyang nakabuo ng mga airwaves na bumalot sa mga nalalapit na paniki. Si Quan Chen bilang may pinakamataas na cultivation ay nakipagtulungan kay Ran Xiaoyuan para labanan ang bat king. Ilang beses pumalahaw ang bat king na siyang umapekto sa kamalayan nila Quan Chen at Ran Xiaoyuan kung kaya hindi nila agad ito masupil sa loob ng maiksing oras. Kasabay noon, ang mga paniki ay lalong dumarami at ang bawat isa ay nasa 1st Sky pataas.
"Break… !"
Biglang nalabas si Quan Chen ng isang mahabang tansong ispada at humiwa paharap. Ang ispadang ito ay agad na nakapatay ng sampung mga paniki at nag-iwan ng isang madugo at malalim na marka kung saan kita ang buto ng bat king.
Ang nag-iisang ispada na ito ay pinilit na paatrasin ang bat king.
"Middle Grade Mortal weapon."
Bahagyang nagulat si Zhao Feng
Isa itong Middle Grade Mortal weapon, katulad nang kay Liu Yue'er. Pero dalawang beses hanggang tatlong beses ito na mas malakas kapag nasa kamay ni Quan Chen.
"Isang magandang pagkakataon para mapatay ang bat king!"
Nagningning ang mga mata ni Zhao Feng.
"Takbo!"
Ngunit, biglang lumingon si Quan Chen at hiniwa ang pinakamalapit na labasan bago tumungo doon.
Tumakbo?
Ang mga ikinilos ni Quan Chen ay ikinagulat ni Zhao Feng sapagkat kung magtatagal lamang nang kaunti si Quan Chen at Ran Xiaoyuan ay mapapatay na nila ang bat king. Pero hindi alam ni Zhao Feng na gusto lang pala siyang iwan ni Quan Chen.
"Tumakbo tayo nang magkahiwalay."
Dahil sa dami ng kinakaharap nilang mga paniki, gumawa na agad ng decision si Zhao Feng. Hindi man sinasadya, napakarami palang daan dito.
Ang pinili ni Quan Chen ay ang una, iba rin ang pinili ni Ran Xiaoyuan. At dahil naalala ni Lin Fan ang sinabi ni Zhao Feng, sumunod siya kung saan ito nagtungo.
"Si Quan Chen at Ran Xiaoyuan ay parehong disipulo ng isang Elder at ng Clan Master, kung kaya paniguradong may mga sarili silang mga nakatagong paraan para makalabas." Pag-iisip ni Zhao Feng at hindi niya na tinawag pa si Ran Xiaoyuan.
Naghiwa-hiwalay na ang mga pangkat ng paniki sa tatlo at hinabol ng bat king si Quan Chen.
Ang dalawang paniki na nasa 3rd Sky ng Ascended Realm at ilan pang iba at sumunod kay nila Ran Xiaoyuan.
Hindi rin naman naging maswerte si Zhao Feng at Lin Fan. May apat na paniki na nasa 3rd Sky na siyang namumuno ng marami pang mga paniki ang sumunod sa kanila. Dahil mas marami sila, mas marami ring ang nakasunod sa kanila.
"T*** i**! Napakamalas!"
Napamura si Zhao Feng nang mapagtanto niyang ang daan sa kanilang harap ay isang dead end.
Ang mga paniki na sumusunod sa kanila ay nasa 70-80 na may kasama pang apat na lider na lahat na nasa 3rd Sky ng Ascended Realm.
"Kapatid na Zhao, huwag mo na akong alalahanin. Humanap ka ng paraan para makalabas."
Naiintindihan ni Lin Fan na mas malakas sa kanya si Zhao Feng basta hindi lamang nito makasagupa ang bat king makakatakas ito.
"Walang pag-asa."
Napirmi si Zhao Feng sa kanyang kinatatayuan at napailing.
Ang 70-80 na mga paniki ay pumalahaw nang walang hanggan, na siyang nakapagdulot ng sunod-suno na sonic waves at binalot ng mental energy ang dalawa. Ang pag-aalingawngaw na ito ay hindi rin kayang salagin ng mga cultivators na nasa 4th Sky ng Ascended Realm.
Plop!
Ang dugo ay tumagas mula sa bibig ni Lin Fan, sa kanyang mga tainga ganoon rin sa kanyang ilong at saka siya nahimatay.
"Mas maganda kung ganito."
Tumayo si Zhao Feng sa gitna ng mental energy attack at saka pinadaloy ang kanyang true force para salagin ang mental energy. Sa loob ng dimensyon ng kanyang kaliwang mata, isang asul na liwanag ang umabot sa dalawang talampakan at dalawang dangkal na siyang humigop ng mental energy mula sa atakeng natatanggap niya.
Marahang itinanggal ni Zhao Feng ang kanyang panakip sa mata at ang kanyang asul na buhok ay inililipad ng hangin.
"Mental energy assassination…"
Isang matalim na asul na mata ang naglabas ng ancient aura, na tila ba isa itong panginoon ng kadiliman.