Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 157 - Nakamit na Layunin

Chapter 157 - Nakamit na Layunin

Sa isang sandali, dalawang Elders ang handang kuhanin si Zhao Feng bilang disipulo. Ngunit gusto niya ay ang unang Elder.

Nakatayo lamang ang unang Elder at hindi nagsasalita.

Nagulat si Zhao Feng kay Hai Yun Master. Kung kuhain siya ni Elder Xue bilang disipulo ay ayos lamang, ngunit ito ay mahirap kung nais rin siyang kuhain ni Hai Yun Master bilang disipulo.

Mayroon itong malalim na ngiti sa kanyang mukha at naintindihan agad ni Zhao Feng ang ibig sabihin nito.

Binibigyan siya ng pagkakataon ni Zhao Feng upang sumali sa kanyang panig gaya ni Bei Moi. Tulad nito, wawasakin niya muli si Lord Guanjun. Kapag nalaman niya ito, malamang ay susuka ito ng dugo sa galit.

Isa pa, pinipilit niya si Zhao Feng na bumuo ng desisyon.

Kapag pinili ni Zhao Feng si Elder Xue, nangangahulugan ito na wala nang balikan. Magiging magka-away sila at kakalabanin siya ni Hai Yun Master.

"Hahaha, Brother Hai Yun, interesado ka rin kay Zhao Feng? Kung gusto niya ay maari mo siyang maging disipulo." Huminto si Elder Xau at nagsimulang tumawa.

Magulo ang isipan ni Zhao Feng.

Hindi maganda ang nangyayari!

Sa mga oras na ito, nakikita niya na ang mga nangyayari.

1. Ang unang Elder ay ayaw siyang kunin bilang disipulo dahil sa isang rason.

2. Hindi talaga tapat si Elder Xue.

3. May pinaplanong si Hai Yun Master.

Iminungkahi ni Elder Xue ba kukunin niya si Zhao Feng bilang disipulo upang pakalmahin ang sitwasyon at nang iminungkahi ni Hai Yun Master na kukunin niya si Zhao Feng bilang disipulo, sinagot niya ito nang walang pag-aalinlangan.

Kaya hindi mapagkakatiwalaan si Elder Xue. Simula noong kinuha niya si Sun Yunhao bilang disipulo, halatang mabigat ang tingin niya sa talento.

"Kung magiging disipulo ako ni Elder Xue at mahing kaaway ni Hai Yun Master, maaring hindi ako protektahan. Sa kasalungat nito, maari niya akong itapon upang magkaroon nang magandang relasyon kay Hai YunMaster." Hinuha ni Zhao Feng.

Si Elder Xue ay hindi mapagkakatiwalaan at iminungkahi niya lamang ito para sa ikalulugod ng unang Elder. Kapag pinili niya si Hai Yun Master bilang mentor, siya ay magiging tila tupa na papasok sa bunganga ng tigre.

Nakapag desisyon na si Zhao Feng:

Palitan ang kahilingan sa halip na pumili ng master.

Ang unang Elder ay isang tao na hindi basta-basta kumukuha ng disipulo at hindi rin nangangako basta-basta. Ang mga taong katulad niya ay gagawin ang lahat kapag sila ay napansin ng ibang tao.

Sa kasamaang palad….

Bumuntong-hininga si Zhao Feng sa kanyang puso at bumuo ng desisyon.

Pinili niya na palitan ang kanyang kahilingan, sa halip na piliin si Elder Xue o Hai Yun Master bilang mentor niya.

Ang kanyang desisyon ay naging dahilan upang magulat ang ibang mga disipulo. Gaano kalaking karangalan na maging master ang isang Elder?

Sila Xu Ren, Xiao Sun at Lin Fan ay nagsisisi rin. Ngunit wala silang magagawa sa desisyon ni Zhao Feng at hindi sila maaring magdesisyon para dito.

Kumislap ang mga mata ng unang Elder at nagsalita: "Ang iyong kahilingan ay pinipilit akong talikuran ang aking mga salita. Ngunit nangako ako na hindi na muling tatanggap ng isang disipulo.

Naintindihan na ni Zhao Feng matapos niya itong marinig. Kaya pala tahimik ang unang Elder matapos nitong marinig ang kahilingan niya at parehong sinubukan bigyang-lugod siya nila Elder Xue at Hai Yun Master.

Ngunit kahit na paanong kalkulahin ng mga tao o ng Kalangitan, tinanggihan ni Zhao Feng ang dalawa at mas pinili na humiling iba.

Ito ay nangangahulugan na kahit na pumayag o hindi ang unang Elder, tatalikuran niya na ang kanyang mga salita.

"Kailangan mong pumayag sa isang bagay kung magiging disipulo kita." Pagpapatuloy ng unang Elder.

"Ano iyon?"

Hindi inaasahan ni Zhao Feng na magbabago bigla ang sitwasyon.

"Isuko-mo-ang-Lightning-Wind-Palm!" Isa-isang bigkas ng unang Elder sa bawat salita.

Nagulat si Zhao Feng - bakit niya gustong isuko ni Zhai Feng ang Lightning Wind Palm?

Bakit niya pinili na hindi na tumanggap ng kahit na sinong disipulo?

Biglang naging malinaw ang lahat.

Naalala ni Zhao Feng ang sinabi noon ni Sister Yuan: "Si Yang Gan ay mayroong kaibigan na nagsanay ng Lightning Wind Palm, ngunit hindi nagtagal…"

Noong pagtitipon, binalaan ni Yang Gan si Zhao Feng: Ang buhay ay mas mahalaga pa sa Lightning Wind Palm.

Hindi kaya si Yang Gan ay disipulo ng unang Elder? At ang kanyang kaibigan ay isa rin, ngunit inaral niya ang Lightning Wind Palm at namatay?

"Unang Elder, kayo ba ang mentor ni Yang Gan?" Maingat na tanong ni Zhao Feng.

Si Yang Gan ay pangalawa sa 10 Core disciples at sa sandaling nagsalita si Zhao Feng, lahat ng malapit sa kanila ay tumango.

Tahimik lamang ang unang Elder at ang kanyang mga mata ay nagdilim. Nakita ni Zhao Feng ang bahid ng pagkamuhi at sakit sa mga mata niya. Maiisip na ang taong nagsanay ng Lightning Wind Palm ay isang prodigy, ngunit namatay rin dahil sa skill na ito.

"Zhao Feng, ano ba ang pagsuko ng isang skill upang maging disipulo ng unang Elder?"

Sa mga sandaling ito, ang matandang si Zhang mula sa Clan Mission Division ay hindi mapigilang dumalo at balaan siya. Siya pa rin naman ang guro ni Zhao Feng.

"Isuko ang Lightning Wind Palm?"

Puno ng pag kadisidido ang mga mata ni Zhao Feng.

Hindi kailanman nagsisi si Zhao Feng sa pagpili ng skill na ito. Lagi niyang ginagamit ang kanyang kaliwang mata upang tignan kung may pagkakamali ba ito at itulak sa pinakamababa ang kapahamakan nito.

Minsan niya ng sinuri na ang Lightning Wind Palm ay padaskol na ginawa, na tila hindi pa lubos na perpekto ng lumikha. Gayunpaman, hindi lamang sinasanay ni Zhao Feng ang skill na ito, pinagbubuti at pineperpekto niya ito.

"Mukhang hindi mo talaga gusto! Sobrang katulad mo si Chen'er noon, at parehas kayo ng ekspresyon at sinabi noon… kung hindi ko siya kuhaning disipulo, ay magsisisi ako!" Magulo ang tingin ng unang Elder kay Zhao Feng na tila ibang tao siya.

"Elder! Ipinapangako ko rin ang sinabi niya noon. Ang hindi niya natapos ay ako ang tatapos."

Dumaluyong ang kumpyansang makikita kay Zhao Feng.

"Mayabang!"

"Kasinungalingan!"

Sa sandaling nasabi niya ang bagay na ito, nagsimulang sumigaw ang mga taong malapit sa kanila. Maging ang kilay ng dalawang Elders ay tumaas.

Ang iba ay nag-aalala na si Zhao Feng ay kagagalitan ng unang Elder ngunit hindi man lamang siya nag-aalala.

Dahil sa sandaling iyon, siya ang naging perpektong kapalit ng pinaka alagang disipulo ng unang Elder.

"May mga bagay na mayroon ka na iba sa kanya." Sinuri ng unang Elder si Zhao Feng at tumawa.

Huminto ang tibok ng puso ni Zhao Feng. Maati bang nakikita ng unang Elder na ginagamit niya ang emosyon nito?

"Kapareho mo siya, kumpyansa na masasabing mayabang na. May isa lamang kaibahan, kalmado ka."

Tumitig muna ang unang Elder kay Zhao Feng bago nagsalita.

Kalmado.

Ito ang pangunahing pagbabago kay Zhao Feng simula nang napunta sa kanya ang misteryosong kaliwang mata. Kahit ano pa ang kanyang makamtan, hindi siya nawawalan ng kontrol. Ang yabang na ipinakita niya kanina ay upang makamit niya ang kanyang layunin.

Tumitig si Zhao Feng sa unang Elder at ito ay may magulong emosyon habang nahihirapan siyang magdesisyon.

Matapos ang mahabang panahon, huminga siya: "Dahil ayaw mo namang isuko ang Lightning Wind Palm, kukuhanin lamang kita bilang Outer disciple. Kung ayaw mo, maari mong kuhanin ang ibang Elder bilang iyong mentor o palitan ang iyong hiling. Nagawa ko na ang lahat nang makakaya ko."

Lahat nang makakaya ko.

Naintindihan ni Zhao Feng ang nararamdaman ng unang Elder. Ang kanyang paboritong disipulo ay namatay dahil sa pag aaral ng Lightning Wind Palm at nangako siya na hindi na siya muling kukuha ng disipulo

Gayunpaman, nangako siya na kay Zhao Feng ng kahilingan at ang kahilingan nito ay katangap-tangap naman.

Kung sa gayon, sinabi niya kay Zhao Feng na kung isusuko niya ang Lightning Palm Technique, kukunin niya si Zhao Feng bilang disipulo. Paano niya magugustuhan na makita ang parehong sitwasyon ay muling mangyayari?

Ngunit ang problema ay masyadong magkatulad si Zhao Feng sa nakaraan nitong disipulo. Matapos niyang mahirapang magisip nang matagal, ang maipapangako lamang ng unang Elder ay kuhanin si Zhao Feng bilang Outer disciple.

Malaki ang kaibahan ng outer disciple at core disciple. Ang outer disciple ay master-disciple sa titulo at kahit na magkaroon ng mabigat na kasalanan ang disipulo, hindi maapektuhan ang master.

…..

"Binabati ng Disipulo ang Master."

Walang pag-aalinlangan na yumuko si Zhao Feng ngunit pinigilan siya ng unang Elder: "Tanging mga core disciples lamang ang kailangan na maging sobrang magalang."

Ayaw ng unang Elder na magbigay ng masyadong emosyon kay Zhao Feng, dahil ito ay nagsasanay ng Lightning Wind Palm na parang bomba.

Bahagyang ngumiti si Zhao Feng at mayroon lamang siyang isang dahilang kung bakit niya gustong maging master ang unang Elder - mayroon itong malakas na background.

Sa kanyang pananaw, ang outer disciple ng unang Elder ay mas mabuti akhsa sa core disciple ni Elder Xue.

Una, ang unang Elder ay mayroong mataas na awtoridad at hindi aiya kumukuha nang maraming disipulo. Isa pa, marami ang hindi nagtatangka na galawin ang kanyang mga outer disciple. Ikalawa, ang unang Elder ay mapagkakatiwalaan. Kahit na outer disciple lamang si Zhao Feng po-protektahan niya pa rin ito.

Matapos maging disipulo ng Elder, naramdaman ni Zhao Feng ang mga inggit na tingin ng mga kalapit na disipulo.

Kahit na siya ay outer disciple lamang ng 1st Elder, ito ay pinag selosan pa rin ng iba. Ang Elder ay hindi kumukuha nang maraming disipulo at si Zhao Feng lamang ang disipulo maliban kay Yang Gan.

Isa pa, ang awtoridad ng unang Elder ay higit na mas mataas kumpara sa ibang Elders at ang Clan Master ay nirerespeto siya.

"Hindi ako makapaniwalang nagtagumpay ang batang 'to…"

Bahagyang natigilan si Hai Yun Master habang nakataas ang kanyang kilay at naramdaman niya na mas lalong humirap ang sitwasyon. Ang posisyon ng unang Elder ay kakaiba at kahit na outer disciple lamang si Zhao Feng, ang pakikitungo dito ay hindi magiging mas masama sa core disciples ng ibang disipulo ng mga Elders.

Sa sandaling ito, kalmado na ang puso ni Zhao Feng. Nakamit niya na ang ikalawang layunin na ginawa ni Lord Guanjun.

1. Maging inner disciple

2. Maghanap ng malakas na background.

Ang kanyang 'background' ay hindi lamang malakas, ito ay makikita sa mga mata nina Yuan Zhi at Quan Chen.

….

Sa mga sumunod na araw, ang Broken Moon Clan ay naghanap sa libo-libong milya sa palibot ng Xing family upang hanapin ang Blood Corpse Protector, ngunit wala ito. Ito ay malubhang napinsala kaya hindi dapat ito maaring maka takbo ng ilang daang milya. Ngunit wala ni isa ang nakakakita sa anino niyo, kahit na maging ang mga Elders ay naghanap.

Ang Broken Moon Clan ay hindi alam na si Zhao Feng ay mayroong 50-60% na tsansa na mahanap ang bakas ng corpse.

Ngunit sa kasamaang palad, ang layunin ni Zhao Feng ay nakamit niya na lahat… Matagal-tagal rin siyang naging matunog at ito na ang oras upang manahimik siya upang trabahuhin naman ang kanyang cultivation.