Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 125 - Nakakabaliw na Hamon

Chapter 125 - Nakakabaliw na Hamon

Thousand Leaf Pond?

Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Zhao Feng nang marinig ito.

Kamakailan lang ng nakapasok siya sa Clan at kaunti pa lamang ang nalalaman niyang impormasyon tungkol sa mga misteryosong lugar nito gaya ng Floating Crest Palace, Thousand Leaf Ponf at Hollow Building.

Ang Floating Crest Palace ay ang pundasyon ng Clan at ang pinakamisteryosong lugar doon. Kahit ang mga Elders at Sect Master ay maaaring hindi rin nalalaman ang mga sikreto nito.

Para naman sa Thousan Leaf Pond, hindi ito katulad ng Hollow Building at ng Floating Crest Palace, pero isa pa rin itong magandang lugar. Ang lugar na iyon ay isang regalo ng kalikasan at hindi nagtagal, ang mga eksperto ng Clan ay nagtungo at naglagay ng isang Energy Gathering Array na ngayon ay isang libong daang tan na, kung kaya ang ang tubig ng batis na ito ay may espesyal na mga epekto.

Kung makakapasok si Zhao Feng sa Thousand Leaf Pond, higit itong makabubuti para sa kanyang Silver Wall Technique.

"Vice Head Zhang, mula sa mga narinig ko tanging mga inner disciples lamang ang pinapayagang makapunta sa Thousand Leaf Pond…." Pagtatanong ni Zhao Feng.

"Hahaha, ang Thousand Leaf Pond ay isang napakahalagang lugar para sa clan. Kahi ang mga inner disciples ay hindi magagamit ito kung kailan lamang nila gusto, pero bilang Vice Head ng Clan Mission Division, ako rin ang namamahala sa dakong iyon. Kung may napakahusay ng talento mo pagdating sa arrays, halimbawa na lang, naunawaan mo ang mga librong iniabot ko sa'yo sa loob ng pitong araw, isa itong paraan para makapasok ka sa Thousand Lead Pond." Paliwanag ni Tandang Zhang habang nakangiti.

Agad itong naunawaan ni Zhao Feng. Ayon sa mga patakaran, ang isang outer disciple na gaya niya ay hindi pwedeng makapasok sa Thousan Leaf Pond, tanging kakaunting bilang lamang ng mga tao ang nabibigyan ng ganitong pagtrato. Pero dahil ang Vice Head ay si Tandang Zhang, pwede niyang mapapasok si Zhao Feng.

Kung gayon, kailangan talagang magpakitang gilas ni Zhao Feng pagdating sa paggawa ng kahanayan o array setting para mapatunayang karapat-dapat siyang makapasok.

Nang maiwan niya na si Tandang Zhang, ang pitong libro na kinabisado niya ay lumitaw sa kanyang isip.

Ang mga librong ito ay mula sa pinakamadali tungo sa pinakamahirap. Mula sa pito, Beginner's Array ang pinakamadali, hindi mo kailangan nang masyadong pang-unawa. Kailangan mo lamang itong kabisaduhin, at natuto ka na ng halos 70-80%.

Nang makabalik na si Zhao Feng sa kanyang sarilig tinutuluyan, una niya munang pinag-aralan ang Beginner's Array.

Sumunod ang 49 Arrays for Beginners, na siyang nagbibigay sa mambabasa ng panimulang mga kaalaman tungkol sa kahanayan o arrays.

"Kung ibang tao ito, kailangan nila nang halos dalawa hanggang tatlong taon para maintindihan ang mga ito. Kahit ang isang henyo ay nangangailangan ng ilang mga buwan."

Mula sa ikalawang libro pataas, nararamdaman na ni Zhao Feng na lalong humihirap.

Mula sa isang perspektibo, pinapahirapan siya ni Tandang Zhan dahil sa pitong libro na ito!

Isa itong imposibleng gawain para sa isang normal na henyo, pero sinubukan pa rin ni Zhao Feng na intindihin itong lahat.

Ang ikalawang libro, 49 Arrays for Beginners, ay hindi rin ganoon kahirap, matatapos niya agad ito ngayong gabi. Pero habang sinusubukang kumuha ng kaliwanagan dito, may napagtanto si Zhao Feng.

Ang Illusion Fish Picture ay may pagkakatulad sa mga nilalaman ng mga librong ito, na para bang iisa lang ang kanilang pinanggagalingan. Nangangahulugan na kung susubukan niyang unawain ang Illusion Fish Picture at ang mga Array books nang sabay, mas magiging mabilis ang lahat.

Makikita ang ligalig mula sa mga mata ni Zhao Feng, para bang gusto niyang lunukin ang lahat sa isang higop lang.

Pero isang balita noong tanghaling iyon ang nakapagpatigil sa kanya.

"Substitute inner disciple Zhao Feng, ang substitute inner disciple na nasa ikalabing-anim na puwesto na si Xiao Sun ay hinihiling na makalaban ka sa loob ng tatlong araw."

Ang pirasong ito ng balita ay nagmula sa Outer Hall Division.

Challenger: Xiao Sun, ranked 16th.

Challenged: Zhao Feng, ranked 13th

"Talagang hinahamon ako ng Xiao Sun na ito?"

Itinapon lamang ni Zhao Feng ang sulat na iyon sa tabi at hindi ito isinapuso. Pero hindi nagtagal, dumating si Prinsesa Yun Mengxiang.

"Mag-ingat ka kay Xiao Sun! Napakahusay niya pagdating sa skill ng kanilang pamilya na Blazing Sun Sword Technique, isang simpleng bersyon ng Middle Class Mortal Skill ng Broken Moon Clan, mula sa 'Blazing Sun Manual'. Matapos makapasok sa Clan, gumamit siya nang kay raming primal crystal stones at nakakuha ng kumpletong kopya ng Blazing Sun Manual gamit ang kanyang mga koneksyon. Nang makuha niya ito, ang kanyang cultivation ay tumaas nang eksponensyal. At dahil nasa half-step Ascended Realm na ang kanyang cultivation, may abilidad na siyang hamunin ang top ten." Taimtim na sabi ni Yun Mengxiang.

Middle Class Mortal Skill?

Nang marinig ito, kahit si Zhao Feng ay bahagyang nagulat.

Ang mortal skills ay mga Holy martial arts sa mortal na mundo na nahahati sa low, middle, high, peak at ang pagkakaiba ng bawat isang antas ay napakalayo, ang diperensya ay katulad ng sa putik hanggang sa mga ulap.

Ang mga Peak Class Mortal Skills ang nagpasikat sa Broken Moon Clan, ang kapangyarihan nito ay hindi matatawaran.

Kung tatanungin ang lakas ng isang Middle Class Mortal Skill, ang katumbas nito ay ang "Rippling Technique" ni Bei Moi.

Noong magkalaban sila sa Guanjun Palace, natako ni Bei Moi si Nan Gongfan, Yang Qingshan, Zhao Feng at iba pa sa pamamagitan lamang ng iisang atake. Sa pagkakataong iyon, sina Yang Qingshan, Nan Gongfan at Zhao Feng ay lahat natuto na ng Holy martial arts at kahit may pagkakaiba ang kanilang mga cultivation, hindi ito ganoon kalaki.

Matapos pasukin ang Clan, nagsimulang mapagtanto ni Zhao Feng na ang Rippling Technique ni Bei Moi ay isang Middle Class Mortal Skill.

At ngayon, ang kalaban ni Zhao Feng ay mayroon Middle Class Mortal Skill at nakaabot na rin ng half-step Ascended Realm!

"Ang Middle Class Mortal Skils ay sobrang hirap matutunan lalo na sa isang mas mababa sa Ascended Realm, kung kaya gaano kataas ang natutunan ni Xiao Sun sa Blazing Sun Manual?"

Isang daloy ng kumpiyansa ang makikita sa mukha ni Zhao Feng.

Pwera lamang kung kasing galing ni Xiao Sun si Bei Moi, hindi siya makakaabot sa mataas na antas.

Nang makita ang reaksyon ni Zhao Feng, bahagyang nagulat lamang si Yun Mengxiang sapagkat nakilala niya na rin kung ano ang ugali ni Zhao Feng sa mga nagdaang araw.

"Mayroon pa palang isang bagay." Wika ni Yun Mengxiang nang may bahagyang pag-aalangan.

"Magsalita ka." Agad na sabi ni Zhao Feng.

"Ganito kasi iyon… Ang sitwasyon ng dalawa mong kaibigan ay hindi ganoon kaganda… Alam mo ba ito?" Maingat na sabi ni Yun Mengxiang.

"Nan Gongfan and Yang Qingshan? Ano ba ang nangyari!?"

Nagbago agad ang ekspresyon ng mukha ni Zhao Feng.

…..

Hindi nagtagal, dumating na sila Zhao Feng at Yun Mengxiang sa tinutuluyan ng mga outer disciples.

Minsan ring tumira si Zhao Feng sa lugar na ito noong siya pa ay isang normal na outer disciple.

Pumunta muna si Zhao Feng sa silid ni Yang Qingshan at kumatok. Nang magbukas ang pinto, ang nakita niya ay isang payat na lalaki.

Napatigil muna si Yang Qingshan nang makita si Zhao Feng at nang may sasabihin na ito, biglang napadura ito ng dugo.

"Kapatid kong si Yang!"

Agad na binigyan ni Zhao Feng si Yang Qingshan ng isang 'Blood Pill' na natanggap niya mula sa Grass-Wood Division.

Matapos inumin ang pill, nagsimula nang bumuti ang kalagayan ni Yang Qingshan.

At mamaya-maya, pumunta na si Nan Gongfan na mula sa kabilang pinto. Sa halip na magkaroon ng mga sugat sa loob ng katawan, puro pisikal na malulubhang galos at sugat ang kanyang natamo.

Matapos ang kakaunting pagtatanong, nalaman ni Zhao Feng na ang dalawa ay pinagtulungan ng iilang substitute inner disciples kasama si Hou Yuan bilang kanilang pinuno.

"Ang mga bastardong ito ay nagpunta lamang at sinadyang gumawa ng gulo para sa amin nang wala silang magawa…" Dumilim ang mukha ni Nan Gongfan.

Hindi nagtagal, naunawaan na rin ni Zhao Feng kung ano ang nangyari.

Nang matalo niya si Ji Fengyun noong araw na iyon at naipakita ang kanyang lakas, nagkaroon na nang maayos na buhay ang dalawa pero hindi nga lang ito nagtagal.

Apat o kaya limang araw ang nakararaan, si Hou Yuan kasama ang magkapatid na Hong, na nasa puwestong ikawalo at ikasiyam, ay nagsimulang gumawa ng gulo para sa kanila.

Sa loob lamang ng ilang araw, wala ng kakayahan para magcultivate o magtrabaho si Nan Gongfan at Yang Qingshan.

Minsan lamang magpakita si Hou Yuan, ang magkapatid talaga na Hong ang kadalasang umaatake.

Ang magkapatid na Hong ay kambal at ang isa ay tinatawag na Hong San at ang isa naman ay is Hong Si.

Ang pares ng kambal na ito ay mataas ang talento at matagal na silang nasa puwesto ng ikawalo at ikasiyam.

"Bakit hindi niyo agad ako sinabihan?" Pinigilan ni Zhao Feng ang kanyang galit.

Ang mga mukha nila Nan Gongfan at Yang Qingshan ay puno ng hiya at pagkapakla.

"Natatakot kami na maabala ka at naisip naming kaya naman siguro namin."

Yumuko si Nan Gongfan at ayaw niyang tignan sa mata si Zhao Feng.

"Mukhang kailangan kong humanap ng paraan na mas magtatagal."

Tumayo na si Zhao Feng nang may lamig sa kanyang mga mata.

Ang mga mukha ni Nan Gongfan at Yang Qingshan ay biglaang nagbago: "Kinakapatid naming si Zhao, huwag kang padalos-dalos! Hinamon ni Hou Yuan ang nasa ikatlong puwesto noong nakaraan at nanalo siya."

Ikatlong puwesto!

Ito ang top tier ng outer disciples, kalahating yapak na lamang ito mula sa pagiging isang inner disciple.

Pagkabalisa ang masisilay sa mukha ni Yun Mengxiang nang subukan niyang pigilan si Zhao Feng na gawin ang bagay na ito.

"Kumalma ka, iyan naman talaga ang layunin ko."

Punong-puno ng kumpiyansa ang boses ni Zhao Feng.

Napagtanto ni Yun Mengxiang na ang kanyang mga mata ay punong-puno ng lamig at kalma, walang kahit anong bakas ng pagpapadalos-dalos.

Dagdag pa rito, hindi pa nakikita ni Yun Mengxiang si Zhao Feng na kumilos nang patumpik-tumpik, lahat ng ginagawa niya ay sumasailalim sa kanyang kontrol.

Teng!

Pumusyaw ang anyo ni Zhao Feng habang patungo siya sa iisang direksyon.

"Kapatid kong si Zhao! Saan ka pupunta?"

Ang tatlo sa kanyang likod ay tinatawag siya habang sinusundan siya.

"Sa Outer Hall Division." Ang boses ni Zhao Feng ay punong-puno ng lamig at intensyong makapatay.

Hindi nagtagal, dumating si Zhao Feng sa Outer Hall Division.

Ang Outer Hall Division ang namamahala sa lahat ng mga outer disciples at kung paano sila tinatrato.

"Hapon na, bakit ka pa naririto?" Isang matandang lalaki na nasa Ascended Realm ang nagtanong at itinaas ang kanyang mga kilay.

"Hahamunin ko ang isang substitute inner disciple." Wika ni Zhao Feng.

"Pangalan mo."

Ang tingin ng matandang lalaki, na nasa Ascended Realm, ay nabaling kay Zhao Feng.

"Hinahamon ko ang nasa ikasiyam na puwesto… Hong Si!"

"Hinahamon ko ang nasa ikawalong puwesto… Hong San!"

"Hinahamon ko ang nasa ikatlong puwesto… Hou Yuan!"

Isang boses na puno ng intensyong makapatay at lamig ang umalingawngaw sa Hall.

Ano!?

Umikot ang mga mata ng lalaki habang bumulalas: "Walang patakaran ang nagsasabing pwede mo silang hamuning lahat."

Ganoon rin, ang mga mukha nina Yun Mengxiang, Nan Gongfan at Yang Qingshan ay biglang nagbago nang marinig ito.

Napakabaliw ng gawaing ito.

"Kapatid na Zhao!"

Sa ilalim ng kanilang mga hiyaw ng pagkagulat, napagtanto nilang walang kahit anong bakas sa mukha ni Zhao Feng nang pagkawala ng mga emosyon.

Ikagugulat ng lahat kung napagdesisyunan ng isang tao na hamunin ang ikasiyam, ikawalo at ikatlo nang isahan.

"Hindi! Wala ito sa mga patakaran." Umiling pa rin ang matandang lalaki sa Ascended Realm.

Hindi pa rin umalis si Zhao Feng sa kanyang puwesto.

Gusto niyang hamunin ang tatlo nang sabay-sabay dahil tipid ito sa oras. Pero kung hindi ito posible, ang dapat niyang gawin ay labanan sila nang paisa-isa.

Nang malapit na siyang sumuko.

"Payagan niyo na siya!"

Isang arogante at malamig na boses ang umalingawngaw sa Hall na tila ba isang diyos.