Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 119 - Pagtatag ng Kapangyarihan (2)

Chapter 119 - Pagtatag ng Kapangyarihan (2)

Windmill Water Divisible Palm!

Ipinapakita na ni Ji Fengyun ngayon ang kanyang kaibahan bilang nasa ikalabintatlong antas sa lahat ng outer disciples. Sa kanyang mapangwasak na palad, naramdaman ni Zhao Feng na humaharap siya sa isang bagyo.

One Line Star Finger! Tornado Stance!

Binuhos ni Zhao Feng ang kanyang buong lakas sa Star Finger at Tornado Stance. Kasabay nito, wala rin siyang tinirang lakas para sa Silver Wall Technique.

Isang marahas na liwanag ang sumagupa sa hangin.

Peww!

Ang palad at daliri ay nagtagpo sa gitna ng hangin at pumulupot sila sa isa't-isa, ngunit ang pagsabog ay hindi nangyari gaya nang inaasahan.

Ang tagpong iyon ay kalmado ngunit nakakatakot.

Matapos ang ilang sandali, isang pagsabog ang nangyari na gumawa ng pagitan sa entablado.

Boom!

Si Zhao Feng ay na-itulak pabalik at ang kanyang mukha ay naging kulay puti, ngunit mabilis niyang naibalik ang kanyang kulay. Ang pagpapalit na ito ay halos magpasuka sa kanya ng dugo.

Hindi niya inaasahan na ang Low Class Mortal skill ay mayroong ganoong klaseng lakas sa kamay ng half-step Ascended Realm.

Huminga nang malalim si Zhao Feng, kahit na manalo siya ngayon, ito ay walang dudang magiging mahirap na laban.

Hanggang ngayon, pareho silang dumanas nang kaunting galos. Ang Windmill Explosion at Windmill Water Divisible Palm ay parehong makapangyarihan.

Windmill Water Divisible Palm!

Umatake si Ji Fengyun habang nasa kanya pa ang lamang. Ang atake niyang iyo ay maaring gamitin nang tuloy-tuloy.

Partial Wind Stance! star Finger!

Nagbago ang ang istilo ni Zhao Feng dahil ang kanyang mga atake ay naging mas matalim at mabangis.

Ang Partial Wind Stance ay ang ikatlong stance sa apat na Wind Stances at ang forte nito ay opensa.

Noong nakaraan, ang Star Finger ni Zhao Feng ay umabot na sa ikapitong lebel at ang kanyang Partial Wind Stance ay hindi pa lubusang maayos, ngunit nagawa niya pa ring matalo si Chen Feng.

Ngayon na pareho niya na itong lubusang na-aral, nagbigay sa kanya ito nang kakayahang harapin ang half-step Ascended Realm.

Tok! Tok! Tok…

Ang mga matalim na atake ni Zhao Feng ay tila kutsilyo na sumagupo sa Windmill Water Divisible Palm.

Shua!

Matapos magsama ang Partial Wind Stance at Star Finger, ang atake ay kaya nang labanan ang Windmill Water Divisible Palm ni Ji Fengyun.

Nagulat si Zhai Feng at binigay niya pa lalo ang kanyang lakas. Kahit na mas matagal buhayin ang Windmill Water Divisible Plan, mas nagtagal ito sa Star Finger. Idagdag pa na mas mataas ang cultivation ni Ji Fengyun, ang pagkakaiba ng dalawa ay tumaas.

Tok! Tok! Tok…!

Ang atake ni Zhao Feng ay maaring tumagos sa Windmill Water Divisible Plan ngunit hindi nito kayang tuluyang talunin ito. Ang atakeng ito ay naglalaman nang inner strength ni Ji Fengyun, na nasa half step Ascended Realm. Maaring sabihin na ang opensa ni Zhao Feng ay tila isang pana, ang peak damage nito ay mataas. Ang atake naman ni Ji Fengyun ay tila isang chainsaw, tuloy-tuloy at makapangyarihan.

Patuloy na ginagamit ni Zhao Feng ang Flowing Wind Stance, Partial Wind Stance at Star Finger upang makipag palitan ng atake kay Ju Fengyun, ngunit ang kaya lamang niyang gawin ay hindi matalo.

Sa kabilang banda.

Malamig na pawis ang nagsimulang lumitaw sa noo ni Ji Fengyun. Ang Windmill Water Divisible Palm ay ang kanyang makapatay na atake at ang tanging makahaharang sa Star Finger ni Zhao Feng.

Hindi naman sa wala na siyang ibang malakas na offensive skills, wala lamang dito ang sumasabog at kayang harangan ang Star Finger.

Tanging ang Windmill Water Divisible Palm lamang ang maaring dumipensa at umatake habang walang ipinapakitang pagkakamali.

Habang pinapanood ang dalawa, ang lahat ng mga nanonood ay nagulat.

Kahit sino pa ang manalo, ang labanan ay humigit na sa kanilang inaasahan. Ang ipinakita ni Zhao Feng ay gumulat sa mga outer disciples.

Sina Wang Yang at Xia Yundong ay nagka tinginan at nakita nila sa kanilang mga mata na hindi sila parehong makapaniwala. Kahit sino sa kanilang dalawa ang lumaban kay Zhao Feng ay matatalo.

Ang pagsasama ni Zhao Feng sa Partial Wind Stance at Star Finger ay maaring makapasok sa sampung pinaka malakas na opensa.

Sa sitwasyong iyo, mukhang tabla ang laban. Ang makapag di-desisyon lamang nang mananalo ay kung sino ang mas tatagal.

"Ang mga atake ay naglalabas nang malakas na enerhiya, ngunit si Ji Fengyun ang mananalo sapagkat siya ay half-step Ascended Realm." Pag-analisa ni Wang Yang.

Nag diskusyon ang mga nanonood, ngunit karamihan sa kanila ay naisip na si Ji Fengyun ang mananalo.

"Paano naging masinsin ang inner strength ng taong ito?"

Sa entablado, gulat si Ji Fengyun. Walang ibang kabataan na nasa ikawalong antas ng Consolidated Realm ang maaring patuloy na gamutin ang atakeng ito.

Ang Returning Breath Trchnique ni Zhao Feng ang dahilan upang dumoble ang kanyang inner strength. Higit pa doon, ang kanyang Silver Wall Technique ay nagbigay sa kanya nang higit na lakas.

Ayon sa pagsusuri sa kaliwang mata ni Zhao Feng, mayroong 50% na tsansa na manalo siya kung mailalabas niya ito. Mula dito, makikita kung gaano kalakas si Ji Fengyun.

Kung hinamon niya ang ibang nasa mas mababang antas gaya ni Xia Yundong, madali siyang mananalo. Ngunit ang kaibahan sa pagitan ng ikadalawampu at ikalabingtatlo ay sobrang laki.

Hindi gusto ni Zhao Feng na harapin ang 50-50 na tsansa.

Habang nakikipaglaban, ang mga mata niya ay sinuri sina Yang Qingshan at Nan Gongfan. Ang dalawa ay nagulat ang kanilang mga puso ay na natigil sa kanilang lalamunan. Maliban sa gulat at pagka bigla, mayroon din silang nararamdamang pagkasala.

Bilang mga kapatid niya, minaliit nila ang kakayahan ni Zhao Feng. At habang tinitignan ang lakas ni Zhao Feng ngayon, maari niyang hamunin ang substitute inner disciple.

"Anong klaseng halimaw si Zhao Feng…? Paano siya nagkaroon nang kasindak-sindak na kapangyarihan sa labanan?"

Huminga nang malamig si Princess Yun Mengxiang. Napag tanto niya na ang talento ni Zhao Feng sa pakikipag laban ay hindi ms mahina sa kanyang talento sa pill making.

Ang dalawa ay mapait ang mukha sa entablado. Sumigaw si Ji Fengyun sa kanyang puso, kahit na manalo siya, napahiya na siya. At paano kung, paano lamang kung, maging tabla sila? Wala na siyang mukhang maihaharap sa kahit sino.

Dahan-dahang bumukas ang kaliwang mata ni Zhao Feng at sinuri ang kanilang sitwasyon.

"Minsan ang malakas na opensa ay hindi nangangahulugan ng tagumpay. Iba't-ibang istilo nang pakikipag laban ay may tulong rin sa kung sino ang mananalo."

Mukhang nakakuha si Zhao Feng ng ilang kabatiran.

Sa oras na ito, ang manipis na patong ng azure ay lumitaw sa kaliwang mata ni Zhao Feng.

"Tapusin na natin ito!"

Tumalon si Zhao Feng sa hangin at binagk ang kanyang atake.

Mysterious Wind Palm! Tornado Stance!

Mula sa palad ni Zhao Feng, isang manipis na bolang azure ang nagsimulang lumapot.

Ang kanyang galaw ay mukhang mabagal, ngunit sa katotohanan ay sobrang bilis nito. Mukhang maging ang langit ay tinutulungan siya na palaputin ito.

Shooooo~

Noong inulos ni Zhao Feng ang kanyang palad , ang kalapit na hangjn ay nagsimulang magulong gumulpi na parang ang galaw nito ay makakapinsala ng lahat nang nasa daan nito.

"Ang galaw na iyon…" Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Deacon Qiu.

Ang Mysterious Wind Palm ni Zhao Feng ay nagmula sa babae sa canyon noong araw na iyon at natutunan niya na agad ang skill na ito at naipagsama sa Tornado Stance.

Bakit hindi sa Partial Wind Stance sinama? Napag desisyunan ni Zhao Feng na isama ito sa Tornado Stance davil ang dalawang skill na ito ay sobrang magkatulad ang istilo.

At saka, ang pasasama ng dalawang skills na ito ay mas nagpatagal sa kapangyarihan nito, na tumapat sa pamatay na atake ni Ji Fengyun.

Windmill Water Divisibile Palm!

Mysterious Wind Palm! Tornado Stance!

Ang dalawang magkatulad na palad ay nag sagupaan.

Sa isang iglap, ang purong itim na bato sa kanilang mga paa ay nadurog at hinangin. Sa ilalim nang itim na usok, ang dalawang palad ay pumulupot.

Sa una ay bahagyang nagulat ang Mysterious Wind Palm ni Zhao Feng. Ngunit sa paglipas ng oras, naging mas malakas ito.

"Anong klaseng kakaibang atake iyan…?"

Kapansin-pansin ang pagbabago ng ekspresyon ni Ji Fengyun, naramdaman niya na tila nahulog siya sa puyo ng tubig at hindi siya maka takas.

Shoom!

Tumalon ang puso ni Ji Fengyun kasabay nang pagkarinig niya sa kaniyang nasisirang defense inner strength barrier. Sa sumunod na iglap, ang kanyang Windmill Water Divisible Palm ay nasira at ang sakit ay dumaloy sa kanyang katawan na nagsimula sa kanyang braso.

"Ahhhhhhh!"

Sumigaw si Ji Fenhyun kasabay nang pagtalsik pabalik ng kanyang katawan.

Lumingon ang mga tao at nakita nila ang daan-daang sugat sa katawan ni Ji Fengyun.

Mayroon ding mga sampung sugat sa mukha ni Ji Fengyun, mukhang nawala sa ayos ang kanyang mukha!

Kasindak-sindak na atake!

Ang mga outer disciple ay malamig ang hininga. Isa pa, ang atakeng ito ay hindi lubhang puminsala kay Ji Fengyun, ang mga malalim na hiwa sa kanya ay nagdulot upang manlamig ang mga tao..

"Ang atakeng iyon ay mukhang ang Heavenly Wind God Technique ng Clan…" saad ni Deacon Qiu sa kanyang sarili.

Sa entablado, nagharap ang dalawa.

Bagamat natalo si Ji Fengyun sa nakaraang palitan ng atake, hindi siya lubhang nasaktan.

Mysterious Wind Palm! Tornado Stance!

Huminga nang malalim si Zhao Feng kasabay nang pag liwanag nang asul sa liwanag sa kanyang palad. Ang matalim na singaw mula dito ay nagdulot upang manlamig ang mga nanonood.

"Suko na ako!"

Malamig na suminok si Ji Fengyun, ang mga galos niya sa kanyang katawan ay pumintig na tila nagpapa alala kung gaano kalakas ang atakeng iyon.

Kung mas malakas pa ng kaunti si Zhao Feng, ang kanyang buong katawan ay maaring nagka pira-piraso na.

Sumuko na!

Ang puso ng mga nanonood ay nagulat, ngunit hindi na sila nagulat sa desisyon ni Ji Fengyun. Sa pagtingin pa lamang sa mukha nito at sa daan-daang galos nito ay nagdulot na nang takot sa iba.

"Si Zhao Feng ang nanalo sa labang ito! Si Zhao Feng ang bagong substitute inner disciple, kapalit ng talunan…" Ang striktong boses ni Deacon Qiu ay nangibabaw.

Sa oras na ito, ang mga outer disciple ay nakabawi na mula sa pagka gulat.

Tumayo si Zhao Feng sa taas ng entablado at malamig na sinuri ang mga nanonood.

Ah!

Sobrang natakot si Chen Feng maging ang ilang mga disipulo n nagdahilan upang manlambot ang kanilang mga hita.

Ang dahilan kung bakit hinamon ni Zhao Feng si Ji Fengyun ay upang maitatag ang kanyang kapangayarihan at magkaroon ng autoridad dito.

Mula sa kasalukuyang sitwasyon, mukhang ang epekto nito ay mas mabuti pa sa kanyang inaasahan. Ang mga outer disciple ay nakatingin sa kanya nang mayroong pag-iingat at pangamba.

Ang madugong, halos mawasak na si Ji Fengyun ay ang buhay na halimbawa.